CHANGE TO NOTICE
"MAG-IINGAT ka sa Manila, okay?" Hawak sa akin ni Ninang Jen. "Opo naman, Ninang..."
Lumingon na ako sa aking mommy na ngayon ay sinundo na ako. "Salamat sa pag-alaga mo sa anak ko, Jen. Kung gusto mo ay pwedeng doon naman si Rav sa amin for like a week!" Agad akong umiling kay mommy sa gusto nitong gawin.
That is not a great idea!
"A month! Kung gusto niya!" habol pa ng mommy na mas lalo kong ikinailing. "Ma, hindi pwede... he's busy," mahina kong bulong kay mommy, pero hindi naman niya ako pinansin.
"Ayos iyon sa akin, Reah!"
"I wish I could, but I can't, Tita." Si Rav na ngayon ay naibaba na ang ilang bags ko, kahit nu'ng dumating naman ako rito ay wala naman ako mas'yadong dala. Ngayon na uuwi ako ay malaking bag na ang dala ko.
Kinuha niya pa iyon sa kwarto. Well, he insist, naman. Hindi na rin naman ako nagsalita pa, kaya hinayaan ko na lamang siya. Baka gusto niya lang na magpakitang gilas kay mommy at sa mommy niya na mabait siya.
Baka nakakalimutan niya na gwapo lang siya, ano! Hindi siya mabait!
"Marami na po kasi kaming ginagawa ngayon." Tumango na lamang ang mommy sa kaniya at hindi na tumutol pa sa desisyon nito. "Oo nga pala, huwag kayong mawawala sa graduation ni Rav, next year, ha?!"
Bumalik ang tingin ng Ninang Jen sa akin na animo'y nanghihingi pa ng assurance na pupunta nga talaga kami.
"Syempre naman! Hindi naman kami nawawala sa mga malalaki niyong okasyon. Lalo na ngayon na makaka-graduate na si Rav!" Masayang bati ng mommy ngayon at hinalikan naman sa pisngi si Rav. Ew! Ano ba 'yung nakita ko! naunahan pa ako ng mommy!
“Mag-iingat kayo, ha!” Ulit muli ng ninang sa amin, nang makalabas na kami ng Fuego Mansion. “Paalam po, Ninong Renaldo.” Lumapit ako sa kaniya at nag-hug na rin. Nakakatuwa lamang na sinuklian niya rin ako ng yakap nito.
Ganoon din ang ginawa ko kay ninang at kay manang.
Tumaas ang tingin ko sa kasunod ni manang at nakatayo lamang doon si Rav na parang naghihintay din na nayakapin ko siya. “Bye, Rav.” Gusto ko sana siyang yakapin, pero nahihiya ako.
Alam ko naman na ayaw niya iyon, kaya itinaas ko na lamang ang paa para maabot ang pisngi niya, para dampian iyon, ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang sa leeg lang niya umabot ang halik ko.
Kita ko ang panlalaki ng kaniyang mga mata sa ginawa ko. Kahit ako ay ganoon din ang panlalaki ng mga mata ko.
Holy!
Baka mag-apoy ito sa galit ngayon! “S-sorry!” Muli kong paalam sa kaniya at kahit sila ay nakatingin din sa amin. Bumaling ang mata ng ninang kay Rav at bumalik naman sa akin, nang halos ilang ulit!
Parang ako na ata ang nahihilo sa kaniya sa kakabaling ng mata niya at ang hilaw niyang ngiti na para bang nang aasar.
“Paalam po!” Mabilis akong pumasok sa kotse, para lang hindi ko na makita ang mukha nilang parang mga aso na nakangiti sa amin. Dahan-dahan kong nilingon si Rav—nakaiwas siya ng tingin at animo’y may inayos sa kaniyang short.
Nainis iyon sa akin, malamang!
Pumasok na ang mommy sa loob ng sasakyan at ang daddy na siyang nakakatuwa, dahil kasama rin siya sa pagsundo sa akin.
“Anak? Are you okay?” Tanong ng daddy sa akin na nakasilip sa isang maliit na salamin sa haraan. “Y-yeah! Opo, naman!” Sinikap kong hindi mag-utal-utal para lang maramdaman nilang hindi ako kabado at nababahala sa ginawa ko kanina.
“Lumaki na ang anak ni Jennie.” Ang daddy, habang ako ay pinapanood lamang ang nalalagpasan naming puno at bahay. “Ang gwapo niya, hindi ba?”
“Opo.” Hindi ko namalayan na ako ang sumagot sa tanong ng mommy, kaya’t mabilis akong napatingin sa kanila sa harapan.
Nakangiti pa ang mommy na nakasilip sa akin at ang daddy naman ay busy sa pagda-drive. “Gwapo naman po talaga si Rav,” sunod ko pang muli.
Bakit naman ako magsisinungaling sa kanila, kung kitang-kita naman sa mukha ni Rav ang proweba.
“Do you have a crush on Rav, Fem?” Isang iling ko lamang kay mommy ay nasundan na iyon nang mas marami pang pag-iling. Nababahala ako sa mga nakakaloko niyang ngiti sa akin. “Daddy, ang mommy!” Sumbong ko.
“Reah,” ani ng daddy.
“What?!” Kunot noo na bawi ng mommy, kaya’t parang naging puppet ang daddy at hindi na umangal pa.
Sa totoo n’yan ay takot ang daddy kay mommy. Ang sinasabi niya sa akin ay hindi raw basta babae lang ang mommy ko. She’s a monster, iyon ang description ng daddy kay mommy.
May natatandaan pa ako na sinabi niya noon sa akin na ang mommy raw ay ang kaniyang demonyo na nagbibihis lamang ng isang suot ng anghel.
You’re my demon, dressing like an angel.
“Daddy, are you really scared of Mommy?” Ngunit walang sagot ang daddy sa akin. “Sumagot ka, Barllowe! Tinatanong ka ng anak mo!”
“Y-yes.” Mahinang sagot ng daddy.
“Hindi ka naririnig ng anak mo,” ani ng mommy.
“Yes!” Malakas na ngayon na sigaw ng daddy. Humalakhak ako sa parte na nakita kong masaya rin ang mommy. “Happy wife, happy life.” Rinig kong wika ng daddy kaya’t binatukan lang siya ng mommy.
Sumilip na ako sa bintana at ngayon ay matapos ang isang mahahabang puno na nakahelera ay agad sumilay sa akin ang araw at bumungad naman ang dagat.
Tipid na ngiti lang ang aking naibigay, dahil hindi man lang ako nakapag-swimming! Nakakainis, pero pagbalik ko rito ay talagang lalangoy na ako sa dagat.
I need a swimming lesson, para naman hindi ako malunod at matakot na lumangoy, kahit malalim.
“What’s your pasalubong?” Nae-excited na tanong ni Lucia sa akin at nakalahad pa ang kaniyang kamay, na animo’y naghihintay na may ilapag ako roon na para sa kaniya. “Don’t tell me—na wala?”
“Wala nga…”
Inayos ko ang aking bag at inilagay iyon sa upuan ko. “Ang duga! Ako nga ay may bigay ako sa ‘yo na keychains and—this!” Inilabas niya ang isang paper bags at doon bumungad sa akin ang mga tshirts at hats.
“Tapos ikaw, wala?” Nguso niya pa.
“E, wala naman akong makukuhang—” hindi ko iyon natapos, nang napagtanto ko kung ano talaga ang gusto niya talagang makuha sa akin.
“Joke! Mayroon ako, pero syempre hindi ko alam kung matitripan mo ‘to, ah!” Taas-taas kilay ko pang wika sa kaniya. Siya naman itong parang tinubuan ng turbo sa pwet at naglikot-likot. “C’mon! Ipakita mo na!”
Inilabas ko ang isang papel at agad na may isinulat na pangalan doon. Nang maabot ko iyon sa kaniya ay parang na dismaya iyon.
“Really, Fem? A paper? Punit pa.”
“Basahin mo na!”
Tinarayan niya lang ako at nang basahin niya iyon ay doon parang nanliit ang mata niya. “Miggy Gapuz?” Habang ang mga mata niya’y nanliliit.
“Ito ang pasalubong mo sa akin?” Isang taas ng kaniyang kilay ay dahan-dahan siyang umupo sa kaniyang upuan at hindi pa rin inaalis ang tingin nito sa akin. “He’s kind and caring…” sunod ko pang sabi.
“A total green flag na hinahanap mo.” Pinikit niya ang mata nito na para bang pinipigilan ang kilig. “Shut up, Fem. I really wanted a red flag, pero okay na ito. Let me check, kung totoo ang sinasabi mo.”
“Friend siya ni Rav.”
“Damn! He’s a total hottie!” Muli niyang bigkas, nang ipakita nito sa akin ang mabilis niyang pag-search kay Miggy.
“Miguel Agoncillo Gapuz! Ang pogi! Ang bango niya tignan!” Kilig na kilig na sambit ni Lucia at ipinakita pa sa akin ang isang litrato nito noong birthday ni Kuya Dell. “Wait!”
“Ikaw ito, hindi ba?” Isang silip ko pa ay doon ko natagpuan ang sarili ko na nasa bamboo float na nakaupo, habang ang paa ko’y nakaapak sa tubig—Si Miggy naman ay naka-cross ang braso’t nakapatong sa float, habang ang katawan niya ay nakalubong sa tubig.
“And he’s looking at you… purely.” Mahinang sambit pa niya. “May gusto ito sa ‘yo, Fem.”
“Wala, ah! Hindi naman ganoon si Miggy. Mabait lang siya at sinabi niya sa akin na para lang niya akong kapatid, dahil may kapatid siyang nasa ibang bansa at babae rin.” Nag-roll eyes na lamang ito at tumikhim. “Well, dahil ito naman na ang regalo mo sa akin at pasalubong mo—tatanggapin ko ito. Na-add ko na siya.”
May itinapat siyang telepono sa akin at doon nag-flash iyon sa mukha ko.
“What are you doing, Lucia? Did you take a photo of me?” Hindi niya sinagot ang tanong ko’t may pinindot lamang siya sa kaniyang telepono. “Sent!”
“Ano ang ni-send mo?! Kanino? Wait!” Dahil inilalayo niya ang cell phone nito. “Ayan na! Hi!” Hindi ko alam kung sino ang kausap niya sa phone nito, nang iharap niya sa akin.
“Hi, kiddo!” Boses ni Miggy sa kabilang linya “H-hi…” Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya.
“I’m Luisa Ciana Sy,” Maarte niyang pakilala kay Miggy. “You can call me, Lucia or baby!” Tinawanan lamang siya ni Miggy. “Well, kids. Medyo busy pa si Kuya, kaya—Rav look!” Agad kumabog ang dibdib ko, nang tawagin niya ang pangalan ni Rav.
Nang isinilip niya sa screen ang mukha ni Rav ay kunot na ang noo nito.
“Miggy talaga,” boses ng isang babae, kaya’t parehas kaming dalawa ni Lucia na pinagmasdan lalo ang screen, ang kaso nga lang ay ang gulo kausap ni Miggy. “Ano ba, Migs.” Boses iyon ni Rav, pero hindi siya nakatingin sa screen.
Isang tawa lang ni Miggy ay tumingin na siya muli sa screen. “Is that Rav?” Tanong ni Lucia kaya tumango naman si Miggy at may pinindot ata sa screen niya para lumipat ang camera nito sa likod.
Kita ko si Rav na nakaakbay sa isang babae na malaki ang pwet. May kurba ang katawan at mahaba ang buhok at kulot. Parang halos ata ng babae na trip niya ay ganoon.
Naglalakad si Rav at ang babae papalayo. Nasa school sila at ang gwapo ni Rav sa uniform nila. Parang mga naka-americano ang style ng uniform nila.
“Mamaya ka na lang ulit tumawag, Fem, ha? Bye! Ingat.” Kita ko ang pagsilip ni Rav, nang bigkasin ni Miggy ang pangalan ko, ngunit hindi ko na nakita ang reaksyon niya, nang iharap na nito ang camera sa mukha niya’t kumaway na ito para magpaalam.
Parehas kaming dalawa ni Lucia na parang nakatulala lamang sa nakita namin. “He’s handsome…” Si Lucia.
“May babae siyang kasama,” wika ko naman.
“‘Yung crush mo, playboy.”
“‘Yung crush mo naman ay mabait.” Sagot ko kay Lucia.
“I truly wanted to change so that he would notice me, Lucia. Can you help me?” Baling ko sa aking kaibigan. “W-what? Are you insane? Yes! You do not need to ask, bestie!” Niyakap niya ako na para bang ito ang pinakahinihintay niyang mangyari.
“But it is pretty tough, kasi hindi natin alam, kung matitripan ka talaga ni Rav, or isang annoying kid lang talaga ang tingin niya sa ‘yo.” Sumimangot ako at animo’y nawalan ng pag-asa. “But we will try, okay?” Hinawakan niya ang chin ko.
Tumaas ang dalawang kilay niya, kaya’ t tumungo ako.
“Gusto ni Rav iyong parang matured at iyong… hindi ako? Ibang-iba sa akin, Lucia. Not so me, talaga.”
“Then, magsisimula tayo sa unang step. Step one! Body goals! Kailangan natin palakihin ito.” Turo niya sa dibdib ko. “Palakihin din ito.” Tusok naman ng daliri niya sa pwet ko.
“At syempre! Prepared mo rin ang sarili mo, kasi hindi magiging madali ang mga iyon. Magwo-work out tayo, parehas tayo. Same lang sila ni Miggy myloves ng target ng babae, kaya sasamahan kita.” Kindat pa niya.
“We will start tomorrow!” Sunod pa niya.