Magmula noong unang makita ni Yna ang mga updates sa social media account ni Aria Lopez ay palagi na itong nangunguna sa timeline ni Yna. Hindi sadya pero sa tuwing dumadaan ang mga post nito ay hindi niya mapigilan ang sarili na tingnan iyon. Sa ilang linggo ay wala pa siyang nakikitang post na kabilang si Paul pero ngayon ay tila may bagong update na naman ang babae tungkol sa lovelife nito. Ang kuha ng litrato ay nasa dagat si Aria. Nakasuot ito ng sobrang sexy na swimwear habang nakababad ang paa sa dagat. Hindi ito nag-iisa dahil may kasama itong dalawang babaeng katabi nito. Ngunit ang nakaagaw ng kanyang pansin ay ang lalaking nakatagilid sa kuha na wari'y hindi sinasadyang masali sa litrato. Nakakunot pa ang noo nito na parang may tinitingnan sa malayo. Habang ang tatlong babae ay

