21

1484 Words

NANG mga sumunod na araw ay iniwasan ni Cathellya sina Seth at Celine. Hindi niya gaanong sinasagot ang mga tawag at text messages ng dalawa. Inabala niya ang sarili sa foundation at ilang trabaho na tinanggap niya. Iniiwas na niya ang sarili bago pa man siya masaktan nang husto. Nang gabing iyon ay ginabi siya nang husto ng uwi dahil sa isang fashion bazaar sa isang mall. Ang isang designer na nagsisimula nang gumawa ng pangalan sa ibang bansa ay nagpa-auction ng mga likha nito. Ang lahat ng nalikom nitong pera ay ibinigay nito sa foundation. Pagbaba niya ng taxi ay natigilan siya nang makita si Seth na prenteng nakasandal sa magara nitong sasakyan at hinihintay siya. “You’re home, at last,” pormal na sabi nito. Walang kangiti-ngiti sa mukha nito habang naglalakad palapit sa kanya. He

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD