CHAPTER 2

4850 Words
Tapos na akong mag bihis ng pambahay, naka pajama lang ako at sleeveless. Umupo ako sa kama at nag isip ng magandang gawin. Wala naman na akong kailangang gawin na assignment kasi nagawa na namin kanina sa school. In fact, na collect na nga ni Aya ang lahat ng assignments namin for tomorrow. Let me correct you guys ha, matatalino ang mga classmates namin, pero syempre may katamaran din. Sa section namin palagi kaming may source ng answer, depende lang kung sinong mauna maka produce ng answer, this time si Lel ang source ng answer namin. Hindi naman problema kung pare pareho kami ng sagot eh. 'Teacher, you gave us the same question, we'll gave you the same answer' Naisipan kong lumabas at ngayon nakaharap na ako sa pinto ng isang silid. Ang kwartong ito... 'Mom's realm' Pinihit ko 'yung doorknob, pumasok ako sa loob ng silid at sinara ang pinto. Nilibot ko ang paningin sa buong silid. Sobrang linis ng buong kwarto, well arranged ang mga gamit. Makikita mong ni minsan hindi napabayaan ang kwartong ito. Nothing change, gano'n pa rin the way it used to be. No'ng bata pa ako, madalas akong tumambay dito, mas gusto ko pang magkulong dito kesa mag laro kasama ang mga ibang bata sa labas. Kapag malungkot naman ako o may hindi magandang nangyari sa 'kin nang araw na 'yun, kinukulong ko ang sarili ko rito sa loob at umiyak nang umiyak hangang sa maubos at wala na akong maiyak pa. I found comfort inside this big room. This place is my favorite place. This is like my mothers realm. Dito inilagay ni daddy ang lahat ng mga gamit ni mommy, pati siguro puso niya ay inilagay na niya dito kasama ng mga ala-ala nila mommy. And I guess even mine. Dito ko minsan nakita si dad umiyak while hugging mom's frame and dress. Kapag nami-miss ko siya, dito ako pumupunta. May dvd player din dito. Lumapit ako sa dvd shock. TREASURE COLLECTION 'Yan ang nakasulat sa upper part ng shock. Mga tapes na kuha ni daddy no'ng nabubuhay pa si Mommy. My Baby's Debut My Baby's Happy Moments Our Wedding Day My Baby's Surprise Party My Baby giving birth to our little Angels Dad took all this video kasi alam niyang hindi niya makakasama ng mas matagal si mom, he wanted to remember mom for the rest of his life kaya ni-record niya lahat ng masasayang ala-ala kasama si mommy. Sobrang nagpapasalamat ako kay daddy na ni record niya lahat ng ito kasi kahit papaano nakita ko kung gaano sila kasaya ni mommy dati. Kinuha ko 'yung OUR WEDDING DAY tsaka pinlay sa dvd. My mom is so gorgeous wearing her wedding gown na siya mismo ang nag design. Mahilig siya sa fashion designing, nakita ko lahat ng designs niya, and it's stunning. Tinago rin ni daddy ang lahat ng mga desinyo na gown ni mommy. Nakangiti ako habang patuloy na umaagos ang mga luha. Kahit papano nababawasan ang pangungulila ko kay mommy every time pinapanuod ko itong video nila. Ilang beses ko na itong napanoud pero hindi ako magsasawa na panuorin 'to over and over again. "I wish you were here mom. I miss you so much," sabi ko sa pagitan ng mga hikbi. The whole time na pinapanuod ko ang video nila ay umiiyak lang ako. Masaya na malungkot, masaya dahil nakikita ko si mommy through that video, malungkot dahil never kong makikita sa personal ang matatamis niyang mga ngiti. "I love you, mommy," sabi ko sa picture ni mommy na hawak ko saka niyakap ito, iniisip ko na totoong mommy ko ang niyayakap ko, at gumagaan ang pakiramdam ko dahil alam ko na patuloy na nabubuhay si mommy sa puso at isip ko. 'Hindi man kita nakilala. Pero hinding-hindi kita makakalimutan' "Sabi ko na nga ba nandito ka lang." Napalingon ako sa nag salita. Si kuya nakasandal sa pinto, hindi ko man lang napansin na binuksan niya ang pinto. "Kuya." Lumapit siya sa 'kin at kinuha ang frame na yakap-yakap ko. Pinakatitigan niya ito, at no'ng tumingin siya sa'kin. May namumuong luha sa mga mata niya. 'Umiiyak siya' Magkaiba man kami ng personality, pareho naman kaming mahina kapag mommy na namin ang pinag uusapan. Seryoso si kuya, pero nalulusaw ang pagiging seryoso niya kapag nakakita lang ng kahit na anong bagay na makakapag papaalala kay mommy. Sensitive kaming dalawa pagdating sa bagay na 'yan. "I miss her," mahinang bulong niya. May luhang pumatak mula sa mga mata niya. Never kong nakita si kuya na umiyak maliban na lang kapag ganitong about kay mommy "Me too, kuya. Me too." He hug mommy's frame then burst into tears. Kanina ako lang ang umiiyak ngayon kami ng dalawa ang nag iiyakan. Niyakap ko siya habang yakap-yakap ang picture ni mommy. Kambal kami, at nararamdaman kong we're both craving for a mother's love and care. Kahit pilit na pinupunan ni dad ang mga bagay na dapat si mommy ang gumagawa, hindi pa rin no'n maaalis na kailangan namin si mommy. Hindi no'n matatakpan ang katotohanan na may kulang sa amin, at 'yun ay isang ina. Binalik ni kuya ang frame sa kinalalagyan nito saka niya tinuyo ang luha niya. Pareho kaming ngumiti saka sabay na lumabas. 'Babalik ako mommy' "So, kuya. May naisip na ba kayo ni Lel para sa project? Anong kanta ang gagawan n'yo ng MV?" Tanong ko sa kanya, pababa na kami ng hagdanan ngayon. "Oo, siya yung naka isip," seryosong sagot niya. "Eh kayo ni Rence?" "Hmmm? How'd you know Rence is my partner?" 'Eh hindi ko naman sinabi sa kanya ang tungkol sa bagay na 'yun eh.' "Yo-you told m-me kaya!" Kailangan talaga sumigaw? Napakamot ako sa ulo ko habang inaalala kong sinabi ko nga ba sa kanya. Tssss. "Pa check ka na, uyyy. Mas matanda pa 'yang memorya mo sa memorya nila Mamila," sabi niya saka iniwan ako dito sa hagdanan. "Sinabi ko ba talaga 'yun?" Pilit kong inaalala kung totoo bang sinabi ko talaga sa kanya ang tungkol do'n, pero wala talaga akong maalala eh. It's either nagsisinungaling si kuya or makakalimutin lang talaga ako. 'Baka nga kailangan ko na ng check up.' Oh well! Hindi ko naman kailangan itago sa kanya 'yun, syempre malalaman din naman niya 'yun kasi mag kasama naming gagawin ni Rence 'yun. Sumunod na ako sa kanya sa dining, naabutan ko si kuya na nakaupo habang kumakain ng cookies. Umupo din ako saka kumuha ng isa at kinain. Hmmmm. "Twinnie, ipagluto kaya natin si dad? What do you think?" "Marunong kaba?" "Hindi, alam naman nating pareho na hanggang pagkain lang ang kaya natin, eh hahahah." Natawa naman siya sa sinabi ko. Isa pang pag kakatulad namin, marunong lang kaming kumain pero hindi kami marunong magluto. "Eh pa'no natin ipagluluto si daddy, hindi naman tayo marunong." "Si nany Fe, patulong tayo sa kanya." Dahil napag kasunduan naming dalawa na ipagluto ng dinner si dad at hindi naman kami marunong magluto, nag patulong na lang kami kay Nany Fe. - 6:30 p.m. tapos na kaming mag luto at naka handa na rin ang table, si daddy na lang ang kulang. Usually, umuuwi siya at 8 p.m. pero tinext ko na siya na umuwi ng maaga. Syempre hindi ko sinabing pinagluto namin siya, surprise nga, 'di ba? "Wala pa ba si dad?" Tanong ni kuya, umiling lang ako. Pumasok naman ulit siya sa loob ng bahay. Hinihintay ko si daddy na dumating, kaya naisipan kong hintayin na lang siya dito sa labas. 7:00 p.m. No sign of daddy yet. I texted him kung nasa'n na siya, pero hindi siya nagre-reply sa mga texts ko. Sigurado akong malamig na ang luto namin. 'No worries, I'm pretty sure he's driving pauwi kaya hindi makapag reply.' Nag lakad-lakad muna ako kasi medyo sumasakit na ang pwet ko kakapo sa 3 steps stair sa labas ng pinto. Tinignan ko ang wrist watch ko. 7:20 p.m. 'We are you dad?' Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ang message tone. Dali-dali ko itong tinignan, nagbabakasakaling si dad na iyon. From: Twinnie "No sign of daddy yet?" 7:21 p.m. Bagsak ang balikat ko nang makitang si kuya pala ang nag-text. Compose message To: Twinnie Wala pa rin kuya Sent From: Twinnie Get inside, sa loob mo na lang siya hintayin 7:22 p.m. Tinignan ko pa ulit 'yung gate kung saan pumapasok ang sasakyan ni daddy, pero no sign of his car comming. Sinunod ko ang sabi ni kuya na pumasok na lang sa loob at do'n siya hinatayin. 7:50 p.m. Nabasa kaya ni dad ang message ko? I tried calling him pero hindi niya sinasagot. I even tried calling his office. "Maaga umuwi si sir, Miss Saavedra." Sabi ni Miss Gelly, secretary ni daddy. "Mga anong oras siya umalis ng office?" "Around 5 p.m. yata 'yun, miss." 5 p.m.? "Sigi Miss Gelly, thank you." Saka ko binaba ang tawag. '5 p.m? Pero 8 p.m. na bakit hanggang ngayon wala pa rin siya? Supposed to be he's here by now kasi ganitong oras siya umuuwi eh. Nag simula na akong mabahala. Where could he be? What on earth is going on? Kung late siya uuwi, he will let us know.' I decided na hintayin siya, baka pauwi na. "Twinnie." Palapit sa 'kin si kuya, he's already wearing his pajamas. "Kuya, dad's secretary told me na kanina pa umalis si daddy sa office around 5 p.m. Pero bakit hangang ngayon wala pa rin siya?" I'm worried, wala naman sanang nangyaring masama kay daddy. "Relax, sis. I am pretty sure he's on his way," pag-aalo sa 'kin ni kuya na hinahagod pa ang likod ko. "Kung late naman siyang uuwi. He'll let us know?" Pumiyok ako sa huling salita ko, naiiyak na ako. Hindi gawain ni daddy ang ganitong pinag-aalala kami. 'Where are you, dad?' Minutes past, we heard an engine's comming. Tumakbo ako palabas ng bahay para makompirma kung kotse ba talaga ni daddy ang dumating. Parang nabunutan ako ng tinik nang makitang kay dad nga ang sasakyan, unti-unti ng bumabalik sa normal ang t***k ng puso ko. Dad is fine, thank goodness. Bumukas ang car door sa driver's seat. Iniluwa no'n si dad na muntikan pang matumba pagbaba sa sasakyan. What? Agad ko siyang nilapitan. Pagiwang-giwang pa siya habang nag lalakad. "Daddy?" Tumingin sa 'kin si daddy saka ngumiti. Nang makalapit ako sa kanya, amoy na amoy ko ang alak na ininom niya. Tinignan ko ang mukha niya, pupungay-pungay ang kanyang mga mata, tapos hindi pa makapag lakad ng maayos. "Daddy," tawag ko sa kanya. Tinitigan niya ako at dahan-dahang umangat ang isang kamay niya at hinawakan ang pisngi ko. "Dad?" "My baby," sabi niya sa 'kin. Nanlamig ako sa tinawag niya sa 'kin, hindi ako makagalaw. "I miss you so much, Baby ko." May isang butil ng luha ang pumatak mula sa mga mata niya. Hindi ko maintindihan, bakit sinasabi ni daddy ang mga salitang 'yun habang nakatingin sa'kin? "Kuya, let's bring him inside," sabi ko kay kuya na parang nabigla rin sa sinabi ni daddy. Tinulungan kami nila mang Canor sa pagpasok kay daddy sa loob. "Thank you po," sabi ko kay mang Canor no'ng mailapag sa daddy sa kama. He looks exhausted, ang dungis niyang tignan at napakagulo ng buhok. "Oh mga anak, ito maligamgam na tubig pamunas sa ama niyo." Nilapag ni Nany Fe ang basin na naglalaman ng tubig at towel. "Ako na Nany Fe." Kinuha ko ang towel at pinunas sa mukha ni daddy. Si kuya nakatingin lang ng seryoso kay daddy habang nakaupo. Dahan-dahan kong pinunas 'yung towel sa mukha niya, isa-isa ko ding tinangal ang butones ng long sleeves niya para guminhawa ang pakiramdam niya. Alam kong naiinitan siya kasi sobrang pawis niya. Habang pinupunasan ko si daddy bigla siyang nagsalita. "Baby ko." Automatic akong napatigil sa pagpunas sa kanya nang mag salita siya. 'Yung mga salitang 'yun. Narinig ko lang na binanggit ni daddy 'yun sa mga video clips nila ni mommy. "Baby ko, I love you so much." Nakatingin siya sa'kin habang binibigkas ang mga salitang iyon. Napalayo ako kay daddy, I don't understand. Kaya ba nag kakaganyan si dad kasi lasing lang siya? "Baby ko, don't leave me please," pag mamakaawa niya habang inaabot ang kamay sa 'kin. "He thought you were mom," ani kuya na ngayon ay nakatayo sa tabi ko. Napatakip ako sa bibig ko, it can't be. "You're an epitome of mom's face. He's drunk, and he's longing for mommy and his illusions is playing him. Nakikita niya siguro si mommy sa'yo," sabi ni kuya na umiiyak na rin. Nakaramdam ako ng unti-unting parang may tumutusok sa puso ko. He misses mom so much kaya siguro siya uminom. That's why hindi niya nasagot ang tawag ko at hindi nakapag reply sa'kin kasi he's been drinking this whole time. Nilulunod niya ang sarili niya sa alak 'cause he's in pain. Oh daddy! We miss mom, too. Naawa ako sa daddy namin. I don't know how he manage to smile at ipakita sa'min na okay lang siya kahit ang totoo he's dying inside. Why do you have to take our mom so early? "Sorry Dad. But I'm not her, the girl you've missed so much." Sobra akong nasasaktan sa nakikita ko ngayon. Mas matindi pa ito kaysa no'ng nakita ko si daddy na umiiyak inside mom's realm. If only I can be her. "Let's go out, Twinnie. Pagpahingahin muna natin siya." Inakay ako ni kuya palabas ng kwarto ni dad. Nando'n pa rin ang pagiging seryoso ni kuya. I admire him for being strong, kahit nasasaktan din siya sa loob kinakaya niyang kontrolin ang emotions niya. Kahit sensitive kami pareha pagdating kay mommy, he can still manage to be serious. He push open my door habang inaakay pa rin ako papasok ng kwarto ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Should I be happy kasi I'm an epitome of our late mother or should I be upset kasi nakikita ni daddy sa 'kin si mommy which will hurt him even more. Dinadaya si daddy ng kanyang illusion gamit ako, nasasaktan si daddy ngayon because he think mommy is in front of him kanina. "Kuya, it's my fault kung bakit patuloy na nasasaktan si daddy. Dahil kuhang-kuha ko ang buong feature ng mukha ng babaeng pinakamamahal niya kaya palagi siyang nasasaktan, dahil nakikita siya ni dad sa 'kin pero she's gone forever... the real one. At hinding-hindi na siya babalik," sabi ko sa pagitan ng mga hikbi. Niyakap ako ni kuya dahilan para mas lalo akong umiyak. "Shhhh. You're not at fault, little sis. Listen to me." Hinawakan niya ang baba ko at inangat. "May dahilan kung bakit tinulad kay mommy ang feature mo. Don't you think it's wonderful? Think about it, we never had a chance to meet mom. Pero dahil magkamukhang-magkamukha kayo, para na ring kasama natin si siya. Even dad, Mamila said daddy was so vulnerable after mom pass away? Pero habang lumalaki tayo mas naging hands on si daddy sa'tin? I heard them talking, Mamila and dad. Mamila said kamukhang-kamukha mo si mommy, and then dad said, he was so happy kasi kahit wala na si mommy may iniwan naman siyang isang bagay na patuloy na makapagpapaalala sa 'tin sa kaniya. Na kahit wala na siya, ay parang kasama pa rin natin siya, and it's you, twinnie. Hindi mo dapat sisihin ang sarili mo dahil lang kuhang-kuha mo ang feature ni mommy kasi pinasaya mo naman si dad," pangungumbinsi pa niya. "Pero, kuya, nasasaktan pa rin si dad kasi akala niya ako si mommy-" Pinutol ni kuya ang sasabihin ko. "Because he's drunk, sis. Oo, nasasaktan si dad pero masaya siya. 'Wag mong isipin na ikaw ang dahilan kung bakit patuloy na nasasaktan si dad, ikaw ang dahilan kung bakit masaya si dad," pangungumbinsi niyang muli sa 'kin. I know he just want me to feel better, and he did. I feel better now. "No, kuya. Tayo ang dahilan kung bakit masaya si daddy. Kasi tayo ang iniwan ni mommy para hindi mag isa at malungkot si dad." Nakangiti ko ngayong saad sa kanya. Ngumiti rin siya saka niyakap ako ulit. Hay! What would I do without you kuya? You're so strong when I am weak. - Araw nang Myerkules, maaga akong nagising hindi dahil sa ingay ng alarm clock, maaga akong nagising dahil nahulog ako sa kama. Tama po kayo. Nahulog pa ako sa kama, ewan ko ba bigla ko nalang napanaginipan 'yung kabataan namin. No'ng nagbabakasayon kami sa probinsiya nila dad. 'Yung laman ng panaginip ko ay no'ng umakyat kami sa puno ng mangga sa farm nila Mamila. May manggo farm kasi sila Mamila sa Cebu. Umakyat ako no'n tapos nahulog daw ako kaya ayun ang gumising sa 'kin, naramdaman ko na lang na masakit ang pwet ko. Pero sa totoo lang hindi naman talaga ako nahulog no'n eh, ewan ko lang bakit ako nahulog sa panaginip na 'yun. Ahyy! At least maaga akong nagising. Tapos ko ng gawin lahat ng morning rituals ko kaya bumaba na ako. Nasa hagdanan pa lang ako amoy na amoy ko na ang niluluto ni daddy. "Good morn-" Hindi ko naituloy ang greet ko sana kay daddy nang makitang hindi si daddy ang nagluluto ng breakfast. "Good morning, anak. Halika na maupo ka na dito. Maaga ka yatang nagising? Si Chris?" Dahan-dahan akong napaupo habang hindi pa rin makapaniwala sa nakikita ko. Anong nangyayari? Parang hindi ko maintindihan kung bakit hindi si daddy ang naabutan kong nagluluto ng breakfast. "Nany Fe? Where's dad? Maaga ba umalis?" Tanong ko kay Nany na nilalagyan ng rice ang plate ko "Hindi pa nagigising, 'nak. Lasing 'yun kagabi kaya baka mahimbing pa ang tulog. Ito nga at pinagluto ko ng sopas para pag gising niya, kainin niya to para mawala ang hang over niya." Sabi ni Nany "Ahhhh, gano'n po ba?" Nakaramdam ako ng lungkot ng maalala ang nangyari kagabi pero inintindi ko na lang si daddy. "Kain na." Kumuha na lang ako ng sandwich at saka binitbit ang bag ko na naka lagay sa katabing upuan ko. Nakatingin naman sa 'kin si Nany ng may pagtataka. "'Yan lang ba kakainin mo?" "Opo, ayos na ako dito." Saka ako tuluyang lumabas ng bahay at nagpahatid kay manong sa school.. 6:45 a.m. Sobrang aga pa pero nandito na ako sa school. Mamayang 9 pa 'yung klase namin, pero gusto kong tumambay ngayon sa library. *BOGSH* "Awwww." Daing ko nang mapa-upo ako sa floor dito sa hallway nang may makabangga ako. "Sorry miss." Nakita kong inabot ng naka bangga ko ang kamay niya. Pag-angat ko ng tingin automatikong ginawa ulit ng puso ko ang unusual habits niya. DUG DUG DUG DUG DUG DUG Tinanggap ko ang kamay niya saka niya ako hinila patayo pero dahil medyo napa lakas yata ang hila niya sa 'kin kaya napayakap ako sa kaniya. Parang may ilang bultahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang mag lapit ang katawan namin. Sobrang lapit ng mukha naming dala. Inch na lang ang pagitan, nakakaduling dahil sa sobrang lapit. Nakatitig siya sa mga mata ko at gano'n din ako. Ito na naman ako nadadala sa mga titig niya. Marupok na ba ako? Bakit parang nakaka-hypnotize ang titig niya? Para kang hihigopin palapit sa kaniya. Hindi ako makagalaw sa position naming dalawa. Pakiramdam ko may ilang kabayo ang nag-uunahan mag takbuhan sa puso ko, 'yung parang kinakabahan din ako. Walang salita ang lumalabas sa bibig ko. *Hiccough* Napatakip ako sa bibig ko saka napalayo sa kanya. Oh my God! Thank you so much hiccough you just save me from that awkward moment. *Hiccough* Tumalikod ako sa kanya habang patuloy pa rin ako sa pag-sinok. "Sorry *hiccough* ." Sabi ko sa kanya habang nakatalikod "Are you okay?" Nag okay sign lang ako at tumango. Kinuha ko ang tumbler na dala ko sa bag at ininom ang tubig na laman no'n. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung sisinokin pa ba ako, at no'ng pakiramdam ko ay hindi na ako sisinukin. Huminga ako ng malalim 'saka humarap sa kaniya. "Ehem, pasenysa na ha." Awkward akong ngumiti sa kanya. "Nasaktan ka ba kanina?" Tukoy niya sa pagkakabangga sa'kin. "Hindi naman. Sigi, una na ako ha." Ngumiti ako bago nag lakad pero hinawakan niya ang braso ko bago makalampas sa kanya. "Saan ka pupunta?" "Sa library." Tinuro ko pa ang daan papunta sa library. "Okay, tara na." Nabigla ako nang hinila niya ako papunta sa daang tinuro ko. "What? Sasamahan mo 'ko? Wala ka bang klase?" "Wala, half day lang kami ngayon kaya sasamahan kita sa library." Sabi niya ng hinihila pa rin ako. Kung nabigla ako sa paghila niya sa'kin, mas nabigla ako kasi hindi ko man lang binawi ang kamay kong hawak niya habang sabay na kami ngayon nag lalakad. Hindi na niya ako hinihila, sabay na talaga kaming nag lalakad. RENCE'S P.O.V NASA library ako kasama si Channsie, tahimik siyang nagbabasa sa librong nasa harapan niya. Wala akong klase ngayon pero trip kong pumasok ng maaga, wala din naman akong magagawa sa bahay. Dumiritso ako kanina sa rooftop pagdating ko dito. Pababa na ako para sana mag breakfast sa canteen kasi hindi na ako nag breakfast sa bahay, nakaka walang ganang kumain pag wala kang kasama. Maaga kasing umalis sila mommy at daddy, may kailangan asikasuhin sa isang hotel nila sa Cebu. Oo, 'NILA' dahil sila ang nagpapatakbo no'n, wala pa akong kinalaman at kaalam-alam sa hotels and restaurants na pinapatakbo nila. Nakasalubong ko siya pagbaba ko galing second floor. Kaya tinanong ko siya kung saan ang punta niya. Sa library ang punta niya kaya sumama na ako. Ewan ko, nakita ko lang siya nakalimutan ko ng gutom nga pala ako. Ewan ko rin ba kung bakit nagdesisyon akong sumama sa kanya sa library. Tahimik na pinagmamasdan ko siya habang tutok sa pag babasa ng libro niya. May tatlong libro ang naka buklat sa harap niya ngayon. Habang nagbabasa ay paminsan-minsan nagsusulat din siya sa notebook niya. Maya maya'y dahan-dahan siyang nag-angat ng kaniyang tingin at sinalubong ang mga titig ko. "Bakit?" Pormal niyang tanong "Wala hihi," napapahiyang sagot ko. "Ano nga palang ginagawa mo? Bakit sobrang aga mo naman yatang tumambay dito sa library?" "Advance reading lang," pormal niyang sagot. "Napapansin ko lang Channsie, bakit napaka pormal mong mag salita 'pag ako ang kausap mo? Mag kasing edad lang naman tayo. Hihi." "Ganito ako eh." "Saan?" "Basta hindi ko ka-close" Napa pranka naman nito. "Eh ikaw?" "Anong ako?" "Bakit ang aga mo? Si Chris kasi nasa bahay pa, tulog mantika pa yata." Natatawang tugon niya "Mamaya pa kasi ang klase namin. Maaga lang akong pumasok." Tumango lang siya habang nasa libro ang kaniyang paningin. Medyo maypagka seryoso ang isang 'to, pansin ko lang. Eh parang isang beses lang yata ako nito nginitian eh. 'Tss ano ba naman, Rence. Malamang hindi kayo close kaya hindi ka talaga ngingitian niyan.' Magdamag ko lang siyang tinitigan. Sa totoo lang, talagang hindi nakakasawa titigan ang mukha niya. Seryosong-seryoso siya sa ginagawa. Naalala ko 'yung ginawa niyang pagtulong sa 'kin at 'yung rason niya kung bakit niya ako niligtas. No'ng nalaman ko ang dahilan kung bakit niya ako niligtas, sobrang naawa ako sa kanya. Parang piniga 'yung puso ko, at na guilty. Naging hindi maganda ang mga sinabi kong rason sa kaniya. Ako na itong tinulungan niya, ako pa 'yung naging masama. Wala ako sa sarili ko no'n nang nagpunta ako sa rooftop, naghalo halo ang esmosyong naramdaman ko matapos kong marinig ang lahat ng nalaman ko. Hindi ko man masabi kay Channsie kung gaano akong nagpapasalamat sa ginawa niyang pagtakbo at paghawak sa kamay ko para hindi ako tuluyang mahulog, abot langit ang pasasalamat ko dahil napigilan niya ako sa hindi ko pinag iisipang desisyon. Naisip ko ngayon, kung hindi siguro dumating si Channsie para tulungan ako, kung na tyempuhang walang tao doon malamang napakaling pagsisi ko. Tama siya, hindi ko dapat ipagpalit ang panadaliang pamamahinga sa pang habang buhay na pamamahinga. 'Utang na loob ko sa kanya ang pangalawa kong buhay.' Ilang minuto pa muna kaming namalagi roon bago niya naisipang magyaya na umalis na doon. "Sa'n ka na nyan?" Tanong ko papalabas ng library. "Daan muna akong canteen. Hindi kasi ako nakapag almusal bago pumasok." "Sabay na tayo. Hindi rin kasi ako nakapag almusal sa bahay." Tango lang ang naisagot niya. Nasa ground floor lang ang canteen at library kaya mabilis kaming nakarating doon. "Anong gusto mo?" "Bakit? Libri mo?" Pormal niyang tanong. Tsk! Nakakabanas 'yung pagiging pormal niya sa 'kin habang ako nagpapaka normal makipag usap sa kanya. Feeling close na ako nito, eh. Sabayan pa ng seryoso niyang mukha. Tsk! Nakalimutang kong kambal nga pala sila ni Chris, seryoso't tahimik din ang isang 'yun. "Oo naman!" Magiliw kong tugon "Casava cake and milk shake na lang sa 'kin. Thank you. " Pati pag papasalamat napaka pormal, tsk! 'At bakit ba panay ang reklamo ko? Close ba kami, 'di ba hindi? Tsk!' Matapos kong maka order ay pinuntahan ko na si Channsie sa kinauupuan niya. Tahimik kaming pareho habang hinihintay ang order ko. Hindi nagtagal ay dumating na rin ang pagkain namin. Walang imikang kumain kami, magiging feeling close na talaga ako kung kakausapin ko siya kahit alam kong magiging pormal lang siya sa 'kin. Natigil kami pareho sa pagkain nang mag-ring ang cellphone niya. Nagkatinginan muna kami sandali bago siya nag iwas ng tingin at tinapat sa tenga ang phone niya. "Aya?.... Nasa canteen, why?... Oo, kasama ko Rence... Sigi, sigi hihintayin kita." Binaba na niya ang phone niya at tumingin sa entrance ng canteen. Kakaunti pa lang ang tao ngayon sa canteen. Maaga pa kasi, isa pa kakaunti lang din ang nag aalmusal dito. "May problema ba?" Casual na tanong ko. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin habang umiling. Tsk tsk! Konti na lang iisipin kong ayaw niya sa presence ko. "Sissy, kanina pa kita hinahanap eh." Nilingon ko ang likoran ko upang makita kung sino iyong nag salita. Si Aya 'yung kinakapatid ng kambal. Bugnot ang mukha at parang naiinis habang naka nguso pa. Tss! Masasabi kong magkaibang-magkaiba ang personality nitong dalawa. Alam kong magiliw at pala dada ang kinakapatid nilang kambal. No'ng nagpakilala pa lang ito sa 'kin ay 'yun na kaagad ang nakita kong personalidad niya. Kapag may nakilala akong isang tao, agad kong kinikilatis ang kanyang personalidad at pag uugali. Kung paano ko ginagawa ay sa akin na lang iyon. "Kanina pa ako dito, sinamahan ako ni Rence sa library kanina. Nakasalubong ko kasi siya," paliwanag pa niya sa kaibigan ng nakangiti. Kita mo na! Sa'kin lang siya ganiyan, sa'kin lang siya pormal at seryoso! Tsk! Talagang di kami close--- bakit naman nadidisyamaya ako kung hindi kami close? Eh, 'di makikipag kaibigan para maging close. Tss! Kabaklaan na itong naiisip ko. "Hi, Rence," masiglang bati nito sa 'kin nang mapansin ako sa harap ni Channsie. Napakalawak ng ngiti niya. Sana ganyan din ngumiti ang kaibigan mo. "Hi, good morning," pabalik kong bati sa kanya ng nakangiti. "Kumain ka na ba?" Tanong ni Channsie Umupo si Aya sa tabi ni Channsie. "Mm. 'Nga pala. Tumawag ako kanina kasi akala ko hindi ka papasok." "Bakit naman?" Nakangiwing tanong ni Channsie. Nagtataka namang tumingin sa mukha ni Channsie si Aya. "'Di ba Death Anniversary ng mommy n'yo?" Nabitawan ni Channsie ang hawak na kobyertos at dali-daling kinuha ang cellphone na pawang may tinitignan. Nanlalaki ang mga matang muling tumingin kay Aya. "Jesus Christ! Aya," kabadong saad niya. Tumayo siyang bigla 'saka mabilis na patakbong lumabas ng canteen. "Sandali, Chan!" Habol na sigaw ni Aya bago sumunod kay Channsie palabas. Nagtataka man ay tumayo na rin ako. Paalis na rin sana ako sa canteen nang makita ko ang bag at mga libro ni Channsie na nakapatong sa mesa. Kinuha ko ang mga iyon at sumunod sa kanila. Sinundan ko sila hanggang sa makalabas ng school gate. Aligaga si Channsie habang hindi magkamayaw sa pagtuplok sa cellphone niya. Nakita ko pa kung pa'nong nanginginig ang mga kamay niya habang panay ang pindot sa cellphone. Pabalik-balik siyang nag lalakad habang nasa tenga nakadikit ang hawak na telepono. "Sis, calm down," pag-aalo ni Aya na alalang-ala sa kaibigan. Hindi ko man maintindihan kung bakit ganyan ang naging reaksyon niya no'ng malamang Death Anniversary ng mommy nila, hindi na rin ako naki alam. Baka kaya siya aligaga dahil nakalimutan niya. Pinagmamasdan ko si Channsie na pabalik-balik sa paglalakad, halatang nangingilid na ang kanyang luha ngunit pinipigilan niya lang. "Demmit! Bakit ayaw sagutin ni Chris!" Galit na sigaw niya saka nagpipindot-pindot ulit sa telepono niya. Sa tingin ko ay may hindi magandang nangyayari. Kung Death Anniversary at nakalimutan niya, bakit kailangan niyang mainis dahil hindi sinagot ng kakambal ang tawag at parang kaunti na lang ay magwawala na siya? "Kuya! Si daddy?.... Okay papunta na ako!" "Sis, ano daw sabi ni kuya?" Pati si Aya ay nahawa na rin sa pagiging aligaga ni Channsie. "Kailangan kong makauwi!" "'Yung sundo mo?" "Sis, hinahanap nila si dad." "What? Saan naman nag punta si Tito?" "Hindi ko alam," parang batang napaiyak so Channsie na napaupo pa sa lupa. Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya. Ngayon ay may idea na ako kung anong nangyayari. "Ihahatid na kita." Sabat ko sa kanila. Na'kay Channsie ang paningin ko, basa na ang mukha niya dahil sa luha at nakatingala siya sa 'kin. Lumapit ako sa kanya at umupo para mapantayan siya, saka siya dahan-dahang niyakap. Maski ako ay hindi alam kung anong nagtulak sa'kin para yakapin siya. Pero dahil sa nakikita ko ay alam kong ito ang kailangan niya. "Tara," sabi ko no'ng mag bitiw ako sa yakap. Bahagya ko siyang hinila patayo. "Wait for me here. Kunin ko lang 'yung kotse sa parking." Patakbo kong tinahak ang daan papunta sa parking lot. It's time para ako naman ang tumulong sayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD