NOT A WOMAN... YET.
SUOT-SUOT ko ang isang tshirt na may mukha ni Ninong Renaldo at ang numero niya sa balota. Nasa loob na rin kami ng sasakyan patungo sa isang pagbibigyan ng tulong ng mga Fuego.
“Iyan ang mansyon ng mga Villion.” Turo ng Ninang Jen sa akin sa isang puti at malaking mansyon na nakikita ko, habang nasa loob kami ng sasakyan. “Ang laki po,” tila hindi ko mapigilang mamangha.
“Saan po pala tayo pupunta, Ninang?”
“Doon tayo sa mga mas nangangailangan ng tulong. Pupunta muna tayo sa mga farmers para bigyan ng kaunting donasyon at pabanguhin ang pangalan ng Ninong Renaldo mo.” Tumungo na lamang ako muli at inilipat ang tingin sa bintana mula sa van.
Pero laking gulat ko nang makita ko si Rav sa kaniyang magarang motor na mas nauna pa sa sinasakyan naming van.
“Renaldo! Pagsabihan mo nga ang anak mo’t parang minamadali ang buhay niya! Ayun at akala mo nakikipagkarera!” Hampas ni Ninang Jen sa braso ng kaniyang asawa. “Oo! Pagsasabihan ko! Lintek talaga ang batang ‘yon,” mahinang bulong ni Ninong Renaldo.
Hindi rin naman nagtagal, nang makarating na kami sa isang farm na malaki. Nauna na ang ibang team ni Ninong Renaldo roon at nahanap agad ng mata ko si Rav, na nagbibigay na ng tulong sa iba.
Ang iba ay kinakamayan pa siya.
“Nakikita ko talaga na may magandang kinabukasan si Rav, kung tatakbo siya bilang isang governor pagdating ng araw, hindi ba, Gov?” Parehas kaming napalingon kay Ninong Renaldo na pinagmamasdan lamang ang anak nito, habang nasa loob pa rin kami ng kotse.
“Iyon ay kung gusto ng anak ko. Ayoko siyang pilitin at kapakanan ng mga tao ang nakasalalay sa ganitong trabaho.” Tama nga naman si Ninong Renaldo. Hindi ko rin naman maitatago na mukhang maganda naman talaga ang pamamalakad niya, kaya ganito siya kamahal ng mga tao.
Tumingin ako muli sa labas at pinansin ang nakangiting si Rav sa mga tao. “Halika na at bumaba na tayo.” Napatingin ako kay Ninang Jen, nang sabihin niya iyon.
Tumungo lamang ako at ngumiti sa kaniya. Dala-dala ko ang isang pamaypay na kulay blue na may burda pa ng isang ibon. Mas’yadong masilaw ang araw kaya ginawa ko iyong payong, ngunit hindi pa rin nakatakas ang balat sa aking braso at binti.
“Rav!” Sigaw ni Ninang Jen kaya agad lumingon sa amin ang anak nito, ngunit nang makita niya ako ay agad nawala ang ngiti nito. Hindi ko alam kung ano ba ang tinitignan niya, kung ang sapatos ko ba o ang short kong suot.
Nakamaong shorts ako, pero hindi naman sobrang ikli n’yon sa akin.
“Fem! Tara!” Lumapit ang ninang sa akin at doon na hinawakan ang braso ko, kaya nawala tingin ko kay Rav na kunot ang noo.
Tila papalapit na kami kay Rav, nang marinig kong sumigaw si Ate Wena, kaya’t agad akong napalingon. Nabutas ang ilalim ng box ng mga tshirts mula sa pagkuha nito sa compartment.
“Tonta talaga!” Mahinang wika ni Ninang Jen na aking klarong narinig. Alam ko ang ibig sabihin nu’n, dahil narinig ko na iyon sa palabas na napanood ko sa telebisyon. “Tutulungan ko po muna si Ate Wena, Ninang.” Agad akong kumawala sa kaniyang pagkakahawak sa akin, kaya hindi niya na natuloy ang sasabihin nito.
Madali akong tumakbo kay Ate Wena at kinuha na ang ibang mga tshirts. “Nako! Baka magalit nanaman sa akin si Ma’am Jen, Fem. Ako na ang bahala rito—”
Hindi na niya natuloy ang sasabihin nito, nang magsalita na ako.
“Do not worry, Ate. I came here so that I could help you, talaga,” ani ko. Agad siyang natawa sa akin at umiling na lamang.
“Napakaswerte talaga nang mapapangasawa mo, Fem. Napakamabait mong bata at maganda ka pa.” Hindi naman ako doon nagfo-focus sa ngayon.
“Hindi naman po, Ate Wena. Huwag niyo po ako biruin ng ganiyan.” Nahihiya kong sambit sa kaniya, nang pagpatong-patungin ko ang mga nakuha kong tshirts at inilagay naman iyon sa loob ng kotse.
Nang maayos namin iyon ni Ate Wena ay nagulat na lamang ako nang makita ko ang malaking katawan ni Rav sa likod ko.
Napalingon ako sa kaniya. Tila ang mga mata niya ay nakatuon lamang sa akin. Alam kong galit siya o hindi naman kaya ay ganoon lang talaga siya tumingin.
Kung hindi naman ay baka galit talaga siya sa akin.
“T-tinulungan ko lang si Ate Wena—”
“Umuwi ka na.”
Hindi ko alam kung bakit niya ako pinauuwi ngayon. “Sir. Rav—tinulungan niya lang talaga ako.” Si Ate Wena.
Hindi niya iyon pinansin at nakatingin lamang sa akin.
“Umuwi ka na,” mas mariin niyang utos. Umawang ang labi ko’t tumingin kay Ninang Jen, ngunit kausap nito ang kaniyang asawa. Nagulat na lamang ako, nang humampas ang malaking palad ni Rav sa gilid ng sasakyan, kaya animo’y para akong napatalon ng kaunti sa gulat.
Imbis na sasagot pa ako ay tumalikod siya sa akin at pumunta sa isang lalaking may hawak-hawak na camera.
“Pasensiya ka na, Fem. Mukhang napapag-initan ka nanaman ni Sir. Rav.” Hindi naman na iyon bago sa akin. Ngumiti lang ako bilang sagot kay Ate Wena.
Bumalik sa pagkuha si Ate Wena ng tshirts at nauna nang umalis sa akin. Kumuha na rin ako ng akin para maibigay din sa kanila, nang silipin ko si Rav at ang lalaking may camera.
“For campaign promotion in the media? Sa hita nakatutok ang camera? Give me that damn camera.” Hindi ko marinig nang buo at klaro ang sinasabi ni Rav kaya’t isinara ko na ang compartment at nagtungo na rin kay Ninang Jen.
“Kahit sino po ba ay bibigyan ko, Ninang?” Natawa lamang ito sa akin at tinuro ako sa mga ilang kausap ni Ninong Renaldo. “Pumunta ka roon at bigyan mo sila,” suyo ni Ninang Jen sa akin kaya lumapit na rin ako kay ninong na may dalang sampung tshirt at anim lang naman silang naroroon.
Nahinto ang isang babae na makipag-usap kay Ninong Renaldo, kaya’t napalingon ang ninong sa akin at ngumiti.
“Tshirt po,” wika ko at bigay ko sa kanila ng tshirts na hawak ko. “Ang gandang bata naman, Gov. Anak mo, Gov?” Humalakhak lang si Ninong Renaldo at hinawakan naman ang balikat ko.
“Inaanak ko ito at tumulong ito sa akin para makibahagi ng tulong sa inyo.” Ngayon lamang niya ako ginanito. Pakiramdam ko kasi noon ay ayaw niya rin sa akin, tulad ni Rav na para bang galit na galit sa tuwing makikita ako. “Ay! Bagay sila ni Ravemonte, Gov! Magkalat kayo ng lahi rito sa Santa Polera!”
Nye! Hindi mo iyan mangyayari, ‘nay.
Ayoko man sirain ang imahinasyon ni nanay ay umiling lamang si Gov dito. “Sixteen years old lamang itong inaanak ko. Malayo ang agwat sa unico-hijo ko.”
“Ako nga ay nagkaanak sa panganay ko noong kinse-anyos lamang ako.” Kumurap-kurap ako sandali sa aking narinig. What? Fifteen years old? How? Like how-how?
Ibig sabihin noong ka-edad ko siya ay may isang taon na siyang gulang na anak? The heck?
“Ah… ito pala ang tshirts.” Pagbabago ni ninong at kinuha sa palad ko ang mga hawak ko. “Salamat, Gov! Maganda ang patakbo niyo nitong mga nakaraang taon. Sana ay manalo ka ulit,” wika ng isang babae.
“Iyon ay kung iboboto niyo ako,” halakhak naman na sagot ni ninong, kaya agad din akong natawa. “Alam niyo naman na loyal kami sa inyo, Gov.”
“Maraming salamat, Manang Ense. Malaking tulong ang bawat isang boto niyo para sa akin. Gusto kong matutukan ang bahaging ito ng Santa Polera.” Nang matapos ang aking pamimigay sa kanila ng tshirt ay nagpaalam na rin ako kay Ninong, para sa ibang bahagi naman kami ng farm mamigay.
Tinakbo ko ang pagitan namin ni Ate Wena na masayang nag-aabot ng mga tinapay. Gusto ko rin tumulong sa kaniya, nang humarang sa harap ko ang bahaging katawan nanaman ni Rav.
“Hindi ba’t sinabi ko na sa ‘yo na umuwi ka na?” Balak ko na lamang siyang hindi pansinin at tumakbo kay Ate Wena, nang humarang muli ito pakanan mula sa kaniyang pag-urong.
Pinikit ko ang aking mga mata at agad siyang tinapatan ng tingin. “What are you doing?” agad niyang tanong sa akin.
“I am helping!”
“You’re not! Go home.” Gaya niya sa tono ko at sinunod ang salitang go home. “Yes, I am! Ikaw ang umuwi kung gusto mo!” Ang inakala niyang dadaanan ko siya ay agad nitong binakod ang katawan nito.
Tumalikod ako sa kaniya at animo’y tumakbo papalayo, pero umikot lamang ako. Malawak ang ngiti ko, dahil kita ko ang inis sa kaniyang mukha.
“Oh? Bakit ka natakbo?” Natatawang tanong sa akin ni Ate Wena, nang umiling lang ako. “Wala lang po, Ate.” Isang malaking ngiti pa ang binigay ko sa kaniya at kumuha na rin ng dala niyang tinapay sa box at namigay na rin sa ibang mga naroroon.
Natapos ang araw na halos hindi man lang ako nakaramdam ng pagod. Talagang natutuwa ako sa pagbigay sa kanila ng tulong, lalo na sa mga batang napitas ng mga prutas.
“Maraming-maraming salamat sa lahat nang tumulong para sa araw na ito.” Nang makasakay na kami sa sasakyan. Iba’t-ibang baryo ang pinuntahan namin, mga tatlo siguro iyon. “Nagpa-order ako kay Manang at kumain na lamang tayo pag-uwi.” Agad natuwa ang mga kasamahan namin sa van.
Nakasakay pa rin sa kaniyang big bike si Rav, kaya panigurado akong nauna na iyon sa amin.
Tulad nga nang inaasahan ko ay nauna nga siya sa mansyon kaysa sa amin. “Are you tired, Fem?” tanong ni ninang sa akin, pero umiling lang ako.
“Nakakapagod ba ang magbigay ng tinapay?” Lakad ni Rav sa gilid namin at agad na kinuha ang hawak ni Ate Wena na box. Kita ko ang pamumula ng pisngi ni Ate Wena sa ginawa ni Rav. “Ang hirap kaya no’n!” Si ninang.
“Of course, Ma, you are spoiled just like her.” Parehas umawang ang labi ko namin ni ninang. “I-I am not spoiled, Ninang.”
“You are, Fem. You are…” pampakalma na lang iyon ni ninang sa akin at agad na kaming dumiretso sa mesang mahabang, nang makarating ang pagkain na ni-order ng ninong para sa amin.
“Gov, narito na po kami!” May ilang pumasok pa na mga tauhan ni ninong. “Miggy, umupo na kayo!” Pinagmasdan ko lamang ang lalaki na ngayon ko lamang nakita.
“Hey!” Sinundan ko ang lalaki na nakipag-bro hug kay Rav. Dala-dala ko ang juice at si Ate Wena ay ganoon din. Marami kami kaya natural lang na maraming juice ang gawin namin.
“Umupo na kayo, Fem, Wena.” utos ni ninong sa amin. Napatingin ako sa bakanteng upuan na mayroon. Sakto lang iyon sa amin ni Ate Wena, dahil may dalawang bakante pa na upuan.
Isa sa tabi ni Rav at ang isa ay sa tapat ng upuan ni Rav.
“O-opo…” sagot ko. Tila hinihintay lamang ako ni Ate Wena sa kung saan ako uupo, kaya mas pinili ko na lamang sa harap ni Rav. Hindi rin naman siya papayag na makatabi ako sa hapagkainan.
“What are you doing?” Tanong iyon ni Rav, kaya nagtinginan naman sila lahat sa akin. “Anak,” tawag ni ninang kay Rav.
Hindi ko na pinansin si Rav at umupo na lamang ako ng tuluyan. Inilapag ko na rin sa harap namin ang juice na cucumber.
“You do not look like a maid to me.” Kakaupo ko pa lang ay iyon na agad ang narinig ko sa katabi ko. Doon ko lang napagtanto kung sino iyon. “Because I’m not,” sagot ko sa kaniya.
“Miggy, Rav’s best friend.” Ohh… akala ko ay katuwang ni ninong dito sa mansyon. Hindi rin naman siya mukhang katuwang, dahil halata naman sa pormahan niya, pero kahit na. Si Ate Wena nga ay maganda at morena, hindi halatang katuwang dito. Parang anak lang din siya ni ninang.
“F-Fem…” pakilala ko sa kaniya. Medyo nahihiya ako, dahil ngayon lang ako naka-encounter ng lalaki na malapitan maliban kay Rav. All girls kami sa school at wala akong kaibigang lalaki. Hindi ko naman kaibigan si Rav at hindi rin naman siya papayag na maging kaibigan ko.
“Miguel, Miggy na lang.” Tumungo lang din ako sa kaniya at bumalik ang tingin sa pagkain na nakahanda na sa harapan namin. Maraming putahe ang naroon, may letchon pa nga kaya mas lalo akong natakam.
“So, are you Rav's cousin?” Mahina niyang tanong sa akin. Medyo malapit din ang mukha niya kaya lumalayo ako ng kaunti. Baka hinihintay niya ang sagot ko, gayoong marami ang nag-uusap sa paligid namin kaya’t hindi kami magkarinigan dalawa.
“You seem youthful; how old are you?” Medyo lumakas ang tanong niya kaya sa amin napunta ang tingin ng mga nasa mesa. Ganoon din si ninang na ngayon ay nakangiti sa akin. “Bakit mo tinatanong, Miguel? May balak ka bang ligawan ang inaanak ko?” Natatawang tanong ni Ninong Renaldo sa katabi ko.
“Don't tempt yourself, Migs. She's only sixteen years old,” sabat ni Rav sa harap namin. Nagtiim bagang ako at tila hindi gusto ko na lamang umalis sa aking kinauupuan. “Woah… Rav,” sabay tawa ni Miguel.
Nakatingin lamang siya kay Rav na animo’y natatawa.
Bigla niya akong inakbayan na ikinagulat ko. Nanlaki pa ang mga mata ko sa kaniyang ginawa sa akin. Balot-balot ng malalakas na kabog ang aking dibdib, gawa nang ramdam ko ang kaniyang palad sa aking balikat.
“Miguel,” tawag ni Rav sa kaniya. Humalakhak si Miguel, “Damn you, Ravemento. Pedo, ka…” bulong pa ni Miguel.
Inalis nito ang kaniyang pagkakaakbay sa akin. “Kumain na kayo,” boses ng ninang, kaya kumuha na rin ako nang pwede kong matipuhan kainin.
Hindi ko naman akalain na mapaparami ako ng kain at nakikinig lamang sa kwentuhan ng mga naririto sa mesa. Natapos kumain si Rav at agad naman itong umalis sa mesa kasama si Miguel, kaya nang matapos kaming kumain lahat ay gustuhin ko mang tumulong kay manang at Ate Wena na maghugas ay hindi na rin nila ako pinayagan.
Alas-otso pa lamang ng gabi ay bungad na ang magandang bilog na buwan na nakikita ko ngayon dito sa malaki nilang bintana. Tila nanlaki pa ang mata ko, nang makita kong bumalik na doon ang swing na hinahanap ko.
Malawak ang ngiti ko, habang naglalakad patungo roon. Tinanaw ko rin maigi ang likod ng mansyon at nangingibaw ang kulay ginto at puting ilaw na pinagsama sa buong bahay nila na gawa ng mga bumbilya sa loob.
Umupo ako sa swing at agad kinuha ang aking telepono. Mabilis kong kinuhaan ng litrato ang magandang buwan, saka ko iyon ini-send kay Lucia.
Tila nag-selfie ako, nang magulat matapos kong makita ang mukha sa likod ko. “Oh, God!” Malakas kong sigaw saka tumawa si Miguel.
Hindi ko alam kung maiinis ba ako o magagalit sa kaniya. Pwede naman siguro kapag pinagsama ko na lang ang inis at galit, hindi ba?
“Did I frighten you?” Seryoso ba siya? Tinatanong niya pa iyon sa akin? Alam naman niya na nagulat ako! “Y-yes…” pero kahit pa ang tapang ko sa aking isip, hindi ko naman magawang ilabas ang mga iyon sa aking bibig.
“Sorry. It was entertaining, tho.” Umupo rin siya sa kabilang duyan. “You like the moon?” Hindi ko talaga alam kung paano ko siya sasagutin.
“Y-yes…”
“Introvert ka?” sunod niya pang tanong.
“I-I think…” tipid kong sagot muli. “You’re in high school, right?”
“Yes,”sunod ko pang sagot.
“Home schooled?” Ang dami naman niyang tanong! “N-no…” syempre ay sinagot ko pa rin naman iyon.
“Do you get bored talking to me?” Lumingon ako sa kaniya. Kumurap pa ako sandali, dahil palagay ko ay nasaktan ko ata ang damdamin niya, dahil hindi ako nasagot sa kaniya ng mahaba. E, hindi kasi talaga ako marunong kumausap ng lalaki…
Pasensiya na, Miguel…
Pero susubukan ko…
“A-all…” lumunok ako bago ako magsalita muli, “All girls school ako. Ngayon lang ako kinausap ng lalaki.” Yes! Nasabi ko rin!
Naghugis bilog ang kaniyang labi na para bang hindi niya inaasahan ang sasabihin ko.
“I see…” iyon lang ang naging sagot niya. Naiwan lang kaming dalawa na iginagalaw ang paa sa lupa para umuga ng kaunti ang duyan.
Ngayon lamang ako nabingi ng ganito. Hindi naman ako nabibingi kapag ako lamang mag-isa, pero ngayon ay naririndi na ako katahimikan.
“Rav is not like that. He is a playboy with a strong attraction to girls.” Sa wakas ay nagsalita na rin siya. “He don’t like me,” sagot ko.
“’Cause you’re not a woman… yet,” ani niya. “Try to understand her, Fem. Give him time, hayaan mo na lang siya at ganoon lang siya talaga. He’s not snobbish, gano’n lang siya mag-approach.” parang hindi naman…
“Soon he will realize, na isa siya talagang pedo.” Saka nanaman siya humalakhak. Hindi ko siya talaga siya maintindihan.