FALLS & TINY KID CAN’T TAMED
NAKASAKAY ako sa sasakyan ni Miggy at nakatingin lamang sa tanawin ng Santa Polera. "Saan pala kayo pupunta dapat ni Rav?" Ngumiti lang si Miggy, nang itanong ko iyon sa kaniya.
"Falls," sagot niya.
"Falls? As in, may falls dito?" Hindi makapaniwala kong tanong sa kaniya.
"Kaarawan kasi ng kaibigan namin. Hindi ko nga lang alam kung pupunta siya, dahil ang sabi niya ay susunod siya sa campaign nila." Susunod siya?! Hindi man lang niya ako inisip na isama!
Mabilis na kumunot ang noo ko't nagbago na rin ang mood ko.
Palagay ko nga ay nakita na rin iyon ni Miggy, pero hindi na lamang siya kumibo at nagbalak na magsalita pa. "Bakit pala hindi ka sumama sa kanila?" Binaling ko muli sa kaniya ang mukha ko't doon na nagsalita.
"Dapat naman talaga ay kasama ako, pero ang sabi ni Manang ay hindi na raw ako pinagising ni Rav. Siguro ay akala niya'y wala talaga akong dulot sa pamilya niya, o hindi naman kaya ay naiisip niya ako bilang threat!" Hingal na hingal pa akong bigkasin iyon lahat kay Miggy.
Ramdam ko pa ang aking dibdib na animo'y taas-baba ang paggalaw.
"Ow... relax lang muna." Dahan-dahan siyang nagmaneho, dahil kita niya sa mukha ang animo'y hindi pangkaraniwang lakas... eme! "Well... hindi naman ganoon na tao talaga si Rav." Pinagtatanggol niya pa ang kaibigan niya!
Malamang ay pagtatanggol niya 'yan. Kahit naman siguro kung si Lucia rin ang pagsabihan nang ganoon, ay makikialam din ako at magsasalita.
"He's a great man, actually.” Great man niya mukha niya. Umikot lamang ang tingin ko sa kaniya’t nang marinig ang kaunting tawa nito. “Hindi ka naniniwala, ano?” Nagkibit lamang ako ng aking balikat.
“He is, maniwala ka lang sa akin,” ani niya. “You know what? You should trust me, makakatulong din ito sa relasyon niyong dalawa.” Kumunot agad ang noo ko sa aking narinig. Ano ang relasyon na sinasabi niya?!
“Bata pa ako! Para ko na siyang kapatid!” Maybe for the first time in my life, para na akong ganap na buhay na babae. Noon ay sa sobra kong maka-D’yos, ay hindi ko na kayang sumabat ng ganito sa mas nakakatanda sa akin. Siguro binago talaga ng Santa Polera ang buhay ko.
“I’m just a kid!” Sunod ko pa.
“Don’t worry, we know…” Nakarating kami sa isang gilid at sinabi niya sa akin na maglalakad pa kami patungo sa falls. Hindi ko nga alam na may falls pala rito sa Santa Polera, nakakapanibago lang at ngayon lamang ako nakagala nang hindi kasama ang magulang ko o kahit sino mula sa mga Fuego.
“Matagal na kayong magkaibigan ni Rav?” Habang naglalakad kami. Dala-dala niya ang isang palabok nasa likod lamang ng kotse niya. Ang sabi niya ay iyon daw ang ambag niya sa birthday ng kaibigan nito. “Magkaibigan kami noong highschool pa lang,” sagot naman nito.
“Kahit itong kaibigan niyo na pupuntahan natin?” Dahan-dahan naman siyang tumango at agad na rin na sumagot, “Yup!” Kung titignan ay mas maligalig siya kaysa kay Rav. Mas napupuno ng positive vibes, hindi katulad ni Rav na hahanapan ka talaga ng mali sa kahit saang sulok ng pagkatao mo.
Hindi ko alam kung likas na ba ‘yon sa pagkatao ng lalaking iyon, pero it’s fine! Wala naman akong pakialam. Flip hair!
“Kayo lang ba ang mag-best friend ni Rav?” Paiba-iba ang tingin ko. bumabalik sa dinadaanan kong mabato at nabalik naman sa mukha ni Miggy nang nakatingala. “Apat kami, actually. Iyong may birthday ngayon at iyong isa ay nasa Manila.”
“Nagpupunta ka rin ba ng Manila, or dito lang talaga kayo nakatira?” Sa hindi kalayuan ay nakikita ko na ang iilang kubo at motor sa gilid. “Yes, minsan. Kapag kailangan umalis,” sunod niya. Hindi ko alam kung magsasalita pa ba ako o susundan ko pa ang tanong ko sa kaniya.
“We’re here.” Bubuka pa lang ang bibig ko para magtanong muli sa kaniya, nang bumungad na sa akin ang isang falls at tatlong kubo sa gilid nito. “Miguel!” Sigaw ng isang lalaki kaya’t napunta roon ang atensyon naming dalawa.
Lumapit kami sa kanila at doon ko napagtanto na puro lalaki lang sila. Mabilis binalot ang dibdib ko ng kaba, hindi pa ako nagkaroon ng interaction sa mga ganitong lalaki. Binabalot ang dibdib ko nang hindi maipaliwanag na kaba ngayon. Bwesit! Ano ang gagawin ko?
“Relax…” bulong ni Miggy sa akin. “Nandito ako, hindi mo kailangan matakot at mga kaibigan naming sila ni Rav.” Tumaas lamang ang tingin ko sa kaniya’t tumango. May tiwala ako kay Miggy kaysa sa kay Rav, ano!
“Nice one, Migs! ‘Di ko alam na literal na chicks ang mga trip mo.” Humalakhak ang isang lalaki na parang nakitaan ko ng kamukha sa hindi ko matandaan na nakasalamuha ko. “Batang manok talaga ang dinala, pre! PedoMigs!” Asaran ng iba sa kaniya.
“Gago! Babysitter lang ako, baka magalit si Rav sa pinagsasabi niyo.” Tila agad silang natahimik at pinagmasdan ako maigi. Sa ginawa nila ay nagtago ako sa likod ni Miggy. Natatakot ako sa tingin nila na para bang pinagmamasdan lalo ang galaw ko. “Dinala mo siya rito nang wala si Rav?” Tanong ng lalaking isa na nakahubad at tanging beach shorts lang ang suot.
Kita ko rin ang abs niya at Moreno nitong kulay.
Siguro ay magkasing tangkad lamang si Rav at parang pantay ang itsura nila. Magkamag-anak kaya sila?
“Sasamahan ko rin ito sa mall ng kapatid mo mamaya.” Mall ng kapatid niya?! May mall ang kapatid ng lalaking ito na nasa harapan namin? Mayayaman ang mga nakapaligid kay Rav!
“You should ask Rav first, Migs. Kilala mo naman ang isang ‘yon. Sa mga kwento niya, alam natin na hindi lang basta basta ang katabi mo.” Dumaloy ang tingin sa akin ng lalaki. “Dell, kawawa naman ang batang ‘to sa bahay ng mga Fuego.” Pero umiling-iling lamang ang lalaki—bumalik din ang tingin sa akin.
“Isa pa ay hindi pupunta si Rav dito ngayon.” Ang ilang kaibigan niya sa loob ng kubo ay lumabas. “Gago talaga ‘yon! Ang sabi niya ay pupunta siya!” Ang isang lalaki.
“Sumunod daw si Rav sa campaign ng Tito Renaldo, kailangan din nila ng tao at malaking assets si Rav doon. Lalo na sa mga kababaihan.” Lumingon naman sa akin si Migs at hinaplos ang ulo ko na para bang bata. “Umupo ka muna sa kubo, kumain ka muna ng dala ko.” Hindi na ako sumagot at sumunod na lamang ako sa kaniyang likod.
Nang makaupo ako ay nasa harapan ko ang tatlong lalaki. Iisa lang ang nakahubad at iyon ay iyong may kapatid na may ari ng mall.
“Dell Villion, huwag kang matakot sa amin at para mo na kaming mga kuya.” Tiniklop ko kaagad ang aking mga tuhod sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Bakit tila pakiramdam ko ay nahihiya ako makipag-usap pa sa kanila.
“Inverter ka?” Agad tumaas ang tingin ko sa isang lalaki na nagtanong sa akin. Inverter? “Tanga! Controvert ‘yon!” Tila nagtatalong ang dalawang lalaki na nakasando lamang.
“Kahit kailan talaga itong dalawang kambal na ‘to.” Mahinang bulong ni Miggy at nailing-iling pa. “What’s your name?” Tanong sa akin ni Dell, kaya’t doon nabato ang atens’yon ko.
Lumingon pa ako kay Miggs na animo’y para pa akong nanghihingi sa kaniya ng pahintulot kung sasagutin ko ang tanong ni Dell Villion.
“F-Fem…” Tipid kong sagot sa kaniya, nang tumungo naman ito. “This is Saku,” turo niya sa lalaking nagsabi ng Inverter.
“This is Sato.” Sunod niya’t tinuro naman ang katabi nitong nagsabi ng Converter. “Sila ang dalawang kambal na naiwan ang utak sa bahay bata ng nanay nila.” Tinignan ko ang dalawang lalaki na hanggang ngayon ay nagtatalo pa rin.
“Baka!” Si Saku.
“Baka!” sabi naman ni Sato sa kaniyang kakambal.
Halos paulit-ulit niyang batuhan ng salitang iyon sa isa’t-isa. Baka? Hindi ba at animal ‘yon? Tumayo si Miggy, nang akmang tatayo rin ako nang lingunin niya ako. “Kukuha lang ako ng paper plate. Sasandukan kita.” Umalma naman ang dibdib ko sa inakala kong iiwan niya ako.
“Hindi ka ba maliligo, Migs?” Tanong ni Dell Villion sa kaniya.
“I can’t…” Nilingon niya ako na para bang nasa akin ang sagot. Sumunod din ang tingin ni Kuya Dell. “Yayain mo rin siya lumangoy.” Alam ko naman na ako ang sinasabi ni Kuya Dell.
“Gusto mo ba lumangoy?” Baling ni Kuya Dell sa akin. “Wala siyang damit na pwede ko ipasuot sa kaniya.” Habang nagsasandok si Miggy ng palabok sa isang silver na paper plate.
“Akong bahala sa ‘yo at may magdadala n’yan dito. Kawawa naman ang bata’t gusto rin naman niya kahit magtampisaw lang sa gilid.” Ngumiti si Kuya Dell sa akin. “Kumain ka na muna at i-try mo ang falls. Mag-enjoy ka lang,” wika niya muli.
“W-wala po kasi akong… damit.” Mahina kong tugon.
“its fine, magpapadala ako ng damit na para sa ‘yo, kung mabasa man ang buong katawan mo. Malapit lang dito ang bahay ko.” Pinagmasdan ko ang kagandahan ng falls, pero walang naliligo roon. Private ba ‘to?
“Lupa ‘to ng mga Fuego. Binabalak nilang i-public kapag naayos na.” Inilapag ni Miggy ang pagkain sa harap ko. “Isa ‘to sa mga pinangako ng Tito Renaldo sa bayan ng Santa Polera.”
“Isa pa ay huwag kang matakot at wala naman dito si Rav. Mamayang gabi pa iyon uuwi sa inyo. Hindi niya malalaman na umalis ka kung natatakot ka sa kaniya—” Hindi ko siya pinatapos, nang magsalita ako. “Hindi ako takot sa kaniya, ah! Pala desisyon siya’t nakakainis.” Walang preno kong sambit nang manlaki ang mata ko.
Paano ko iyon nasabi?
“No wonder why Rav’s freaking out,” Si Kuya Dell. “This tiny kid cannot be tamed.” Sunod niya pa.
Hindi ko na ma-gets ang pinagsasabi nila’t kaya kinain ko na lamang ang kaunting inihain sa akin ni Miggy. Kaya nang matapos ako ay inilahad naman sa akin ni Miggy ang kamay nito.
“Let’s go? Para mahaba ang oras natin mamaya sa mall?” tumabingi pa ang kaniyang ulo’t doon naman na ako tumango. “Kuya Dell, maraming salamat po sa pagkain. Sasama lang po ako kay Miggy.” Ngumiti lang siya sa akin at tumungo.
Saka niya kinuha ang telepono nito’t agad na nagtipa. Magpapaalam sana ako sa dalawang magkambal, pero hindi pa rin sila tapos sa pagtatalo.
Inalis ko ang aking sandals, nang malapit na kami sa tubig. Nagulat na lamang sa aking nakita’t palalim pala ito! Hindi pa naman ako marunong lumangoy. Mabuti na lamang at narito lang ako sa may gilid at nakatayo.
Sinundan ko ng tingin si Miggy, nang mapagtanto na hinuhubad niya ang kaniyang polo shirt sa gilid ko, kasunod no’n ay ang pag-alis nito ng pantalon at doon tumambad ang kaniyang beach shorts. Mabilis akong umalis ng tingin at tila napalingon sa kubo, nang makita kong nakatutok sa amin ang camera ni Kuya Dell.
Nakangiti pa siya at tinapik naman siya ng dalawang kambal.
Hindi ko alam kung ano ba ang ginagawa niya, o wala lang signal. Baka naman ni-picture-an niya kami? Ano naman ang gagawin niya sa picture namin, hindi ba?
“Let’s go?” Bumalik ang tingin ko kay Miggys, nang bumungad din ang abs niya. Kumurap-kurap pa ako, dahil hindi ko akalain na may abs siya! Sa loob ng kaniyang polo ay may itinatago siyang ganitong kaganda na katawan.
Iba lang ang kay Rav.
“Tara!” Naglakad na si Miggy ng ilang dipa palayo sa akin, ngunit ako ay narito pa rin sa gilid. Nakasuot lamang ako ng aking demin shorts na hindi naman maikli at isang white tshirt na plain. Ang sandals ko rin ang plain na may kaunting takong mula sa mga bigay ng Ninang Jen sa akin.
“Tara na!” Sigaw muli ni Miggy. “Takot po ako!” Sagot ko rin na sigaw sa kaniya.
“Huwag kang matakot! Nandito ako!” Ngunit umiling lamang ako. “Takot po talaga ako—wahh!!” Malakas kong sigaw, nang may bumuhat sa akin sa magkabilaan kong braso. Si Kuya Sato at Saku!
Para akong naiiyak sa takot, nang dalhin nila ako ngayon kay Miggy. Halos para na akong mawawalan ng lakas, nang makita kong hanggang dibdib ko na ang tubig at kay Miggy naman ay parang sa dibdib niya pa lang! sa tangkad nila ay ang babaw pa nito!
“’Wag kang matakot! Nandito kami! Mga kuya mo!” Si Kuya Sato. “Ay kami lang pala… ‘di ka kinu-kuya, Migs.” Halakhak nilang dalawang magkambal.
“Ganoon talaga, mukha na raw kasi kayong matanda.” Bawi naman ni Miggy sa kanila. Napaisip ako at napagtanto na bakit hindi ko nga siya tinatawag na Kuya Miggy? Umangat muli ang tingin ko sa kaniya’t agad naman na tinanong.
“Kuya Miggy?” Agad siyang ngumiti.
“Gusto ko sana na tawagin mo akong kuya, pero ang weird pala pakinggan. Miggy na lang, Fem. Huwag mo na akong tawaging kuya…” ngiti niya pang sabi sa akin. “Pinabait na PedoRav!” Sigaw ni Kuya Sato.
“Gago! May kapatid akong babae na nasa states, hindi naman niya ako tinatawag na kuya, kahit kasing edad lang niya si Fem.” May kapatid siyang babae? Gusto ko iyon makilala! Baka maging magkasundo kami, dahil mabait si Miggy, panigurado akong mabait din ang kapatid niyang babae.
Halos hindi ako umalis sa pwesto ko’t natatalon-talon lamang sa kinakatayuan ko, nang makita ko si Kuya Sato na parang nalutang sa dulo ng falls. Nagulat na lamang ako nang makalapit siya sa amin ay may papag na gawa sa bamboo na pinagdikit-dikit, kaya’t parang naging flat na bangka!
Ang galing!
“Hiyahh!” Nang buhatin ako ni Miggy paakyat sa flat na bangka. Tuwang-tuwa ako na natatakot, dahil kasama ko si Kuya Sato’t baka dalhin ako sa malalim. Hindi ko maiwasan na pag-isipan siya ng masama, dahil pakiramdam ko ay gagawin niya iyon talaga.
“Ay!” Gulantang ako nang may magbasa sa akin at napunta iyon sa mukha ko. Mabilis naman akong gumanti kay Miggy at tinampisawan ko rin siya ng tubig, kahit hindi ko alam kung natatamaan ba siya.
Ganoon din ang magkambal na ginaya kami.
“Wait! Wait! Saku!” sigaw ni Kuya Sato, nang parang may machine ang kamay ni Kuya Saku sa pagtampisaw ng tubig nito sa kakambal niya. “Sandali!” Sigaw muli ni Kuya Sato, nang hindi pa rin nakinig ang kambal nito.
Tila mabilis kaming nagulat, nang ang hawak na bamboo ni Kuya Sato ay hinampas niya kay Kuya Saku. Ngayon ay parang nawalan ata ng malay ang kambal niya.
“M-miggy!” Turo ko kay Kuya Saku na nakalutang na. “Ganiyan lang talaga ang dalawang iyan. Buhay pa ‘yan.” Agad naman na tumalon si Kuya Sato’t kinuha si Kuya Saku, saka inilagay sa gilid.
Ngunit ang nakapikit na Kuya Saku ay sinipa si Kuya Sato’t kaya nahulog naman ito sa falls.
“Sabi sa ‘yo ay buhay pa iyan, e.” Nakahawak lamang si Miggy sa gilid ng bamboo at ako naman ay nakaupo, habang ang paa ay nakalubog sa tubig. Hindi ko nga namalayan na kanina pa pala kami narito.
“’Yung kamay ko…” Pinakita ko kay Miggy at inabot naman ang kamay ko sa kaniya, nang makita niyang puti na ito at kulubot. “Halina’t magpalit ka nang damit at baka magkasakit ka. Nabigla ka ng lamig sa falls.” Tumungo lamang ako sa kaniya. “Pumasan ka na lamang sa likod ko at hindi mo na abot ang kinatatayuan ko.” Kampante ako kay Miggy, nang sumunod na lamang ako sa kaniya.
“Tsk…” Hindi ko alam kung bakit niya iyon sinambit, pero nang maramdaman ko na ang bato ay bumitaw na rin ako sa likod ni Miggy. Bumaling ang tingin ko sa kubo, nang makita ang hingal na hingal na Ravemonte Fuego.
Tila nabalutan ako agad ng kaba. Ang titig niya ay kakaiba. Para niya akong papatayin kung buhusan man niya ako ng tingin!