9 MONTHS PASSED… DENISE POINT OF VIEW "Mag-iisang taon nang hindi nagigising ang pasyente. Ikinalulungkot kong sabihin pero hindi ko masasabi kung kailan siya magigising. Siyam na buwan na siyang nakahiga pero wala kaming nakikitang sign ng recovery. Unti-unting bumibigay ang kanyang katawan. Sa ngayon, ipanalangin na lang natin ang kanyang paggising." “Please, doc. Gawan nyo ng paraan, magbabayad kami kahit gaano kalaki basta magising lang siya. Doc, please!“ Hindi ko maigalaw ang aking katawan pero naririnig ko ang mga tinig sa aking paligid. Gusto kong imulat ang aking mata at sabihin na gising na ako pero hindi ko magawa. Sumisigaw ang aking isip ngunit nanatiling tikom ang bibig. “Hindi namin hawak ang kapalaran ng pasyente, hija. Tanging kami lang ang gumagamot at tumutulong. Sa

