Ilang araw ang makalipas... Kailaliman ng gabi, nagising siya nang tumunog ang cellphone niya na nasa tabi niya lang sa kama. May tumatawag doon at latang-lata naman niyang kinuha 'yon para tingnan kung sino 'yon. Nang makitang si Cristine 'yon ay nagtaka siya. 2 am pa lang pero tumatawag ito sa kaniya. Hindi naman ito tatawag nang ganoon kalate lalo na at alam nito na may problema siya sa pagtulog kaya sinagot niya 'yon. "Hello Haya, tumawag sa'kin ang dad mo. He said he wants to talk to you dahil may importante siyang sasabihin," sabi kaagad nito sa rason kung bakit ito tumawag. "Then you should've just gave my number to him. Hindi niya ba alam ang number ko kaya hindi niya man lang ako kinakamusta?" "Ang totoo Hyacinth eh lagi ka naman niyang kinakamusta sa'kin pero ayaw niyang

