SIXTEEN
NAKATINGIN lang ako ulit sa bintana, habang pinagmamasdan ang mga ulap at bahay na nalalampasan namin. Ngunit agad sumisilay ang ganda ng dagat na kumintab pa.
“Ma, do we really need to go back there?” Nasa unahan ang mommy sa sasakyan. “Of course! Birthday ng Ninang Jen mo.” Lumingon pa siya sa akin, habang ang daddy ay tinignan lang ako sa mirror ng sasakyan nito sa gitna.
“Dito kami lumaki ng mommy mo, anak. Sa Santa Polera, dito kami nagkakilala.” Tumaas lang ang dalawang kilay ko at ngumiti. “At itong daddy mo ay crush na crush ako noon!” sabat naman ng mommy, bago niya hampasin sa braso ang daddy.
Pabirong hampas lamang iyon at kinuha ang telepono sa gilid ng aking jacket. Nagtipa na ako agad para mag-chat kay Lucia.
Fem: Nandito na kami ngayon sa Santa Polera.
Itinabi ko muli ang aking telepono at hinayaan na lamang ang magulang ko na magtawanan at nagtatalo kung sino ba ang unang nagkagusto sa kanila.
Inilipat ko ang aking paningin sa magandang dagat na kitang-kita ko pa rin ngayon.
Nag-vibrate ang aking telepono’t kaya pinagmasdan ko na iyon muli.
Lucia: Good luck, Fem! Huwag na buhangin ang iuwi mo sa akin, ha? Uwian mo na ako ng lalaki!
Umiling-iling pa ako sa aking nabasang chat nito, kaya ibinalik ko na lamang muli sa loob ng jacket ang telepono ko.
Wala pang saglit nang makarating na kami sa Santa Polera. “Walang pinagbago! Ang ganda pa rin!” Ang daddy na may saya sa kaniyang mukha, nang makababa kami ng sasakyan nito sa harap ng mansyon ng mga Fuego.
“Dapat talaga ay bumili na tayo ng lupa rito sa Santa Polera, hon. Investment din iyon.” Naririnig ko ang usapan ng magulang ko ngayon at ako ay nasa likod lamang nila.
Suot-suot ko ang aking demin jacket at naka-white crop top sando sa loob, habang demin pants naman ang aking pang ibaba at white shoes.
“Narito na pala kayo, Ma’am Reah!” Bati sa amin ni manang. “Aba! Hindi ko nakilala si Fem! Ang laki bigla!” Ngumiti lang ako kay manang at yumakap na rin.
“Ang laki mo na, Fem! Parang noong kailan lang ay maliit ka pa!” sunod niya pang sabi sa akin at hawakan ang likod ko. “Pasok na po kayo, Ma’am Reah!”
Pumasok kami sa loob ng mansyon ng mga Fuego at napagtanto ko na wala naman na pinagbago. Kinuha ko ang aking telepono’t kinuhaan ng litrato ang ilang bahagi ng mansyon ng Fuego.
Maaliwalas at malamig ang paligid at ang kurtina nilang puti na hinahangin.
“Fem, halika na!” Tawag sa akin ng mommy, kaya ibinaba ko na muli ang telepono ko’t tumakbo patungo sa kaniya. Inabot ko ang kamay niyang naghihintay sa akin at iginapos naman iyon sa kaniyang braso.
Katabi ng mommy ang daddy, habang si manang ay nauna nang maglakad sa amin. Natatandaan ko pa rin ang pasikot-sikot sa mansyon, kaya alam ko kung saan kami patungo ngayon.
Sa malawak nilang garden.
“Nawala na ‘yung duyan niyo, manang?” Nagtataka kong tanong sa kaniya nang matagpuan kong halos bilog na mesa na lamang ang naroon at magagarbong bulaklak sa paligid. Halatang may birthday talaga!
Ano kaya ang handa? May shanghai kaya?
“Jusko! Ito namang si Fem, hindi naman duyan ang pinunta natin dito, anak. Birthday ngayon ni Ninang Jen mo,” paalala nito sa akin kaya nanahimik na lamang ako.
May mga bisita na at palagay ko’y rarami pa ito mamaya.
“Maupo na muna kayo, Ma’am Reah. Lalabas na rin si Madam Jen—inaayusan lang sa itaas.” Nakita kong tumango ang nanay ko, habang ang daddy ay lumapit na sa isang lalaki. “Anak, d’yan ka muna, ha? Puntahan ko lang din ang daddy mo. Naroon ang mga ka-batch namin noong elementary.” Turo niya sa kausap ng daddy at ito ako ngayon na naiwan.
“Well… wala naman sigurong maghahanap sa akin, kung magtitingin-tingin lang ako, right?” Tanong ko pa sa aking sarili at inililibot ang paningin sa kabuuan ng garden.
Wala na talaga ang duyan! Favorite ko pa naman iyon dito, tapos tanaw mo ang dagat.
Nakasalubong ko si manang, nang umalis ako sa pwesto ko kanina. Tumaas ang dalawa niyang kilay, habang may hawak-hawak na tray.
“Oh? Saan ka pupunta, Fem?” Huminto siya at itinanong sa akin iyon. “Mag-iikot lang po sana, Manang. Na-miss ko po ang Santa Polera.” Totoo naman ang sinabi ko at hindi naman ako nagsisinungaling sa part na ‘yon. Maliban na lang sa na-miss. Never ko na miss ang Santa Polera!
Ang totoo lang sa sinabi ko ay gusto kong mag-ikot!
“Ganoon ba? Huwag kang lalayo, Fem, ha? Magsisimula na rin ang party maya-maya, baka hanapin ka ng magulang mo,” paalala niya sa akin, bago pa ito magpatuloy sa kaniyang pagdadalhan ng tray nito.
Isang lingon ko pa kay mommy kay mommy at daddy ay kita ko pa rin silang nagtatawanan ng ilang niyang mga kaibigan. May hawak na rin silang glass at alam ko naman na iyon na may alcohol na nilalaman ang iniinom nila.
Agad akong napangiti nang makababa ako sa hagdan na bato at ngayo’y nakaapak na sa buhangin malapit sa magandang tanawin ng dagat. Pababa na ang araw pero maliwanag pa rin ang ibinibigay niya’y ilaw sa dagat.
Hinubad ko ang sapatos at medyas ko’t iniwan lamang sa likod ko at doon naglakad patungo sa dalampasigan ng dagat. Napangiti ako sa malamig na tubig na hinahaplos ang paa ko sa tuwing may maliit na alon patungo sa dalampasigan.
Pinikit ko ang mata ko’t dinamdam lang ang tunog ng alon ng dagat.
Ngunit sandali lamang ay parang hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay may nakatingin lamang sa akin kaya’t minulat ko ang mata ko. Tumingin ako sa gilid, ngunit wala namang tao.
Sa paglingon ko sa aking likod ay doon nawala ang pagkunot ng aking noo.
Mas lumaki ang kaniyang katawan kaysa sa noong huling kita ko sa kaniya. Nag-tan lalo ang kaniyang balat, habang ang mukha niya’t mas lalong… gwumapo.
Ano ba ang nasa isip ko?!
“Didn't I tell you not to come back here?” Tiim niyang tanong, habang ang kaniyang kamay ay nasa loob ng bulsa nito. Nakasuot siya ng itim na damit na hapit sa kaniyang katawan at isang denim pants at Sandugo’ng itim na tsinelas.
Naglakad ako patungo sa kaniya, dahil malapit lang sa pwesto nito ang sapatos ko.
“Birthday ng mommy mo—” Hindi ko iyon natuloy sabihin, nang kunin niya ang sapatos ko’t ibinato iyon sa dagat.
Nanlaki ang mata ko sa ginawa nito! Diablo talaga ang bwesit na ‘to!
“Get out of here, kid.”
“Hindi na ako bata! I’m sixteen!” Galit kong singhal sa kaniya at agad na tumakbo para kunin ang sapatos ko.
Hintayin mo lang talaga, Rav Fuego! Ikaw ang itatapon ko sa dagat sa susunod!