
My Brother-in-LawSa malamig na lungsod ng Canada nagkaroon ng masayang buhay si Thalia kasama ang kanyang asawang si Adrian at ang kanilang nag-iisang anak. Ngunit isang malupit na pagsubok ang dumating nang matuklasan na may cancer si Adrian. Sa kabila ng lahat ng gamutan at pag-asa, unti-unting nanghina ang kanyang katawan.Sa huling mga araw ng kanyang buhay, may isang hiling si Adrian kay Thalia—iuuwi ang kanyang bangkay sa Pilipinas upang doon siya mailibing sa piling ng kanyang pamilya. At pagdating sa airport, dapat niyang kontakin ang kanyang kuya na si Sebastian upang ito ang tumulong sa lahat ng kailangang asikasuhin.Dahil sa pagmamahal sa kanyang asawa, tinupad ni Thalia ang huling kahilingan nito.Pagdating sa Pilipinas, sinalubong siya ng isang lalaking matangkad, seryoso, at tila may bigat ang mga mata—si Sebastian, ang kuya ng kanyang asawa. Isa itong matagumpay na negosyante ngunit may sarili ring sugat sa puso dahil sa isang nabigong pag-aasawa. Divorcee na ito at matagal nang hindi naniniwala sa pag-ibig.Sa mga araw ng lamay at paglilibing, si Sebastian ang naging sandigan ni Thalia—sa pag-aasikaso ng papeles, sa pag-alalay sa bata, at sa pagharap sa lungkot ng pagkawala ni Adrian.Pagkatapos ng libing, plano sana ni Thalia na bumalik sa Canada kasama ang kanyang anak upang ipagpatuloy ang buhay na iniwan nila roon. Ngunit hindi pumayag ang pamilya ni Adrian.Para sa kanila, apo nila ang bata at hindi nila kayang malayo ito sa kanila. Nakiusap sila kay Thalia na manatili muna sa Pilipinas.Napilitan si Thalia na manatili nang pansamantala.Sa paglipas ng mga araw, lalong nagiging malapit si Sebastian at ang bata. Nakikita ni Thalia kung gaano ito kabuting tao—maalaga, responsable, at tahimik na nagmamahal sa pamilya.Hanggang sa isang araw, napansin ni Thalia ang isang bagay na hindi niya inaasahan.Unti-unting nagbabago ang t***k ng kanyang puso.Hindi lamang pasasalamat ang nararamdaman niya kay Sebastian.May ibang damdamin na unti-unting namumuo.Ngunit para kay Thalia, mali ito.Paano siya maiinlove sa kuya ng kanyang yumaong asawa?Paano niya haharapin ang konsensya niya kay Adrian?Kaya pilit niyang nilalabanan ang nararamdaman.Ngunit ang hindi niya alam, si Sebastian man ay may parehong laban sa puso.Sa bawat sandaling magkasama sila, lalo niyang nararamdaman ang kakaibang saya at kapayapaan—isang bagay na matagal na niyang hindi naranasan.Ngunit may isang tanong na pareho nilang kinatatakutan sagutin:May karapatan ba silang mahalin ang isa’t isa… kahit na pinaghiwalay sila ng isang pangalang hindi dapat nilang tawirin—Brother-in-Law?

