CHAPTER 1

5604 Words
Naiinis akong bumangon at kinuha ang nahulog ko na alarm clock dahil sa pagkabig ko rito nang tumunog ito. Wala namang pasok eh, bakit ang aga naman nitong tumunog? Humiga ulit ako kasi inaantok pa ako. Ngunit hindi nagtagal ay nakarinig ako ng magkakasunod na katok sa aking pinto. Tinakpan ko ang tenga ko ng unan at pinilit na pumikit. Ngunit hindi pa rin tumitigil sa pagkatok ang kung sino man kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumayo.  Padabog akong bumangon at binuksan ang pinto. "What?" Nakanguso kong tanong kay Chris. "Morning too, twinnie. Go fix yourself, double time kasi may naghahanap sayo," sabi pa niya. "Who?" "Basta! Go na!" Saka ako tinulak at sinara ang pinto. Padabog pa rin akong pumasok sa banyo at naligo. Sino ba namang maghahanap sa 'kin ng ganito ka aga? Malamang hindi si Aya 'yun kasi panigurado humihilik pa 'yun ngayon at kung hahanapin man ako no'n didiritso na 'yun dito sa kwarto ko. Mabilis ang naging pagligo ko at pag-toothbrush. Sino ba naman kasing maghahanap sa 'kin ng ganito ka-aga? 'Tapos kong magbihis ay bumaba na ako. Naririnig ko may kausap si dad, akala ko isa lang ang naghahanap? Bakit parang madami sila? "Dad," pagtawag ko kay dad dahilan para makuha ko ang attention nila. "Hi, baby bear, good morning. Come here." Sabi ni dad, lumapit naman ako at tumabi ng upo kay dad sa sofa. "What's up dad." Tanong ko. Nasa harapan namin ngayon ay isang babae at lalaki na sa tingin ko ay nasa kanilang mid 40's, at ang isang pamilyar na lalaki. Hmmmm? "Good morning po," bati ko sa kanila nang may ngiti. "Good morning din sayo, hija," bati naman ng babae ta's 'yung katabi niya na sa tingin ko ay kanyang asawa ay ngumiti lang. "Your daughter is so sweet and gorgeous." Anang babae kay daddy. Ehhhh de nemen pe meshede eheheheh. Madame, don't you thinks it's too early to make bola-bola me? "Baby bear, meet Mrs. Camille and Mr. Aron Buenavista," pagpapakilala ni dad sa kanila. "Nice to meet you po, I'm Channsie by the way," pagpapakilala ko sa sarili ko. "Nice to meet you too, hija," sabi ni Mr. Buenavista "Anyway, hija, we came here to say thank you for saving our son," nakangiting sabi naman ni Mrs. Buenavista. Saving their son? I looked at the guy beside Mrs. Buenavista, he really look famili-Wait! He's that guy! 'Yung muntikan nang mahulog sa rooftop. "You're that guy who jumped from the rooftop?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "So,y you went here just to say thank you?" I asked them with amazement. "Yes, dear. Kung hindi dahil sa 'yo malamang wala na ang anak namin ngayon," sinserong ani Mrs. Buenavista. I looked at him, I was shocked when I met his gaze. Napansin ko lang, he's eyes is stunning, ang ganda ng pagkaka-curved ng mga pilik mata niya, his blue eyes is captivating, nakakalusaw 'yung titig niya, 'yung parang hihigupin ka? Wala sa sariling napahawak ako sa puso ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko. *hiccough* Nabalik ako sa realidad nang bigla akong sinukin. "Are you okay, dear?" Tanong ni Mrs. Buenavista "Yes po. Ahm about what happened sa rooftop, it's nothing po. Luckily, I was there." Nilipat ko ang tingin ko sa anak nila. "Why did you jump, anyway?" Tanong ko sa kanya, he's looking intently at me. "None of your business," malamig na sabi niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "None of my business? Of course! it's none of my business, then dapat pala hindi na kita iniligtas?!" Taas-kilay na tanong ko. Bad trip ha! "Sino bang may sabi sa 'yong iligtas mo ako?" Masungit na tanong niya. Abah! Abah! Abah! Loko 'to ha! "Son!" Sita ni Mr. Buenavista sa anak. "Well, Mr. Hindi ko hinihingi na mag-thank you ka sa 'kin dahil iniligtas kita kasi in the first place, I was not the only one who saved you!! Tumulong din 'yung mga guards ng school. The reason why I ran towards you is because I remember my mom-" I pause, nag babadyang tumulo ang mga luha ko, so I took a deep breath bago nag patuloy sa papagsasalita. "Our mom wants to live, but sadly, God took her away at the age of 20. Hindi namin siya nakilala ni Chris because she died a year after giving birth to us and she has a leukemia." Tinuyo ko ang basa kong pisngi gamit ang palad ko. "You see, maiksi lang ang buhay, ma swerte ka at hangang ngayon buhay ka pa. Our mom wants to live longer pero maaga siyang kinuha sa 'min. Ngayon, tatanungin mo ako kung sinong nag sabi sa 'kin na iligtas ka? Gusto ko lang naman na tulungan ka. Paano pag natuluyan ka? Paano na lang 'yung parents mong maiiwan? Sasaktan mo lang sila! 'Wag kang selfish! Pahalagahan mo 'yang buhay mo!" Nag pakawala ako ng buntong hininga at pinahid ang nabasa kong pisngi dahil sa luha. Nag-excuse ako kina Mrs. and Mr. Buenavista at sa daddy ko bago umakyat sa kwarto at doon umiyak. 'Yung mommy ko naman gustong mabuhay ng matagal para makasama kami, para maalagaan kami at iparamdam sa 'min ang pagmamahal ng isang ina. Kahit na nagpapaka mommy si dad sa 'min, I can't hide the fact na I am still craving for a mother's love. 'Yun 'yung pangarap ko na alam kong imposibling mangyari. Ang daya lang, kung sino pa 'yung gustong mabuhay ng matagal siya pa 'yung hindi nabigyan ng chance, tapos 'yung mga taong gusto nang mag-end 'yung buhay nila, sila pa 'yung nabibigyan ng chance to live longer. Kaya ako tumakbo at hinawakan ang kanyang kamay ay dahil ayaw kong maranasan ng parents niya ang sakit nang mawalan ng anak. Ang sakit nang mawalan ng isang minamahal. If only I can save mom that time. Tinuyo ko ang aking pisngi gamit ang aking palad nang marinig ang tatlong magkakasunod na katok sa pinto, saka ako tumayo mula sa pagkaka-upo sa kama. Dahan-dahang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si dad. He look at me then hug me tight, just what I need. I burst out my tears, 'yung pangungulila, 'yung pain, 'yung panghihinayang-LAHAT LAHAT! Even though hindi namin siya nakilala, 'andun pa rin 'yung pangungulila at sakit dahil I grew up nang walang ina. What's more painful than growing up without a mom who will guide you? "Hush baby. Shhhhhh. It's okay daddy is here." Hknagud pa ni dad ang likod ko which makes me feel better. "I'm sorry, kung nangungulila kayo ngayon sa mommy n'yo. Wala akong nagawa para iligtas siya noon." "It's not your fault, dad. God has better plans for all of us. I'm sorry, dad. I know hindi lang kami ang nangungulila kay mommy, mas lalo na ikaw. We just have to stay strong, dad." Mas hinigpitan pa ni daddy ang yakap niya. - 6:30 a.m nang magising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Nag-stretch muna ako nang katawan bago tumayo at ginawa ang morning rituals ko. After 40 minutes ay bumaba na ako. Naabutan ko sa dining sila dad at twinnie. "Good morning dad, morning twinnie," bati ko sa kanila at humalik sa pisngi ni dad. "Morning, honey," bati ni dad pabalik. "Morning, sis." Umupo na ako sa katapat na chair kung saan naka upo si Chris, si dad 'yung nasa gitna ng table. "Twinnie, who's your partner sa project natin sa subject ni Maam Edona?" Tanong ko sa kakambal ko habang kumakain. "Si Mahalel." "Mahalel Dela Cuesta?" Hmmm. Not bad, Mahalel Dela Cuesta is my classmate, but we're not close kasi she's like a typical nerd, pero sobrang talino. Pero unlike other nerds na kadalasan binu-bully sa mga nababasa sa w*****d stories, Lel has never been bullied by anyone in our school. Bullying and other bad habits of students is strictly prohibited in our school. Pag nahuli kang gumagawa ng bagay na labag sa protocol nang school, you will automatically expelled. "Yes," simpling sagot ulit niya. Nailapag ko ang hawak kong kobyertos at nag cross arms. "Something wrong kuya?" "Nothing," sagot niya nang hindi man lang ako tinitignan at nakatuon lang ang atensyon sa kinakain. "Something's bothering you." Pag uusisa ko pa, pero nag kibit balikat lang siya. Magtatanong pa sana ako nang mag salita si dad. "Chann, eat up." Dad gave me a let-him-be look. Kaya bumalik na lang ako sa pagkain. Siguro masama ang pakiramdam niya or wala siya sa mood para sagutin ako or may bumabagabag talaga sa kanya pero ayaw niya lang sabihin samin. Oh well! He'll tell us if he's ready. Sa school Discuss Discuss Break Discuss Discuss "Okay class, tomorrow don't forget to bring your P.E attire. We're going to play volleyball. At ang makakalaban n'yo ang B1. This will serves as your project for Physical Education. So kayo na ang pumili ng magiging players ng section n'yo, at 'yung hindi mapipili kayo ang magiging facilitators for tomorrows game. That's all for today, goodbye." Sabi ni Sir Walter at saka lumabas. "Yessssssss, uwian naaaa. Bye everyone." "Bye girls" "Wait lang, classmates, we have to decide first kung sino ang magiging players natin tomorrow." Sabi ni Aya sa mga classmates naming isa-isa nang lumalabas ng classroom para mag si uwi. Si Aya kasi ang President ng section namin. "Ikaw na bahala, miss Pres." Ani Kayle "Pinagkakatiwala na namin 'yan sa'yo, Pres." Segunda ni Joane "Bye, President and Channsie." Kumindat pa sa'kin si Jackie bago lumabas, tss baliw! Narinig naman naming nagtawanan 'yung tatlo nang makalabas. Tss panigurado mall na naman ang bagsak no'n. "Oh! ikaw na daw bahala, President Ayanna James. Hahahahaha." Biro ko sa kanya na kinainis niya, ayaw niya talagang tinatawag na President eh hahaha. Tsaka labag sa kalooban niyang maging President ng section dahil ayaw niyang mag-lead ng isang section na matitigas ang ulo. Matigas din daw kasi ang ulo niya hahaha. "Tsk, sino nang magiging players natin?" Problemadong sabi ni Aya habang kinakamot ang batok niya. "Need some help?" Tanong ng isang mahinhin na boses. Lumapit sa'min si Lel. So, kami na lang nila Aya at Lel ang nandito sa loob ng classroom. "Lel, hindi kapa uuwi?" Ngumiti naman siya sa'kin. Uhhhhh! Ngayon ko lang nakita ng malapitan ang mukha ni Lel, she has a pinkish chubby cheeks, brown eyes, perfect curved eyelashes, pointed nose, natural red pouty lips. Her face is totally angelic even her voice. I'm starting to like her na!!!! "Not yet. Hinihintay ko pa kasi si Chris." Nakangiting sabi niya and I saw her blushed. Mas lalo siyang gumaganda kapag lumalabs ang dalawang dimples niya sa pisngi. Sarap kurutin eh. "Why?" Pang uusisa ko pa. Mas lalo pang namula ang mukha niya. Hmmmmm, something is right. Hahahaha, I felt joy when I saw her blushed and thinking maybe she likes my brother? Supportive twinnie here. "May itatanong lang ako sa kanya about sa project natin. Siya kasi ang partner ko." Mas lalo pang lumawak ang ngiti niya. Confirmed! She likes kuya. Just by looking at her smile, I know she likes kuya, and I've got no problem with that. "Do you like, Chris?" Diritsahang tanong ni Aya. Para namang nabigla si Lel sa tanong na 'yun kaya hindi agad nakasagot. "You don't have to answer. Alam ko na ang sagot." Nakangiting saad ni Aya nang may halong pang-aasar. Tumingin ako kay Lel na ngayon ay nakabawi na, her face turned red again. Uhhhhh! ANG CUTE NIYAAAA! "S-sasabihin niyo ba sa kanya?" Why does she have to be so angelic? Kahit na nakasuot siya ng eyeglasses hindi no'n natatago ang kagandahan niya "No worries, sis. We won't tell him." Ani Aya "Wag kang mag alala sis, hindi na namin kailangan pang sabihin sa kanya kasi he's not naive para hindi ka mapansin." "Hindi kayo galit sa'kin?" Parang batang tanong niya. "Pfft! Bakit naman?" "Kasi I thought Aya likes Chris, and you Chan likes Aya for your twin." Napayuko siya matapos sabihin 'yun. Uhhh! Nahihiya siya hahahaha. "HHAHAAHAHAHAH" Sabay naman kaming napatawa ni Aya, napatingin naman sa'min si Lel "Well, Lel. Chan and Chris is like my siblings, we grew up together. Hinding hindi ko magugustuhan ang uhugin na 'yun, 'no." At sinabayan pa ng tawa ni Aya. Hahaahh baliw sinabi pa 'yung pagka uhugin ni kuya no'ng mga bata pa kami. Napangiti naman si Lel, ngiti na parang nabunutan ng tinik. "Ahhhh." Napakamot pa siya sa ulo niya "Sorry, akala ko kasi hehehe." Parang nahiya pa siya. "Don't worry, Lel. Kung may gusto man ako para sa kakambal ko, ikaw 'yun." Sabi ko sa kanya, nag blush ulit siya at ngumiti. Pansin ko ang hilig niyang mag blush. "So, let's get back to our business. Sino na ang magiging players natin? I'm in and also Chan. Who else?" "I'm in." Pag-boluntaryo pa ni Lel. "You play volleyball?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "One of my favorite sport." "Okay." Pinag isipan naming mabuti kung sino-sino ang magiging players namin. Luckily, may mga classmates naman kaming nag lalaro ng volleyball pero hindi nga lang gano'n ka galing. After naming ma finalize lahat ng players, sabay kaming lumabas ng school ni Aya, si Lel mag hihintay daw kay kuya sa garden. "Bye sis." "Bye" Naunang umuwi si Aya, maaga ang sundo niya. Hindi ko pa tinatawagan si Mang Canor kaya hindi pa ako sinusundo. Kinuha ko 'yung phone ko sa bag habang nag lalakad sa may gate ng school, tatawagan ko na si Mang Canor. *BEEEEEEEPPPPPP* Napatingin ako sa sasakyang papalabas ng school gate at papunta sa direksyon ko, dahil sa sobrang pag pagkabigla ko hindi ko na nagawang tumakbo at wala ding salita ang lumabas sa bibig ko, nabitawan ko din 'yung phone ko, at naramdaman ko na lang na nanginig ang mga tuhod ko kaya natumba ako. Akala ko masasagasaan ako kaya napapikit ako. "Miss? Are you okay?" Tanong ng isang lalaki. Iminulat ko ang mga mata ko at sumalubong sa'kin ang mga matang nag aalala. "Mr. Buenavista, ayos lang ako." Pormal na sagot ko, 'yung lalaking muntik nang mahulog sa rooftop ang muntikan nang makasagasa sa'kin. Tinulungan naman niya akong tumayo. "Thanks." Nang makatayo ako, nag kasalubong ang mga mata namin. Ito na naman tayo sa mga titig niya, para akong hinihigop, nakaka hypnotized ang mga mata niya. At ang puso ko, hindi ko alam kung dahil ba muntik na akong masagasaan kaya bumilis ang t***k o dahil sa mga titig niya? Baka dahil sa pagkabigla. *hiccough* Tsaka bakit ba ako sinisinok? Eh wala namang dahilan para sinukin ako? "I'm sorry. Here." Inabot niya sa'kin ang mga gamit kong nahulog, nag-thank you lang ako sa kanya. "Ikaw si Chan, di ba? 'Yung kapatid ni Chris? 'Yung nagligtas sa'kin?" Tanong niya. I feel awkward, hindi ko alam kung bakit. "Yes," simpling sagot ko "Are you hurt anywhere?" Tila nag-aalalang tanong niya. Napatitig ako sa kanya. Why would a man like him almost commit a suicide? Gwapo naman siya, at alam kong mabait. "I'm fine, Mr. Buenavista." "Please, call me Rence. I'm Terrence Von Buenavista," pagpapakilala pa niya sa'kin, sabay nilahad ang kamay para makipag-shake hands. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, ang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya, hindi ko rin magawang ngumiti, para tuloy akong galit sa kanya. "Nice to meet you, I'm Channsie Rose Saavedra." Tinanggap ko naman ang kamay niya. Terrence Von? His name is familiar, sa'n ko nga ba narinig ang pangalan na 'yun? Makakalimutin kasi ako eh. "Ikaw 'yung partner ko, di ba? Sa subject ni Maam Edona?" Napapitik pa ako sa ere. Ayun! Sabi na eh. Nakuuuu! Bibili na talaga ko ng memo plus gold. Siya 'yung partner ko sa project namin kay Maam Edona. "Ah oo, naaalala ko na! Kaya pamilyar 'yung pangalan mo. Hahhahah sorry, medyo makakalimutin ako eh." Napakamot pa ako sa ulo ko kahit hindi naman makati. Nakita ko rin siyang ngumiti. Suddenly, I feel comfortable talking to him. "Ayos ka lang ba talaga?" Tanong niya ulit "Yeah. Nabigla lang ako. Sigi, una na ako, ha. Tatawagan ko pa kasi ang sundo ko." "Hindi ba kayo sabay umuwi ni Chris?" Umiling ako "No, he's still busy by now." Ngumiti ako nang maalalang mag kasama na sila ni Lel ngayon. I'm pretty sure Lel is so happy. Hindi ko napansin nakangiti rin pala ako. "Hatid na kita," offer niya sa'kin "Hindi na, nakakahiya naman sa'yo." "I insist. Tsaka isa pa, sorry nga pala do'n sa mga nasabi ko sa 'yo no'ng pumunta kami sa bahay n'yo. At hindi pa ako nakakapag pasalamat sa 'yo dahil sa pag ligtas mo sa 'kin. Thank you," sinserong aniya. "Wanna grab some ice cream?" alok ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para ayain siya mag ice cream. Amusement filled his face, nabigla siguro siya at hindi niya inaasahang aalokin ko siya. "So, any plans with our music video? Anong kanta ang gagawan nating ng MV?" Panimulang tanong niya nang maka upo kami after naming maka order ng ice cream. "Ano bang maganda?" Tanong ko habang sumusubo ng ice cream. Our project is kailangan naming pumili ng kanta at gagawan namin ng music video. Pero pwede din namang original song ang gagawan ng MV. Si Maam Edona kasi ay ang music teacher namin. Kahit anong kanta ay pwede, may 2 weeks kami para gawin 'yon. Itong lingong 'to ay ang huling linggo ng pasokan bago mag sem break. At gusto ni maam na may magawa kami sa sem break, at may maipasa pagbalik ng klase. Magkakaroon din ng showing para sa MV, lahat ng section na hina-handle ni maam ay iisa lang ang binigay na project, at ito 'yung MV. May judge raw siyang kinuha para mag critic ng MV namin, sila 'yung mag bibigay ng desisyon kung kaninong MV ang pinakamaganda at may mga ibang awards din naman daw at kasabay ng showing ay ang awards night. "The song of your choice ang gagawan ng MV. Mahilig ka naman sa music, di ba?" Tumango lang ako. "Mm, mahilig ka rin ba?" "Yep, One direction, Justine Bieber, Ed Sheeran, at marami pang iba. Hihi." "Nice, idol ko sila, eh. Sila ni Taylor Swift, Celine Dion, Ariana Grande at marami pang iba haha." Sabay naman kaming natawa. Feeling ko magkakasundo kami sa bagay na 'to. Maya-maya pa ay pareho kaming natahimik na dalawa at nakatuon ang atesnyon sa kinakaing ice cream. "I'm sorry nga pala do'n sa mga nasabi ko no'ng pumunta kami sa bahay n'yo," basag niya sa katahimikan naming dalawa. Tinigil ko ang pag kain ng ice cream at pinatong ko ang dalawang braso ko sa table. "Why did you do such thing?" Seryosong tanong ko. Nilagay niya ang plastic spoon sa ibabaw ng ice cream at ginaya ang pagpatong ko ng braso sa ibabaw ng table. Tumitig siya sa 'kin, kaya napatitig din ako sa kanya. I saw pain in his eyes, by the looks of his eyes, alam ko may malalim na dahilan kung bakit gusto niyang matapos ang buhay niya. "I just felt tired," casual niyang sagot. Nag salubong ang dalawa kong kilay, bigla akong nakaramdam ng inis. "You just felt tired? Huh!" Hindi makapaniwalang asik ko. Tired? Anong klaseng dahilan 'yun? "Anong karapatan mong tapusin ang buhay mo dahil lang pagod ka na? Alam mo kung bakit kita tinulungan? Kasi..." Huminga ako ng malalim nang pakiramdam ko may namumuong luha sa mga mata ko. "Kasi 'yun 'yung gusto kong gawin no'ng nawala ang mommy ko. Gustong gusto niyang mabuhay ng mas matagal kasi gusto niya kaming makasama. Pero wala eh! Maaga siyang kinuha sa'min, we were not given a chance to meet her. I only saw her on her photos. I met her through dad's video collection of her happy moments. I knew her through dad's story about her." "Alam mo ba sobrang nanghihinayang ako kasi hindi ko siya nakilala. Palaging kinukwento ni dad kung gaano kabait si mommy, and that I really look like her. How I wish buhay pa siya, how I wish she's here with us. Pero ikaw, dahil lang sa pagod ka na, you decided to end your life?! Wao! Buti nga ikaw ang healthy mo eh! Wala kang sakit, nakapaka-selfish mo naman para gawin 'yun. Hindi mo man lang ba naisip ang mommy at daddy mo? Kung pagod ka na then rest, wag mong ipagpalit ang panandaliang pahinga sa habang buhay na pahinga," sabi ko habang pinapahid ang basa kong pisngi. The whole time na nagsasalita ako, walang emosyon ang mukha niyang nakatitig sa 'kin "How I wish I am healthy." Mahihimigan sa boses niya ang lungkot, nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. "What?" "Nothing, I'm sorry, okay. Hindi ko intensyon na maalala mo ang mommy mo dahil sa ginawa ko." Mukha naman siyang sincere sa sinabi niya. "Alam mo ba, I feel like my effort of holding you up there kahit sobrang bigat mo ay parang nabaliwa. Kasi pagod ka lang pala kaya mo nagawa 'yun. Akala ko pa naman may mas malalim na dahilan. Maiintindihan ko pa sana kung ibang dahilan 'yun, pero 'yung pagod ka lang kaya mo naisip 'yun? You're unbelievable," napailing na lang ako, sumubo na lang ako ng ice cream para lumamig ang ulo ko. His reason is unaccepted, nakaka baliw! Naka inis! Nakaka bwisit! Nakaka walang gana! *SCHOOL BELL RINGS* "Submit your assignment tomorrow before 8. Class dismiss," 'yun lang at lumabas na sa classroom si Maam Rica. Kaagad namang nag ingay ang mga classmates namin, after 5 minutes pa kasi bago dadating ang next teacher namin which is science, sakit sa ulo 'yung mga subjects namin eh umaga palang. Paano kasi first subject namin Math na agad tapos kasunod science, puro mga terror pa 'yung teachers. P.E teacher lang yata ang mabait eh. "Okay guys listen up!" Nasa harapan si Aya habang nag sasalita. "Anu ba 'yan, President Aya! Bakit ba palagi mo kaming tinatawag na 'guys' e puro 'babae' naman tayo rito?!" Reklamo ni Jackie na may halong pang-aasar. Si Jackie 'yung kadalasan mahilig mang-asar kay Aya, minsan pinipilosopo si Aya pero hindi naman nagagalit si Aya. Ni minsan hindi pa naranasan ng section namin ang mag away-away. Inirapan lang siya ni Aya. "Okay as I was saying GIRLS." Natawa naman kami sa ginawa ni Aya, inamphasize talaga ang salitang girls. "So na- finalize na namin ang list. Walang mag rereklamo ha?! Sukat ba namang iniwan n'yo kami dito kahapon?! Kaya kami na lang ang namili." Isa-isang in-announce ni Aya ang mga players. "So, question? violent reaction--?" Tinaas ni Jackie ang kamay niya, pang-asar lang kay Aya. "Coz I won't accept one," sabi ni Aya habang pinangdidilatan ng tingin si Jackie dahilan para mag tawanan ang mga kaklase namin. Sa lahat ng mga kaklase namin, si Jackie lang talaga ang nakakapag pataas ng presyon ni Aya, pa'no kasi medyo tibo 'tong si Jackie. Minsan naisip ko baka may crush 'tong si Jackie kay Aya, gustong mapansin kaya palaging nang aasar. "Settle down class!" Natahimik kaming lahat nang pumasok bigla si Sir Adrian, ang aming Science teacher. "Aya, attendance," utos ni sir sa kanya, dali-dali namang kinuha ni Aya ang palagi niyang dala-dalang notebook na naglalaman ng attendance sheet namin. Discuss Discuss Lahat kami nakikinig lang kay sir Adrian, masungit kasi 'to at kapag hindi ka nakikinig, demerits ka. *BELL RINGS* "I guess we'll continue our discussion next meeting. Goodbye class," saad ni sir saka binitbit ang gamit niya at lumabas. Break Discuss Discuss Lunch "Sis, tara sa canteen?" "Sigi, wait let me just put my things inside my locker." Ini-swipe ko ang ID saka nag bukas ang locker ko. Each classroom has a locker for students, and each students has a locker on their own, hindi mo na kailangan pa ng keys or code for the security of your locker, all you need is to swipe your ID. Isn't it cool? Nang matapos ako sa paglalagay ng gamit sa locker lumabas na kami. "Gawin natin 'yung assignment sa Math after mag lunch ha?" Sabi ni Aya habang nag lalakad kami. "Su-" Hindi ko naituloy ang sagot ko kay Aya nang makita ko ang isang pamilyar na lalaki na nakasandal sa labas ng classroom namin. Parang may hinihintay siya. Ito na naman yung puso ko, ginagawa na naman niya 'yung unusual habits niya. Pero bakit sobrang cool ng lalaking 'to? Nakatagilid siya sa side namin, nakasandal siya sa pader at naka angat ang isang paa na parang nakatukod sa pader, 'yung isa niyang paa ang naka apak sa sahig. Bakit ang gwapo niyang tignan sa posisyon niya ngayon? "Rence?" Gusto kong kurotin ang sarili ko dahil tinawag ko siya, pwede naman kasi namin siyang lampasan na lang. May sarili bang isip 'yung bibig? Lumingon siya sa side namin, saka umayos ng tayo at nakangiting lumapit sa direksyon namin. "Ahmm, hi," sabi niya no'ng makalapit sa'min, parang nahihiya pa siya kaya hindi makatingin ng diritso sa 'kin. "Hi, ahmm. May hinihintay?" Tanong ko sa kanya, napasuklay pa siya sa buhok niya, para namang 'tong natatae eh! "Actually, ikaw 'yung hinihintay ko." Nahihiyang sabi niya. Pfft! Nakakatawa ang lalaking 'to, parang nahihiyang hindi mapakali at natatae. Napatingin naman ako kay Aya no'ng bahagya niya akong siniko at ngingiti-ngiti pa. "Hmmmm," tango ko pa "Bakit naman?" Nanunudyo kong tanong. Gusto kong ngumiti pero pinipigilan ko lang, ang cute kasi niyang tignan, eh. "Ahmm, ayain sa-sana kitang mag la-lunch?" Ngayon naman parang hindi na siya natatae, para siyang bata na nag papaalam sa nanay niya nag maglalaro sa labas pero hindi sure kung papayagan. Bahagya naman akong kinurot ni Aya sa tagiliran. "Why not? Sama ko si Aya ha?" "Okay" "Hi, I'm Ayanna James by the way, James is my surname not a second name hihi," pagpapakilala pa ni Aya 'saka inoffer ang kamay for hand shake. "Terrence Von Buenavista, Rence for short," 'saka sila nag shake hands. Ang lawak ng ngiti ni Aya habang pasimpling tumitingin sa 'kin. Kung hindi ko alam, nang aasar na naman 'to sa 'kin, eh. "Uyyy si Chris oh!" Sabi ni Aya pagpasok namin sa canteen, nakita ko naman si kuya na pasimpling nakaupo sa harap ng pang maramihang table. Nilapitan namin siya. "TWINIIIIEEEEE !" Tumabi ako nang upo sa kanya. "Alone kuya?" Tanong ni Aya na umupo sa bakanteng upuan. "No," simpling sagot niya Hmmm? "Ahhh tama, sis. Kuya's not alone kasi nandito na tayong tatlo," tumango-tango pa ako habang natatawa, pero I know may hidden meaning ang sagot ni kuya, hindi kami ang tinutukoy ng NO niya. "Order lang ako guys," sabi ni Rence. Bigla namang tumayo si kuya "Sama ako." 'saka niya inakbayan si Rence at parang nag bulungan pa sila. Hmmmm? Something smells fruity hehehehe. May tinatago 'tong dalawang 'to eh. At wala akong planong alamin hehehe, hindi ako 'yung kapatid na makikialam sa decision ng kapatid. Alam ko namang hindi gagawa ng kalokohan si kuya eh, and I know the fact that he's up to good. "Close ba sila?" Tanong ni Aya habang nakatingin sa dalawa Nagkibit balikat lang ako "Dunno, maybe." "Oh! Si Lel." Lumingon ako sa may entrance ng canteen. Bali nakatalikod ako sa may entrance. Tumingin ako kina kuya at Rence na ngayon ay omo-order na. Lumawak ang ngiti sa labi ko nang may maisip na ideya. "MAHALEL!" Napatingin sa 'kin ang ibang students dito sa loob ng canteen, pasimple kong sinulyapan si kuya. Ngayon nakatingin na siya kay Lel, TITIG kumbaga. Natawa naman ako dahil bahagya siyang siniko ni Rence saka lang naputol ang pagtitig niya kay Lel na ngayon ay papunta na sa pwesto namin. "Sino kasama mo ?" Nakangiting tanong ko "Ahhh ano kasi.." tsk tsk tsk, ano ba'ng meron sa mga tao ngayon at hindi makasagot ng diritso sa tanong ko at parang natatae? "Why are you still standing? Sit down," napaigtad pa siya no'ng mag salita si kuya mula sa likod niya. Seryoso ang mukha ni kuya habang si Lel naman hindi mapakali, dali-dali pa siyang umupo sa tabi ko. Nagkatitigan kami ni Aya at sabay pang napangiti na para bang iisa lang ang naiisip naming dalawa. Para kaming nag uusap telepathically. Ako: "Si Lel ang tinutukoy niya kanina." Aya: Alam ko, yiiiieeeee ano kayang meron sa kanilang dalawa. We know that Lel likes kuya. But how about kuya?" Ako: Hinde ko alam Aya: "Hayaan na natin sila" Napa kibit-balikat kami pareho bago iniwas ang tingin sa isat isa, nagpalipat-lipat naman ang tingin ko sa kanilang dalawa. Si Lel naka yuko habang nilalaro ang mga daliri niya, si kuya naman printing naka upo at naka dekwatro panlalaki. Magkatapat pa sila ng upoan. I smiled while looking at them, they look good together. Maya maya pa dumating na ang pagkain namin. Tahimik lang naman kaming kumakain, tanging ang tunog lang ng mga kobyertos ang maririnig. Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko nang nilagyan niya ng chicken filet ang plate ko. "Kumain ka ng marami, ang payat mo," pormal na sabi ni Rence habang nakatingin sakin. *hiccough* Bigla akong sininok kaya agad niya inabutan ng tubig. "Dahan dahan sa pagkain, Twinnie," sita ni kuya sa 'kin. Hindi naman kasi ako nabulunan, eh. Ewan ko bakit bigla akong sininok. "Okay na, Sis?" Tanong ni Aya Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Sabay kaming tatlo nila Lel at Aya bumalik sa classroom. Discuss Discuss "Sis, Tara sa cr na tayo mag bihis." Pag aaya ni Aya, Physical Education na ang last subject kaya kailangan na naming mag bihis ng P.E uniform. Pagkakuha namin ng uniform sa locker lumabas na kami para sa c.r na mag bihis. *Prrrrrrtttttt* "Okay, stretching muna tayo students. B1 on my left, G1 on my right. Let's go! let's go!" Sabi ni sir na agad naming sinunod. "Make it proper para hindi sumakit ang katawan niyo after this game." Nag simula na kami sa stretching exercise. Siguro mga 10 minutes 'yung naging stretching exercise namin bago kami nag simula nga game. "G1 first 6, James, Saavedra, Dela Cuesta, Reyes, Dy, Prats. B1 first 6, Saavedra, Buenavista, Santos, Chu, Pascual, Andalio. Shake hands muna," sambit ni Sir Walter "Good luck girls" "Good luck din boys" "Galingan niyo mga kapatid ko," sabi ni kuya samin ni Aya na halatang nang aasar. HAMBOG! Akala siguro nila mag papatalo kami. "Galingan mo din kuya/Twinnie." Nag kasabay pa kami ni Aya ng sinabi. "Good luck, Chann," nakangiting saad sa'kin ng huling kalaban namin na e sha-shake hands ko. Nakipag shake hands ako sa kanya "Good luck din sa inyu, hindi kami papatalo." Tila nang hahamong saad ko. Ngumisi lang siya saka kumindat bago nag punta sa side nila. *Prrrrrrttttt* Nag simula na ang laban. Si Jackie ang unang mag se-serve ng bola. Lahat ng first 6 na napili namin ay magagaling sa Volleyball. "GO GIRLS!!!" Sigawan ng mga kaklase namin ng ma-out ang bola ng boys which means score namin. "GO SEXIES! GO SEXIES! GO SEXIES!" "HOTTIES! HOTTIES! HOTTIES!" "AAAAAHHHHHHHHHH" Kanya-kanyang support ang mga classmates namin, magagaling din ang mga kalaban namin, ah! Akala ko puro pormahan lang sila, don't judge the book by it's cover nga naman. 5-7 ang score. Lamang ang boys. Si Lel na ngayon ang mag seserve. "Let's Go, Lel!" Sabi ko sa kanya, pinaikot-ikot niya muna sa palad niya ang bola na para bang tinatantya muna niya kung saan patungo ang bola pag serve niya. Inaamin ko, magaling talaga si Lel sa sports na 'to. Siya ang spiker namin. Lahat ng tira niya ay pasok. Tinira na ni Lel ang bola, papunta kay kuya ang bola, kuya hit the ball pero napunta ito sa ibang direksyon, score namin. Si Lel ulit ang nag serve, tulad kanina papunta ulit kay kuya ang bola, kuya again hit the ball pero score ulit namin dahil napunta ulit ito sa ibang direksyon. Magaling naman si kuya, eh. Distracted kaya? "WAAHHHHH GO SEXIIIIIIESSSSS" 13-14 lamang pa rin kami at nasa huling round na kami. Kami ang panalo sa 1st round and boys naman sa second round. Hawak ko ngayon ang bola dahil ako ang magse-serve. Dinrible drible ko muna ang bola sa kamay ko. Pag ito sumamblay panigurado talo kami kasi last chance na ito para kami ang manalo. Tumutulo na ang pawis ko sa mukha. Nag-step ako saka hinagis ang bola pataas at saka tinira, pasok ang bola na tinira naman ni kuya. Hindi ko sinadya na mapunta sa direksyon niya 'yun. Patuloy kaming nagpapasahan ng bola, at masasabi kong ang intense nitong last round na ito. Huling tira ni Chu, napasinghap kami nang bahagya siyang tumalon para tirahin 'yung bola pero no'ng pag-landing niya na out of balance siya. Ang ending..... *Prrrrrttt* "Galing n'yo boys." "Galing n'yo boys." "Congrats" "Congrats sa inyu." "Well done." "Sobrang galing niyo, kuya, nahirapan talaga kami," sabi ni Aya na nasa unahan ko nakikipag-shake hands sa mga B1. "Kayo din ang gagaling niyo," sagot naman ni kuya "Galing niyo, Twinnie. Congrats," sabi ko kay kuya 'saka nag-shake hands kami. "Congrats din Twinnie," sagot ni kuya sa 'kin. Tapos na ang game. 15-13 at kung akala n'yo kami ang manalo? Well... "Okay students listen up. Well done, Congratulations everyone. Sobrang gandang laban ang pinakita n'yo ngayon. I'm so proud of you especially girls. Pinatunayan n'yo na kahit mga babae kayo hindi kayo magpapatalo sa mga lalaki. Congratulations to our winning team, G1." "SEXIIIIIIESSSSS." Sabay na sigaw naming G1 "Thank you sir," Well, yes. Kami ang nanalo hehhehe papatalo ba naman kami? Akala namin mag kakaron ng slide 2, no'ng pag talon kasi ni Chu natamaan niya 'yung bola pero dahil parang hindi niya tantsyado ang pag talon niya napunta sa ibang direksyon ang bola kaya score namin hehehe. Yiiiiiieeeeee palaban kaya kami. "Okay, you can change your clothes now, and after, you may go." Sabi ni sir at naglakad na palabas ng gym. Kanya-kanya naman kaming kuha ng gamit at mga banners na gawa ng mga kaklase namin. "Ehem." Napalingon ako sa may likoran ko. "Rence?" "I didn't know you play volleyball so well." "I'll take that as a compliment." "No." Napakunot noo ako sa sinabi niya. "You're good at playing this game," nakangiting sabi niya saka nilahad sa'kin ang kamay niya. Tama! hindi ko nga pala siya na shake hands kanina. Tinanggap ko naman 'yun. "And that was a compliment." "Thanks, Congratulations din. Magaling ka din. And that's a compliment," bahagya pa siyang natawa dahil sa panggagaya ko. Parang mga dalawang minuto din kami sa gano'ng position nang gisingin na naman ako sa realidad ng sinok ko. *Hiccough* "Ayos ka lang?" "*Hiccough* o-oo *hiccough* u-una na ako," Tinalikuran ko na siya at naglakad palabas ng gym. Ano na naman ba'ng problema nitong puso ko? Pati itong sinok ko, eh, hindi naman ako nabilaukan, tsaka bakit naman ako nabilaukan? 'Kailangan ko na yata mag pa check up'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD