MARTINI ROSE
DALA-DALA ko ang aking sapatos, habang naglalakad paakyat sa mansyon ng Fuego. May galit sa puso ko na gusto kong ibato ito sa mukha ni Rav, pero ayoko naman mag-eskandalo.
“Fem!” Nang makita ako ng mommy at agad na lumapit sa akin. Pinagmasdan niya ang paa ko at nakita ang hawak sa aking kamay. “Ano ba ang ginawa mo’t hawak-hawak mo ang sapato—anak! Basa!” Tila gulat niyang tanong, nang mahawakan nito ang sapatos ko.
Sasabihin ko ba kay mommy na binato iyon ni Rav? Hindi naman iyon maniniwala sa akin.
“Tita.” Isang tinig mula sa gilid ni mommy at doon sumulpot ang diablo. Mas matangkad siya sa akin at kay mommy at mas lalo na kay daddy! Kahit ang daddy ay nakatingala lang din kay Rav sa tangkad nito. “Ito na ba ang anak ni Jen?” bulong ng daddy kay mommy.
“Ay! Oo nga pala, narito ang tito mo, Rav. Magmano ka,” utos ng mommy kay Rav, nang gawin naman niya iyon. “Kumusta po, Tito.” Ngumiti pa niyang sabi, nang makatayo siya muli sa pag-bless kay daddy.
“Why are you not wearing your shoes?” Lumipat ang tingin nito sa akin at bumaba naman iyon sa aking paa.
Nagtanong ka pa talaga?!
“May masamang tao po kasi na nagbato ng sapatos ko sa dagat,” sagot ko, habang nakatingin kay Rav na nanlalaki pa ang mata. “That’s… weird,” si Rav na akala mo ay malinis na tao.
“Sino naman ang gagawa nu’n sa ‘yo, anak?” Tanong ng mommy sa akin at ang daddy naman ay umalis gawa nang may kumalabit sa kaniya na kaibigan ata nito. “Oo nga, Mommy, e! Sino kaya ang gagawa nu’n sa akin?”
“No one will do harsh things on you here in our mansion, kid.” Saka niya ginulo ang buhok ko. “Mauuna na rin po ako, Tita. Kung may kailangan kayo ay sabihan niyo lang si manang,” ani ni Rav at nagpaalam na rin ito kay daddy.
“Anak, pumunta ka kay manang at manghiram ka na muna kung may tsinelas pa sila na kakasya sa ‘yo.” Tinulak ng mommy ang likod ko. Isang malakas na pagsinghap lamang ang nagawa ko’t hinanap na agad ng mata ko si manang.
Hindi naman ito mangyayari kung hindi dahil kay Rav. Ang sama-sama niya talaga! Nakakabwesit siya! Siya lang talaga ako pinakakinaiinisan ko sa mundo!
Mabuti na lang at hindi ako mas’yadong napapansin ng mga tao na naririto ngayon sa garden at sa awa ni Lord, ay walang bato na maliliit—hindi ako masusugatan.
“Hija?” Nang makasalubong ko si Ninang Jen. Hindi ko siya napansin kanina, dahil nakatalikod ito at may kausap na ibang mga kaibigan nito. “Why are you strolling around barefoot?” Ang mata niya’t nakatingin na sa aking paa.
Sa hiya ko ay natiklop ko ang mga daliri ng aking paa sa maliliit na dahon ng lupa. “B-basa po kasi ang sapatos ko, Ninang Jen. By the way, po! Happy Birthday, Ninang! Babawi po ako sa regalo ko—”
“Amigo's! I'll be back shortly. Enjoy, lang muna kayo r’yan!” Ngiti ng Ninang Jen sa mga kaibigan nito at hinawakan na ang braso ko. “What happened, anak? Bakit basa ang shoes mo?” Taka niyang tanong sa akin at iniwas ko na lamang ang tingin ko.
“Did my son do that?” Agad naman nanlaki ang mata ko at madali na umiling. “Your face says it all, Fem. Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa batang iyon.” Iling-iling niya pa at mabilis akong dinala sa loob ng mansyon.
“Wena! Bigyan mo nga ako ng tsinelas at malamig ang sahig.” Utos niya sa isang kasambahay nilang kakadaan lang sa harap namin. Nagmadali naman itong tumakbo at bumalik din sa amin nang may hawak-hawak na tsinelas.
“Suotin mo muna iyan, anak.” Mabilis ko iyong isinuot pero ang inakala kong doon na nagtatapos ang pag-uusap naming dalawa ni Ninang Jen at lalabas na kami muli patungo sa garden ay nagkamali ako. Idinala niya ako muli sa loob ng isang kwarto.
Ngunit doon ko napagtanto ang kwarto na ito ay ang kwarto ko noon.
“N-ninang?” Hindi ko alam kung bakit ba kami pupunta rito ni ninang, pero nang buksan niya ito ay agad tumambad sa akin ang halos color pink at lavander na kulay sa dingding.
Pati na rin ang kama at carpet. Mas maganda pa ito sa kwarto ko sa mismong bahay namin!
“W-wow!” Hindi ko mapigilan na bigkasin iyon. Dumiretso ako agad sa aking kama na kulay lavander ang comfoter, habang ang puna ng mga unan ko ay pink. Tumalbok-talbok pa ako sa tuwa.
Pinagmasdan ko si ninang nang makitaan ko siya ng tuwa kung pagmasdan ako.
“Natuwa ka ba?” tanong niya sa akin. Tumigil ako sa pagtalbog sa kama at dahan-dahan na tumungo. Lumapit siya sa akin at umupo naman sa tabi ko. “Pinaayos ko ito para sa ‘yo.”
Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginawa, gayong hindi naman ako namamalagi rito.
“Pangarap ko ang magkaanak ng babae at pasalamat na lamang ako at narito ka.” Mapait lamang akong ngumiti sa kaniya—hinawakan niya ang palad ko at inayos naman ang buhok ko sa likod ng aking tainga.
“Kayo po ang may birthday, pero ako po ang na-surprise niyo. Maraming salamat po, Ninang Jen.” Niyakap ko siya, nang maramdaman kong yakapin niya rin ako. “It's fine; if only I could adopt you, Fem.
Alam ko naman na hindi papayag si Reah.” Humalaklak naman ako.
“Baka po hindi na sapatos ko ang ibato ni Rav, Ninang Jen.” Natatawa kong wika sa kaniya. “Hindi ko nga maintindihan kung bakit sa ‘yo lang siya ganiyan, anak. He's not like that; he used to love children. Nagbibigay siya ng tulong sa mga batang katulad mo rito sa Santa Polera.”
Children? I’m not a child!
“Ninang, I’m sixteen, na po.” Nanlaki muli ang mga mata niya. “That’s great! Magkakasya na ata sa ‘yo ito!” Tumayo siya at may binuksang aparador sa harap namin.
Bumungad ang mga naka-hanger na damit na marami. Lahat pa iyon ay magaganda! “Nabalitaan ko kasi na favorite color mo raw ang lilac, pink at lavander. Despite the fact that I assumed they were all the same color.” Natawa lamang ako sa narinig ko kay ninang. Mukha nga silang magkakaparehas na kulay pero magkakaiba talaga sila.
Ang lilac, ay may lavander na may touch of pink.
“Here, ito muna ang suotin mo. Bumili na rin ako ng mga sandals na may two inches. Hindi ko alam kung kasya iyon sa ‘yo lahat, gawa nang last year ko pa iyon nabili, dahil ang akala ko ay pupunta ka rito.” Lumungkot ang mukha niya.
Hindi kasi ako pumunta last year ng summer, dahil mas nagustuhan kong gumala na lamang kasama ang mga kaibigan ko, lalo na si Lucia. Hindi raw sila aalis ng parents niya, kaya magkasama kami.
“Mag-summer po ako rito, Ninang. Huwag na po kayong malungkot.” Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Ayoko naman na ma-sad siya niyakap ko ang braso niya at sinandal naman ang chin ko sa braso nito.
“Oh, siya! Magbihis ka na at marami pang bisita sa ibaba.” Ibinigay nito sa akin ang dress at isang pair of sandals na kulay puti. “Suotin mo na ‘yan, ha.” Tumungo lamang ako saka niya isinarado ang pintuan ng kwarto.
Pinagmasdan ko ang dress na kulay lilac na puff sleeve at hindi malaswa tignan ang itsura. Maganda nga ito at may tag pa!
“Ang ganda rin ng presyo,” ani ko. Hindi ko naman mas’yadong pinansin ang presyo, dahil kalimitan naman ng damit ko ay ganito rin ang presyo.
Three thousand ang dress na ito. Okay naman na, maganda siya.
Naalala ko ang kwento ng mommy sa akin. Sa kanilang dalawa ni Ninang Jen, ay si ninang ang pinakamahilig sa dress at bags. Mas girly magsuot ang ninang, habang ang mommy naman ay parang old money style ang itsura.
Tamang white cotton top lang at pants. Iyon naman lagi ang suot niya o hindi naman kaya plain dress at gold accessories.
Sinuot ko na rin ang white sandals na may two inch heels. Hindi naman masakit sa paa at sakto lang ang sukat sa akin. Size six ang paa ko.
Itinali ko ang buhok ko. Nag-ponytail na lamang ako at kinuha ang isang pink ribbon sa gilid ng lamesa na mga nakabalandra.
May mga makeup pa nga roon, kaya naglagay na rin ako ng blush on at lipstick sa labi ko.
Nude pink ang labi ko at light pink naman ang blush on ko. Iyong tama lang naman. Ganito naman ako sa school at marunong na rin kahit paano mag-light makeup. Iyong natural makeup ba.
Bumaba ako ng hagdan, nang makita ko si manang muli na papaakyat na. Natigil ito sa paghakbang nang makita ako nito.
“Jusko! Ang gandang bata naman!” Puri niya sa akin. “Halika na at hinahanap ka ni Madam at ni mommy mo.” sunod niya pa.
“Manang? Ayos lang po ba? Hindi naman po pangit?”
“Ano ka ba?! Hindi naman pangit, ah! Maganda…” Inilakad niya na ako palabas ng mansyon at nakita na agad si Ninang Jen na may hawak-hawak na rin na baso. Katabi niya ang mommy, kaya nang makita ako ay iniyakap ako nito.
“Aba! Saan mo naman nakuha ang damit mo, Fem?” Nagtatakang tanong ng mommy sa akin. Hindi ba sinabi ng Ninang Jen? “Well, marami siyang damit dito, Reah. You should leave her here for a while! Lalo na ngayon na magka-campaign si Renaldo for governor again. I really need more hands.” nguso pa ng Ninang Jen.
“What do you think, Fem?” Lumipat ang tanong sa akin ni Ninang Jen. Naghihintay ng sagot, biglaan naman ito. Ayoko naman ma mapahiya siya kung tatanggi ako.
“I-I… well we have a health break. I have no classes for one week.” Tipid kong kinagat ang labi ko. Hindi naman ako makakatanggi kay Ninang Jen, lalo na sa mga ginawa niya sa akin ngayon. Ayoko naman na magtampo siya lalo’t birthday niya pa.
“She really should, Jen. You know what? She is always on the phone, day and night. Hindi na mapakali kakakuha ng pictures sa phone niya.” Nakita ko ang pagtingin ni Ninang Jen sa akin.
“It’s fine, Reah! Mabuti ka nga at nagse-cellphone lang siya. Samantalang si Rav noong sixteen ay nambabae na.” Humalakhak lang din ang mommy. “Gwapo si Rav, Jen. Wala tayong magagawa at babae ang nalapit sa kaniya,” si mommy.
“Hay nako! Kaya hindi nakikinig sa akin ang batang iyon, dahil lagi mo na lang inii-spoiled, Reah.” Iling-iling pa niya. “Fem, kung gusto mo mag-ikot at kumain, feel free, okay? Kumuha ka ng maiinom mo roon. No alcohol, okay?” Tumabingi ang ulo ni Ninang Jen kung itanong iyon.
“I don’t drink, po, Ninang Jen.” Tumungo lang ito nang nakangiti. “Happy birthday, Jen!” Napatungo na lamang ako sa gilid, nang may bumati kay ninang.
“Thank you so much, darling! By the way, this is Reah, my best friend. Reah, this is Belle Villion,” ani ng Ninang Jen at kinamayan naman ng mommy ang isang maputing babae at maganda, mukha nga lang mataray.
Umalis ako sa aking kinatatayuan at pumunta na nga lang sa sinasabi ng Ninang Jen at nakita ang isang island bar na may waiter. Wala naman akong maiinom dito, pero gusto ko ng lychee tea. Baka meron sila…
Umupo ako roon at kinausap ang bartender. Wala mas’yadong napansin sa island bar na ito, gawa nang naka-focus ang mga tao sa mga kakilala nila. Lahat nila ay may drinks, baka tinanong na sila kung ano ang gusto nila ng ibang mga waiter.
“For you, Miss?” Ngiting tanong sa akin ng bartender. “Lychee tea, please.” Ngiti ko rin sabi sa kaniya at naghabol pa ng salita. “No alcohol,” sunod ko pa.
“Of course, Miss.” Tumungo lang ito at agad na kinuha ang isang metal na bote. Pinagmasdan ko lamang siyang gawin iyon, habang siya ay nakatagilid.
“Noel, Martini Rose for this fine lady.” Boses ng isang lalaki sa likod ko na pamilyar sa aking tainga. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko kaya’t nilingon ko siya.
Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.
“What the f-ck?!” Malakas niyang mura.