CHANN'S POV
Tinanaw ko si Rence na tumatakbo papunta sa parking lot kung saan naroroon ang kanyang kotse. Kahit papaano ay nagpapasalamat akong nagkasama kami dahil matutulungan niya akong makauwi kaagad.
Rumaragasa na ang mga luha ko kasabay ng pagragasa ng pawis ko. Buong katawan ko na yata ang pinagpapawisan. Ramdam na ramdan ko ang panginginig ng aking mga kamay. Nagsisisi ako kung bakit nakalimutan ko kung anong araw ngayon at kung bakit pumasok pa ako ng maaga't pinairal ang tampo kay daddy dahil hindi siya nakauwi ng maaga kagabi at nag lasing pa siya.
Totoong nagtampo ako kay dad kagabi. Pakiramdam ko nasayang lang ang pinaghirapan namin ni kuya para ihanda ang sorpresa para sa kanya. Inaasahan kong pagkagising ko sa umaga ay naghahanda na siya gaya ng nakasanayan namin, nawala na rin ang tampo ko. Pero no'ng makita kong si Nany ang naghahanda ng almusal. Mas lalo akong nagtampo, iniisip kong nag lasing na nga siya ng walang dahilan, nasayang pa ang sorpresa namin para sa kanya. Hindi pa siya bumawi kinaumagahan.
Hindi ko man lang naisip na hindi pala inom ang daddy namin, umiinom lang siya kapag gano'ng may problema. Hindi naman kasi siya gumagawa ng isang bagay ng walang dahilan. Ang tanga ko lang. Mas tanga ako sa isiping hindi ko man lang naisip kung bakit uminom at nalasing siya, at mas nakakatanga dahil hindi ko man lang naalala kung anong petsa ngayon. Kung naalala ko lang sana, eh di sana nasamahan ko so daddy ngayon sa bahay.
Bakit ba naman kasi hindi ko na ilagay sa reminder sa phone ko, eh, madalas ko namang gawin 'yun kapag may importanteng bagay na hindi dapat nalilimutan. Hindi sana ako mababaliw kakaalala kay daddy kung hindi ako naging makakalimutin.
*BEEEEP BEEEEP*
May kotseng huminto sa harap namin. Bumukas ang pinto ng driver's seat ng kotse at lumabas si Rence. Naglakad siya papunta sa kinatatayuan namin at binuksan ang passenger seat.
"Get in," seryosong saad niya.
Agad akong pumasok sa loob at sinara naman niya iyon 'saka umikot sa harap nitong kotse upang makapasok sa driver's seat.
Binuksan ko iyong bintana nitong kotse at dumungaw para makausap si Aya.
"Sis, ikaw na munang bahala magpaliwanag sa mga teachers natin ha? Please," tugon ko kay Aya
"Oo ako bahala. Mag iingat ka. Tawagan mo 'ko."
Tumango lang ako saka umayos ng upo. Tinapunan muna ako ng tingin ni Rence bago imaniobra ang sasakyan sa kalsada.
Patuloy pa rin sa pagkabog ang puso ko. Hindi na ito halos magkamayaw pa. Habang nasa byahe ay si dad ang laman ng isip ko.
Pag ganitong Death Anniversary ni mommy, si daddy palagi ang inaalala namin. Katulad nang nangyari kagabi, naglasing siya dahil alam kong naalala niya si mom at Death Anniversary niya ngayon. Laking pagsisi ko talaga kung bakit nakalimutan ko. Anong klase akong anak kung gano'n?
Iniisip ko ngayon kung nasaan kaya si dad. Last year, ganitong petsa rin noon. Buong araw naming hinanap si daddy, pinuntahan namin lahat ng lugar na pwede niyang paglagian pero hindi namin siya nakita. Gabi na nang nakabalik siya sa bahay.
Nabalik ako sa ulirat nang huminto ang kotse ni Rence. Pagtingin ko sa labas, nasa tapat na kami ng aming bahay. Dali-dali akong lumabas at pinagbuksan agad ako ng guard nang makita ako. Pagpasok ko sa bahay ay naabutan ko sa sala sina mamita at papito.
"Mamita! Papito!" Patakbo akong lumapit sa kanila at dinamba sila ng yakap.
God! I miss them so much.
"Apo ko! Namiss ka namin!" Ani mamita
Ako ang unang bumitaw sa yakap at hinarap sila.
"Si daddy?" Diritsong tanong ko sa kanila. Hindi ko nakikita si Chris dito sa sala.
"Hindi namin alam, dear. Pagdating namin dito ay si Fe lang ang naabutan namin," paliwanag ni Papito
"'Wag kang mag alala, apo. Alam kong hinahanap na ni Chris si Christian. Kilala mo ang daddy mo. Kapag ganito ang ginugunita natin taon-taon, biglang nawawala ang daddy mo. Gusto niyang mapag isa sa ganitong petsa, intindihin na lang natin, ha? Kahit naman bigla biglang nawawala ng walang pasabi, umuuwi naman ng maayos," ani mamita.
Bahagyang gumaan ang loob ko sa sinabing iyon ni mamita kahit papaano. Kaya gano'n na lamang ang naging asal ko kanina ay dahil sa pagsisisi na sinabayan ng pag aalala.
Tama naman si mamita, ang nais lang ni daddy kapag sumasapit ang araw na ito ay ang mapag isa. Hindi man namin alam kung saan siya naglalagi ay umuuwi naman siyang maayos ang lagay. Gano'n siya kada gugunitain namin ang araw ng pagpanaw ni mommy.
Ganitong araw ng taon lumalabas ang pagiging mesirable ni dad. Nagpapakalasing, bigla-biglang nawawala, kahit saan mo hanapin ay hindi mo makikita. Hindi sinasagot ang kahit na sinong tumawag. Pag aalalahin ka ng todo, at kapag gabi na saka siya uuwi at magkukulong sa kwarto kung saan nakalagay ang mga gamit ni mommy at doon inilalabas lahat ng pangungulila. Kinabukasan ay balik na agad siya sa normal na parang isang ihip lang ng hanging ang dumaan. Hindi na rin namin siya tinatanong, dahil alam kong mauuwi lang kami sa iyakan. Tama na 'yung naiintindihan namin siya, kusang lalapit at mag kukwento naman si daddy ng tungkol kay mommy kung gusto niya.
"May kasama ka pala, hija?" Biglang tanong ni papito
No'n ko lang naalalang hinatid nga pala ako ni Rence.
"Ah, opo. Si Rence po, kaklase ni kuya. Rence, si mamita at papito namin, parents ni mommy," pagpapakilala ko sa kanila
"Good morning po, nice to meet you po," magalang na bati ni Rence nang nakangiti.
"Magandang umaga rin sa'yo, hijo. Maupo ka na," bati ni mamita, noon ko lang din napansin na nakatayo pa pala si Rence.
"Magandang umaga, hijo. Inihatid mo ba ang apo ko?" Tanong ni papito
"Opo," pormal niyang sagot. Tumango-tango naman si papito.
"Mamita, buti po at nandito kayo," nakanguso kong saad.
Hinawakan ni mamita ang isa kong kamay at ngumiti.
"Na-miss ko kayo ng kambal mo. Pasensya na at hindi kami madalas makadalaw dito, apo. Maraming kailangan asikasuhin," tugon ni mamita
Nginitian ko lang siya at niyakap. Nakakamiss talaga sila. Sobrang dalang nilang pumunta dito. Sa Laguna sila namamalagi, inaasikaso 'yung business nila.
"Okay lang po, mamita."
CHRIS'S POV
"WHERE are you this time dad?" Tanong ko sa aking sarili.
Hinahanap ko si daddy lulan ng aking sasakyan, Death Anniversary ngayon ng mommy namin. Kanina nagising ako nang bigla kong makita ang mukha ni mommy sa aking panaginip. Nakatayo siya sa aking harap, nakasuot ng puting bistida at may malawak na ngiti sa mga labi. Hindi man lang siya mukhang umeedad sa aking panaginip. Kung anong itsura niya sa mga pictures at videos na nakita namin ay gano'n din ang itsura niya sa panaginip ko. Napakaganda niya, at kamukhang-kamukha ni Chann.
Nang lumabas ako sa kwarto ko kanina ay napag isipan kong silipin si daddy sa kanyang kwarto ngunit wala siya roon. Ang akala ko ay nasa dining siya o sa veranda ngunit hinalughog ko na ang buong bahay ngunit hindi ko siya makita. Noon ko lang naalala na Death Anniversary pala ni mommy at maaaring umalis na naman ito. Hinanap ko pa si Chann ngunit ang sabi ni Nany ay pumasok daw ito. Matapos ko siyang tawagan ay umalis na kaagad ako para hanapin si dad.
"Hijo, sandali. Saan ang punta mo?" Pigil sa akin ng gwardiya sa building na pag aari ng pamilya namin.
"Hindi mo ba ako kilala?" Inis na tanong ko rito
Parang tangang napakamot pa ito sa kanyang ulo at tinignan ang kabuoan ko na para bang kinikilatis ako.
"Hindi eh, bago lang kasi ako dito. Sino ka ba?" Casual na tanong niya. Tsk! Kaya pala hindi ako kilala gayong napapadpad naman kami dito minsan ng kakambal ko.
"Tss! Tabi diyan!" Asik ko nang maglalakad na sana. Nawalan na ako ng pasensya ngayon, ah!
Napatigil ako nang hinarang na naman ulit niya ako. "Aba'y sino ka ba ha?! Walang modo 'to!" Singhal niya sa mismong mukha ko. Sinamaan ko siya nang tingin, para naman siyang nagulat sa ginawa ko.
"Ako sa Chris Saavedra, anak ng boss mo," may diin sa bawat salitang binibigkas ko nang sagayon ay maintindihan niya agad dahilan nawawalan na ako ng pasensya.
Nanlaki pa ang mga mata niya na parang hindi makapaniwala, napayuko siya't napahiya. "Naku po! Pasensya na po kayo, sir!" Hinging paumanhin niya.
"Tsk!" Asik ko 'saka patakbong lumapit sa elevator at hinintay na mag bukas iyon.
"Sino 'yan? Ang gwapo"
"Bagets na bagets oh. Yiiieeee"
"Familiar siya, 'no?"
"Oo nga"
"Kamukha ni Mr. Saavedra"
Tsk! Because I'm his son, idiot! Bakit ba ang tagal ng elevator? Mabuti na lang at kalma ako ngayon, nararamdaman ko kasing walang ginagawang kung ano si dad. Malakas ang pakiramdam ko na nasa office siya.
Hinanap ko siya kanina sa mga lugar na pwede niyang paglagian pero wala siya kaya naisip kong baka nagiging paranoid na naman kami o ako. Dati kasi paranoid kaming lahat kapag ganitong petsa. Baka naman this time nasa office lang siya.
*Ting*
Bumukas ang elevator kaya agad akong pumasok.
"Ang bango niya"
"Ang cute niya pa"
"Ano kayang pangalan niya?"
"Pero kamukha niya talaga si sir"
"Baka anak!"
"OMG! May anak si sir? Ang bata bata pa ni sir, 'di ba? Ang alam ko 39 lang siya."
"Eh bakit hindi na ba pwedeng magka anak ang 39 years old?"
"Ibig kong sabihin, kung may anak si sir hindi 'yung ganyang kalaki na, 'no!"
"Oo nga baka kapatid."
Tsk! Parang lamok sa pandinig ko ang bulungan ng mga babaeng nakasabay ko sa elevator. May mga suot silang ID na kulay black ang sling at naka print naman sa kanilang sling ang pangalan ng kompanya kaya nasisiguro kong mga empleyado sila dito. Tsk! Hindi ba sila nahihiya o marunong makiramdam? 'Yung taong pinag uusapan nila ay nasa likod lang nila? Ayaw ko pa naman sa lahat ay 'yung maingay na nag bubulungan, parang lamok sa pandinig, eh.
"Shut your dirty mouth or ya'll get fired!" Inis na sambit ko. Nangibabaw ang sinabi ko sa loob ng elevator na siyang dahilan ng pagtahimik nila at nagtitigan pa sa isat isa.
"Fired daw?"
"Tsk! Bakit, kaya niya?"
"Oo nga! Sino ba siya?"
'What the hell?'
Pinagdikit ko ang mga labi ko sabay humingang malalim para pigilan ang galit na nagsisimulang namumuo sa loob ko. Okay, Chris, calm down. Minsan ka lang pumunta dito. Baka baguhan lang kaya hindi ka nakilala. Kalma.
Pumikit ako at kasabay ng pagdilat ko ay ang pagbukas ng elevator. Naunang lumabasa ang mga babaeng empleyado sumunod ako, papunta din sila sa desk ng secretary ni dad.
Nakita kong may inilagay silang mga papeles sa table nito. Nang makita ako ng secretary ay tumayo siya agad at nilapitan ako.
"Good morning, sir Chrisneil. Ano pong sadya niyo?" Nakangiti ngunit pormal na tanong niya sa 'kin. 'Yung mga babaeng nakasabay ko kanina na panay ang bulungan ay nag sipag yuko na parang napahiya.
"Si dad? Nandyan ba?" Seryosong tanong ko
"Yes po, sir, actually sir sobrang aga nga niya po. Mas nauna pa siyang dumating kesa sa'kin."
"Anong oras kaba dumating dito?"
"Hm, 7 a.m. po sir."
Kung gano'n ay mas nauna siyang magising sa aming lahat. Kaya siguro nasabi ni Nany na nagpapahinga pa dahil nauna na itong magising sa kanya at dumiritso rito sa opisina.
"Thank you."
Tumango lang si Miss Gelly. Nagsimula na akong maglakad papunta sa office ni dad, dahil nakatayo ang mga babae sa desk ni Miss Gelly at madadaanan ko ito, kanya-kanya silang ayos ng tayo habang nakayuko pa rin. Huminto ako sa harap nila.
"Be thankful dad's here. Dahil kung wala siya rito at hindi ko alam kung saan siya hanapin. Ipapatangal ko kayo ora mismo," seryoso kong tugon sa kanila. Hindi naman sila mag kamayaw sa paghingi ng tawad. Tss! 'yan ang napapala pag walang habas ang dila.
Hinde ko na sila pinansin pa at nagtuloy papunta sa pinto ng office ni daddy. Pinihit ko ang door knob at tinulak ang pinto. Nang makita ni dad na pumasok ako ay napatigil siya sa ginagawa at tumingin sa 'kin nang may pagtataka.
"Son? What are doing here?" Tanong niya at tumayo mula sa pagkaka upo sa swivel chair.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Parang nabunutan ako ng ilang libong tinik ng marinig ko kanina na maaga siyang pumasok, mas nakahinga ako nang maluwag nang makita siya ngayon kaya niyakap ko siya. Akala ko kasi kung saan na naman siya nag sususuot.
"Why?" Takang tanong niya pagka bitaw sa yakap.
"Akala namin kung saan ka na naman nag punta. Kaya hinanap kita at naisip kong baka nandito ka," paliwanag ko.
"Look, son, I'm not the same as before kapag sumasapit ang death anniversary ng mommy n'yo."
"Pero nag lasing ka kagabi," casual na saad ko. Napatawa naman siya at umaktong sumusuko na nakataas ang kamay
"Okay! Andun na ako. Pero kasi Chris, napag isip-isip ko na wala namang magagawa kung aalis-alis ako kung saan ako dalhin ng kotse at magda-drama. I'll be honest with you, nandito pa rin 'yung sakit, ni hindi nga ito nawala kahit kailan." Nagpakawala ng isang mahabang buntong hininga si dad. "Kagabi, kaya ako nag lasing ay dahil na naman sa sakit na naalala ko 'yung mommy n'yo. Kasabay nang paglalasing ko kagabi, ipinangako ko sa sarili ko na iyon na ang huli. Hindi naman kasi mababalik ng pag inom-inom o pag alis-alis ko ang buhay niya."
Ramdam na ramdam ko ang hinanakit ni daddy, ang pangungulila at bahid ng pagsisisi. Napayuko siya at bahagyang gumalaw ang mga balikat, sunod-sunod na ang paggalaw taas baba nang mga iyon at isang mahinang hikbi ang narinig ko.
"D-daddy?"
Nakayuko pa rin siya, alam kong umiiyak na siya. Hindi ito ang unang beses na nasaksihan ko siyang umiyak. Tulad ni Channsie nakita ko rin minsan si daddy na umiiyak sa loob ng kwarto kung saan naroon ang mga naiwang gamit ni mommy. Pero ito ang kauna unahang beses na umiyak siya mismo sa harap ko.
"Dad, are you okay?" Alalang tanong ko.
Nakayuko pa rin siya habang pinupunasan ang mukha. Pagka angat niya ng tingin, namumula na ang mga mata niya.
"Yes, I'm sorry son," bahagya pa siyang natawa "Nagiging bakla na ako, hahhaha," biro pa niya na ikinatawa ko.
"We all have reasons to cry, dad. Hindi kabaklaan ang bagay na ito."
"I know," tatango-tango pa siya na bumalik sa harap ng kanyang desk at umupo sa swivel chair.
"Bakit nga pala ang aga niyong pumasok?"
Lumapit ako sa mahabang sofa dito sa loob ng office niya at doon umupo.
"Marami akong kailangan pirmahan. At sabihin na lang natin na gusto kong ma divert ang attention ko sa ibang bagay," makahulugang saad niya. Pinanood ko siyang buklatin ang mga naka-pile na folders sa ibabaw ng desk niya, binabasa ito at saka pipirmahan.
Nakatingin lang ako sa ginagawa no daddy nang mag-ring ang phone ko.
Twinnie calling....
"Yes, twinnie?"
"Where are you? Nakita mo na ba siya?" May bahid ng pag aalala sa boses niya.
"Mm, nasa office ako ni dad, nandito rin siya."
Tumingin sa'kin si dad
"Oh thank goodness!" Bulalas niya sa kabilang linya't nagpalabas ng buntong hininga. "Pupunta ako diyan."
Salubong ang kilay ni dad habang nakatingin sa'kin. Inilayo ko ang cellphone sa tenga ko.
"Pupunta raw siya rito."
"Okay. Sabihin mo sabay-sabay na tayong pumunta sa mommy niyo." Tumango ako bago tinapat ang telepono sa tenga ko
"Okay, sabay-sabay na lang daw tayo pumunta sa puntod ni mommy."
"Okay. Kasama ko sila mamita at papito."
"Ah talaga? Nandyan na sila?"
"Oo, pagka alis mo saka sila dumating."
"Oh sigi, hintayin na lang namin kayo dito. May tinatapos pa si dad."
"Mm, bye."
"Bye"
Binaba ko ang phone at nilapag sa sofa
"Anong sabi ni Chann?" Tanong ni dad habang nasa pinipirmahan nakatingin.
"Hmm, papunta na sila dito. Kasama sila mamit at papito." Tango lang ang isinagot niya, hindi na ulit ako nag salita pa dahil baka maistorbo ko lang siya sa ginagawa niya.
Ngayon ang unang beses na magkakasama kaming pupunta sa puntod ni mommy. Dati kasi kami-kami lang nila Chann, Mamita, Papito, Mamila ang sabay na pumupunta sa puntod ni mommy kapag Death Anniversary niya, dahil kasi hindi namin alam kung saan si dad nagpupunta. Ngayon, masaya ako kasi ito ang kauna-unahang beses na kompleto kaming bibisita kay mom. Sigurado akong matutuwa siya.
'Ikaw na lang talaga ang kulang mom'
CHANN P.O.V
"NASA office lang si dad, nando'n din si Chris. Do'n na lang daw tayo magkita para sabay-sabay na tayong pumunta sa puntod," tugon ko.
"Oh, 'di sigi na, Chann. Mag bihis ka para maka punta na agad tayo doon. Ihahanda lang namin itong kakainin natin," utos ni mamita na siyang sinunod ko naman agad.
Patakbo akong umakyat sa hagdan at pumasok sa kwarto. Sobrang saya ko kasi ngayon nasa opisina lang si dad. Hindi kami mag aalala masyado. Nawala na rin ang tampo ko sa kanya.
Nag suot ako ng puting dress na off shoulder, tinernohan ko ito ng puting flat shoes. Tinali ko paikot sa aking ulo ang pulang ribbon para mag silbing headband. Nag-spray ako ng kaunting pabango at saka bumaba. Dumiritso ako palabas nang bahay. Hindi pa man ako tuluyang makalabas, tanaw ko na ang grandparents ko kasama ang isang pamilyar na pigura.
"Mamila?!" Pagtawag ko sa isa ko pang lola, ang mommy ni dad. Mukhang kakarating lang din niya, nag uusap usap sila ni mamita at papito. Tumakbo agad ako at dinamba siya ng yakap.
"Ohhhh, my apo. Hahahaha I miss you so much." Napaka higpit ng yakap ni Mamila, tipong halos hindi na ako makahinga. Siya ang unang bumitaw sa yakap at bahagyang lumayo sa akin. Tinignan ako mula ulo hanggang paa na para bang kinikilatis ako, ang lawak pa ng ngiti niya. "Ang ganda ganda naman ng apo namin. Manang-mana talaga sa mommy, oh. 'Di ba Ches, ganyang ganyan din dati si Channel no'ng ganitong edad siya."
"Oo, Liv, hahaha. Ay naku! Pakiramdam ko tuloy bumalik ako sa nakaraan at si Channel mismo ang kaharap ko. Ke' gandang bata," masayang tugon ni Mamita pero makikita sa mga mata niya ang lungkot.
Napakamot ako sa ulo ko kahit hindi naman makakati. Medyo nahihiya ako sa ginagawa nilang pag kilatis sa akin, though masaya ako kasi kamukha ko si mommy.
"He he he. Namiss ko rin po kayo Mamila. Tara na po sa office ni dad?" Magalang na tanong ko. Nagsi tanguan lang sila, agad kaming kumilos papasok sa van.
Iisang sasakyan lang ang ginamit namin. Naiwan sa harap ng bahay namin ang kotse na dala nila. Si Papito ang nasa driver's seat katabi si Mamita habang kami ni Mamila ay nasa likod magkatabi. Nagkatinginan pa kami ni Mamila sa loob ng van at gano'n na lang kalawak ang ngiting sumilay sa mukha niya.
Grabe, hindi ko lubos maisip na parang hindi man lang umeedad ang mga lola at Lolo ko. Nasa kanilang 60's na sila hindi man gano'n ka tanda ngunit parang nasa 40's pa sila. Bagets na bagest pa! Sabagay, daddy nga namin parang kapatid lang namin eh, bagets din hihi.
Ilang minuto ang nakalipas ay narating na namin ang building na pinapalakad ni dad. Ang business na pinapatakbo ni daddy ay may kinalaman sa clothing line, may sariling pagawaan ang kompanya at nag aangkat sa ibat ibang party nang Pipilinas at sa ibang bansa. Sa katunayan, ang kompanya ni daddy ay isa sa pinakamalaki at pinakakilalang clothing line sa buong Asya. Halos lahat ng botique sa mga mall dito sa Pilipinas ay kompanya ni daddy ang distribyutor. Maging sa labas ng Pilipinas ay kilala din ang products ng kompanya bilang isa sa pinakamagagandang produkto ng mga kasuotan. Bukod sa magaganda ang telang ginamit, matibay ang pagkaka gawa ay magaganda din ang mga disenyo. Magagaling ang designers ng kompanya, pero para sa'min MAS maganda ang designs ni mommy.
No'ng magtapos sa kursong business management ang daddy, nag sikap siya upang maitayo ang sarili niyang clothing line company sa tulong ni Mamila at dahil na rin sa pangarap ni mommy na maging designer. Kung buhay lang si mommy silang dalawa sana ang nagpapalakad nitong kompanya.
Lahat ng desinyo ni mommy ay naging mabentang produkto nitong kompanya. Hindi lang ang products ng kompanya ang kilala dahil maging si dad ay sikat din bilang isa sa pinaka batang successful businessman sa buong Asya. imagine, 39 lang siya tapos ang laki na ng business niya. Kaya nga I'm so proud of him, kasi napag sasabay niya ang pagiging hands on daddy at pagiging successful businessman.
Nang maipark ni Papito ang van sa parking lot. Dumiritso kami papasok sa building ngunit hinarang kami ng gwardiya.
"Ano pong sadya nila?" Pormal na tanong ng gwardiya.
"Pupuntahan namin si Christian," tugon ni Mamila.
Napakamot sa ulo ang sikyo at napatingin sa akin na nanlalaki pa ang mga mata.
"Ay! Kayo ho ba ang pamilya ni Mr. Saavedra?"
"Oo." si Mamila ang sumagot
"Ah, nasa opisina niya po si sir."
Walang ano ano'y dumiritso kami sa harap ng elevator, pindot ni Mamila at bumukas ito. Ako ang naunang pumasok at sumunod naman sila. Pinindot ni Mamila ang top floor kung saan naroroon ang opisina ni dad.
*Ting*
Bumukas ulit ang elevator saka kami lumabas. Diri-diritso kaming naglalakad, may mga empleyado na napapatingin sa gawi namin at nag bubulungan ngunit dinig ko naman.
"Investors ba 'yan?"
"Mukhang hinde, kita mo 'yung maganda? Kamukha ng lalaking dumating dito kanina."
"Ah 'yung masungit na sinabing ipapatangal daw kami?"
"Ha? Sinabi niya?"
"Oo"
"Tingnan mo 'yung dalaga, parang siya 'yung babae sa portrait na nasa loob ng opisina ni sir?"
"Hmm? 'Di ba asawa ni sir 'yun. Ba't parang ang bata naman?"
"Oo nga, 'no? Pero bata pa naman si sir, ah!"
Teka, hindi ba nila alam na wala na si mommy?
Hindi pa man kami nakakarating sa opisina ni daddy ay sinalubong na agad kami ng sekretarya niya.
"Good morning, madam Saavedra, ano pong maipag lilingkod ko sa inyo?" Pormal na tanong ni Miss Gelly.
Pero wala sa kanila ang atensyon ko. Nasa mga empleyado.
"Huy! Anong pinag sasabi n'yo diyan?"
"Ha? Wala 'yung babae, oh! Mukhang asawa ni sir."
"Gaga! Hindi asawa ni sir 'yan, isa 'yan sa kambal niyang anak."
"Talaga?! Eh kamukhang-kamukha no'ng babae sa portrait eh."
Sa hindi ko malamang dahilan, nakuha nila ang atensyon ko kaya gano'n na lamang ang pakikinig ko sa usapan nila. Hindi ko naman ugaling makinig sa usapan nang may usapan pero curios lang talaga ako. Wala silang alam tungkol sa buhay ng boss nila? Eh kasi 'di ba pag sikat kang businessman e fe-feature ka at gagawan ka ng article ng mga sikat na newspaper or magazine?
"Anak nga, 'di ba? 'Yung asawa ni sir matagal ng patay. 20 years old pa lang si sir no'ng nagpakasal sa mommy ng kambal, at 'yung asawa ni sir na mommy ng kambal maagang namatay dahil sa sakit na leukemia. Kaya maagang nabiyodo si sir. At ang dalaga na 'yan ang sinasabing batang bersyon ng asawa ni sir. Palibhasa hindi kayo nagbabasa ng article tungkol sa magiging boss n'yo."
"Eh, kasi baguhan lang kami dito, ano?"
"Shhhh! Ang iingay ninyung magbulungan. Nakatingin 'yung pinag uusapan ninyo dito, oh!"
Bigla silang naglingunan sa gawi namin na siyang ikinagitla ko. Noon ko lang napansin na kanina pa pala ako nakatingin sa kanila. Napapahiyang nag singitian naman sila sa akin. Gano'n na lang din ang ginawa ko, ginantihan ko sila ng ngiti at bahagyang yumuko.
"Ma'am Channsie."
Napatingin ako sa sekretarya na tumawag sa akin.
"Ano po 'yun?" Inosenting tanong ko. Bahagya siyang napatawa sa hindi ko malamang dahilan.
"Kanina pa po sila pumasok sa loob." Pansin ko nga na wala na sila sa tabi ko.
Napanguso pa ako nang mapansing ako na lang ang nakatayo sa gilid ng desk ni Miss Gelly. Tsk! Hindi man lang ako sinabihan na na papasok na.
"Tch!" Asik ko
"Pasensya na ho kayo, Maam Channsie, ngayon lang ho kasi kayo nakita ng mga empleyado rito. At isa pa, karamihan sa kanila ay baguhan at hindi pa kayo kilala," pormal na pagpapaliwanag ni Miss Gelly.
Hay! Nakaka tanda sa pakiramdam ang pagiging pormal nitong si Miss Gelly.
"Ayos lang. May I ask how old are you, Miss Gelly?"
"33 po mam," nakangiti ngunit pormal pa rin niyang sagot.
Gano'n ba talaga ang mga secretary kapag kausap ang anak ng boss? Napaka pormal kahit mas matanda kaysa sa'yo?
"HA?! Eh, kung gano'n bakit napaka pormal niyong nakipag usap sa 'kin?" Kunot-noong tanong ko habang naka nguso.
Napatawa naman siya dahil sa inasal ko. May nakakatawa ba do'n?
"Eh, Maam Channsie, syempre anak kayo ng boss ko. Kaya gano'n ho talaga," pormal pa rin niyang saad.
Nakakatuwa si Miss Gelly kasi sa kahit anong sabihin at gawin niya sa harap ko nando'n pa rin 'yung pagiging pormal niya at may galang na kumilos sa harap ko.
"Eh, pakiramdam ko po kasi ang tanda-tanda ko na," nakanguso pa rin turan ko.
"Maam-" hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil bigla akong sumabat
"Chann na lang po, Miss Gelly. Tsaka kung maaari bawasan n'yo na ang pagiging pormal kapag ako ang kaharap n'yo," nakangiting saad ko.
Sa totoo lang, hindi ito ang unang beses na nakausap ko si Miss Gelly. Pero ito 'yung unang beses na nakaharap ko pero ang bilis kong nakagaanan siya ng loob gayong hindi naman talaga ako mahilig makipag tawanan sa mga taong hindi ko pa lubos na kilala.
"Mm, kung gano'n po, eh 'di Ate Gelly na lang din ang itawag mo sa akin."
"Medyo pormal pa rin eh, nando'n pa 'yung 'po'," parang batang nagmamaktol na saad ko
Natawa ulit siya. "Oh sigi, Chann. Ayos na?" Anya, napakalawak ng ngiti niya, at wala na rin 'yung pagiging pormal niya hahahha-kasi ramdam kong mas bata ako, eh-BWAHAHHAHA.
Maraming beses akong tumango bilang pag sang ayon sa sinabi niya.
Napalingon ako sa pintong kabubukas lang. Lumabas doon sila Mamila kasunod si Mamita, Papito, Kuya at huling lumabas si daddy. Biglang nangibabaw ang saya ko nang makitang si daddy.
"Daddy!" Impit kong sigaw saka dinamba siya ng yakap. "Iiihhhhh, daddddyyyy, akala ko saan ka na naman nagpunta! Alam mo bang muntikan na akong magwala kanina dahil sa sobrang pagalala sa'yo? Sabi kasi ni kuya wala ka na naman daw. Akala ko tulad na naman no'ng dati na kung saan-saan ka na naman hahanapin ta's sa gabi ka na uuwi. Bigla tuloy nawala 'yung tampo ko sa 'yo dahil kagabi, tagal kong nag hintay kasi may surprise kami ni kuya sayo," nakanguso kong kwento sa kanya na parang bata. Tinawanan lang nila ako.
"Tsh! Parang bata!" Asik ni kuya sa 'kin.
"I'm sorry, honey. Hindi na po mauulit," sabi ni daddy na animo'y bata ang kausap.
Gumihit ang ngiti sa aking labi at saka niyakap siya ulit.
"Ayos lang po, ang mahalaga hindi na kami mag aalala nang katulad ng dati." Ako ang kusang bumitaw sa yakap at nginitian siya.
"Oh siya, tara na't baka kanina pa naghihintay ang mommy ninyo," pag aaya pa ni Mamita
May ibinilin muna sandali si daddy kay Ate Gelly bago kami tuluyang bumaba sa ground floor at nag punta sa parking lot. Iisang van pa rin ang sinakyan namin. Ang sabi ni daddy babalikan na lang daw niya ang sasakyan niya mamaya pag uwi namin.
Si daddy ang nag mamaneho habang katabi si Mamila sa passenger seat at sa second row ay sila Mamita at Papito habang kami ni kuya ang nasa likod. Ilang minuto muna bago namin narating ang puntod ni mommy.
Inilapag ko sa tabi ng lapida ni mommy ang bulaklak na bitbit ko.
"Hi, mom," nakangiting sabi ko at umupo sa grass.
"Hey, mom," pa-cool na sabi ni kuya
"Nice to be here again, Princess," ani Papito
"Aming prinsesa, pasensya at ngayon lang kami nakabalik," sambit ni Mamita
"Oh, hija, kompleto na kaming nadalaw ngayon ha? 'Wag mag tatampo he he, paano kasi itong asawa mo, ngayon lang na pirmi," tatawa- tawang saad ni Mamila pati kami natawa sa sinabi niyang 'yun.
"Oh heto, mga apo, pakilatag ito at nang maiayos na natin itong dala natin," inabot sa akin ni Mamita ang dala niyang picnic blanket, nilatag ko iyon sa harap ng lapida ni mommy may ilang metro ang layo.
Napatingin ako kay daddy na seryosong nakaupo sa harap ng lapida ni mommy, nakatukod 'yung isang tuhod niya sa lupa habang 'yung isa naka angat, 'yung isang kamay niya ay nakapatong sa isang tuhod na naka angat habang 'yung isa nakapatong sa nakaluhod na tuhod, gets niyo?
"Pakilagay ito dyaan, Chris apo."
"Hi baby ko. It's been a while. Pasensya na at uminom ako ulit kagabi, nagtampo pa tuloy sa 'kin si Chann. Kagaya ng ipinangako ko. Hindi ko na sinolo 'yung sakit na nararamdaman ko. Miss na miss na kita, baby ko. Hindi ka mawala wala sa systema ko," seryoso ngunit madamdaming sabi ni daddy. Inobserbahan ko lang siya, nakatalikod siya sa gawi namin. Abala kami sa pag aayos ng pagkain habang nakikinig ako kay daddy. "I'm so sorry, baby ko. Sinabi mo sa 'kin na kalimutan na kita. Pero hindi ko kaya," ramdam na ramdam ko ang sakit sa tono ng boses ni daddy. At alam kong paiyak na siya, kaya tumayo ako para lapitan siya, naramdaman kong sumunod si kuya.
Umupo ako para mapantayan si daddy, gano'n din ang ginawa ni Chris sa kabilang side ni dad. Nilagay ko ang kaliwang kamay ko sa likod niya upang himasin iyon. Hindi pa rin inaalis ni daddy ang paningin sa lapida ni mommy
Rest In Peace
Channel Rose Flores Saavedra
June 18, 1980
October 25, 2000
You're our lost treasure. You will always be in our heart. Our memories together will always be remembered. We love you.
'Yan ang naka ukit sa lapida ni mommy. Our lost treasure, na hindi man lang namin nasilayan. Napaka vulnerable pa rin ni daddy, parang pinipiga ang puso ko habang nakikita siyang nakaluhod sa harap ni mommy.
"Daddy, sana huli na 'to. Hindi ko sasabihing kalimutan mo na siya, dahil kahit ako hindi ko siya magagawang ialis sa pagkatao ko kahit hindi ko siya nakilala. 'wag lang tayo masyadong papadaig sa lungkot, sakit at pangungulila. Life must go on, dad. Life must go on, without mom by our side, but in our heart," madamdaming turan ko.
Nakangiti ngunit may lungkot ang mga mata ni daddy'ng tumitig sa akin, hinawakan niya ang pisngi ko. "I know, honey, I know." Tumingin naman siya kay Chris at hinawakan din sa mukha. "Hayaan n'yo, hindi na maaulit ang pag aalalang dinudulot ko sa inyu gaya no'ng dati," nakangiting aniya. Sabay kaming tumingin sa lapida ni mommy. Ikaw na lang talaga ang kulang mommy.
"Christian, Chan, Chris, halina kayo." Tawag ni Mamila.
Inalalayan pa ako ni daddy patayo dahil sa suot kong bistida.
"Nasabi ko na bang mukha kang si mommy mo ngayon?" Tatawa-tawang tanong ni daddy.
Yep! He's starting to be okay.
Maka-ilang beses akong tumango bilang sagot. Lumapit kami kina Mamila na naka upo sa picnic blanket. May kalakihan ang picnic blanket na dala ni Mamita, dinaluhan na rin namin sila sa picnic blanket. Sinilip ko 'yung wrist watch ko, 12 noon na pala kaya nagwawala na 'yung mga alaga ko sa tyan.
Inabutan ako ni Mamila ng paper plate. "Ito, apo, masarap ito paborito ng mommy mo 'yan, Choco Strawberry Cake." Nilagyan niya ang plate ko ng isang slice ng cake.
Yum! Paborito ko lahat ng klase ng cake, basta cake kakainin ko 'yan.
Maraming dalang pagkain sila Mamita, halatang pinaghandaan talaga nila. Ganito kami mag gunita ng Death Anniversary ni mommy, magdadala sila ng food tapos dito namin kakainin, tapos mag sisindi ng candle sa simbahan, tapos hahanapin si daddy.
No'ng kakalibing ni mommy, nag decide si daddy na manirahan muna kami sa States. After 3 years bumalik kami ng Pilipinas, ang kwento ni Mamila, kaya nag decide si dad na manirahan kami sa States ay dahil pakiramdam ni daddy lahat ng lugar na pupuntaha niya rito ay mag papaalala kay mommy. Kaya dinala niya kami sa States. No'ng 3 years old kami, umuwi ng Pilipinas dahil na-miss niya si mommy, akala niya na ibsan na kahit konti 'yung sakit pero mas nasasaktan pa din daw si daddy, kaya ulit bumalik kami sa States. Para bang tinatakbuhan ni dad 'yung masakit na pangyayari sa buhay namin.
Ginugol niya ang oras sa pag-aaral, nag tapos siya ng kursong business management sa States. After 7 years umuwi kami sa Pilipinas. Gusto niyang magtayo ng sariling business na may kinalaman sa mga damit. Ginugul niya halos lahat ng oras niya maitayo lang ang sariling negosyo, kaya gano'n na lang ka successful ang business ni daddy ngayon. 10 years old lang kami no'n. Doon na nagsimula si dad sa pag alis-alis nang hindi namin alam kung saan pumupunta, minsan uuwing lasing, minsan nakatingin sa malayo at para bang ang lalaim ng iniisip na animo'y hindi kayang sisirin ng kahit na sinong magaling na diver.
Noong una ay kulang na lang mabaliw kami kakaisip kung ano nang nangyari sa kanya, ayos lang ba siya, baka napano na siya. Dumating pa nga kami sa point na ni-report na namin sa polis, pero kinagabihan uuwi na parang wala sa sarili tapos mugto ang mga mata, g**o-g**o ang buhok, at amoy alak minsan, tapos kinabukasan no'n kikilos na parang walang nangyari. Para bang dumaang hangin lang ang nangyari. Hindi na rin namin kinukulit kasi naiintindihan namin siya.
Hindi madali para sa amin lalong-lalo na sakanya ang pagkawala ng maaga ni mommy. Nang tumagal hindi na kami masyado nagiging paranoid, kasi alam na man naming uuwi siya, pero nag aalala pa rin dahil baka anong gawin niya.
Ngayon makakahinga na kami ng maluwag kapag sasapit ang petsang ito, dahil alam kong tanggap na ni daddy. Alam kong nasasaktan pa rin siya, pero tulad ng kahit na sino man ang nakaranas ng mawalan, kinakaya niya.
Matapos naming kumain ay niligpit din namin ang pinagkainan, nag paalam kay mommy 'saka dumiritso sa simbahan upang mag alay ng dasal at panalangin. Nag sindi rin kami ng kandila. Bandang alas tres na kami bumalik sa opisina ni dad para ihatid siya, may kailangan pa raw siyang asikasuhin kaya maauna na kami, nando'n naman ang kotse niya. Pagdating sa bahay ay nag-stay muna sila Mamila. Pero kailangan na nilang bumalik sa Laguna.
"Mamila, Mamita, Papito, mamimiss ko kayo," sabi ko na parang batang nakanguso pa.
"Itong batang 'to oo, dadalaw kami ulit dito. Tsaka malapit na ang kaarawan niyong dalawa, 'di ba? Debut mo na, ayiiieee dalaga na ang prinsesa namin," panunukso pa ni Mamila sa 'kin, sinusundot sundot pa ang tagiliran ko.
"Ehhh, may dalawang buwan pa 'yun, eh."
"Ano ka ba naman, mabilis lang lumilipas ang panahon. Hindi mo namamalayan, bukas birthday niyo na," sinabayan pa ng hagikgik ni Mamila.
"Eh, ano nga palang plano niyo sa birthday niyong kambal?" Tanong ni Mamita
"Oo nga nang mapaghandaan naman namin," segunda ni Papito
"Hindi ko pa alam, eh."
"Okay lang 'yun, we still have 2 months to prepare hehehe," tugon ni Mamila.
"Ches, Henry. We have to go. Malayo-layo pa 'yung Laguna," ani Mamila na nakatingin pa sa orasang pambisig. Hindi man sila sabay na bumyahe papunta rito sa Manila, sabay silang babalik sa Laguna, pero may kanya-kanya silang dalang sasakyan.
"Oh sigi, mga apo, take care, okay? I love you. Hmmm, mami-miss ko na naman itong mga batang ito," saad ni mamita at isa-isa kaming niyakap ni kuya.
"Aral mabuti mga bata, ha? Mag iingat kayo, I love you," niyakap din kami isa-isa ni papito.
"Paano? Aalis na kami ha? Alagaan n'yo ang isat-isa pati daddy n'yo, ha? Ingat kayo palagi, mahal na mahal ko kayo," huling yumakap sa amin si Mamila ng sobra sobrang higpit.
"Mag iingat din po kayo I love you mga bagets kong Mamila, Mamita at Papito. Hehe," magiliw kong paalam sa kanila.
"Bye, Mamila, Mamita and Papito, ingat po kayo sa byahe. Balik po kayo ulit, I love you, guys," nakangiting paalam ni kuya.
Kanya-kanya na silang sakay sa kotse nila. Winagayway pa namin aming mga kamay, tinanaw hangang sa labasan ng village hangang sa hindi na namin matanaw pa ang kanilang sasakyan.
"Tara sa loob, twinnie," pag aaya ni kuya
"Mm," nauna siyang pumasok sa loob at sumunod naman ako.