~Tagapagsalaysay~ Nang makabalik na si Gab sa dome ay hindi niya inasahan na makakasalubong niya si Hyacinth na papaalis habang may hila-hilang maleta. Pagang-paga ang mga mata nito na halatang dumaan sa sobrang pag-iyak. Napatigil siya sa paglalakad at pati na ito nang makita na siya at makaharap. Ang lamig-lamig ng tingin nito sa kaniya. "Saan ka pupunta Hyacinth? Bakit dala mo na maleta mo?" takang-takang tanong niya rito. Napangisi naman ito. "Cut the crap Gabriella. Alam ko na ang lahat kaya tigilan mo na ang pag-arte na may paki ka sa'kin." Unti-unti namang nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito at hindi naman siya tanga para hindi malaman kung anong ibig sabihin nito. Gusto niyang magsalita pero hindi siya makahanap ng kahit anong salita na dapat niyang sabihin sa mga oras na

