I can't feel anything. Naalala ko ang sakit sa kanyang mata nang dahil sa akin. Wala ng luhang pumapatak sa aking mga mata. Tuluyan ng namanhid ang pakiramdam ko. Napatitig ako sa labas ng kotse at pinagmamasdan ang pagpatak ng ulan sa side mirror na tila nakikisimpatya at lumuluha para sa akin nang walang katapusan. Parang wala na akong pakialam sa lahat dahil pakiramdam ko… patay na ako. Huminto ang kotse sa tapat ng Froster Building kung saan ang apartment ko. Tumingin ang driver sa mirror para sinilipin ako. “Nandito na tayo, Mam.“ Matamlay akong tumango at lumabas ng kotse. “Mam, may payong dito? Hindi nyo po ba kukunin? Mababasa kayo—” “Hindi ko na po kailangan.“ Mahina sagot ko. Nagaalinlangan pa ako nitong tiningnan at mahinang tumango. Pinatakbo nito ang kotse kaya naiwan a

