SA MAY DEDE
“MY EYES! My f-cking eyes!” Tinakpan niya ang kaniyang mata na animo’y parang nakakita ito nang hindi kanais-nais. “Sir? Sir Rav?” Tanong ng bartender, habang ako ay tila natataranta na rin.
Lumapit ako kay Rav at hinawakan ang balikat nito. “R-Rav? Are you… okay?” Nauutal kong tanong sa kaniya, nang magulat ako matapos nitong pagalawin ang kaniyang balikat kaya’t nawala ang pagkahawak ko sa kaniya.
“What’s wrong with you?” Taka ko pang tanong sa kaniya. “This is dream, right? No way that she’s…” Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
“She’s what?” Pagpatuloy ko sa mahinang bulong niya sa sarili nito na hindi ko naman maintindihan? “Na puwing ka ba o ano?” Mabuti na lamang at may sariling mundo ang mga tao ngayon sa paligid namin.
“Sir Rav? Ayos lang po ba kayo, Sir?” Tanong ng bartender muli.
Inalis niya ang pagkakatakip nito sa kaniyang mata. Bumukas ang mga mata nito’t natagpuan ang akin.
I have no idea what the look he's giving me now means.
Para ba iyong nagtatanong at may pagkakalito. “Rav? Ano ba ang nangyayari sa ‘yo?” Nang muli kong itanong iyon sa kaniya ay yumuko na ako para tignan maigi ang mukha niya.
Tinignan ko nang malapitan ang mata niya at baka napuwing ito. Baka hinangin ang buhok ko’t tumama sa mata niya. Ang sinigaw niya kasi kanina ay my eyes! Malay ko ba kung ano ang ibig sabihin no’n.
Sandali lamang nang makita ko siyang lumunok.
Bumaba ang tingin ng mga mata niya sa aking labi at mabilis na umiwas. Isang malalim na paghinga pa ang kaniyang ginawa at animo’y may tinakpan sa gitna ng kaniyang hita.
“Y-you…you, little w-witch!” Nauutal niya pang sabi sa akin at nagmadaling tumayo. “D-don’t give her alcohol!” Sunod niya pang sabi kay Noel at agad na bumalik ang tingin sakin at umiwas na muli.
Naglakad siya papalayo, habang pinagmamasdan ko lamang ang likod nito na may pagtataka sa isip.
Ngayon ko lamang siya nakita na ganoon. Ano ba talaga ang nangyayari sa kaniya? May sakit ba siya o talagang may sayad lang siya sa utak?
“Miss, ‘yung lychee tea mo.” Napalingon ako sa bartender at makita na iniurong nito ang isang baso na kulay light pink. May nata pa iyon na nalutang-lutang at doon na napunta ng buo ang atensyon ko.
Nang mainom ko iyon ay natuwa pa ako sa lasa. Ang sarap naman! “It’s good, ha! Ang galing mo!” Tuwang-tuwa ko pang puri sa bartender.
“Are you employed by Fuegos’ as a barista?” Ganoon ba kayaman ang mga Fuego, para may mga sarili pa silang bartender? “I mean, ikaw ba ang personal barista nila?” Ngumiti siya sa akin at tumungo.
“Isa po ako sa mga scholar ni Gov.” Umawang lang ang labi ko sa aking narinig na sagot nito. “So, binabayaran ka naman nila ngayon?” bakit ba ang dami ko ring tanong sa kaniya?
Wala kasi akong makausap, okay?
“Yes, Miss.” Tango niya pang sagot sa akin.
“And you’re like? Friends with… Rav?” Mahina kong bigkas sa pangalan niya. Nakuhang tumawa ng barista ngayon sa harap ko’t kaya sumimsim ako sa aking iniinom. Nahihiya na baka iba ang isipin niya sa pagtanong ko.
“Hindi po kami gaano ka-close, Miss.” Halakhak niya pa at naasar ako roon. “Hindi ko siya crush, ha? Baka kasi isipin mo na crush ko siya. Kinakapatid ko siya at aamupunin na ako ng mommy niya.” Pag-clarify ko lang, okay? Ayoko na baka makarating pa kay Rav, ang isang fake news!
“Wala naman po akong sinasabi, Miss. Isa pa ay lahat naman ata ng babae ay nagkakagusto sa nag-iisang anak ng mga Fuego.” Ay ‘wag niya akong idamay d’yan! Hindi ako part ng kabaliwan na iyan!
“Lahat lang ng mga babaeng nagkagusto sa kaniya ay may mga sayad. Sino ang magkakagusto sa lalaking masama ang ugali? Siya?” Turo ko sa isang babaeng maganda at animo’y kasing edad lang ni mommy.
“Ang gwapo talaga ng anak ni Renaldo! Balita ko ay magaling daw ang lalaking iyan sa kama—” Yuck!
“Kadiri! Ang tanda-tanda niya na!” Hindi maipinta ang mukha kong sabihin iyon sa baristang nasa harap ko. “Sabi ko naman sa ‘yo, lahat ng babae ay nahuhulog sa batang Fuego.”
“Makabata ka, ilang taon ka na ba?” Iba kong usapan sa kaniya. “Twenty-four,” sagot naman niya.
“Kasing edad mo lang si Rav, e.”
“Twenty-three lang siya. Ikaw ilang taon ka na? Fifteen?” Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. “Alam kong mukha akong bata pero eighteen na ako,” pagkukunyari kong sabi sa kaniya.
“Ows? Mukha kang bata.”
“Iyon nga ang sabi nila.” Kibit pa ng aking balikat. On character ako talaga! Pakiramdam ko ay isa lang akong undercover na agent. Naniwala naman siya, ibig sabihin ay magaling ako.
“Are you drinking alcohol?” Sa gulat ko ay napatalon ako nang kaunti, habang nakaupo, nang sumulpot ang mommy sa tabi ko.
“You’re not supposed to drink alcohol, right? You’re sixteen only, Fem!” Bumalik ang tingin ko sa bartender. “Femkeah!” tawag muli ng mommy sa akin.
“Mom…” mahina kong tawag sa kaniya. “Lychee lang po ‘yan.” wika ko at nakakunot pa ang noo.
“Binigyan mo ba ng alak ang anak ko?” Tanong ni mommy sa barista at ngumiti lang ito’t umiling. “No, Ma’am. Sinabihan na rin po ako ni Sir. Rav, na huwag pong bibnigyan ng alak si Miss.”
Kita ko ang pagkalma ng mukha ng mommy sa narinig nitong sinabi ni barista. “Oh, God! Mabuti na lang at nariyan si Rav, hindi pa naman ito nakikinig sa akin.” Kinuha ko ang baso ko at sumunod na lamang kay mommy, habang siya ay naglalakad.
“Pwede ka na uminom kapag eighteen ka na, pero hindi pa pwede ngayon.” Hindi naman ako nainom ng alak, e!
Ang mommy parang delulu! Sinabi ko naman na lychee lang ito at walang alak, akala niya siguro uminom na ako.
“Relax ka lang, Reah. Takot ka ba sa sarili mong multo? Ito kasing mommy mo ay nainom na noong fifteen lang kami.” Hindi ko kilala ang babaeng ito, pero dahil kilala niya ang mommy ko’y nasisiguro kong kaibigan niya nga ito.
“Hay nako, Emelia! Huwag mo nga dungisan ang imahe ko sa anak ko,” bawi ng mommy, nang mapalingon ako. “Kita ko si Rav na kunot ang noo, habang nakikipagkamayan sa isang babae na kasing edad niya lang.
Katabi niya ang daddy nito at ang mommy niya.
Hindi ko akalain na matagal na pala kaming nagtititigan, nang nagtama ang mga mata namin. Tumaas ang dalawa ang dalawa kong kilay na animo’y natakot, dahil nahuli niya akong nakatingin sa kaniya.
Ngunit siya ay mas lalong kumunot pa ang noo. Tila napansin ko na parang namilit sa sakit ang babaeng kakamayan niya, nang mapagtanto kong humigpit ang hawak ni Rav sa babae.
Isang hampas lamang ni Ninang Jen sa braso ni Rav ay napansin kong yumuko lamang si Rav at nanghingi siguro ng pasensiya sa babae.
“Anak, mag-bless ka sa Ninang Pia mo.” Mabilis akong lumingon kay mommy at ngumiti sa babaeng kaharap ko ngayon. Agad akong nandiri, nang mapagtanto ko kung sino iyon.
Siya ang babaeng pinagpapantasyahan si Rav kanina! Kadiri!
Ninang ko pala ‘to!
“Kay gandang bata, Reah! Kung ako sa ‘yo ay maghanap ka na nang maipapakasal mo sa anak mo, Mare!” Hindi ba at parang ang aga ko pa para sa ganiyan na usapan?
Sino ba ang babaeng ito para magdesisyon sa akin?
“Hindi ganoon, Pia. Nasa anak ko ang desisyon at wala sa akin.” Nakampante ako sa narinig ko kay mommy. “At isa pa ay bata pa ang anak ko, gusto ko ay mag-aral na lamang siya at doon lang siya mag-focus,” sunod pa ng mommy.
“Pero sayang at malago ang business niyo ngayon ni Jen. Mas lalong lalago iyan kung ipakasal mo ang anak mo sa malaking business at ganoon din ang anak ni Jen. Nako! Ang lakas na n’yon kung ganoon!” Natatawa niya pang sabi sa nanay ko. Nako, ha! Baka mamaya ay magustuhan ng nanay ko ang idea na ‘yan! Malalagot talaga itong babae na ito sa akin!
“No, hindi ako ganoon at hindi rin ganoon si Jen. Hindi ko ipapakasal ang anak ko sa hindi niya mahal, unless, kung pumayag siya sa ganoon na paraan. Marry for business.” Parang hindi ko pa maisip ang buhay ko na ganoon.
“Well, kung iyan talaga ang desisyon mo. Oh, ayan na pala si Jen!” Turo niya sa likod namin ni mommy at agad naman na naramdaman ang presensiya ng ninang. Natikom lalo ang bibig ko, nang makita ko si Rav na animo’y may galit kung tignan ako.
Bakit ba ang init nanaman ng ulo nito sa akin? Wala naman akong ginagawa sa kaniya.
“Ano ang usapan ngayon dito?” Natatawang tanong ni Ninang Jen sa amin. “Ang sabi ko ay dapat ipakasal itong anak ni Reah, ang bata pa at ang ganda! Marami ang magkakagusto rito—”
“No!” Mabilis na sagot ng ninang. “Hindi pwedeng ipakasal ang baby girl ko at gusto ko pa siyang ampunin!” Niyakap ako nito.
“Kung ayaw niyong ipakasal siya sa ibang lalaki, why not, kung kay Rav niyo na lang siya ipakasal? Hindi mo na siya kailangan pa ampunin, dahil magiging daugther in law mo na siya agad.” Ano ba talaga ang gustong palabasin nito at ang kulit ng lelang niya?
“That’s a good idea for me,” wika ng ninang na animo’y gustong-gusto niya ang narinig.
“Hay nako, Pia! Kahit kailan ay para ka pa ring nahihibang. Kakabasa mo iyan ng mga pocket books.” tapik ng mommy kay Ninang Pia.
“Rav, what you think? Gusto mo ba pakasalan si Fem? Pakasalan mo si Fem, anak!” Pilit ni Ninang Jen kay Rav sa tabi nito na ngayon ay iritado na.
“Kung pipilitin niyo lang naman pala ako magpakasal, pakasal niyo naman ako sa may dede, Ma.” Lahat kami ay natahimik sa narinig namin kay Rav.
S-sinasabi niya ba na wala akong… dede?
Tila likod niya lamang ang nakita ko ngayon na siyang papaalis sa pwesto namin.
Pakasal niyo naman ako sa may dede? Ang kapal naman niya! Ang kapal! May dede ako! Nag-day off sila ngayon! Ang kapal!