CHAPTER 12

2484 Words
BOY FRIENDS "WHERE ARE YOU GOING?" Napalingon ako kay mommy at agad na lumapit sa kaniya. "Good morning, Mommy." Saka ko hinalikan ang pisngi nito. "Mukhang may alis ka? Hindi ba at dapat mong ipaalam muna sa akin kung saan ka pupunta?" Napakamot na lamang ako sa aking ulo. "I was about to tell you, po, Mommy. Nahihiya lang po ako." "Why? Saan ka naman pupunta ng five in the morning?" Sasagot na sana ako sa tanong ng mommy, nang tumunog na ang telepono ko. "It's Lucia." Turo ko sa aking telepono, saka ko iyon sinagot. "Where the hell are you? Ang usapan natin ay five tayo magkikita, Fem!" Naka-loud speaker iyon, kaya't rinig na rinig iyon ni mommy. "Hello? You still want to be fit or what?" sunod niya pang tanong. Naghugis bilog ang labi ng mommy at ngumiti sa akin. "Mag-jogging kayo?" Tumango naman ako kay mommy bilang sagot, "Oh, my gosh! Gising ka na, Tita Reah? Hi!" Si Lucia iyon. "Mag-iingat kayo sa pag-jogging, Lucia, ha! Dalhin mo ang phone mo, Fem." Humalik ako sa pisngi ng mommy at kumaway na lamang sa kaniya. "Ikaw na lang po ang magsabi kay Daddy, Ma." Ibinalik ko ang telepono ko sa aking tainga at doon muling kinausap si Lucia. "Papunta na ako, Lucia. Hintayin mo na lang ako, ah!" Binaba ko ang telepono't nagsimula na lamang na mag-jog. Malapit lang naman dito ang meet up namin ni Lucia. Isa iyong malaking field na malapit sa village namin. Nasa kabilang village lang din naman si Lucia. Ang creepy pala tumakbo mag-isa kapag medyo madilim pa ang daanan. All though, may mga sasakyan na rin na naalis. Of course, kailangan nila pumasok sa works nila, but still giving me chills, lalo't wala naman akong nakikitang tao sa labas. Ipinasok ko sa aking tainga ang air-pods ko, saka nagpatugtog para naman ma-inspired ako. Candy... She's sweet like candy in my veins... Sinasabayan ko ang kantang iyon na halos naka-repeat sa aking playlist. Sadyang ito lang talaga ang pinaka-trip kong kanta na naririnig. I feel inspired, at pakiramdam ko'y dagdag sa pagiging matured roles ko. Eme! Matured roles ang peg! "Sa wakas! You're here!" Nakapamewang na Lucia sa harap ko. She's wearing her Nike sport shoes at isang drift short-shorts at pink top na pang jogging talaga. Ako naman ay leggings na itim na may printed logo sa gilid at black fitted shirt. Nagsuot din ako ng half hat, dahil alam kong sisikat ang araw mamaya. Halos tatakbo pa lang kami ni Lucia, nang makaramdam kami ng patak ng ulan. "The heck?!" Mabilis kaming nagtago sa isang gilid at pinagpag ang damit namin, kahit na tubig lang ang pumatak sa amin. "You're wearing half hat for the sun, or for the rain?" Nang aasar na tanong sa akin ni Lucia. "Both." "Ayaw ata ng panahon ang gagawin natin, Fem." Mas lalong lumakas ngayon ang ulan, kaya't wala kaming nagawa kung hindi ang patilain na lamang iyon. Hindi ko akalain na sa isang oras na pag-uusap namin ni Lucia ay mas lalong lumawak ang pagiging magkaibigan naming dalawa. "I really wanted to get married—like, you know? Ganitong edad.” Hindi ko naman siya pinigilan sa gusto niyang mangyari, kahit pa alam kong Malabo naman iyon. “I don't think our family is engaging in things like that.,” bigkas ko. “Arranged marriage?” “Yup!” Sagot ko sa kaniyang tanong. “Siguro—dahil kami, hindi. Nasa politics si Daddy, ikaw naman ay businessman ang Daddy at Mommy mo. May pag-asa ka sa mga ganiyang case, kapag luging-lugi na ang company niyo.” Ngumuso ako sa aking narinig sa kaniya. Hindi dahil sa maari akong mapakasal kapag lugi na ang company, iyon ay dahil ang side ni Rav ay nasa politics. Kinalabit ako ni Lucia, nang ituro niya ang may dalang payong na kaniyang pinsan na si Light. Siguro ay mga kasing edad lang ito ni Rav, pero minsan lang ito mapunta rito. “Nakauwi na siya galing abroad?” Takang tanong ko kay Lucia at siya naman itong umirap sa akin na animo’y isang masamang balita nga ang narinig sa akin. “Hindi pa ba halata? He’s here, hindi ako makaharot.” Galit niya pang sabi sa akin at tinarayan naman ako. “Kuya Light!” Sigaw ko sa pinsan niya. Kunot ang noo nito na makita kami, kaya’t nang makarating siya sa amin ay isang batok sa kokote ni Lucia ang ginawa nito. “Aray! Masa-ouch, ha?!” Si Lucia. “I did not come back to pick your ass, lady!” Sanay na ako sa kanilang dalawa. Hindi naman siya talaga tunay na pinsan ni Lucia, pero dahil kinupkop na ng tito niya si Light ay naging pinsan niya ito. Ngunit hindi sila magkadugo, sadyang lumaki lang silang close. Habang ako? wala akong pinsan na ka-close. “Hindi ko naman kasi sinabi sa ‘yo na sunduin mo ako! nag-text ako kay Daddy na pasundo ako sa bodyguards ko! Hindi sa ‘yo!” Tumaas lamang ang kilay ko’t nag-iwas lamang ng tingin, dahil alam ko naman na mahaba-haba pa ang away nilang dalawa. Si Light ay kaparehas lang ni Rav, pero mas mabait naman ito nang kaunti. Minsan nga ay naiisip kong bagay sila ni Lucia, pero kapag naiisip ko na magiging boy friend mo ang pinsan mo? Hindi ba at parang nakakadiri naman? Well, sabi ni Kisha, iyong classmate namin. Ang ate raw niya na nasa ibang bansa ay boy friend daw nu’n ang pinsan nilang kadugo. Kapag naalala ko iyon ay kinikilabutan ako. “Bilisan mo na nga lang!” Kamot pa ni Light sa kaniyang pisngi at lumipat naman ang tingin sa akin. “Ang laki mo na, Fem. How are you?” Ngiting tanong nito. “Mas malawak pa sa dagat ang ngiti mo, ‘tol, ah?” Silip na mukha ni Lucia sa kaniyang pinsan at hinampas naman ang mukha nito na animo’y parang may lamok sa ilong nito. Isang mura lamang ang narinig ko kay Light at hinarap na ako ni Lucia. “’Wag kang magpapauto r’yan kay Light. Pangalan lang niya ay may liwanag, pero madilim ang pagkatao n’yan.” “Huwag mo na akong siraan sa kaibigan mo. Iyong pangalan mo nga dapat ay Loca, hindi Lucia.” “Manahimik ka!” Hinayaan ko na lamang silang magtalo kaya’t pinagtuunan ko na lamang pansin ang butil ng ulan na natulo sa yero na nagbibigay ng silong sa amin. Inilabas ko ang aking palad at sinalo ang kaunting tulo sa palad ko. Naulan kaya ngayon sa Santa Polera? Gising na kaya si Rav ngayon? Ano kaya ang ginagawa niya? Nakauwi na ako ngayon sa bahay, nang ihatid na ako ni Lucia at Light. Isa lang talaga ang masasabi ko sa byahe namin. Sana pala ay nagpasundo na lang din ako sa kay mommy, para hindi na nabutas ang eardrums ko. “I’m sorry, Fem.” Umiling naman ako kay Lucia at agad na natawa. Hindi naman iyon kasalanan na hindi natuloy ang jogging namin, pero nanghihingi pa rin siya ng sorry sa akin. Maybe, dahil alam niya kung paano ko inaasahan ang pagiging matured ko? “Want mo ba mag-gym na lang tayo?” Hindi pa ako nakakasagot sa tanong niya na iyon, ay may sumagot na agad. “No, Lucia, you are not leaving this house for an entire month.” Ang pagkunot ng noo ni Lucia ay nag-iba. Mabilis niyang pinatay ang telepono, nang hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Naghintay ako sa tawag ng kaibigan ko, nang trenta minutos at agad ko naman iyong sinagot. Namumugto ang mata niya’t animo’y hindi masaya ang ibabalita sa akin. Ramdam ko naman iyon, dahil kitang-kita ko sa mga mata niya. “What happened?” Mabilis kong tanong, pero agad naman itong humikbi. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin, gayoong wala naman ako sa tabi niya. “It’s his stupid agenda again, Fem. May nakita raw silang sniper kay Daddy kanina. Kaya lahat kami rito ay lockdown, nag-iisip sila ngayon kung paano kami aalis dito, nang hindi nasabog ang sasakyan!” Agad akong natakot sa kaibigan ko, nangyari na ito noon sa kanila, pero mabuti na lang at walang nasaktan sa kanila. Tumatakbong Senator ngayon ang daddy ni Lucia, ngunit ang sinabi niya sa akin ay kahit ilang pang pwesto ang bakante sa pagiging Senator, maraming tao na kalaban. Lalo na ngayon na malalakas ang mga kampo ng kalaban ng daddy niya. “I hate it, Fem! Bakit pa kasi kailangan sumama ni Daddy sa mga political alliance na sinusuka na ng bansang ‘to?!” Actually, wala akong maintindihan sa mga sinasabi ni Lucia. Hindi naman ako maalam sa mga ganitong politics. “Iyong tatakbong Vice President ng bansa natin ay sangkot sa isang drugs! Huwag mo ‘yun ipagkakalat, ha? Sumapi ang Daddy sa kanila, dahil may pina-plano ata sila. Natatakot ako, Fem.” Doon ko na-realize, may mga taong natakbo na hindi para sa taong bayan, kung hindi pera ng taong bayan. Bakit kailangan pa nila gawin iyon? Ganoon din kaya ang daddy ni Rav? Pero nakita ko naman kung paano iyon tumulong sa mga tao, para iboto siya. Nagising ako kinabukasan, nang makatanggap ako ng chat mula kay Lucia. Isang masamang balita iyon para sa akin. Nabaril daw ang mommy niya, pero ginawang issue iyon para mas lumakas ang pangalan ng daddy niya. Ako ang natatakot para kay Lucia. “Kailangan bang may mamatay sa amin, para sa pwestong gusto niya? Fem, ayoko na rito… gusto ko na umalis. Gusto ko na sumama kay Light papuntang ibang bansa! Natatakot ako…” Sa ilang linggo na pag-uusap namin ay nalaman kong naghiwalay na ang mommy at daddy ni Lucia. Na-stress si Lucia ng todo at hindi rin siya napasok sa school. Lagi kong pinagmamasdan ang desk niya at lagi rin akong natatanong ng mga classmates ko. Hanggang sa nabalitaan ko na lamang na lumipad na si Lucia papuntang Switzerland—kasama ang pinsan niya. “I’m sorry, Fem. Hindi ko nasabi sa ‘yo agad, hindi kasi ako pwedeng gumamit ng phone o kahit anong device. Baka kasi ma-locate ako.” Naiintindihan ko naman iyon kaya sinabi ko na lamang sa kaniya na mag-iingat siya. Without Lucia, pakiramdam ko ay hindi ako sanay na pumasok sa school. Parang may kulang sa akin at ako rin itong naii-stress. “Anak, intindihin mo na lang si Lucia. Kailangan niya iyon, dahil baka mapano siya rito sa Pilipinas,” ani ng mommy sa akin. “Gusto mo ba mag-aral sa ibang bansa?” Ang daddy naman ang nagtanong n’yon sa akin. Umiling naman ako kay daddy at nagpaalam na rin sa kanila na pupunta na ako sa kwarto ko. Isang hakbang ko pa lamang sa hagdan ay narinig ko na ang boses ni mommy. “Maybe we can transfer her, Simo. Iisang kaibigan lang ang mayroon si Fem, at alam ko ang pakiramdam na ganoon.” “Ayan din ang nasa isip ko.” Sagot naman ng daddy kay mommy. “Hindi naman pwedeng sa ibang bansa, dahil narito ang trabaho mo at trabaho ko. Sino ang magbabantay sa kaniya roon? She isn't old enough to live freely.” Kinagat ko lamang ang labi ko, pakiramdam ko ay nang dahil sa akin kaya nahihirapan ngayon ang parents ko. Ilang buwan pa ang nakalipas ay parang hindi na ako normal. Marunog na ako magsinungaling sa magulang ko at ayoko naman sila pag-alalahanin. “Hindi ka ba talaga sasama ngayon sa Samar? Graduation ngayon ni Rav, at palagay ko ay hinihintay ka ngayon ng Ninang Jen mo.” Mabilis naman akong umiling kay mommy. “May video call date po kasi kami ni Patrick, Ma.” “Anak, iyan lagi ang sinasabi mo sa tuwing niyayaya ka namin ng Daddy mo umalis at gumala. Lagi mo na lang idinadahilan na mag-video call date kayo ng boy friend mo.” Umiwas lang ako kay mommy at hindi na sumagot pa. Isang paghinga niya lamang ng malalim ay sumangayon na rin ito sa gusto ko. Wala naman talagang Patrick at wala rin akong boy friend. Iyong Patrick na sinasabi ko ay isang fictional character lamang na binabasa ko sa librong kinakaadikan ko ngayon. Sa tuwing tinatanong ako ng mommy at daddy kung sino nga ba si Patrick ay lagi kong isinasagot na kasing edad ko lamang ito at nasa ibang bansa… Hindi naman ako pinipilit ng mommy at daddy na alamin kung sino ba iyon talaga at hinayaan lang ako. Narinig ko pa nga ang usapan nila na hayaan na lamang ako at wala naman dito sa Pinas ang lalaki, dahil kung narito lang daw iyon at hindi nagpakita kay daddy, baka sinapak niya na raw iyon. Halos binuhos ko lamang ang atensyon ko sa pagbabasa ng mga nobela at nang matapos ko ang story ni Patrick ay may binasa naman akong isa. Ito naman ngayon ang bago kong boy friend, si Light. Kapangalan lang ng pinsan ni Lucia. Natatawa ako at parang kaparehas lamang ng pinsan ni Lucia ang binabasa ko. Nagising ako kinabukasan nang makaramdam ako ng gutom. Tanghali na nang makita ko si Mommy na may dalang tray at may juice iyon. “Ang aga niyo pala umuwi, Mommy?” Humalik ako sa pisngi niya at agad na tinulungan siya sa paghahawak ng tray. Laging natambay ang mommy sa side ng pool, kaya alam kong doon siya patungo. “Oo, anak.” Halik niya rin sa ulo ko. Nauna siyang maglakad sa akin at sumunod na lamang ako. Nang makarating na kami sa sliding door na bukas ay namataan ko kaagad ang daddy na nakaupo. Hindi naman sila nagdadala ng bisita rito, kaya’t alam kong si daddy iyon. Nakatalikod ito sa akin at suot-suot ang sando na puti na lagi kong nakikita sa kaniya na suot. “Good morning, Dad.” Halik ko pa sa ulo nito, ngunit hindi ito sumagot sa akin. May mali rin sa pabango niya pero naisip ko nab aka nagbago lang siya ng trip. “Fem, gusto mo bang samahan si—” Hindi iyon natuloy ni mommy, nang sumagot ako agad at humarap sa kaniya. “Ma, tatawag kasi sa akin si Light mamayang hapon, kaya hindi ako makakasama kay Daddy.” “Light? Hindi na si Patrick? D’yos ko ka, Fem! Huwag mong sabihin na taga ibang bansa rin iyan?” Hindi na ako sa sumagot at tanging pagtango ko na lamang ang ginawa ko. Sumulpot ang daddy sa likod ni Mommy nang naka itim na shirt at humihikab pa. “Umagang-umaga, nasigaw ka r’yan.” Ang daddy. “D-daddy?” Agad kong siyang tinuro at mabilis naman na lumingon sa likod ko. Halos parang aatakihin ako sa puso, nang makita ko ang mukha ni Rav na nakatingin lamang sa akin at nakataas ang kilay nito. Ano ang ginagawa nito sa bahay ko?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD