Masayang masaya ako na pumayag s Ally sa inalok ko na manood kami ng sunset at makapag-usap. Alam ko naman na mali ako kaya gusto ko na matama na ang lahat. Nang mag oo siya tumawag ako kina Nay Lita at Tay Pilo para makapaghanda sa mga kakailanganin namin mamaya. I want that moment to be extra special. Ibibigay ko ang lahat ng dahilan para siya magtiwala sa akin at papasukin na ako sa mundo niya. Magmula kanina na makapag-usap kami ay hindi ko matiis na mawaglit man lang ang tingin sa kanya. Sinusubaybayan ko siya sa bawat kilos n’ya. Hindi ko alam pero aliw na aliw ako pagmasdan ang napaka amo at ganda niyanh mukha, pero alam ko behind those characteristic may nakatago pa na ibang pagkatao niya sa kaalaman na iyon ay wala akong pakialam. Nagsimula na mag uwian ang mga kasama namin tu

