Literal na tense na tense ako habang lumalakad ang oras. Heto at isa-isa ng nagpapaalam ang mga kasama namin dahil pasado alas kwatro na ng hapon. Si Tibo ay umuna na rin kanina pa, sinabi ko naman sa bata na gagabihin ako ng uwe at isang makahulugang tingin ang binigay sa akin bago nag-iwan ng paalala. “ Ate, umakto ayon sa level ng relasyon at gumawa ng move ayon na rin kung may label ba kayo. Hindi daw po masama mag explore, basta alam ang limitation at bantay ang sarili para walang sakitan at iyakan. At kung tinatanong mo san ko nakuha ang mga ‘yan sa libro po ng Romance Novel ni Aling Onyang. Gusto ko happy ka lagi Ate uuwi na po ako, ” sabi ng bata sa akin hindi pa rin ako sanay sa ugali nito. Sa di kalayuan kita ko na dumaan pa ito kay Logan at parang may sinasabi sa lalaki napak

