"Chann, baba na!" Sigaw ni daddy mula sa labas ng aking kwarto. Sinipat ko muna sandali ang aking sarili sa full body mirror ko sa kwarto bago kinuha ang aking shoulder bag na kadalasang nakalagay sa upuan ng aking study table at lumabas.
"Morning, dad," bati ko sa daddy ko pagpasok sa dining at hinalikan siya sa kanyang pisngi bago umupo.
"Morning, honey, where's your twin?" Tanong ni dad habang nilalagyan ng fried rice, bacon and egg ang plate ko. Our dad is so sweet, ganito siya sa 'min every time na kakain kami.
He cooks us breakfast, walang mintis 'yun. Every morning siya ang nagluluto, tapos pag lunch sa school lang kami kumakain kasi syempre busy si dad sa office at pag dinner naman we cook for him sometimes. Our dad is both a mother and a father, he never let us feel na kahit wala na si mommy hindi na din namin mafe-feel ang pakiramdam na may mommy.
"Thank you, dad." I smiled and start eating.
"Morning, dad," bati naman ni Chris kay dad nang pumasok siya sa dining. Nag fist bomb naman sila, 'yan ang hand gesture nila ako naman ay kiss kay dad.
He's also our best friend. Suddenly, I feel sad, what if our mom was her? Siguro mas masaya kami, mas masaya siguro si dad. Lingid kasi sa kaalaman niya, I saw him many times crying while hugging mom's frame. Pilit pinaparamdam sa 'min ni dad that he's okay and that he feels complete, but deep inside he felt empty and even us cannot fill those emptiness.
"Chan, baby, what's wrong?"
Tumingin ako kay dad, he's worried.
Nginitian ko lang siya. "Nothing." Saka ko itunuon ang pansin ko sa pagkain.
-
"Okay class for your next project, you will choose a partner." Sabi ng teacher namin, agad naman nag ingay ang mga classmates namin, kanya-kanyang aya ng magiging partner. "CLASS QUIET! IM NOT DONE YET!" Sigaw ni Mrs. Edona dahilan para mapatigil ang lahat sa pag sasalita. "As I was saying, you will choose a partner from the other section, pero dahil excited kayo, ako na ang mag aassign ng magiging ka partner niyo," taas kilay na saad ni ma'am.
"Hay naku! Sayang naman, gusto ko pa naman maka-partner si Chrisniel." Pumintig ang tenga ko sa narinig, nadamay pa kakambal ko ha.
"Ma'am, naman kami na lang pipili!" Asik ni Linsey na sinamaan lang ng tingin ni Ma'am.
Matapos kami isa-isang pinabunot ni ma'am ng magiging partner namin ay umalis na agad siya.
"Sino partner mo, bess?" Tanong sa'kin ni Aya, best friend ko.
"Terrence Von Buenavista, kilala mo 'yun?"
"Hmmm, hindi eh. Anong section ba siya?"
Sinilip ko naman ang papel na nabunot ko.
"12-B1."
"Oh! Eh kaklase ni Chris?"
Nag kibit balikat naman ako. Nag paalam sa'kin si Aya na mauuna na siyang umuwi, 3 pm pa naman pero hanggang 3 pm lang kase ang klase namin. Si Chris naman may klase pa sila hanggang 4 p.m.
Pareho kaming grade 12 students ni Chris, kaso hindi kami mag kaklase. Sa school na ito, hindi ka makakapag-aral kung pera lang ang meron ka. Meaning, you need not just money but also brain. Ibang section ang boys at girls. Katulad namin ni Aya, grade 12- G1, meaning Girls 1 or girls section 1. As of the boys, 12-B1 or boys section 1, mayroon din namang section 2.
Trip kong mag pahangin kaya umakyat ako sa rooftop dito sa building naming Senior High. I took a deep breath, grabe ang sarap ng simoy ng hangin, ang sarap sa pakiramdam every time na lumilipad ang buhok ko.
Naputol ang pagmo-moment ko nang may mapansin ako.
'Yung lalaki, nakatayo sa edge ng rooftop.
Wait, magpapakamatay ba siya?
Lumaki ang mga mata ko nang mas lalo pa siyang napapalapit sa edge.
Tumakbo ako palapit sa kanya nang makitang kunting -kunti na lang mahuhulog na siya. Pakiramdam ko parang slow motion ang nangyayari, 'yung mga nangyayari sa movies?
"NOOOOOO!" Sigaw ko nang makitang unti-unti na siyang nahuhulog.
Hindi ko alam kung paanong nangyari pero ngayon hawak ko na ang isang kamay niya habang siya ay nakalambitin. Jusko ang bigat!
"Kapit lang kuya!" Sabi ko sa kanya habang pilit na hinihila sya.
"TULOOOONG!" Sigaw ko habang tumitingin sa paligid kung may tao ba habang nakahawak pa rin sa kamay niya, hindi ko alam kung paano siya hihilahin pataas dahil sobrang bigat niya at babae lang po ako. His hands is slipping, pinagpapawisan na ako.
Nang binalik ko ang tingin ko sa kanya, nakatitig siya sa'kin. Ang gwapo- ayyy anu ba, Chan! Nasa bingit na nga ng kamatayan ang lalaking ito gwapo pa iniisip mo.
"Kuya naman! Don't just stare at me! Help me pull your self up!" Nakikiusap na ako sa kanya.
"Just let me go," malamig na saad niya. I gave him an irritated look.
"Baliw ka ba, ha!? TULOOONGG! HELP! MAY NAG PAPAKAMATAY DITO!" Sigaw ko.
Feeling ko any moment mabibitawan ko na siya. Pinagpapawisan na rin ang mga kamay ko. Marami na rin mga students na nakatingin sa baba. Tss, useless people. Umakyat na lang sana sila rito at tumulong instead of taking video. Sometimes, taking videos of someone who's about to die is more important to people rather than helping.
Maya maya pa dumating na ang mga security guard nang school at tinulungan akong hilahin 'yung lalaki.
"Oh My God! Thank goodness your safe. Thank you sir," hinging pasasalamat ko sa dalawang guard na dumating.
"Walang anuman, kilala mo ba siya?" Tanong ng isang guard.
Tumingin ako do'n sa lalaki na ngayon ay naka upo na sa gilid.
"No sir, nakita ko lang po siya."
"Buti napigilan mo, hija. Naku itong batang 'to! Kawawa naman sila Mr. Buenavista," sabi ng isa pang guard.
"Kilala niyo po ang parents niya?"
"Oo." Sagot ng isa pang guard at nag paalam bago sila bumaba.
Muli ko namang nilingon ang lalaking muntikan nang mahulog. Nakayuko siya at parang wala sarili. It looks like he got a big problem.
Kinabukasan, naiinis akong bumangon at kinuha ang nahulog ko na alarm clock dahil sa pagkabig ko rito nang tumunog ito. Wala namang pasok eh, bakit ang aga naman nitong tumunog? Humiga ulit ako kasi inaantok pa ako. Ngunit hindi nagtagal ay nakarinig ako ng magkakasunod na katok sa aking pinto.
Tinakpan ko ang tenga ko ng unan at pinilit na pumikit. Ngunit hindi pa rin tumitigil sa pagkatok ang kung sino man kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumayo. Padabog akong bumangon at binuksan ang pinto.
"What?" Nakanguso kong tanong kay Chris.
"Morning too, twinnie. Go fix yourself, double time kasi may naghahanap sayo," sabi pa niya.
"Who?"
"Basta! Go na!" Saka ako tinulak at sinara ang pinto. Padabog pa rin akong pumasok sa banyo at naligo. Sino ba namang maghahanap sa 'kin ng ganito ka aga? Malamang hindi si Aya 'yun kasi panigurado humihilik pa 'yun ngayon at kung hahanapin man ako no'n didiritso na 'yun dito sa kwarto ko.
Mabilis ang naging pagligo ko at pag-toothbrush. Sino ba naman kasing maghahanap sa 'kin ng ganito ka-aga?
'Tapos kong magbihis ay bumaba na ako. Naririnig ko may kausap si dad, akala ko isa lang ang naghahanap? Bakit parang madami sila?
"Dad," pagtawag ko kay dad dahilan para makuha ko ang attention nila.
"Hi, baby bear, good morning. Come here." Sabi ni dad, lumapit naman ako at tumabi ng upo kay dad sa sofa.
"What's up dad." Tanong ko. Nasa harapan namin ngayon ay isang babae at lalaki na sa tingin ko ay nasa kanilang mid 40's, at ang isang pamilyar na lalaki. Hmmmm? "Good morning po," bati ko sa kanila nang may ngiti.
"Good morning din sayo, hija," bati naman ng babae ta's 'yung katabi niya na sa tingin ko ay kanyang asawa ay ngumiti lang.
"Your daughter is so sweet and gorgeous." Anang babae kay daddy.
Ehhhh de nemen pe meshede eheheheh.
Madame, don't you thinks it's too early to make bola-bola me?
"Baby bear, meet Mrs. Camille and Mr. Aron Buenavista," pagpapakilala ni dad sa kanila.
"Nice to meet you po, I'm Channsie by the way," pagpapakilala ko sa sarili ko
"Nice to meet you too, hija," sabi ni Mr. Buenavista
"Anyway, hija, we came here to say thank you for saving our son," nakangiting sabi naman ni Mrs. Buenavista.
Saving their son? I looked at the guy beside Mrs. Buenavista, he really look famili-Wait! He's that guy! 'Yung muntikan nang mahulog sa rooftop.
"You're that guy who jumped from the rooftop?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "So,y you went here just to say thank you?" I asked them with amazement.
"Yes, dear. Kung hindi dahil sa 'yo malamang wala na ang anak namin ngayon," sinserong ani Mrs. Buenavista.
I looked at him, I was shocked when I met his gaze. Napansin ko lang, he's eyes is stunning, ang ganda ng pagkaka-curved ng mga pilik mata niya, his blue eyes is captivating, nakakalusaw 'yung titig niya, 'yung parang hihigupin ka?
Wala sa sariling napahawak ako sa puso ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko.
*hiccough* Nabalik ako sa realidad nang bigla akong sinukin.
"Are you okay, dear?" Tanong ni Mrs. Buenavista
"Yes po. Ahm about what happened sa rooftop, it's nothing po. Luckily, I was there." Nilipat ko ang tingin ko sa anak nila. "Why did you jump, anyway?" Tanong ko sa kanya, he's looking intently at me.
"None of your business," malamig na sabi niya.
Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"None of my business? Of course! it's none of my business, then dapat pala hindi na kita iniligtas?!" Taas-kilay na tanong ko. Bad trip ha!
"Sino bang may sabi sa 'yong iligtas mo ako?" Masungit na tanong niya.
Abah! Abah! Abah! Loko 'to ha!
"Son!" Sita ni Mr. Buenavista sa anak.
"Well, Mr. Hindi ko hinihingi na mag-thank you ka sa 'kin dahil iniligtas kita kasi in the first place, I was not the only one who saved you!! Tumulong din 'yung mga guards ng school. The reason why I ran towards you is because I remember my mom-" I pause, nag babadyang tumulo ang mga luha ko, so I took a deep breath bago nag patuloy sa papagsasalita. "Our mom wants to live, but sadly, God took her away at the age of 20. Hindi namin siya nakilala ni Chris because she died a year after giving birth to us and she has a leukemia." Tinuyo ko ang basa kong pisngi gamit ang palad ko. "You see, maiksi lang ang buhay, ma swerte ka at hangang ngayon buhay ka pa. Our mom wants to live longer pero maaga siyang kinuha sa 'min. Ngayon, tatanungin mo ako kung sinong nag sabi sa 'kin na iligtas ka? Gusto ko lang naman na tulungan ka. Paano pag natuluyan ka? Paano na lang 'yung parents mong maiiwan? Sasaktan mo lang sila! 'Wag kang selfish! Pahalagahan mo 'yang buhay mo!" Nag pakawala ako ng buntong hininga at pinahid ang nabasa kong pisngi dahil sa luha. Nag-excuse ako kina Mrs. and Mr. Buenavista at sa daddy ko bago umakyat sa kwarto at doon umiyak.
'Yung mommy ko naman gustong mabuhay ng matagal para makasama kami, para maalagaan kami at iparamdam sa 'min ang pagmamahal ng isang ina. Kahit na nagpapaka mommy si dad sa 'min, I can't hide the fact na I am still craving for a mother's love. 'Yun 'yung pangarap ko na alam kong imposibling mangyari.
Ang daya lang, kung sino pa 'yung gustong mabuhay ng matagal siya pa 'yung hindi nabigyan ng chance, tapos 'yung mga taong gusto nang mag-end 'yung buhay nila, sila pa 'yung nabibigyan ng chance to live longer.
Kaya ako tumakbo at hinawakan ang kanyang kamay ay dahil ayaw kong maranasan ng parents niya ang sakit nang mawalan ng anak. Ang sakit nang mawalan ng isang minamahal.
If only I can save mom that time.
Tinuyo ko ang aking pisngi gamit ang aking palad nang marinig ang tatlong magkakasunod na katok sa pinto, saka ako tumayo mula sa pagkaka-upo sa kama. Dahan-dahang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si dad. He look at me then hug me tight, just what I need. I burst out my tears, 'yung pangungulila, 'yung pain, 'yung panghihinayang-LAHAT LAHAT! Even though hindi namin siya nakilala, 'andun pa rin 'yung pangungulila at sakit dahil I grew up nang walang ina. What's more painful than growing up without a mom who will guide you?
"Hush baby. Shhhhhh. It's okay daddy is here." Hknagud pa ni dad ang likod ko which makes me feel better. "I'm sorry, kung nangungulila kayo ngayon sa mommy n'yo. Wala akong nagawa para iligtas siya noon."
"It's not your fault, dad. God has better plans for all of us. I'm sorry, dad. I know hindi lang kami ang nangungulila kay mommy, mas lalo na ikaw. We just have to stay strong, dad." Mas hinigpitan pa ni daddy ang yakap niya.