“Denise!“ Napalingon ako ng marinig ang pamilyar na matinis na boses sa aking likuran. Masaya itong kumaway sa akin. Mabilis itong lumapit sa akin at dinamba ako ng yakap. “Careful Winona, my cat.“ “Sorry, I just missed you so bad,” sabi niya, sabay kurot ng bahagya sa pisngi ni Shopao na tulog sa aking braso, kaya agad kong iniwas. Halatang pinaggigilan niya. “A runaway daughter of XHION is finally here. Besh! Nasa newspaper ka na ngayon,” sabi niya nang nakangiti, kaya napairap ako. Gumala ang tingin ko, pero si Winona lang ang sumalubong sa akin. Nakaramdam ako ng kunting hinayang at lungkot. Hindi na dapat ako mag-expect dahil kahit kailan ay hindi siya mag-aaksaya ng oras, lalo na kapag hindi importante sa kanya. “May bodyguard na binigay ang dad mo. Sila ang kasama natin pabalik

