BINISITA ni Cathellya si Celine sa bahay nito dahil ang sabi nito ay hindi talaga maganda ang pakiramdam nito. Dinalhan niya ito ng mga prutas. Kaagad siyang pinatuloy ng kawaksi. Alam niya na maliban sa mga kawaksi ay mag-isa lang ito sa bahay ng mga ito. Hindi pa nakakabalik mula sa Europa ang mga magulang nito. “Get out of my house! I don’t need you!” Nagsalubong ang mga kilay niya at natigil saglit sa foyer nang marinig ang galit na tinig ni Celine. Hindi pa siya nito nakikita kaya alam niyang hindi para sa kanya ang pagtataboy na iyon. “I love you, Celine. Ako lang ang nagmamahal sa `yo. Babalik at babalik ka rin sa `kin.” Lalong nagsalubong ang mga kilay niya nang marinig ang pamilyar na tinig ni Denton. Binilisan niya ang paghakbang at natagpuan niya ang mga ito sa receiving roo

