Lumipas ang araw at okay naman na kami ni Ally, pero magmula ng mangyari ang insidente sa ahas na sawa na ‘yun walang araw na hindi ako balisa at sumasakit ang puson ko. Kasi ang babaeng ito ay matindi pa sa pinakamatindi. Alam ko sinusubukan niya ako kaya pangit man ay si Mariang palad muna ang kakampi ko kada gabi, pero hindi ma ‘waglit sa akin ang mga naganap kung paano ako na windang sa ahas na ‘yun. Flashback.. . “ Sawa! ” Rinig kong sabi ni Ally, kaya na focus ako sa kanya at napangiti pa ako. Na isip ko pa, na ano ka ngayon ‘di gulat ka? Ang kaso may nararamdaman ako na kumikiskis sa may paa ko at halos mabuwal ako sa pagkakatayo ng makita ko ang may kalakihan na ahas na kung tawagin ay sawa. Mas natakot ako ng makita ang pag-angat nito pa itaas. Mukhang alam ko na ang target

