9:35 na ng matapos ang discussion ni Prof. Kung hindi pa nag-ring ang bell, hindi pa siguro kami madi-dismiss. Dumeretso agad kaming tatlo sa cafeteria at naghanap ng table namin. Si Fritz na ang nag-order kaya hinintay na lang namin siya ni Sahaya sa table. Ilang minuto din ay dumating na siya na may bitbit na isang malaking tray. Inilapag niya iyon sa table kaya kumuha na ako ng isang bowl na churros with sauce at isang cheesecake. Kumuha naman si Sahaya ng isang sushi at cookies, samantalang si Fritz ay sinosolo ang pizza. Binigyan din niya kami ng tig-iisang orange juice para sa inumin. "Libre ko lahat iyan ah," saad ni Fritz at parang labag sa loob ang ginawa nito. Eh, hindi nga namin sinabi sa kanya na ilibre niya kami. "🎶For the first time in forever🎶" pagkanta ni Sahaya at tumi

