Kinabukasan... Pagkagising na pagkagising ni Hyacinth, naamoy na kaagad niya ang mabangong luto ng sinigang. Namilog ang mga mata niya dahil naisip niya na baka ayos na si Terry dahil nagagawa na nitong magluto ulit. Napabalikwas siya ng bangon at excited na pumunta ng kusina para makita ang ngiti sa kaniya ni Terry na nakasanayan na niya tuwing umaga. Nang makapasok na siya roon ay napatigil siya. Unti-unting puminta ang malawak na ngiti sa mga labi niya nang makitang si Terry nga ang nagluluto roon. "Terry!" tuwang-tuwang tawag niya rito. Lumingon naman ito sa kaniya... at iyon ang naging dahilan kung bakit unti-unting nawala ang ngiti niya. Walang buhay na nakatingin sa kaniya ang mga mata nito. Paga rin ang mga iyon sa pag-iyak katulad ng kaniya pero wala siyang mabasa na kahit ano

