Sumuko ako at nagpasyang magbihis. Pinili kong suotin ang itim na dress hanggang tuhod. Pinusod ko ang aking buhok. Malinis tingnan ang aking mukha dahil halos ngayon ko lang ito ginawa. Pupunta ako sa University para kunin ang ilang requirements para lumipat. “Meow!“ Napatingin ako kay Shopao. Maliit akong ngumiti at binigyan ito ng marahang tapik sa ulo. Kumuha rin ako ng pagkain nito bago tuluyang lumabas ng apartment. Naabutan ko ang landlady habang may hawak na kape. “Papasok ka pa rin ba?“ Tanong nito. Huminto ako sa tapat nito. “Kukunin ko po ang requirements para sa aking paglipat.“ Bumuntong hininga ito at tiningnan ako ng mabuti. “Bakit naman biglaan ang desisyon mo, Hija? Halos isang buwan ka pa lang dito. Nahirapan ka bang mag-just sa lugar na ito? Laganap man ang krimen

