Walang tigil ang pag-iyak ni Hyacinth nang gabing iyon matapos mapanood ang video na ginawa ni Lester para sa kaniya. Hindi na niya alam ang dapat niyang maramdaman para rito. Galit siya rito pero miss na miss na niya ito. Gusto niyang ipamukha rito kung gaano siya nito sinira pero sobrang sakit naman para sa kaniya ang gusto nito na kalimutan na niya ito lalong-lalo, na ganoon din ang gagawin nito sa kaniya. Hindi na talaga niya maintindihan kung ano ba ang dapat niyang maramdaman at 'yon ang pinakanagpapahirap sa kaniya sa bawat minutong lumilipas. Ilang araw ang makalipas... Pinuntahan ni Cristine si Hyacinth sa unit nito dahil hindi ito palaging sumasagot sa tawag niya at ilang araw na itong nagmumukmok doon. Natatakot siya na baka kung ano nang ginawa nito sa sarili dahil sa video

