Nagmulat ng mga mata si Hyacinth nang magising na ang diwa niya at agad siyang napaangat mula sa pagkakaubob sa isang desk. Ang bigat ng paghinga niya at ramdam niya rin ang nangilid niyang luha. Sumunod pa sa katawan niya ang revolving chair na kinauupuan niya dahil sa paglikot niya sa pagtingin-tingin kaagad sa paligid. Sumalubong sa mga mata niya ang napakaraming makukulay na bulaklak na display at ang iba pa ay mga nakatanim sa mga paso na maayos na maayos na nakadisenyo sa paligid. Ang sariwang halimuyak ng mga ito ang lalo nang gumising sa kaniya kaya natanto niya na panaginip lang pala ang lahat at nasa flower shop niya lang siya. Napatingin siya sa log books na nakakalat sa desk niya. Dahil sa pag-aasikaso niya sa mga iyon ay nakatulog na siya sa pagod kahit umagang-umaga pa lan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


