JUST A KID IN HIS EYES
"OH! YOU'RE HERE!" Bati agad ni Miggy kay Rav at tinapik ang braso nito. "Akala ko ba, you're with Tito Renaldo?" Sunod pa ni Miggy. Hindi siya pinansin ni Rav, pero ang mga tingin nito ay nasa akin.
Galit...
Galit na galit! Sandali lang? May ginawa ba ako? Wala naman, hindi ba? Wala naman akong kasalanan.
"Fem," tawag sa akin ni Miggy. Nilampasan ni Miggy si Rav, at ako naman itong hindi makadaan sa gilid niya. Natatakot ako! Parang nilalagyan ng bato ang mga paa ko, para hindi makaalis sa kinatatayuan ko.
Lumunok muna ako't hindi agad siya pinansin. Naglakad ako—saka ko siya nilampasan, nang mapatalon ako ng kaunti sa mariing paghawak nito sa braso ko.
Sa tangkad niya'y kailangan ko pang tumingala, ngunit nang dahil sa takot ko ay hanggang leeg lang ang nakikita ko't hindi ko kayang makita ang mga nakakatakot niyang tingin.
"W-what?" Lakas loob kong tanong sa kaniya. Gumalaw ang panga niya' t hinubad ang damit nitong suot. Sandali lamang ay ibinihis niya iyon sa 'kin.
"Your baby bra's showing off, Dimwit!" May gigil ang boses niyang sabihin iyon. Hinubad niya ang kaniyang suot na damit at agad na pinasuot sa akin. Hindi ako umalma o ano man ang ginawa't nakatayo lamang na parang isang tuod sa harap niya.
"Rav!" Sigaw ni Kuya Sato, nang makalapit sa amin. "Wala kang dala na damit ni Fem?" Ngunit hindi siya pinansin nito't inisuot lamang sa akin ang damit niyang plain na itim at tatsulok ang collar.
"T-thank you." Inangat ko ang aking paningin sa kaniya, ngunit nabahiran lamang ng takot ang kabuuan ng dibdib ko. "We're going home."
"Now," sunod niya muli na may diin at animo'y sagad na ang kaniyang pasensiya. "B-but... it's Kuya Dell's birthday." Hindi ba siya mag-stay for his best friend's birthday?
Ano iyon? Sinundo niya lang ako rito, kaya siya pumunta?
"Oo nga naman, Rav." Parehas kaming napalingon ni Rav, nang lumapit na si Kuya Dell sa amin. "Put your shirts on," agad na sabi ni Rav.
"You should greet me first, Pedo." Ang pagtikhim lamang ni Rav ng kaniyang bibig ay siyang nagpatigil sa sarili nito para tignan ako ng masama. "Kumain na muna kayo, huwag mo munang sunduin si Fem—nage-enjoy pa siya rito."
Malalim lang ang paghinga ni Rav na tumungo lamang sa kaniyang kaibigan na si Kuya Dell. Hinawakan na agad ni Kuya Dell ang braso ni Rav para makalayo sa akin, pero isang lingon lamang ni Rav ay napahinto ako sa paglalakad.
“’Wag mo mas’yadong bakuran, Ravemonte. Kingina, halatang-halata ka naman.”
“The f-ck, man!”
Hindi ko na talaga sila maintindihan. Ganito ba talaga ang mga lalaki at parang may sariling mundo? Sila-sila lamang talaga ang nagkakaintindihan magkakaibigan.
Nang makaupo na ako sa pwesto ko kanina, ay inabutan naman ako ngayon ni Miggy ng isang buko juice. “Masarap ‘yan, malamig.” Tinanggap ko iyon, kahit ang kapalit n’yon ay masamang tingin ni Rav.
Saan ba siya talaga galit? Alam kong kumukulo talaga lagi ang dugo niya sa akin, pero bakit? Kailangan ko ba itanong sa sarili ko araw-araw sa tuwing magkasama kami, kung bakit?
Matatanong ko rin ito sa kaniya balang araw.
Mabuti na lang talaga at nakumbinsi ni Kuya Dell at Miggy na mag-swimming si Rav. Kung hindi pa siya tinulak ng dalawang kambal, ay hindi rin naman niya babalakin din talaga na lumangoy.
Ako naman itong natatawang pagmasdan lamang silang magkakaibigan. Wala akong kaibigan na katulad nang mayroon si Rav. Tanging si Lucia lang at nagkakasama lang kami sa school, minsan naman ay kapag gagala lang sa mall ng saglit na oras. Hindi kasi pwede si Lucia na gumala-gala nang walang body guard, o hindi naman kaya ay ayaw lang ng magulang niya.
Mas’yadong mainit pa naman ngayon ang apelido nila Lucia, gawa ng ang kaniyang kapatid ay tatakbo bilang mayor sa syudad.
“You want to swim?” Malakas na tanong ni Miggy sa akin, pero umiling lang ako. “I’m here!” sagot ko naman sa kaniya. Hila-hila pa rin si Rav ng ilan niyang mga kaibigan, nang lumapit na si Miggy sa akin.
“I should really call you kuya, right? Parang hindi maganda pakinggan kung walang kuya?”
“Tawagin mo ring kuya si Rav.. Papayag ako, kung tatawagin mo siya ng may kuya.”
“He doesn’t want that…” Tinignan ko si Rav na itinulak lang ngayon ni Kuya Sato sa kaniyang dinalang bamboo na nalutang. “Then I don’t want, too.” Narinig kong sagot naman ni Miggy sa akin.
“Are you fine with it? You are years older than me,” wika ko pang muli sa kaniya.
“How old are you again?”
“Sixteen.”
Mas lalo naman siyang humalakhak sa hindi ko malaman na dahilan. “May crush ka na ba?” Parang kuya niyang tanong sa akin. Well, wala naman akong kapatid, but it’s good that I do feel like I have one.
“All girls’ kami sa school. I can’t join parties with Lucia, kasi ayaw ni mommy.” Tumango-tango naman siya. “Papayagan niya lang ako, kapag narito lang ako sa Santa Polera. Somehow, I feel free here… maliban na lang kapag kasama ko si Rav.” Mabilis na sumingot ang mukha ko’t marinig ang boses ni Rav, mula sa pagsigaw niya sa mga kaibigan nito.
“Ang tingin niya sa akin ay isang batang babae na kapatid niya, na kaagad niya sa lahat ng bagay.” Nakatingin pa rin ako kay Rav na ngayon ay nawala ang ngiti niya, nang makita akong nakamasid lanng sa kaniya. “Hindi ko naman aagawin ang kung ano man ang mayroon siya. Unang kita ko pa lang sa kaniya, pakiramdam ko ay parang nagkulang ang t***k ng puso ko—hindi ko mapaliwanag.”
“You know, at your age. Ang sabi nila ay sa ganiyang edad ay nakikita mo na kung sino ang makakasama mo sa buong buhay mo.” Tipid akong ngumiti, kahit hindi naman ako nakatingin sa kaniya.
Tila may kung ano sa loob ko ang parang nakita ang kinabukasan ko kasama si…
Oh, no!
Nako! Hindi ito maari! Talagang aabutin talaga ako ng dos por dos ni Rav!
“You okay?” Agad akong nataranta, nang may humawak sa aking braso. “O-oo! Opo!” Mabilis kong bawi sa kaniya. Ano ba itong nararamdaman ko?
May crush ba ako kay Rav?
Pero napakademonyo niya, hindi ba? Bakit kailangan kailangan pa ay sa kaniya ako makaramdam ng ganito! Baka naman kasi dahil siya lang ang kauna-unahan kong nakausap na lalaki na hindi ko kilala!
“May gusto ka kay Rav?” Isang bulong lamang niya no’n ay parang umakyat na ang dugo ko sa ulo. “H-Ha?!” Malakas kong tanong sa kaniya.
Kahit ang pagtalon ko sa kabilang side ay hindi ko akalain na impossible pala!
“Kita ko sa mga mata mo, Fem.”
“Sobrang halata ba?” Hindi ako mapakali. Inilapit ko lalo ang aking mga mata sa kaniya. “Paano mo nakita sa mga mata ko? Oh, no! baka makita niya sa mga mata ko! What will I do?” Natataranta na ako, dahil ayaw kong mahuli niya ako.
Ayaw kong malaman niya!
Ngunit nang matagpuan kong nakatayo na si Rav sa harapan naming dalawa ni Miggy, ay kusang lumayo ang katawan ko sa kaibigan niya.
“Uuwi na tayo?” Tanong ko kay Rav, pero hindi naman ako pinansin. Ang tingin ni Rav ay nakatuon kay Miggy na para bang hindi ko maintindihan. Galit ba siya sa kaibigan niya, dahil sinama ako rito, nang hindi nagsasabi sa kaniya?
“Mag-iingat kayo sa byahe, pre.” Sabay suntok sa braso ni Miggy kay Rav. Nanlaki ang mga mata ko’t agad na hinawakan ang braso naman ni Rav. “Are you okay? Does it hurt? Why did he do that?!” Marami ang tanong ko kay Rav, pero ang pag-awang lamang ng labi nito ang nakita ko.
“Dimwit,” bulong niya’t inalis ang aking kamay sa braso nito. “Kunin mo na ang gamit mo at aalis na tayo.” Sinunod ko na lamang ang utos niya at kinuha na rin ang gamit ko sa loob ng kubo.
Naroon na si Miggy na nakangiti naman sa akin.
“When you turn eighteen, at hindi pa rin umaamin sa ‘yo. Saka na tayo gumawa ng palabas, ha? I’ll help you, kid.” Hindi ko man siya maintindihan ay ngumiti lang ako sa kaniya at tumungo. “Uuwi na kami ni Rav, Miggy. Salamat at dinala mo ako rito…”
“Hayaan mo at bago ka bumalik sa Manila ay dadalhin muna kita sa mall, para naman makita mo.” Inilabas ko ang aking pinky finger sa kaniya.
Tumaas naman ang kilay niya.
“Pinky promise?” Naniningkit ko pang tingin sa kaniya. Umiling lamang siya sa mabuting paraan at inilapit din ang aking daliri nito’t agad iyong nag-knot saka nagtama ang index finger namin sa isa’t-isa.
“Promise,” ani niya.
“Migs, baka mabalian ka ng daliri sa tingin ni Rav,” bulong ni Kuya Dell kay Miggy, kaya lumingon ako ngayon kay Rav na parang walang-wala na sa mood. “Kakaiba ka talaga, Fem! Ikaw lang pala ang magpapawala ng angas ng aports namin!” Natatawang sabi pa ni Kuya Dell sa akin.
“Ilang taon na lang at mag-eighteen ka na. Mag-iingat ka at automatic ‘yan si Rav!” Wala na talaga akong maintindihan sa kanila. May sarili ba silang dictionary? “Gago! Parang kapatid ko na ni Rav ‘yan si Fem, kaya ganiyan ‘yan!” Si Miggy.
Ang init ng katawan ni Rav ay malapit na sa aking likod kaya’t nilingon ko siya ng kaunti. Kinuha niya ang dala-dala kong maliit na bag.
“She’s just a kid in my eyes. Hindi na iyon magbabago kahit thirty-nine na siya…” sagot ni Rav na animo’y kinadurog ng aking puso. Kahit matanda na ako ay hindi niya ako magugustuhan, dahil ang tingin niya lamang talaga sa akin ay isang bata.
Is it because I do not have boy friends? Kapag ako umuwi ng Manila ay talagang iibahin ko ang sarili ko! babalik ako rito sa Santa Polera, nang hindi na bata ang itsura!
Babaguhin ko ang paningin mo sa akin, Ravemonte Fuego.