Naglalakad-lakad lang si Hyacinth sa isang mataong street sa New York at kahit gabi na ay maliwanag pa rin ang paligid sa mga ilaw ng iba't-ibang establisyemento na nagpapasigla lalo roon. Patuloy lang ang paglalakad niya kahit wala naman siyang balak puntahan. Kahahatid niya lang sa Dad niya sa airport dahil babalik na ito ng Pilipinas at dahil gusto niyang mag-unwind ay gano'n ang ginawa niya. Humangin nang malamig kaya ibinulsa niya ang parehong kamay sa magkabilang bulsa ng mahaba at puti niyang Trench coat. Nakared scarf din siya, itim na bonet at puting winter boots dahil taglamig na sa bansang iyon. Tumingala siya sa kalangitan at nasilayan niya ang napakaraming bituin sa kalangitan pati na ang buwan na kabuuan ang nagliliwanag. Gusto niyang ngumiti sa ganda n'on pero hindi niya

