Nang maghiwalay na ang mga labi namin ay napahawak agad ako sa mga labi ko habang nanlalaki ang mga mata. "Ano ba 'yong Hyacinth na 'yon? Parang masyado naman siyang attached sayo. Ewan ko ha pero parang iba 'yung nararamdaman ko na tingin niya sa 'yo. Parang higit pa sa kaibigan." Tama nga si Gab. In love nga sa 'kin si Hyacinth... pero hindi ko 'to magawang madigest ngayon dahil kahit ang wirdo-wirdo ng pakikitungo niya sa 'kin nitong mga nakaraang araw, hindi ko kailanman naisip na may gusto na pala siya sa 'kin... dahil isa akong babae sa pagkakakilala niya. Wala pa ring nakakagalaw sa 'min at namumula ang mga pisngi niya pagkatapos niya akong halikan nang may maamoy akong parang nasusunog sa likuran ko. Bigla kong naalala na nagluluto nga pala ako kaya dali-dali kong pinatay ang s

