NATIGIL sa akmang pagbaba ng sasakyan si Cathellya nang makita kung sino ang naghihintay sa kanya sa labas ng apartment niya. Sandali siyang nag-atubili bago siya nagdesisyong bumaba. “Thank you,” sabi niya kay Seth. Nakatingin ito sa lalaking nasa labas ng apartment niya. Pumormal ang mukha nito nang makilala ang lalaking naghihintay. “Ingat sa pagmamaneho pauwi,” aniya bago isinara ang pinto. Nilapitan niya ang lalaking kaagad na tumayo nang makita siyang palapit. “`Tay,” bati niya bago siya nagmano rito. “Kanina pa ako naghihintay sa `yo rito. Ang akala ko ay hindi ka darating. Ang sabi sa foundation ay ngayon ang dating mo. Bakit ka ba nagtagal sa Mahiwaga? Kumusta na si Doña Ancia?” “Maayos na po siya, `Tay. Nagpapahinga at nagpapalakas na lang po siya.” “Mabuti naman kung gano’n

