BREAD KNIFE
NAGISING ako sa isang magandang sikat ng araw mula sa aking kwarto. Tatlong araw na lang ay aalis na ako sa Santa Polera. Makakauwi na rin ako sa amin sa Manila.
“Good morning—” Natikom ang bibig ko, nang batiin ko kung sino ang nasaloob ng kusina. Nilingon ako at batid kong nasira ko nanaman ata ang kaniyang umaga.
Agad akong tumalikod at animo’y aalis na, nang marinig ko ang kaniyang boses, “Morning,” tipid niyang bati sa akin.
Totoo ba ‘to? Baka naman may sakit siya?
I am trying to make sure if it is really Rav, kaya nang lumingon ako ay doon ko napatunayan na siya nga iyon talaga. Why is he… kind?
“I’m not the breakfast, dumb ass. Gumawa ka ng breakfast mo.” Tila napakurap ako ng ilang beses at tumango. No, he’s not sick.
It’s really Rav.
Kinuha ko ang isang tinapay sa gitna ng mesa. Kumuha na rin ako ng baso at freshmilk sa ref. Narito pa rin si Rav sa gilid ng sink at nakatayo lamang doon habang nakain—nakatingin lamang sa akin.
Para tuloy siyang cctv.
Nang mapagtanto kong may kulang ako sa kailangan ko para sa aking breakfast ay humarap ako sa kaniya. Hindi para magpatulong, kung hindi para may kunin sa likod nito. Natatakpan niya ang drawer kung saan naroon ang kailangan ko.
“What?” Inilayo niya ang mug nito na may mukha pa ni ninong. “M-may kukunin lang ako sa drawer,” sagot ko naman sa kaniya, nang ikunot nito ang kaniyang noo.
“Ano ang kukunin mo?” Bakit ba ang dami niyang tanong? Sabagay at bahay niya ito, hindi ako pwedeng mag-demand, dahil nakikitira lang ako. Well, hindi ko naman ginusto at napilitan lang naman ako, pero kahit na.
“Bread knife,” mahina kong sagot.
“For what?”
Is he serious? Literally?
“For… the bread?” You dumb ass! Of course, hindi ko rin naman iyon sinabi, dahil hindi rin naman ‘yon lalabas sa bibig ko. “You're going to stab the bread?” Seryoso pa rin niyang tanong sa akin.
“N-no?! I was going to use it to cut the bread—so I could put the spread in the center!” Mahaba kong paliwanag sa kaniya.
Is he dumb?
“Jesus did not use a knife when he sliced bread.” Umawang ang labi ko, nang sabihin niya iyon sa akin.
“I… I am not Jesus, Rav! Let me borrow that damn knife!” Tila hindi ko nakayanan pigilan pa na lumabas iyon sa bibig ko.
Tumaas ang kaniyang dalawang kilay sa akin at animo’y hindi rin niya akalain ang sinigaw ko sa kaniya.
Should I say sorry? Wait—no! Why would I?
“Is my Fem raging?” Lumapit ang kaniyang mukha sa akin, nang yumuko ito. Nawala ang pagdikit ng aking kilay sa gitna sa ginawa nito. “Do you want to use the knife?” Dahan-dahan na lamang akong tumungo.
“No.”
“What?”
“It's my house and my rules. You can't use the knife, kid. It is not safe for children.” Talaga bang inaasar niya ako? Gusto ko man apakan ang paa niya, pero bawal at hindi rin naman pwede.
Mamaya ay magsumbong ito kay ninang, kahit pa sabihin pa na mahal ako ng ninang ay iba pa rin kapag anak niya.
Padabog akong bumalik sa mesa at umupo na lamang sa upuan. Kinuha ko ang tinapay at binuklat iyon na parang libro.
“Ayan! Ganiyan! Hindi mo kailangan ng kutsilyo!” Tumango-tango pa ito sa akin. “Kakamayan ko rin ba ang peanut butter?” Sarcastic iyon.
“Ano akala mo sa peanut butter? Tubol ng aso para dakutin?” Hindi ko siya na-gets.
“T-tubol? What’s tubol?” Kasi hindi ko talaga alam. “Kung saan ka napulot nu’ng mama noong sanggol ka pa,” wika niya bago ito umalis sa kaniyang kinatatayuan.
Ngayon ay naiwan niya na ako sa kusina.
Tubol? Ano ‘yun?
Matapos kong mag-almusal ay hinanap ko kaagad ang mga tao sa mansyon, ngunit si manang lamang ang nakita kong nagdidilig sa labas.
“Good morning, Manang!” Lumapit ako sa kaniya at pinagmasdan ang hawak-hawak nitong kulay green na nagbubuhos ng para bang ulan sa mga halaman. “Magandang umaga, Fem. Nag-almusal ka na ba?”
“Tapos na po ako. Asan po pala si Ate Wena at ninang?” Luminga-linga pa ako—nagbabakasakali na makita ko sila, ngunit nabigo ako. “Nagbibigay sila ngayon ng tulong sa Parasan. Hindi ka na pinasama at mahimbing ang tulog mo’t maaga sila umalis.”
Humaba ang nguso ko sa narinig. Bakit hindi nila ako sinama? Ang laking tulong ko pa nama kung sakali! Sayang naman… kaya nga ako narito, dahil tutulong ako, tapos hindi naman pala ako isasama.
“Hindi rin po sumama si Rav?” Nang maalala ko na nakita ko si Rav kanina sa kusina. “Hindi ko rin alam sa batang iyon.” Iling-iling niya pa nang naglakad naman siya papalayo para sa ibang mga halaman.
“Masakit na ang araw sa balat, Fem. Pumasok ka na muna sa loob. Manood ka kung gusto mo, mag-relax ka na lang d’yan.” Ano pa nga ba ang magagawa ko? Pumasok ako sa loob pero agad din lumabas. Pinuntahan ko agad si manang, dahil gusto kong gumala.
“Sige na, manang…” Pagkiskis ko pa ng aking palad sa kaniyang gilid. “Fem, kahit gusto ko ay hindi pupwede. Paano kapag nawala ka at may nangyari sa ‘yo? Aba’y matanda na ako para makabuo pa nang pamalit sa ‘yo!”
Nalulukot na ang mukha ko sa lungkot, dahil wala akong magawa rito. Nakaka-bored! Wala akong kaibigan, wala rin si Ate Wena.
Hindi ko rin makausap si Lucia at umalis sila ng mommy niya patungong Boracay, habang ako ay naririto lamang.
Gustuhin ko man mag-swimming sa dagat ay hindi naman ako marunong lumangoy. Kahit pa sabihin natin na sa mababaw lang ako ay natatakot pa rin ako. Siguro pagdating ko ng Manila ay sasabihin ko kay mommy na swim class ako.
Kailangan ko iyon panigurado.
“Manang! Nasaan si Rav—” Humina ang boses n’yon, nang makita ako. Parehas kaming napalingon kay Miggy na kakarating lamang. Suot-suot niya ang kaniyang white polo shirt at itim na pantalon. May pinapaikot-ikot din siya sa kaniyang daliri na susi.
“Hindi ko alam kung nasaan ang batang iyon, Miggy—at ikaw naman, Fem, huwag nang makulit. Wala kang kasama sa gusto mong puntahan.” Tumungo na lamang ako bilang pang sangayon kay manang. Wala na rin naman na akong magagawa pa talaga.
“Saan mo ba gusto pumunta? Ako na ang sasama sa ‘yo.” Nanlaki ang mata ko kay Miggy.
“Miguel, umayos ka, ha! Alagang-alaga ‘yan ni Madam Jen!” Boses ni manang, kung pagsabihan si Miggy. “Hindi ko naman po siya papabayaan, Manang! Uuwi na rin kami bago mag-ala-sais.”
“Saan naman kayo pupunta?” tanong ni manang. “Ilibot ko na lamang po siya sa VMall.” May mall pala rito, hindi ko alam.
“Pwede po ‘yun, Manang? Please! Ano’ng oras tayo aalis?” Maligalig kong tanong kay Miggy nang ngumiti ito sa akin.
“May alis kami ni Rav ngayon at palagay ko makakabalik ako rito ng ala-una… kaso, mukhang wala rito si Rav.” Naglingat din siya ng tingin.
“Gusto mo ay ikaw na lang ang sumama sa akin? Tapos ikaw naman ang sasamahan ko mamaya sa mall.” Mukhang magandang idea ‘yan para sa akin. Para hindi na rin ako ma-bored dito ay sasangayon na ako r’yan.
“Deal.” Saka ko iniabot ang aking kamay sa kaniya.