FLYERS AND SHIRTS
KASALUKUYAN akong naghahanap nang maayos na damit sa closet. Pangalawang araw ko na ito ngayon sa Santa Polera at madaling araw ay umalis na ang mommy at daddy.
Napatingin ako sa aking pintuan, nang may kumatok doon.
"Fem? Mag-almusal ka muna bago maligo!" Boses iyon ni manang. Isang pagpikit lamang ang nagawa ko't isinarado na ang pintuan ng aparador. Ayaw kong lumabas nang hindi nakaayos, hindi sa dahil ayaw kong makita ako ni Rav— fine! Basta gusto ko ay mukha akong hindi na sixteen!
May gusto akong patunayan sa sarili ko, pero hindi ko mapakita at doon ako naiinis!
Hindi ako nakaligo tulad ng balak ko kanina. Pagbaba ko pa lamang sa hagdan ay nakita ko nang naglilinis ang ilang mga kasambahay nila. “Good morning, Fem.” Bati sa akin ni Ate Wena, iyong nagpahiram sa akin ng tsinelas noong isang araw.
“Good morning, po.” Nahihiya ko mang bati ay ngumiti pa rin ako sa kaniya. “Naroon na ang almusal mo, hinahanap ka na ni Madam Jen.” Tumungo na lamang ako at nagpaalam na rin sa kaniya.
Tinahak ko ang patungo sa kanilang hapagkainan at iniisip na magkikita kami ni Rav, ngunit tanging si Ninang Jen lamang ang naroon at nakain ng kaniyang almusal.
Tumigil siya sa pagsubo nang makita ako. “Good morning, Hija!” Masaya niyang bati sa akin at tumayo’t nang makalapit ako para mahalikan lang ang pisngi ko.
“Nagpahanda ako kay manang, nang makakain. Kumain ka na!” Tinuro niya ang mga nakahain na sa gitna ng mesa. Marami iyon, hindi ko alam kung ganito lang ba talaga sila maghanda ng umagahan at kaming dalawa lamang ang kakain.
“May hotdogs, longganisa, bacon, ham, tocino and eggs! May gusto ka pa ba, Hija?” Sa dami nang nakikita ko ngayon ay hindi naman talaga ako nakain ng mabibigat na pagkain sa umaga. I usually eat breads and milk lang, pero natatakam naman ako ay kakain na rin ako.
Tila nahihirapan ako sa pagpili nang makakain ko.
“Ayaw mo ba n’yan, Hija? Ano ba ang kinakain mo sa umaga sa inyo?”
“Nagbe-bread lang po ako, Ninang.” Natahimik si ninang at animo’y naghanap ng tinapay sa mesa. “Wena—” Hindi niya iyon natuloy, nang may magsalita sa harap.
“Wala ka sa bahay niyo, kung ano ang mayroon sa mesa ay iyon ang kakainin mo. Don’t spoil her, Mom.” Umupo siya sa harap ko at nagsandok nang kaniyang sariling kanin at kumuha na rin ng ulam.
“Anak, ano ka ba?! Huwag mo ngang takutin si Fem!” bawi naman ng ninang, pero hindi na siya pinansin pa ng anak nito. “Ninang, kakain naman po ako, e. Hindi niyo na po kailangan magpautos bumili ng tinapay,” wika ko pa.
“Ganoon ba?” Medyo lumungkot ang tono ng boses nito. “Mas maigi na kumain ka ng kanin at namamayat ka,” sunod niya pa.
“O-opo, pasensiya na rin po kayo sa abala. Sadyang iyon lang po kasi ang laging nakahanda sa bahay tuwing umaga—”
“Can I eat in peace?” Pagbaba ng kaniyang kutsara sa mesa na ikinagulat ko. “Ravemonte!” Sigaw ng ninang kay Rav, nang nagtiim ang bagang nito.
“Ma, you’re spoiling this brat, too much! Kung gusto niyo ng anak na babae ay gumawa na lang kayo ni daddy! Hindi ‘yung mag-aampon kayo rito ng isang batang babae at tayo ang maga-adjust para sa kaniya! God dammit!” Narinig ko ang pag-urong ng kaniyang upuan nang itulak niya ang lamesa para makawala ito sa pagkakaupo.
“Ravemonte!” Sigaw ng ninang pang muli at agad na tumayo sa kaniyang kinauupuan din. Sinundan niya si Rav at ngayon ay naiwan naman ako mag-isa sa mesa.
May tama naman sa lahat nang sinabi ni Rav. Dapat ay hindi na ako pumayag na magbakasyon dito. Pinagmasdan ko lang ang mga naririto na pagkain.
Nanginginig ang labi kong magtusok ng hotdog sa aking tinidor. Dahan-dahan din ang pagnguya ko nu’n at tila hindi napigilan ang pag-iyak.
Why does he hate me? Ano ba ang ginawa ko sa kaniya? Why is he so against everything about me?
“Oh, my God!” Lumapit si ninang sa akin at kinuhaan ako ng tissue. “I’m so sorry, darling! Pinagsabihan ko na si Rav, ha? I’m so sorry.” saka niya ako niyakap at doon ako napaiyak.
Hindi rin natapos ang umagahan namin, nang ihatid lamang ako ni ninang sa kwarto ko. Sinusuklayan niya ang buhok ko, habang nagkekwento.
“Palagay ko ay nagseselos lang si Rav sa ‘yo. Kasi nabe-baby kita, siya ay hindi.” Nakatingin lamang ako sa salamin at nakaupo sa upuan nito at ang ninang ay nakatayo sa likod ko’t sinusuklayan ang mahaba kong buhok.
“Hindi naman talaga siya ganiyan, hija. Alam kong magugustuhan ka rin niya.” Agad tumibok ang puso ko, hindi ko alam kung bakit iba ang meaning nang sinabi sa akin ni ninang.
“Bukas ay mag-ayos ka, ha? Mangamgampanya kami at kailangan lang ni Ninang nang katulong sa pagbibigay ng mga flyers, ha?” Tumungo na lamang ako sa kaniya at ngumiti muli.
Dumating ang kinagabihan nang hindi sumulpot si Rav sa hapunan. Wala akong nakitang mukha niya sa kahit saang sulok ng bahay na ito ngayon. Nahihiya rin naman ako na gumala pa at baka iba rin ang iniisip sa akin ng mga kasambahay dito ngayon.
“Asan si Wena?” Medyo nagkakagulo na sa ibaba nang makababa na ako ng hagdan. Nakabihis na rin ako ng aking plain fitted white shirt at maong shorts. Iyon kasi ang mayroon dito at mas’yadong mainit sa labas.
Kung hindi man pwede ito ay magpapalit na lamang ako mamaya, dahil mamayang tanghali pa naman ang alis naming lahat para sa campaign.
Napansin ko kaagad ang ilang mga taong naglalagay ng box sa loob ng mansyon. “Naka-pack na ba lahat ng mga bigas at iba pang donasyon?” Tanong ni Ninang Jen.
Si Ninong Renaldo naman ay may kausap sa telepono.
“Gising ka na pala, Hija! Kumain ka na lang doon, ha? Medyo busy kasi ni ninang, kaya hindi kita masasamahan kumain.”
“Wala naman po problema, Ninang.” Hinalikan niya lamang ang noo ko’t dumiretso sa mesa. Napangiti ako nang makita kong may tinapay na doon at mga pwedeng ipalaman.
“Manang, kumain na po kayo ng umagahan?” Nang dumaan si manang sa harap ko. “Ay, oo, neng! Kumain ka na lang d’yan. Kumain na kami kaninang ala-singko pa ng umaga, kahit si Rav ay kumain na. Ikaw na lamang ang hindi.”
What?! Ibig sabihin kanina pa sila gising?!
“Ang aga niyo naman po magising—”
“Because they are helping us pack for Dad's campaign. Because… we need… more… hands.” Madiin ang mga huling salita ni Rav, nang dumaan din siya sa likod at may hawak na mga box. “Thanks for the big help, Disney princess,” sunod niya.
Tila rumehistro ang inis sa aking mukha, nang sundan ko lang ng tingin si Rav. Hindi dahil nahuli ako ng gising at wala akong natulong ay kailangan niya iyon ipamukha sa akin!
Malay ko ba na may gagawin sa umaga? Ang sabi lang naman sa akin ni Ninang Jen, ay magbigay ng flyers mamaya! Bibigyan niya pa ako ng trabaho na hindi naman inutos ni ninang!
Tumaray lang ako at nagpatuloy lamang sa pagkain, nang mabalutan ako ng tingin kay Ninong Renaldo na nakatingin lamang sa akin at hawak-hawak ang kaniyang telepono sa tainga nito.
Pinagmasdan niya ang likod ni Rav at bumalik muli sa akin.
Saan siya galing? Parang kanina ay nasa sala siya at kasama ni Ninang Jen? Bakit nasa dining era na ito.
Nakita niya ba na tinarayan ko ang anak niya? Papagalitan niya ba ako? Baka sabihin niya ay napaka-bad ko! “G-good morning, po, Ninang Renaldo.”
Tumungo lang ito sa akin at itinaas ang kamay na sinasabi na sandali lamang at tinuro naman niya ang kaniyang telepono na nagsasabing may kausap siya.
“Ihanda mo na ang mga dapat kabitan ng tarpulin. Alam ko, naiintindihan ko na mabigat ang mga kalaban…” iyon na lamang ang huli kong narinig, nang nawala na rin ito sa paningin ko.
Natapos kong hugasan ang aking pinagkainan ay pinuntahan ko na si Ninang Jen na ngayon ay kausap si Wena.
“Hindi ba at inutos ko na sa ‘yo ‘yan kanina, Wena? Bakit naman nakalimutan mo? Paano na ‘yan ngayon?!” Medyo tumaas ang boses ni ninang kaya hinawakan ko ang likod niya. Nakita ko naman kung paano nawala ang inis nito sa kaniyang mukha.
“What’s wrong, po, Ninang?” Huminga lamang siya nang malalim. “It’s nothing, Hija. Magpahinga ka muna sa kwarto mo.” Ngiti niyang sabi sa akin, pero bakas pa rin ang pagod nito sa kaniyang mukha.
“Wena, humanap ka nang makakasama mo sa pagkuha ng mga tshirt at flyers ngayon. Hindi pwedeng wala iyon at nagpaparte-parte na tayo ng mga ipamimigay,” mahinahon niya nang wika ngayon. “Opo, Madam. Sorry po,” yumukong pasensiya ni Wena na para bang maiiyak na.
“Ako na lang, Ninang! Sasama ako kay Ate Wena!” Lumapit agad ako kay Ate Wena at niyakap ang braso nito. “Darling, no! Mabigat ang mga iyon. Kailangan ay lalaki ang kasama ni Wena, hindi ikaw—”
“Ninang, please?!” Nguso kong pagmamakaawa sa kaniya. “Ang ganda-ganda talaga ng Mommy-Ninang ko!” Kumawala ako sa braso ni Ate Wena at lumipat naman sa braso ni Ninang Jen.
“Sige na, please? I really wanted to help, isa pa ay walang kasama si Ate Wena.”
“Wala rin, Ma’am, si Kuya Nestor. Dala-dala po ang pick-up at may inutos po si Sir. Renaldo,” ani ni Ate Wena. Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Ninang Jen.
“It’s fine, lang, Ate! We can commute naman! Kapag hinintay pa natin ang kotse ay mas matatagalan tayo. Baka lalong ma-stress ang ganda ng Mommy-Ninang ko.” Sana ay gumana ang ka-cute-an ko ngayon sa kaniya, para hindi siya magalit kay Ate Wena.
“No! Mas’yadong delikado kapag commute. Asan ba si Rav? Wena, tawagin mo si Rav para siya ang mag-drive ng van—”
Mabilis ko siyang pinigilan at ayoko naman na isipin ni Rav na dagdag nanaman ako sa gawain.
Ito na rin ang way ko para malaman niya na may ambag ako sa campaign na ‘to!
“Ninang! Sige na…” Pinagkiskis ko pa ang aking palad at tila nagpapaawa sa kaniya’t nag-puppy eyes pa.
“Hay nako! Binola nanaman ako ng favorite kong inaanak. Oh, siya! Mag-iingat kayo, ha?! Utang na loob, Wena. Ingatan mo si Femkeah, ha!” Nanlalaking mga mata ni Ninang Jen sa akin. “Opo, Ma’am! Tara na, Fem!” sagot at tawag sa akin ni Ate Wena, nang sumama na ako sa kaniya.
Pumara kami ng trycicle sa isang lugar.
“Maupday nga alaw!” Magandang umaga! Iyon ang bati ni Ate Wena sa isang babae, habang nasa labas kami ng shop nito. Dala-dala lang namin ang payong ang tricyle na naghihintay lang sa amin sa gilid.
Ibang-iba ang lugar na ito kaysa sa Manila at masasabi ko na mas maganda talaga dito!
“Sandali lang, Fem, ha? Kunin ko lang ang iyong flyers sa loob.” Tila magsasalita pa sana ako para sumama na sa kaniya, nang mauna na ito at pumasok na sa loob ng pa-print-an.
“Taga-diin ka?” Taga saan ka? Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya. Hindi ako marunong mag-Waray.
“Taga saan ka raw!” Iyon ang boses ng driver sa tricyle. “Mana! Diri maaram mag-Waray!” Hindi marunong mag-Waray.
Para na akong hindi mapakali, dahil hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi nila! Nakakainis!
Mabuti na lamang at lumabas na si Ate Wena na may dala-dalang isang box kaya kinuha ko iyon. “Ako na ate ang maglalagay sa tricycle!” Kinuha ko iyon sa kamay niya’t wala na siyang nagawa.
Takte! Mabigat ‘to! Napasubo ako roon!
“Kuya, pa-help!” Sigaw ko sa driver ng tricyle, kaya agad naman ‘tong tumayo sa kaniyang kinauupuan at umikot para makuha ang hawak ko. Inilagay niya iyon sa likod ng kaniyang tricyle.
“Tagpira tanan?” Magkano ang lahat? Pinakikinggan ko lamang si Ate Wena na nakikipag-usap sa babae na may ibinigay na papel kay Ate Wena. Sandali lang din nang may apat pang box na itinulak ang lalaki sa loob.
D’yos ko! Ang dami pala!
“Tshirt, flyers.” Sabay check ng pentelpen ng babae sa mga box. “Okay na, Fem! Tara buhatin na lang natin. Kaya mo ba? Patulong tayo kay kuya para mabilis.” Sinundan ko lamang siya nang buhatin ko ang isang box at naramdaman ko lalo ang bigat nito. Doon ko napansin na tshirts pala ang mga laman nito.
Nakarating kami ng mansyon nang buhat-buhat ko ang isang box ng tshirt at aaminin kong mabigat ‘to ng sobra! Ang sakit na ng braso ko!
“Kaya mo ba pa ba, Fem?” Tanong ni Ate Wena sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya at tumungo. “Kayang-kaya, Ate!” sagot ko.
Tila parehas kaming napahinto ni Ate Wena, nang makita namin sa harapan si Rav. Inayos ko ang paghawak sa aking boxna hawak. Nakita ko kung paano siya lumapit sa amin.
Nagulat na lamang ako nang kunin niya ang box na hawak ni Ate Wena. “S-Sir! Ako na po r’yan! Kahit iyong kay Fem na lang po—” Hindi iyon natuloy ni Ate Wena, nang sumagot ito at humarap sa akin.
“Kayang-kaya niya iyan, Wena.” Saka siya nagpatuloy na maglakad papalayo sa amin, habang si Ate Wena ay pilit na kinukuha ang hawak ko. “Ako na rito, Ate.” Pilit ko at naglakad na rin papasok sa loob.
Wala akong pakialam kung ayaw niya sa akin. Kung ayaw niya sa akin, ay ayaw ko rin sa kaniya!