"Kwarto muna ako, twinnie," saad ko kay kuya, tumango lang siya at dumiritso sa kusina.
Nagtuloy-tuloy na ako paakyat sa taas. Hindi pa man ako nakaka abot sa huling baitang ng hagdan, natanaw ko ang pinto ng silid kung saan nakalagay ang gamit ni mommy. Naglakad ako papunta sa harap ng pinto, dahan-dahan kong pinihit ang pinto pabukas saka ako pumasok.
Nilibot ko ang buong kwarto, napapatigil pa ako para titigan ang mga portrait at frames ni mommy na maayos na nakadikit sa wall at nakalagay sa shelves. Napadako naman ako sa closet, binuksan ko iyon at hinawakan isa-isa ang mga damit. Napakaganda ng mga damit ni mommy, masasabi kong maganda ang taste niya sa fashion. Simply pero maganda. Halos lahat ng damit sa closet ay mga bistida, pansin ko rin na halos lahat ng bistida ay off shoulder at kulay puti. May ibang desinyo naman at may iba-ibang kulay pero mas marami ang puti at off shoulder.
Nakakatuwa lang dahil mahilig din ako sa mga dress na off shoulder o kahit mga upper basta off shoulder, at paborito ko pang kulay ay puti. Malinis at maaliwalas kasi tignan ang puti.
Kinuha ko ang isang bistida, off shoulder ito na mahaba ang sleeves at pahaba ang likod non. Humarap ako sa full body mirror, nilagay ko sa harap ko ang bistida na para bang sinusukat iyon. Tinitigan ko ang sarili ko sa repleksyon ko sa salamin, napangiti ako nang mapagtantong tama nga ang sinabi nila Mamila kanina.
"Mukha nga akong ikaw, mommy," nakangiting sambit ko sa harap ng salamin habang nasa harap pa rin ang bistida.
Ilang sandali ko pa munang pinagmamasdan ang sarili sa salamin bago ito ibinalik sa closet. Hinalungkat ko pa ang ibang damit na nandoon sa closet. Pati lalagyan ng mga sapatos, kasama na ang mga flats, slippers, mga may takong tinignan ko rin, mga bags, at kung ano-ano pa. Tama nga ang kwento nila tungkol kay mommy, simpling babae lang siya.
Napadako naman ako sa shelve kung saan nakalagay ang mga folders ng designs ni mommy, bali may limang folders doon at may mga laman na drawings. Binuklat ko iyon isa-isa. Napapangiti na lang ako kada buklat ko tapos makikita 'yung drawing.
"Ang gaganda nito, mommy," sabi ko na para bang nasa harap ko si mommy.
Binuklat ko lahat 'yun at tinignan. May mga dress, gowns, upper tops, coats at may suit pa. May mga gowns na bonggahan 'yung design, may mga simple designs, pero karamihan simple pero elegante. Ang alam ko lahat ng designs ni mommy ay ang kauna-unahang products ng kompanya. Kung sa pagkanta 'yung mga designs ni mommy ay ang debut ng kompanya.
Binalik ko iyon sa pinagkuhanan ko, maingat ko iyong nilagay. Lumapit ako sa pinakamalaking portrait ni mommy sa loob ng kwarto. Naka white gown siya na off shoulder tapos ang laki ng bukad ng gown, tapos nakapalibot sa gown ay mga bulaklak na may iba-ibang kulay. Napaka-unique ng suot ni mommy, litaw 'yung kurba nang katawan niya, naka lugay ang mahaba at itim niyang buhok na halatang kinulot at may flower crown pa.
May napansin akong sulat sa lower right ng portrait.
'Our Princess is now a fully grown lady'
No'ng debut niya 'to. I bet 'yung suot niya ay sarili rin niyang design. Nagkaroon bigla ako ng ideya sa utak ko. Gagamitin ko 'yung designs ni mommy para sa gown ko sa debut ko.
"I love you, mommy," sambit ko sa harap ng portrait niya. Nakangiti kong nilisan ang kwartong iyon at nag tungo sa kwarto ko.
Pagpasok ay agad kong kinuha ang laptop ko.
568 friend request
407 notification
5 messages
Tinignan ko 'yung mga messages pero hindi naman gano'n ka importante, mga puro group chats lang na ang alam ko lang gawin ay mang seen--- HAHAHAHAHA, binuksan ko ang message ni Aya.
Aya James active now...
Sis, I already sent
you the notes ng mga
namiss mong lessons kanina.
May quiz tayo bukas,
pag-aralan mo na lahat.
Alam mo namang mahilig
sila sa surprise quiz ang mga teachers natin. Ingat,
Love you.
Type Message
Thank you, sis.
Biglang tumunog ang notification ko. Pinindot ko naman iyon.
Terrence Von sent you a friend request
"Terrence Von?" tanong ko sa sarili habang nakaharap sa laptop. Nang maalalang si Rence pala ito ay pinindot ko ang CONFIRM, wala naman sigurong masama kung eco-confirm ko, 'di ba?
Tumunog naman ang messages ko, pagbukas ko non ay galing kay Rence.
Terrence Von active now....
--- Hi
Chann Rose Saavedra active now...
--- Hello
Terrence Von active now...
--- How are you? Okay ka na ba?
Chann Rose Saavedra active now...
--- Yes, thank you nga pala ulit sa paghatid mo sa akin kanina.
Terrence Von active now...
--- Wala 'yun! Basta ikaw...
Napahawak ako sa bandang dibdib ko nang biglang bumilis ang t***k nito. Parang may nararamdaman akong kakaiba, parang kaba? 'Yung kaba na may kasamang excitement?
Chann Rose Saavedra active now...
--- Anong basta ako?
Terrence Von active now...
--- Basta ikaw partner ko sa music video
Napakunot noo naman ako sa reply niya.
Chann Rose Saavedra active now...
--- Syempre, partner naman talaga tayo
Terrence Von active now...
--- Oo nga! Hihi
"Tsk." Napa iling na lang akong sinara ang laptop at nilagay ito sa study table, umupo ako sa swivel chair ko sa harap ng study table. Binuksan ko 'yung file na sinend ni Aya at binasa ang mga namiss kong lessons.
Nasa kalagitnaan ako nang pagbabasa nang biglang pumasok sa isip ko si Rence. Madaldal siya, kung sino pa 'yung lalaki siya pa maingay. Pero siguro friendly lang siya. Ako kasi pormal ako makipag usap sa taong hindi ko pa nakakapagpalagayan ng loob, eh. Si Rence kasi sa rooftop ko lang siya unang nakita, at hindi naging maganda ang simula namin, kaya siguro gano'n ang pakikitungo ko sa kaniya. Hindi naman sa hindi ko siya gusto or ayaw ko siyang makasama, sa totoo lang, may kakaiba akong nararamdaman sa loob-loob ko sa tuwing nasa malapit siya, hindi ko nga lang alam kung ano ang bagay na 'yun. Pero pakiramdam ko masaya siyang kasama. Hintayin lang niya na mapalagay ang loob ko sa kaniya.
Nag focus na ulit ako sa pagbabasa, lahat ng naging discussion ng mga teachers namin ay binasa ko. Wala namang nabanggit si Aya na nag karoon ng quiz kanina kaya ayos lang. Wala rin siyang nabangit kung anong subject kami may quiz pero dapat naga-advance reading ako para hindi ako ngumanga pag may surprise quiz. Gano'n kasi ang ibang teachers namin, mahilig mag pa-surprise quiz.
Tuloy-tuloy lang ako sa pagbabasa. Bumaba lang ako sandali para kumain kasi maagang nauwi si daddy, tapos bumalik lang ulit ako sa pagbabasa. Hindi ko nga namalayan ang oras mag aalas onse na akong natapos magbasa. Naligo lang ako, nag-toothbrush at nagbihis ng pajamas saka natulog.
F R I D A Y
"Hmmm." Nagising ang diwa ko dahil sa lakas ng alarm clock ko pero tulog pa rin ang katawan ko. Inabot ko 'yung alarm clock na nakalagay sa bedside table habang nakapikit, nakatalukbong pa rin ng kumot at 'yung ulo lang ang nakalabas.
*BOGSH*
Parang nagising lahat ng cells ko nang marinig ang malakas na tunog na parang may nahulog. Pagtingin ko sa bedside table ay wala na do'n ang alarm clock ko, napatingin ako sa ibaba ng kama at ayun-WASAK!
"Anong oras na ba?"
Kinuha ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan at tinignan ang oras.
Psh! 7 a.m. pa pala. Masyadong maaga. Gusto ko pa sanang mahiga ulit at matulog pero mas pinili kong bumaba at magtungo sa c.r. para maligo, mag-toothbrush at pagkatapos ay nagbihis. 30 minutes lang naman ang itinagal ko bago ako bumaba para mag breakfast.
"Good morning, honey," masiglang bati sa 'kin ni daddy pag baba ko ng hagdan, ang lawak pa ng ngiti niya.
"Good morning din, daddy. Naks! Ang aga pa pero ganda na ng ngiti ah!" biro ko pa kay daddy habang palapit sa kaniya, nang makalapit ako sa kinatatayuan niya ay hinalikan ko siya sa pisngi.
"Hm? Palagi naman akong nakangiti ha?" tatawa-tawang aniya.
"Kung kakalimutan natin 'yung ma-drama mong sandali, daddy, oo, palagi ka ngang nakangiti," biro ko ulit sa kaniya na ikinatawa niya.
"Sa'n na ba 'yung kambal mo? Breakfast is serve in the veranda."
"Nasa taas pa yata."
"Okay, puntahan ko lang baka tulog mantika pa 'yun hindi namamalayan tumutulo na ang laway."
Sabay kaming natawa ni dad sa sinabi niya. Nakakatuwa dahil nakangiti na ulit si dad, at siya na ulit ang nag prepare ng breakfast.
"No need, dad." Sabay kaming napalingon ni daddy sa kakababa lang na si kuya. "And for you information, hindi tumutulo ang laway ko pagtulog, dad. That's gross," parang nandidiring aniya.
Napailing nalang ako sa inasta ni kuya, arte talaga!
"Good morning, bro!" bati ni daddy sa kanya sabay lahad ng kamay niyang naka kuyom.
"Good morning, dad." Sinalubong ni kuya 'yung fist ni daddy ng fist din niya. "Morning, baby sis." Baling niya sa 'kin 'saka kinurot ang pisngi ko.
"Aray naman, kuya! Bakit ba 'yan ang nakasanayan mong greeting sa 'kin, ha? And will you stop calling me baby sis? Mag e eighteen na ako in 2 months. Tapos baby or little sis pa rin tawag mo sa 'kin?" nakangusong sabi ko.
Pareho pa silang natawa sa inasta ko.
"'Yan! 'Yan ba ang 'soon to be full grown up woman' na pinagmamalaki mo? Ayaw mong tawagin kang baby or little sis, pero look at you! Gawain ba ng isang grown up 'woman' ang nakanguso na feeling cute at isip bata?" singhal ni kuya sa harap ko na tatawa-tawa pa.
Tch!
"Kahit na! Stop calling me baby! Malaki na ako!" singhal ko rin pabalik.
Si daddy tumatawa lang habang pinapanuod kaming mga anak niyang nagsisinghalan. Psh! Anong nakakatawa sa mga anak na nag sisigawan?
"Chann, it's not about how fully grown are you or kung paano ka kumilos na naayon sa edad mo or mature ka na mag isip. Para sa 'kin, ikaw pa din ang baby sister ko- AT hindi magbabago 'yun." Ngumisi siya 'saka kinurot ulit ang pisngi ko, mga ilang segundo rin niyang kinurot ang magkabilang pisngi ko bago iyon bitawan at nilampasan ako.
"Masakit 'yun ah!" sigaw ko habang nakahawak sa magkabilang pisngi, grabe! Feeling ko matatanggal na 'yun eh.
Lumapit naman si daddy sa 'kin.
"'Wag mo nang kwestyunin ang kuya mo, kasi kahit ako, kahit tumanda na kayong dalawa, mamuti na 'yung buhok n'yo at hindi na makapag lakad. Both of you will always be my babies, my angels, my princess and prince, my everything," madamdaming tugon ni daddy.
Parang hinaplos ang puso ko sa mga sinabi ni daddy. Nakaka-touch talaga 'yung sinabi niya.
"Eh, pa'no 'yan, dad? Kapag matanda na kami, mamuti na 'yung buhok at hindi na makapag lakad? Eh, 'di ba kasama n'yo na si mommy niyan?" inosenting tanong ko dahilan para matawa si daddy at bahagyang ginulo ang buhok ko.
"Let's eat," sabi niya at nauna nang maglakad, sinundan ko naman siya.
"Upo na," utos ni dad sa 'kin
Parang naninibago ako ngayong umaga. Madaming nakahain sa mesa at first time naming kumain dito sa veranda. I think we should do this often.
"Si kuya kung makapagsalita kanina parang hindi mag e-eighteen next next month," biro ko sa kanya.
"Pero at least ako hindi isip batang tulad mo!" nakangiwing aniya.
Tch!
Hindi na ako sumagot pa kay kuya, nilagyan ni daddy ng fried rice, hotdog, egg, bacon at ham ang plate ko. Napalunok ako sa ginawang 'yun ni dad. Papatabain yata ako eh. Hindi na din ako nag reklamo at kumain na lang. Kahit madami ang nilagay ni daddy na pagkain sa plato ko ay mabilis ko iyong naubos kasi 'tong magaling kong kakambal nagmamadali yata. Kaya kamuntikan na akong mabulunan.
-
Ilang minuto lang ang naging byahe namin bago makarating sa school. 15 minutes pa bago magsimula ang first subject namin. Pagkababa namin sa sasakyan nag pasalamat lang kami kay Mang Canor at 'saka naglakad papasok ng gate.
"Saan kayo mag sho-shoot ng video, kuya?" tanong ko habang naglalakad kami.
"Pag uusapan namin mamaya."
"Ah talaga? So magkakasama na naman kayo?" may halong panunuskong tanong ko, sinamaan naman niya ako ng tingin.
"Mag uusap lang kami. Kung ano-ano na namang iniisip mo diyan!"
"Luh? Inaano kita? Ano bang sinabi ko? Nagtatanong lang naman ako?"
"Tsk!"
Gusto ko pa sana siyang kulitin kaso baka kurutin na naman 'yung pisngi ko. Nagtuloy na lang kami sa paglalakad hanggang sa maka abot kami sa building naming seniors. Sa 'di inaasahan ay nakasalubong namin si Rence.
DUG DUG
DUG DUG
DUG DUG
Napahawak ako sa bandang puso ko. Ano bang problema ng pusong ito? Bigla biglang tatalon at lalakas ang t***k? Hindi ko makilala kung anong klase 'yung nararamdaman ko, para akong kinakabahan na parang na e-exite? May sakit kaya ako sa puso?
Ay, pero malabo 'yun! Healthy kaya ako.
"Oh, bro!" maangas na sabi ni kuya. Tsk!
"Bro, musta?" maangas ding tanong ni Rence. Ganyan ba sila mag batian? Maangas?
"Ayos lang. Salamat nga pala sa paghatid kay Chann kahapon, ha?"
"Wala 'yun!" Bahagya pa siyang lumapit kay kuya at may binulong.
Tsh! Ano naman kaya 'yun at kailangan pang ibulong? Mga lalaki nga naman, oh! Nagsalubong ang mga kilay ko dahil natawa si kuya at bahagyang tinapik ang likod ni Rence.
"Hindi ko alam kuya na close pala kayo?"
"Oo hahaha," tatawa-tawang aniya.
Salubong ang kilay na tinignan siya "Anong nakakatawa?"
"Wala hahaha."
"By the way, Channsie. Usap tayo mamaya."
"Ha? Bakit?"
"'Yung tungkol sa MV. May in-arrange kasi akong kanta kagabi, gusto kong basahin mo kung ayos lang," parang nahihiyang tanong niya.
"Oh? Original mo?"
Tumango naman siya.
"Okay." Bumaling naman ako kay kuya. "Mauna na ako, kuya." Tumango lang siya, tinapunan ko muna ng tingin si Rence saka tumango bago tinalikuran sila. Hahhaha may pagka awkward din talaga 'yung lalaki na 'yun. Pero mas weird siya, ewan ko bakit ko nasabi-HAHAHA.
"Uyyy, sis! Kumusta? Hindi mo 'ko tinawagan kahapon?" salubong sa 'kin ni Aya pag pasok ko sa classroom.
Dumiritso ako sa upuan ko at nilagay do'n ang bag ko.
"Ayos naman. Ang totoo kaya hindi ako nakatawag ay nag enjoy ako," nakangiti kong tugon sa kanya.
"Hm? Death Anniversary tapos masaya? Ano bang nangyari?"
"Kasi hindi na tulad ng dati si dad, nakakatuwa nga eh kasi muntikan na akong magwala kahapon, 'di ba? Tapos nalaman namin kay kuya na nasa Office lang pala si dad. Siya pa nga mismo nag sabi na sabay na kaming dadalaw kay mommy. First time yun hehe," nakangiti kong kwento sa kanya.
"Masaya ako kung gano'n."
"Mm, finally natangap na ni dad. At okay na siya."
'Sana tuloy-tuloy na ang ganitong sitwasyon. Iyong hindi kami palaging nag aalala kay daddy. Sana tuluyan na niyang tanggap.'
Nag ngitian kami ni Aya sandali bago kami nabulabog.
"GOOD MORNING, PRESIDENT AYA!" sigaw ni Jackie sa mismong mukha namin. Baliw 'to! Napatakip pa ako sa tenga ko. Pagtingin ko kay Jackie ang lawak ng ngiti niya na halos mapunit na 'yung labi niya habang si Aya naman ang sama ng tingin.
"ANO BANG PROBLEMA MO!!?" sigaw din ni Aya sa mismong mukha niya, natawa pa ako no'ng napapikit si Jackie dahil sa lakas ng sigaw ni Aya.
"Wala naman! Binabati lang kita eh."
"BAKIT KAILANGAN MO PANG SUMIGAW!!?"
"Eh, ikaw nga tong nakasigaw, eh."
"KASI NAUNA KA!"
"Hindi na kaya ako nakasigaw."
Natatawa ako sa dalawang 'to, daig pa'ng aso't pusa, eh. Ang sama ng tingin ni Aya kay Jackie na ngingisi ngisi lang. Pati mga kaklase namin natatawang nakatingin sa kanila.
Dati nang malakas mambuyo kay Aya si Jackie at kay Aya lang talaga. Madali kasing mapikon si Aya tapos so Jackie naman malakas mambuyo kaya aso't pusa talaga. Baka nga may gusto si Jackie kay Aya, tibo kasi tong si Jackie, 'di malayong totoo 'yung sinabi ko. Ayos lang naman kung may gusto siya sa best friend ko, ayos lang din kung maging sila kasi naniniwala akong everyone deserves to be loved kahit anong gender mo pa. Mapa bakla o tomboy karapat dapat silang mahalin dahil tao lang din sila, marunong magmahal at dapat mahalin at respituhin, hindi 'yung tatawagin silang malas. Napaka immature ng mga taong sinasabihan 'yung mga LGBT ng malas.
Mayamaya'y dumating na din si Miss Jenyca, ang aming science teacher.
"Good morning class, prepare one whole sheet of paper. We will have a surprise quiz, 50 items," seryosong sabi ni miss.
"Hala! Miss naman!"
"Ang dami!"
"20 na lang, miss"
"Di ako nakapag-aral"
"Lagot!"
"Pakopya ako!"
"Pengeng papel"
"May extrang ballpen ka? Kahit lapis?"
"Lakihan mo 'yung sulat mo' ha?"
"Miss, review kahit 10 minutes lang sigi na po, please!"
"Miss, may choices?"
Kanya-kanyang tanong at reklamo ng mga kaklase namin. Buti na lang talaga nag advance reading ako kagabi, salamat kay Aya.
"Quiet, class! Attendance muna tayo!"
Isa isang tinawag ni Miss ang klase namin, matapos ang attendance ay nag binalik niya muna sa folder niya ang attendance sheet bago tumayo sa gitna.
"Ready?" tanong ni miss sa 'min.
"Miss, review?"
"Hindi kami nakapag aral, miss."
"20 items na lang po!"
"QUIET!" Biglang tumahimik ang lahat sa lakas ng sigaw ni miss na nag echo pa sa buong classroom. Sabi sa inyo terror siya, eh. "Sinabi ko na sa inyo mag advance reading kayo! hindi ko na kasalanan kung wala kayong maisagot-NUMBER 1!" Saka niya sinimulang mag dictate ng questions. Damn it! Identification pa talaga! Pero ayos lang kasi nasasagotan ko naman ang mga tanong.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay natapos na din 'yung madugong surprise quiz ni Miss. Pinapasa niya lang ang mga papel namin at inutosan si Aya na puntahan siya sa faculty room para siya na mag check sa papers namin. Hay, president's life hahahaha.
Sunod sunod ang naging klase namin sa ugmagang ito, at halos lahat ng subjects ay may quiz, palibhasa ngayong araw ang huling klase namin, next week simula na ng sem break. At hindi na ako makapag hintay kung saan na naman kami balak dalhin ni daddy para sa 2 weeks vacation na ito hihi.
"Aya, Lel, tara," pag aaya ko kay sa mga kaibigan ko. Lunch break na at gutom na gutom na ako.
"Sandali, lagay ko lang to sa locker," sabi ni Aya bitbit ang libro niya.
"Sa labas na lang kami naghihintay, sis."
"Oh sigi."
"Tara, Lel"
Sabay kaming naglakad ni Lel palabas ng classroom. Sumunod agad si Aya kaya bumaba na agad kami para pumunta sa canteen. Hindi na gano'n ka dami ang mga studyanteng nakakalat sa hallway, pati sa canteen hindi din gano'n ka ingay katulad ng nakasanayan. Baka 'yung iba mas pinaaga 'yung bakasyon. May ibang teachers kasi na hindi na nag kaklase pag ganitong huling araw na ng pasukan bago mag bakasyon. 'Yung ibang teachers, magbibigay ng pabaong projects para may magawa ang mga studyante at nang may grades pa rin kahit walang pasok. Ang mga teachers namin sinulit talaga ang huling araw ng klase, tinudo 'yung mga quizes may pabaon pang projects.
"Oh? Si kuya... Kasama si Rence?" nagtatakhang tanong ko habang papalapit kami sa kanila.
"Matagal na ba silang close?" tanong ni Aya
"Ewan."
Nang makalapit kami sa kanila ay prenting naka upo silang dalawa habang si kuya na naka cross ang arms at si Rence naman ay naka pandikwatrong panlalaki. Ang angas nilang tingnan.
"Sit down girls." Tinuro pa ni kuya ang mga upuan sa harap nila.
Bali 'yung table namin ay 'yung table namin nung nakaraang magkakasama kaming nag lunch. Katabi ko si Aya sa left habang sa right naman si Lel naka upo, katapat niya si kuya at katapat ko naman si Rence. Mayamaya pa ay may dumating na lalaki at may bitbit na tray na may lamang mga pagkain.
Ang dami!
Naka order na pala sila kanina pa.
"Ang dami naman nito?" saad ko habang pinapanood ang lalaking nilalapag ang mga pagkain.
"My treat," ani Rence nang may malawak na ngiti sa labi.
"Ano meron?" abot-kilay na tanong ko
"Kasi vacation na next week?" patanong niyang sagot "Oh! Ahm, Channsie..." sambit niya sa pangalan ko saka may kinuha sa bag. Pag harap niya sa 'kin may inabot siyang notebook. Nagtataka naman akong nakatingin sa kanya. Hindi ako nag salita pero alam kong halata sa mukha ko ang pagtatanong "Ah! Iyan 'yun song na sinasabi ko sa 'yo," ngumiti pa siya sa 'kin.
Kinuha ko 'yung notebook at binuklat ang first page. Namangha pa ako dahil sa ganda ng pagkaka sulat. Sulat kamay siguro ito ni Rence, ang ganda ng sulat kamay niya, mas maganda pa kesa sa 'kin.
Can I have this dance 'yan ang nakalagay sa upper part ng first page. Ito marahil ang title.
Binasa ko ang nakasulat sa notebook hangang sa katapusan no'ng sulat. Napangiti akong namamangha, ang ganda ng mensahe. Hindi kapanipaniwalang siya ang gumawa nito. Wala sa itsura niya na marunong siyang mag sulat ng orihinal na kanta. Pag angat ko nang tingin ay gano'n na lang kung lumundag ang puso ko nang magkasalubong ang mga mata namin, mukhang kanina pa siya nakatitig sa 'kin.
Nararamdaman ko na naman sa dibdib ko ang hindi ko makilalang pakiramdam. Pakiramdam ko umurong ang paghinga ko habang nakatingin sa mga mata niyang diritsong nakatingin din mga mata ko. Isang linggo ko pa lang siyang nakilala pero ganito na agad ang epekto niya sa 'kin at hindi iyon lingid sa kaalam ko. Aminado akong sa tuwing makikita at makakasama ko siya, kinakabahan ako na hindi ko maintindihan, naiilang ako at hindi ko alam kung paano ko siyang pakikisamahan kaya siguro nasabi niya na ang pormal ko kapag kaharap at kausap ko siya.
Hindi ko nakikilala itong nararamdaman ko sa aking dibdib. Ang pinaka pinagtataka ko pa ay kung bakit sa tuwing mag kakasalubong ang mga mata namin ay bigla akong sisinukin, pinag sawalang bahala ko iyon at ngayon ko lang iyon napag tanto. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong sininok sa harap niya kahit hindi naman ako nabilaukan o kung ano pang dahilan para sinukin ang isang tao. Inaamin kong simula no'ng tinulungan ko siya sa rooftop ay makailang beses na kaming nagkakasama. Kakatwa isipin. Ni hindi ko maintindihan ang sarili ko at nararamdaman ko.
"Okay lang ba?" Pakiramdam ko'y nagising ako sa realidad dahil sa tanong niya.
"Mm, Ikaw talaga 'yung nag sulat nito?"
"Yeah, pangit ba? Hindi mo ba nagustuhan?" May himig ng pagkadismaya sa boses niya.
Napailing naman ako ng ilang beses "Maganda nga, eh. Wala sa itsura mo na marunong ka palang gumawa ng kanta?"
"Wala naman sa itsura kung marunong ka bang gumawa ng isang bagay, ha?"
"Alam ko, it's just that... Ah, nevermind. Maganda 'yung kanta mo."
"So, ito na 'yung gagawan natin ng music video?" Napaka lapad ng ngiti niya sa harap ko. Hindi agad ako nakasagot.
Maganda 'yung mensahe ng kanta at duet 'yun. Pero may parte sa 'kin na hindi sang ayon kasi dahil sa mensahe ng kanta, dahil pakiramdam ko para saming dalawa yung mensahe ng kanta. At may pakiramdam ako na magiging mahirap ito para sa 'kin. Lalo pa't may nararamdaman akong kakaiba para sa kanya.
"Channsie?" pagtawag niya sa pangalan ko
"Sure." Gusto kong sampalin ang bibig ko dahil kusa iyong lumabas ng hindi ko pinag iisipan.
Napakalawak na ngiti ang sumilay sa mga labi niya ng marinig ang sagot ko. Gusto ko mang bawiin ay para saan pa? Wala naman akong maisip na kanta para e suggest sa kanya, buti nga at nag effort 'yung tao, eh. Kaya tatanggi pa ba ako?
"Nagsusulat ka pala ng kanta, Rence?" tanong ni Aya
"Oo, pero hindi gano'n ka ganda ang mga sinusulat ko."
"Mm, patingin." Pa-slide niyang kinuha mula sa harap ko ang notebook. Nanlaki pa ang mga mata niya no'ng buklatin niya ang first page nito. "Sulat kamay mo 'to?" hindi makapaniwalang tanong niya, tinanguan lang siya ni Rence "Grabe! Dinaig mo pa ang sulat kamay naming mga babae! Ganda ng penmanship mo para sa isang lalaki."
"Thanks," ani Rence.
"Maganda naman, ah! Nakaka ingit naman kayong apat, kayo kayo pa talaga ang partners. Habang ako...." Hindi niya naituloy ang sasabihin niya at nanlulumong sumandal sa inuupuan.
"Hindi mo pa sinasabi sa 'kin ang partner mo, Aya. Sino nga ba?" takang tanong ko.
"Si Jao, kapatid ni Jackie." Nang bangitin niya ang pangalan ni Jackie ay parang nag iba ang timpla ng mukha niya. Nakakatawang panoorin ang hindi maipintang mukha niya.
"Ano naman, Aya, kung kapatid ni Jackie ang partner mo?" makahulugang tanong ni Lel
"Oh, baka naman.... Si Jackie ang gusto mong maging partner?" Sabay pa kaming natawa ni Lel dahil mas lalong hindi maipinta ang mukha niya. Halatang naasar na naman siya.
"Shut up," inis na aniya
"Hm? Totoo, 'di ba? Si Jackie ang gusto mong maging partner?" pang aasar pa ni Lel.
"HINDI KO GUGUSTUHING MAGING PARTNER ANG MAY SALTIK NA 'YUN!" Nabigla kami sa biglaang pag sigaw niya. Naigala ko ang paningin ko at halos lahat ng mga mata ng mga estudyante dito sa canteen ay nakatingin sa 'min.
"May saltik o may pag tingin?" Napalingon kami sa biglaang pag sabat ni kuya. Seryoso ngunit mapang asar na tanong niya.
"SALTIK KUYA! SALTIK! BWISIT!" Padabog siyang sumandal sa upuan at pinag krus ang mga kamay. Ito si Aya, sobrang bilis maasar. 'Yung tipong isang asar mo lang sasabog na agad, lalo na kapag si Jackie ang binangit mo. Kaya nakakatuwang asarin siya, eh. Iniisip ko tuloy may gusto siya kay Jackie-HAHAHAHA.
"S-sis, kalma ka nga! Kunti na lang iisipin kong may gusto ka kay Ja-" Hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin ko nang ilapit niya ang mukha sa 'kin 'saka sumigaw.
"WALA AKONG GUSTO SA KANYA! PAANO AKO MAG KAKA GUSTO SA ISANG BABAE!? NABABALIW KA NA BA?!" Salubong na salubong ang mga kilay niya at halatang inis na inis na siya. Sabog na talaga siya, eh. Sobrang lakas na ng boses niya na parang nakalunok ng mega phone, ito ang mga senyales na tagumpay ka sa pang aasar kay Ayanna.
"Tsk! May gusto ka sa isang baba-?" Hindi rin naituloy ni kuya ang sasabihin niya dahil sumigaw ulit si Aya.
"HINDI KO NGA GUSTO 'YUN, KUYA. PATI BA NAMAN IKAW?!"
"Tibo kasi, Chris," animo'y nag susumbong na saad ni Lel kay kuya. Nag salubong naman ang mga kilay niya at parang hindi makapaniwalang tumingin kay Aya.
"Lesbian, Ayanna?" hindi makapaniwalang tanong ni kuya. Kumpara kanina na nakikitawa siya, ngayon ay seryoso siya at walang emosyong makikita sa mukha. Uh-oh, umeeksina na naman ba ang over protective na kuya?
"Kuya, hindi ko nga kasi gusto ang babaeng 'yun,"
Hindi ko na ipinagtaka ang pagbabago ng boses ni Aya. Alam niya kasing pag ganito ka seryoso si kuya ay hindi mo siya dapat binabara o pinag tataasan ng boses dahil nakakatakot ang pagiging seryoso niyang 'yan, maawtoridad. Napakamot pa sa uli si Aya nang mataman siyang tinitigan ni kuya kaya habang walang mababakas na galit, inis o tuwa sa mukha niya. Napaka blanko ng mukha niya.
Hindi namin kapatid si Aya pero sabay kaming lumaki kaya parang kapatid na din ang turing namin sa kanya. Kaya kuya ang tawag niya kay Chris dahil iyon ang nakasanayan niya pamula noong mga bata pa kami at isa pa, dalawang buwan lang ang agwat ng edad namin.
"Don't you dare fall in love with a lesbian, Ayanna." Blanko pa rin ang mukha niyang nakatingin kay Aya, maging ako ay kinilabutan sa sinabi niya. May halong pagbabanta at pag papaalala, ngunit maawtoridad. Nakayuko si Aya habang nilalaro ang daliri niya.
Naguilty naman ako dahil sa pang aasar sa kanya kaya nalaman ni kuya na tomboy si Jackie.
"H-hindi ko naman talaga s-siya g-gusto, eh," Pahina ng pahina ang bawat salitang binibigkas niya. Alam kong napapahiya siya sa sarili niya.
"I just wanted you to know, Aya. Bilang tinuring mong nakakatandang kapatid. Hindi ko gusto ang mahulog ka sa isang tomboy. Naiintindihan mo?"
Maka ilang beses tumango si Aya. Hindi pa rin nawawala ang pagiging blanko ng itsura niya. Nakita ko pa kung paanong titig na titig sa kanya si Lel hanggang sa dahan dahan nitong hawakan ang isa niyang kamay, nabigla pa si kuya sa ginawang 'yun ni Lel pero nasaksihan ko kung paanong ang blankong mukha niya ay dahan dahang bumalik sa dati. Nginitian siya ni Lel na para bang sinasabi na tama na, ginantihan niya din ng ngiti si Lel, bigla ako nakaramdam ng tuwa ng makita ko kung paanong ang simpleng paghawak ng kamay at pag ngiti ni Lel sa kanya ay nagpa lusaw sa blanko niyang mukha at nag napangiti pa. Napangiti ako sa isiping posibling may gusto sila sa isa't isa ngunit hindi pa nag kakaaminan. Binalik ko ang tingin kay Aya na nakayuko pa din.
"Finish your foods," maawtoridad na utos ni kuya. Nag taas ng tingin si Aya, napahiya nga yata siya.
Tahimik naming tinapos ang aming pagkain. Pagkatapos kumain ay sabay na kaming bumalik sa kanya kanyang classroom. Naunang mag lakad sa amin si Aya na tahimik at walang imik. Kanina nga pagkatapos kumain ay nauna siyang umalis sa mesa at lumabas ng canteen, tahimik na lang kaming sumunod sa kanya. Nagalit yata siya sa 'min, nakasunod lang kami ni Lel sa kanya.
Bahagya kong dinamba sa tagiliran si Lel, liningon niya ako nang may pagtataka. Inginuso ko si Aya, nakuha naman niya 'yung gusto kong sabihin. Umiling siya at inginuso din si Aya na parang sinasabing ako na ang lumapit kay Aya. Sa gano'ng paraan kami nag uusap ni Lel habang papunta sa classroom. Hanggang sa maka pasok sa room ay tahimik si Aya at naupo sa upuan niya. Hindi agad ako tumuloy sa pwesto ko kung saan sa tabi ni Aya. Sumabay ako kay Lel papunta sa upuan niya sa kabilang row.
"Kausapin mo na si Aya, sis," ani Lel
"Galit siya, eh. Tsk! Dapat hindi na lang natin inasar kanina. Nawala sa isip ko na maaaring hindi magustuhan ni kuya ang gano'ng bagay," nanlulumong sabi ko
"Kasalanan ko talaga 'yun, eh. Kung hindi ko lang sana sinabi kay Chris na tibo si Jackie, eh." Nagpakawala siya ng isang buntong hininga at naupo sa upuan niya. Gano'n din ang ginawa ko, naupo ako sa upuan sa tabi niya.
Nilingon ko ang gawi ni Aya, nag susulat siya sa notebook niya at nakabusangot, tahimik lang din siya at parang walang paki alam sa kaingayan ng mga kaklase namin na sinasakop na ang buong kwarto dahil sa lakas ng tawanan, chismisan at asaran. Tsk! Parang hindi mga babae ang mga ito. Napabuntong hininga ako, I feel guilty.
"We should say sorry to here," suhestyon ni Lel, makikita sa mukha niya na guilty din siyang tulad ko.
Tango lang ang naisagot ko, bago tumayo at naglakad papunta sa pwesto ko. Hindi man lang ako nilingon ni Aya gayong bahagyang natamaan ang siko niya sa paghila ko sa upuan ko.
Kakausapin ko na sana siya nang bumukas ang pintoan ng room namin at pumasok doon ang aming History teacher.
History! Madugong labanan ng antok samahan pa ng pilit intindihin ang mga tinuturo ni Maam Salve. Hindi naman sa hindi ko gusto ang subject na ito pero kasi inaantok ako kapag ganitong oras.
"Okay class! GET ON WHOLE SHEET OF PAPER, NUMBER IT 1-80!" Umugong ang boses ni Maam sa loob ng classroom. Panay naman ang buntong hininga ng mga kaklase namin at mga reklamo.
"Hala, mam!"
"Patzay!"
"Mam, review!"
"Okay I'll give you 10 minutes to prepare. Babalik muna ako sa faculty room, naiwan ko 'yung attendance sheet ninyo. Pagbalik ko start agad tayo," malumanay na tugon ni maam bago lumabas ng classroom.
Biglang umingay ang classroom namin pagkalabas ni maam.
"Anong bansa nga ulit 'yung huling sumuko no'ng world war II?"
"Kailan nag simula 'yung world war II?"
"Anong bomba nga 'yung sumabok?"
"Ha? Pinasabog o sumabog?"
"Puta! Stock knowledge will do HAHAHA"
"Gago! Dapat pala nag aral ako kahit kunti."
"Pasa pasa nalang ng sagot, gais!"
"Maawa kayo sa mga bobo, klasmeyts."
"Patingin ng notes mo!"
"Oh! Ikaw na lang mag aral, kopya na lang ako sa 'yo."
"Pengeng papel"
"Peram ako ballpen."
"Ang mahalaga matapos 'tong araw na 'to."
"Ani, lakihan mo 'yung words mo ha para makita ko, pangit pa naman ng sulat kamay mo."
"'Tiwala ako sa inyo classmates, ngopya na lang ako."
"GAIS SABAY TAYONG GAGRADUATE, HA!"
Natawa na lang ako dahil mas nangibabaw ang sinabi ni Jackie. Ganito talaga kami pag may quiz, ganyan ang mga linyahan. Ngayon pa lang mamimiss ko na ang mga ito, eh hahahaha. Napako kay Aya ang paningin ko, sobrang tahimik pa din niya at hindi ko na nagugustuhan pa ang inaasta niya. Hindi ko na matiis pa ang hindi niya pamamansin sa 'kin.
"Sis," pagtawag ko sa kanya, nilingon niya ako pero blanko ang mukha. "Sorry," sinserong saad ko
Hindi pa rin nagbabago ang itsura niya. Galit nga siya. Bigla ulit natahimik ang classroom nang pumasok si maam na may bitbit na folder. Isa isa niyang tinawag ang mga pangalan namin para sa attendance. Wala akong nagawa kung hindi ang humarap sa unahan at makinig dahil nag sisimula nang mag dictate si Maam ng mga tanong.
Pinipilit kong pakingan ang questions ni Maam, at mag susulat sa isang peraso ng papel na nasa harap ko. Paminsan minsan ko pang sinusulyapan si Aya sa gilid ng mata ko. Nakayuko lang siya habang nakikinig 'saka magsusulat. Binabagabag ako ng guilt ko. Pinilit kong ituon ang buong atensyon ko sa pakikinig lalo pa't 80 items pa naman ito, isinantabi ko muna ang konsensyang nararamdaman ko at inisip na kakausapin ko siya mamaya lalo pa't may essay ang quiz ni maam.
Bago maubos ang time namin para sa subject na ito, pinasa na namin ang aming papel. May ibinilin lang sa 'min si maam na dapat gawin para pagbalik namin ay may maipasa kami. Nag sunod sunod na ang pag pasok ng mga teachers namin sa hapong ito. Hindi ako nag karoon ng chance na makausap si Aya dahil sunod sunod din ang mga quizes namin, hindi lang basta basta quiz, madugong quizes 'yun. Kami lang yata ang may mga teachers na ang quiz ay umaabot sa 80 to 100. Sana hindi na lang tinawag na quiz ano? Dapat test or examination na lang. Walang nangyaring discussion ngayon araw dahil puro quiz ang ganap.
*RIIIIIINNNGGGGGG*
"Pass your papers in 5, 4, 3, 2, 1. No more papers?" Itinaas ni Maam Edona ang aming papers na hawak niya. "Okay, that's all for this week. 'Wag niyong kakalimutan ang music video ninyu, that is equivalent to 400 points! Plus 100 points kung a-attend kayo sa awards night. Understood?"
"Yes, mam!"
"Good. Enjoy your vacation." Ayun lang at lumabas na si maam.
Naging maingay ulit ang mga room namin.
"WOOOO!!! Natapos din ang madugong araw na ito!"
"Nyemas! Wala na yatang dugo ang utak ko!"
"Tag tuyot sa utak ko ngayon! Grabe umabot sa 500 ang naging quiz natin ngayon!"
"GIRSL, SELFIE BAGO BAKASYON"
Sigaw ni Ani sa harap habang tinataas ang cellphone niya. Hindi magkamayaw sa pag pwesto naman ang mga kaklase namin. Nasa unahan namin si Ani na may ilang dipa ang layo para makuha kaming lahat.
"Okay, 1 2 3 say SEXIIIESSS"
"SEXIIIIIIESSSSS"
"Ayan! Hihi see you classmates. Mami-miss ko kayo!" ggumiwi pa si Ani matapos sabihin 'yun.
Kanya-kanya na kaming ligpit ng gamit.
"Bye, girls."
"See you."
"Send n'yo sa gc ang answers n'yo sa mga activities, klasmeyts."
"Tiwala ako sa inyu, gais."
"Love you all!"
Niligpit ko na rin ang mga gamit ko, kinuha ko din sa locker ko ang mga libro ko dahil plano kong mag advance reading, nasa libro din kasi namin ang mga activities na ibinilin ng aming teachers. Nilinis ko din ang locker ko. Dinala ko na lahat ng gamit na nasa locker ko. Nang matapos ako ay bitbit ko na ang gamit ko.
"Layuan mo na ako, Jackie, ano ba!"