~~~Lester~~~ Nanlaki nang kaunti ang mga mata ni Hyacinth nang marinig niyang magsalita ako. Napangisi siya bigla pero bakas na bakas naman sa mukha niya lalo na sa mga mata niya na sobra siyang nasaktan dahil sa pagkatuklas sa panloloko ko sa kaniya. "So everything is just really made up? Your gender, your aphasia, the scar on your neck kaya lagi kang nakaturtle neck at ang whole persona mo as Terry. Hindi pala talaga siya nag-e-exist dahil isa lang siyang gawa-gawa?" Wala nang tigil ang pagkawala ng mga luha mula sa mga mata niya pero napakalamig pa rin ng tingin niya sa 'kin. "H-hyacinth... Magpapaliwanag ako—" Isang malutong na sampal ang pinatikim niya sa 'kin. "F*CK YOU! YOU STILL HAVE SOME GUTS TO SAY SOMETHING AFTER MANIPULATING MY MIND FOR SO LONG!" pulang-pula na siya sa gali

