CHAPTER 13

1648 Words
“W-WHY? What are you doing here?” Animo’y nawalan pa ako ng lakas, kaya’t natumba ako sa aking pagkakatayo. “Akala niya ay ikaw si Rav.” Natatawa bang boses ng mommy na aking narinig. “Good morning,” bati iyon ni Rav. Hindi naman siya ganiyan kalambot sa akin, siguro ay dahil narito siya sa bahay ko at wala siya sa teritoryo niya. “G-good morning—why are you here?” Mabilis kong tanong sa kaniya. “Fem, hindi ka dapat ganiyan sa mga bisita natin. Dito muna si Rav ng isang linggo, mabuti nga at pumayag siya na magbakasyon sa atin.” Kinuha ni Rav ang juice na dala ko at tinignan ko siyang inumin iyon. Kitang-kita ko ang kaniyang maliit na ngisi at naniningkit na mata kung tignan ako. Lumingon ako kay mommy at daddy, “Hindi niyo naman sinabi sa akin agad,” wika ko. “Mukhang ayaw po ni Fem na narito ako, pasensiya na po kayo.” Tumayo si Rav at doon ko napagtanto kung paano siya mas lalong lumaki. Kahit ang muscles niya ay matigas at kitang-kita ko ang balikat nitong…yummy. “Ay! Nako, huwag mong pansinin iyang si Fem. Kaka-date mo ‘yan sa mga taga ibang lahi. Ni-hindi ka nga mapuntahan dito,” ani pa ng mommy sa akin. Paano naman ako mapupuntahan ng mga iyon, kung lahat ng mga sinasabi kong boy friend ko ay nasa libro? “Nasa kwarto ang boy friend ko,” mahina kong sagot na batid kong hindi narinig ng buo ng mommy. “Nasa kwarto raw po ang boy friend niya.” Biglang sabi ni Rav. “He’s what?!” Malakas na tanong ng daddy, tila parang gusto niyang marinig kung tama ba ang pagkakarinig nito sa sinabi ni Rav. “I-I was joking!” Pagmamaktol ko. “Nasaan ang kwarto niya, Tita?” Nawalan ako ng boses, nang itanong iyon ni Rav sa mommy ko. “U-upstairs—saglit lang, Simo! D’yos ko! Ikaw, Fem, kukunin ko ‘yang cell phone mo!” Ngayon ko lamang nakitang nagalit ang mommy ko sa akin ng ganoon. Iyong hindi ba siya makapagsalita sa sobrang galit sa akin. “Ma! Promise, wala! Daddy, Rav!” Sunod ko sa kanilang tatlo. Kada hakbang ni Rav paakyat ng hagdanan ay parehas lang sila ni daddy na mapapatay ang taong nasa kwarto ko, kung totoo man. Padabog na binuklat ng daddy ang kwarto ko’t pumasok naman doon si Rav. Halos kita ko pa ang paggalaw ng kaniyang panga’t nagmamasid sa kabuuan ng kwarto ko. “Doon ako sa banyo, Rav. Pa-check ang cabinets at ilalim ng kama.” Tumango naman si Rav sa utos ng daddy sa kaniya. Masasayang lang ang oras sa paghahanap nila kung wala naman talaga! Niloloko ko lang naman, e! hindi naman kasi tao iyong boy friend na sinasabi ko! kitang-kita ko ang cell phone ko sa ibabang ng aking kama, hindi nila alam na naroon ang boy friend ko na aking binabasa sa isang book app. “Nasaan siya, Fem? Magsabi ka sa akin, kung ayaw mong hindi na mahawakan ang phone mo.” Kinagat ko ang aking labi, dahil hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila na wala talaga akong boy friend, dahil sasabihin naman nila na nagsisinungaling ako. “N-nasa phone ko po,” sagot ko. “Anong nasa phone mo?” “Ang boy friend ko po ay nasa phone, Mommy!” Medyo lumakas na ang pagkakasabi ko no’n kaya’t agad parang nahimasmasan naman ang nanay ko. Tumigil din ang daddy sa paghahanap mula sa banyo, kahit si Rav ay napahinto sa paghawi ng kumot ng aking kama. “Ipaliwanag mo nga ng maayos, Fem. Ang sabi mo ay nasa kwarto mo ang boy friend mo!” Kunot na ang noo ng mommy. Ilang hakbang lamang ni daddy ay nasa harapan ko na siya. “Hindi niyo kasi ako pinapatapos,” inis kong sambit. “Aba’y, Femkeah! Hindi ka pwedeng mag-boy friend kung ganiyan ka!” Ang mommy muli. Lumapit si Rav sa amin at hinawakan naman ang braso ni mommy, “Fem, hiwalayan mo na ang boy friend mo na ‘yan. You’re too young to have boy friends,” sabat niya pa. “Tama, anak.” Tango-tango ng daddy. “Kung hindi ka makikipag-break sa kaniya ay pupuntahan ko ‘yan sa kung saan pang bansa ‘yan.” Tila nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Rav. Hindi niya mapupuntahan ‘yan sa ibang bansa, dahil isa lang siyang libro! Nakakainis naman! Gusto ko na tuloy kausapin ngayon si Lucia at sabihin sa kaniya ang lahat ng mga nangyayari ngayon dito. Sa madaling salita, kinuha nga ng mommy ang cell phone ko. Hindi ko tuloy ma-contact ang kaibigan ko at hindi ko rin mabasa ang story ng boy friend ko! nakakainis, pero narito naman ngayon si Rav. Alam kong siya ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito, pero hindi ko naman magawang magalit sa kaniya. “Where’s Mommy?” Tanong ko kay Rav, nang makababa ako sa kwarto. Hawak-hawak ko pa ang dingding at siya naman itong kitang-kita kong nakain ng biscuit at nakaupo lang. “Umalis sila ng Daddy mo. Ako muna ang pinabantay sa ‘yo.” “Pinilit ka ba ng Ninang Jen na pumunta rito?” Hindi naman talaga siya pupunta rito, kung hindi siya siguro pinilit ng mommy niya. Mahirap kasi siyang pakiusapan, at lalong hindi mo pwedeng gawin ang desisyon mo para sa kaniya. May sarili siyang salita sa buhay niya at iyon lang ang susundin niya. Naiisip ko kung paano kapag nag-asawa siya? Mabait kaya siya sa mga asawa niya? Sa akin lang naman siya talaga masama, hindi ba? Sa ibang babae ay ang sweet niya. “Mukha bang gusto kong pumunta rito? Kita mong wala akong magawa sa bahay niyo.” Hindi nga siya masaya, napilitan nga lang siya. Lumapit ako bahagya sa pwesto niya at kunyari’y kumuha ng tubig. Ayoko naman na ma-bored siya rito, tulad nang nangyari sa akin sa Santa Polera. “G-gusto mo… mang-chixs? Maraming magagandang babae rito sa Manila.” Kumunot lang ang noo niya sa akin at tumabingi ang ulo nito kung tignan ako. “I did not come here to find a woman, kid. Loyal akong tao.” Turo niya pa sa sarili niya. Hindi ko alam kung bakit nanlaki ang butas ng ilong ko sa aking narinig sa kaniya. Hindi lang talaga ako makapaniwala. Tila para akong na pause, nang saka lang mag-sink in sa ulo ko ang sinabi niya. Loyal siya? Ibig sabihin ay may girl friend siya? “M-may girl friend ka?” Mukhang hindi naman niya nagustuhan na nagtatanong ako sa kaniya. Tinarayan niya ako na animo’y ayaw niya nang marinig na magtanong pa ako sa kaniya. Ang sungit naman! “A-akyat na ako—” Tila hindi ko iyon natuloy, nang marinig ko ang isang pamilyar na ring. May ni-set akong ringtone para sa mga kaibigan ko, para alam ko kung sila ang natawag sa akin. Napagtanto kong nasa mesa iyon sa tapat ni Rav at hindi nga ako nagkakamali na akin nga iyon! Si Lucia ang natawag sa akin! “C-can I answer that?” Turo ko sa phone ko. Pinagmasdan niya iyon, at nang mapansin na babae ang pangalan n’yon at tumungo siya. Kinuha niya ang phone at akmang kukunin ko na iyon sa kamay niya nang ilayo niya iyon. “Sagutin mo ‘yan dito sa tabi ko. Hindi mo pwedeng gamitin ‘yang phone na ‘yan sa labas at kapag hindi mo ako kasama.” Inutusan din ba siya ni daddy, kaya ginagawa niya ito sa akin? “Opo, Kuya!” Ganti ko sa kaniya na kinainis niya. Ayaw na ayaw niya pa naman na tinatawag siyang kuya. Okay lang na mainis siya, dahil nainis din ako sa kaniya na may girl friend na pala siya! Hindi ko na talaga makukuha ang atensyon niya at ngayon ay ang tingin niya pa rin sa akin ay bata. In-answer ko ang video call ni Lucia, nang unang bumungad sa akin ang mukha ni Lucia. Nakangiti siya sa akin at may pinakita sa screen. “Charan! Kapag pwede na ako umuwi r’yan ay papasuot ko sa ‘yo ‘to! Sigurado akong mavi-virgin-an ka kaagad kahit wala ka pang eighteen!” Agad kong inilayo iyon malapit kay Rav, dahil kitang-kita ko ang galit sa mga mata nito. “Kaibigan mo?” Mariin niyang tanong sa akin. Hindi man pagalit, pero may diin naman niyang tanong. “O-opo…” sagot ko. “Sino ang kausap mo? Anyways! Ay! Epal!” Si Lucia na nawala sa screen. “Hi, Fem! Na miss mo na ba ako?” Lumiwanag ang mukha ko matapos kong makita si Light. “Light! Syempre! Nami-miss kita—” Hindi ko pa nga natatapos ang sasabihin ko kay Light ay wala na sa kamay ko ang telepono ko. “You’re Light? Pangit ng pangalan, huwag mo nang tatawagan si Femkeah, naiintindihan mo?” Tila inaabot ko ‘yon kay Rav, pero dahil matangkad siya ay para lang akong timang na tumatalon. “Sino ka?” Rinig kong boses ni Light, pero nanaig ang tinig ni Lucia sa screen. “Oh, my gosh! It’s Rav! Iyong mahal na mahal ni Femkeah! Siya si Rav, Light! Oh, my gosh!” Sa sobrang lakas ng boses ni Lucia ay wala na akong maisip para mabitawan lang ni Rav ang telepono ko’t kinurot ko ang bewang niya. “Aray!” Malakas niyang sigaw at naging successful naman ang plano ko, dahil nakuha ko ang telepono ko’t mabilis iyong pinatay. Hawak-hawak niya ang bewang nito at asar na asar ang mukha niya sa akin. Ngayon ay alam kong batid niyang narinig niya ang lahat nang sinabi ni Lucia. Hindi ko na alam ang gagawin ko! magco-confess na ba ako sa kaniya?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD