"Lester Yoso?" Hindi pa rin nagsisink-in sa kaniya ang nabasa niya. "Lester..." pagbanggit niya muli ng pangalan sa I.D. habang pilit na iniisip kung saan niya narinig 'yon dati dahil pamilyar 'yon sa kaniya. "Cleanfreak lang talaga ako kaya magkasundo kami ni Lester." "Lester? Lester who?" "A-ahhh... W-wala. 'Yung kapatid ko 'yon." "Ahh... So random." Doon ay naalala niya na ang isang parte ng usapan nila ni Gabriella. May nabanggit na itong Lester pero wala naman siyang kaalam-alam kung sino ang taong 'yon. Bigla sumagi rin sa isip niya ang nangyaring kataka-takang pagkawala ni Terry sa C.R. na parang bula nang sundan niya ito at si Gabriella. Biglang pumitik sa isip niya ang lalaking inakala niyang boyfriend ni Gab na kinapitan nito sa braso. Doon ay unti-unti nang namilog ang mg

