~~~Lester~~~
Nafrustrate na ako nang sobra kay Hyacinth dahil ayaw niya talagang sabihin sa 'kin ang dahilan ng pag-iwas niya kaya inagaw ko na sa kaniya ang maleta niya para ihatid siya sa labas. Ni-reverse psychology ko siya dahil baka mapaamin ko na rin siya.
Binuksan ko na ang pinto ng dome dahil naiinis talaga ako. Ayoko mang tratuhin siya nang ganito pero frustrate na frustrate ako.
Sinasabi niyang hindi ko matatanggap kapag sinabi niya na sa 'kin ang rason. Nauna na kaagad siya sa pagjudge sa magiging reaksyon ko.
Nakalabas na ako ng dome at sumara na ng kusa ang pinto sa likod ko. Hindi pala siya nakasunod sa 'kin kaya hindi pa siya lumalabas. Naguilty naman ako dahil baka napaiyak ko siya sa ginawa ko kaya babalik na sana ako sa loob nang...
"Lester!" tawag sa 'kin ng isang pamilyar na boses kaya napatingin ako sa gilid ko.
Nakita ko ang tumatakbong si Gab papunta sa 'kin at may hila-hila siyang isang maletang pink. Umiiyak din siya at agad akong niyakap nang mahigpit nang makalapit na sa 'kin. Takang-taka naman ako sa pag-iyak niyang 'to.
Hinaplos ko ang buhok niya. "Bakit ka umiiyak Gab? Anong nangyari?" sobrang nag-aalalang tanong ko sa kaniya pero umiling-iling lang siya habang nakayakap pa rin sa 'kin at umiiyak.
Tatanungin ko pa sana siya nang marinig ko ang pagbukas ng pinto sa likuran ko.
Ilang sandali lang, narinig ko na ang boses ni Hyacinth.
"Who the heck is she Terry?"
Napatigil sa pag-iyak si Gab at humiwalay na ako sa kaniya saka nilingon si Hyacinth. Nakataas ang isa niyang kilay habang tinitingnan si Gab. Nanlalaki naman ang mga mata ko dahil baka narinig niya akong nagsalita kanina.
* * *
"May natanggap akong trabaho sa New York at 4 months simula ngayon, kailangan ko nang umalis. Naglayas ako sa bahay dahil ayaw akong payagan ni Nanay na umalis dahil hindi siya naniniwala na kaya kong mabuhay mag-isa sa abroad. Na kaya ko nang maging independent at hindi na ako isang bata na dapat niya pa ring alagaan. Alam mo naman kung gaano kaoverprotective sa 'kin 'yon. Nag-away kaming dalawa at ipinagmalaki ko sa kaniya na kaya kong tumira sa boarding house habang nandito pa ako sa pilipinas dahil kaya ko na nga ang sarili ko." paliwanag ni Gab kung bakit bigla-bigla na lang niya akong sinugod ng yakap kanina habang sobrang umiiyak.
Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit. Sobrang close nilang dalawa ni Tita Elsia at mabibilang sa isang kamay na nag-away silang dalawa dahil napakamasunuring anak nitong si Gab kaya ngayong nag-away sila, iiyak talaga nang gano'n 'tong pinsan ko. Mukha ring malaki talaga ang naging pag-aaway nila.
"Then why are you here?" mataray na tanong ni Hyacinth sa kaniya na ngayon ay nakaupo sa sofa at katabi ko. Nakacross arms pa siya habang nakadekwatro at kung titingnan siya ngayon, halatang ipinagmamalaki niya kay Gab na siya ang nagmamay-ari ng lugar na 'to.
Hindi naman slow si Gab para hindi niya mahalata na hindi nito nagugustuhan na nandito siya. Nakaupo naman siya sa isang single sofa na nasa gilid nitong inuupuan namin ni Hyacinth.
Nagkukutkot na siya ng kuko niya dahil siguradong nahihiya siya. "A-ang totoo niyan, gusto kong magpatulong kay Les—"
Pinandilatan ko siya ng mga mata dahil madudulas siya sa pagsabi ng totoong pangalan ko.
Napatigil naman siya at naging malikot ang mga mata. "A-aahh... Terry na maghanap ng boboardan ko. Marami kasi siyang naboard-an na before kaya siya agad ang naisip ko na makakatulong sa 'kin." Ngumiti pa siya kay Hyacinth.
Nakataas pa rin ang isang kilay nito. "Ikaw ba 'yung pinsan niya na nagpapunta sa kaniya sa police station?"
"Oo. Gabriella ang pangalan ko pero Gab ang tawag sa 'kin ni Les— Terry."
Kinakabahan ako rito kay Gab. Parang anytime, madudulas siya na mabanggit ang totoo kong pangalan.
"Ahhmmm... Nakakahiya man Terry at sa 'yo na rin Ms. Hyacinth pero makikiusap sana ako na... kung puwede bang makituloy muna rito kahit ilang araw lang habang hindi pa ako nakakahanap ng boarding house na lilipatan ko."
Nanlaki nang kaunti ang mga mata ko at napatingin din kaagad ako kay Hyacinth sa magiging reaksyon niya. Nanlaki rin nang kaunti ang mga mata niya.
"Nabanggit naman sa 'kin nitong pinsan ko na napakabait mo Ms. Hyacinth kaya kapalan na ng mukha ang pakikiusap ko na makituloy rito. Tutulong din naman ako sa mga gawain dito."
Bumaba na ang isang kilay niya at umayos na ng upo nang marinig na naipagmalaki kong napakabait niya rito kay Gab. Halatang pilit niya ring pinipigilan ang ngiti niya. "She said that?"
Dahil nakuha ni Gab ang kiliti niya, napangiti ito nang malawak. "Oo, Ms. Hyacinth. Napakabait mo raw talaga at ang ganda-ganda pa na totoo naman."
Ipinadaan naman ni Hyacinth ang kamay niya sa mahaba niyang buhok dahil natutuwa talaga siya sa mga puri nito. "So how many days are you planning to stay here... if I let you?" Halatang malapit na siyang mapapayag.
Napatingin na ulit ako kay Gab.
"Hindi naman ako tatagal ng isang linggo. Baka nga tatlong araw lang o apat. Bibilisan ko naman ang paghahanap ng boarding house na lilipatan ko."
Katahimikan ang namagitan sa 'ming tatlo kaya napabaling ulit ako ng tingin kay Hyacinth para sa magiging desisyon niya.
Seryoso lang siyang nag-iisip at napatingin din siya sa 'kin.
Nagpaawa ako sa kaniya dahil wala naman si Gab na tutuluyan ngayon. Hindi naman magiging pabigat sa 'kin ang pinsan ko at malaki pa nga ang paniguradong magiging tulong nito dahil sa pagkaclean freak nito.
Mukhang gumana naman ang pagpapaawa ko sa kaniya kaya napahinga siya nang malalim at tumango-tango na. "Fine. You can stay here."
Umabot naman sa tenga ang ngiti ni Gab. "Thank you Ms. Hyacinth! Maraming salamat talaga!"
Napangiti rin ako.
"But! Less than a week lang ako na papayag na dumito ka. Si Terry na rin ang magsasabi sa 'yo ng mga rules dito sa dome." paalala nito. "Hyacinth na lang din ang itawag mo sa 'kin."
Tuwang-tuwa namang tumango-tango si Gab.
[Thank you Hyacinth.] pagpapasalamat ko sa kaniya at nginitian siya.
Tipid lang siyang ngumiti at tumayo na kaya tumayo na rin ako pati si Gab.
Kinuha ko na ang maleta ni Gab para dalhin sa kuwarto ko at sumunod naman sa 'kin ang pinsan ko.
"Wait. You'll use Terry's room?" tanong ni Hyacinth kaya napatingin kaming dalawa sa kaniya.
Tumango naman ako. Alangan namang sa kuwarto niya eh hindi naman sila gano'ng magkakilala at sensitive din siya sa mga estranghero. Wala rin namang ibang kuwarto pa rito dahil dalawa lang talaga ang mayro'n.
"Magpinsan naman kami at parehong babae." Si Gab na ang sumagot sa kaniya.
Napakurap-kurap siya at parang narealize nga niya na tama naman ito.
Bubuksan ko na ulit sana ang pinto...
"I can share my room to you Gabriella." hirit niya kaya nangunot ang noo ko.
Para kasing sinasabi niya na magkasama sila ni Gab sa kuwarto niya eh ang kanina lang, alis na alis na siya rito sa dome.
[Akala ko ba, aalis ka na para bumalik sa trabaho mo?]
Naging malikot naman ang mga mata niya. "A-aahhhmmm... I decided na—"
Naputol ang sasabihin niya nang magring ang cellphone niya at napatingin kami sa slingbag niya na nakapatong lang sa sofa. Nandoon ang phone niya kaya kinuha niya 'yon mula ro'n saka sinagot ang tawag.
"Hello Kristine?"
"Bakit wala ka pa rito sa condo ko? Akala ko ba, pupuntahan mo ako?"
Napatingin naman siya sa 'ming dalawa. "A-aahh..." Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin.
Nakatingin lang kami ni Gab sa kaniya at nang mukhang mabuo na niya ang desisyon niya ay ngumiti siya. "Sorry Kristine but I won't go. Mag-i-stay muna ako nang ilan pang mga araw rito sa tagaytay and I promise, I'll call you when I think I can resume working again."
"Ano?! But sinabi mo nang—"
Pinatay na niya kaagad ang tawag at tumawa nang pilit. "So ayon. I decided that I'll stay for few more days."
Kunot pa rin ang noo ko dahil sa bigla-bigla niyang pagbabago ng isip.
Lumapit na siya sa 'kin at kinuha na ang maleta ni Gab. "Dito ka na sa kuwarto ko magstay." desidido niyang sabi.
Napatingin naman sa 'kin si Gab na halatang humihingi ng tulong. Siguradong ayaw niyang kasama si Hyacinth sa kuwarto nito dahil paniguradong hindi sila magiging kumportable.
[Ok lang na sa kuwarto ko na si Gab. Siguradong hindi ka magiging kumportable kapag may kasama ka sa kuwarto mo na hindi ka pamilyar.]
Ngumiti naman siya nang malawak. "No, it's okay. I won't mind. Mukhang mabait naman siya at halatang magkakasundo kami kaya dito na siya." Binuksan na niya ang kuwarto niya at pumasok doon hila-hila ang maleta ni Gab.
Nang makapasok na siya ay kaagad na hinawakan ako ng pinsan ko sa magkabila kong balikat at inalog-alog ako. "Ano bang problema ng isang 'yon at gusto niya ako sa kuwarto niya!" mahinang sabi niya habang sobrang nagpapanic. "Mamamatay ako sa sobrang awkwardness kasama siya! Hindi rin ako paniguradong makakatulog!"
"Sasabihin ko na lang mamaya na sa kuwarto ko ikaw matutulog. Nagmamagandang loob lang siya siguro kasi may kaliitan 'yung kuwarto ko kumpara sa kaniya kaya niya siguro kinuha ang gamit mo." mahinang-mahinang sabi ko sa kaniya at baka marinig kami ni Hyacinth.
"Basta. Sa 'yo ako makikitulog mamaya ha." paninigurado niya.
Tumango-tango naman ako. "Sige. Sige. 'Wag kang madudulas sa pagkatao ko ha." Itinulak-tulak ko na siya nang marahan papasok ng kuwarto ni Hyacinth.
Napipilitan naman na pumasok na nga siya ro'n at ako na ang nagsara ng pinto.
Napabuga ako ng hangin. Sana maging maayos ang mga araw na kasama namin dito si Gab. Sana lang talaga at hindi siya madulas kay Hyacinth tungkol sa katotohanan na lalaki ako at baka mabuko pa ako nang wala sa oras.
Dahil malapit nang magtanghali, nagluto na ako ng kakainin naming tatlo. Gumawa na rin ako ng sushi na paborito ng dalawa at habang busyng-busy ako sa paghahain dahil tapos na akong magluto ay pumasok dito si Hyacinth.
Pasinghot-singhot pa siya dahil mukhang nagugustuhan niya ang amoy ng mga niluto ko. Halatang wala na siyang balak pang tanggihan ang pagkain na ginawa ko. Ramdam ko rin na nawala na ang misteryosong problema sa 'ming dalawa nang dumating si Gab. Parang kanina lang, nagkatalo pa kami sa pag-alis niya.
Lumapit siya sa 'kin at nang makitang naghihiwa ako ng sushi ay nanlaki ang mga mata niya sa tuwa. "Wow! Sushi! I'm really craving for this!" Kumuha siya ng isa sa mga nahiwa ko na at maganang nginuya 'yon.
Napangiti naman ako dahil ang tagal din nang huli kong makita ang ganitong reaksyon niya kapag nakain ng luto ko.
Dahil tapos na akong maghiwa, inihanda ko na rin 'yon sa lamesa habang kuha pa rin siya nang kuha. Lalabas na sana ako ng kusina para tawagin si Gab at kakain na kami. Siguradong busyng-busy 'yon sa pag-aayos ng mga gamit niya.
Palabas pa lang ako ng pinto nang sakto namang lumabas na rin siya ng kuwarto ni Hyacinth.
Umakto ako na kakain na at katulad ng reaksyon ni Hyacinth ay napangiti siya nang malawak at nanakbo na papuntang kusina. Nadanggil niya pa ako sa sobrang excited niya.
Napailing-iling na lang ako at lumapit na sa kanila.
"Wow! Paborito kong sushi!" bulalas niya habang nakatingin sa nilalantakan ni Hyacinth na mga sushi. Nakaupo na ito at nakaharap dito ang malaking plato na puro sushi lang ang laman.
Bigla itong napatigil sa pagnguya at napatingin kay Gab nang kumuha ang pinsan ko ng isang sushi ro'n.
"Hmmmm! The best ka talaga pinsan! Ginawa mo pa talaga 'to para sa 'kin." Nagthumbs up pa siya habang ngumunguya nang nakangiti.
Napansin ko naman ang pagkunot ng noo ni Hyacinth.
"Tara kain na tayo Les—" madudulas na naman na sabi ni Gab at pinandilatan ko ulit siya ng mga mata. "Les... Let's eat na. 'Yon ang gusto kong sabihin. Haha." pagtawa niya ng peke at umupo na.
Umupo na ako sa upuan na katabi niya at kaharap ko si Hyacinth na parang tutunawin ngayon sa titig niya ang sushi sa harap niya. Pakuha-kuha naman doon si Gab na hindi napapansin ang pag-iiba ng aura niya.
Hindi kaya ayaw niyang bigyan si Gab kaya siya nagkakagan'yan. Para na naman kasi siyang totoyoin.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang inoobserbahan siya nang maagaw ni Gab ang atensyon ko dahil nilagyan nito ng pagkain ang plato ko.
Ngumiti lang ito at hindi na bago sa 'kin 'yon dahil maasikaso talaga si Gab na tao. Sa 'min naman ngayon nakatingin si Hyacinth at napahinga siya nang malalim sa tumayo mula sa kinauupuan niya.
Napatigil si Gab sa paglalagay ng pagkain sa plato ko at sabay kaming napatingin sa kaniya na madilim ang mukha. Hindi siya umimik at bigla na lang naglakad palabas ng kusina.
Nakasunod lang ang tingin namin sa kaniya at halatang wala na siyang balak bumalik dito para kumain. Nangunot tuloy ang noo ko dahil nagsisimula na naman siyang kumilos nang wirdo.
"Anong problema n'on?" tanong ni Gab habang kunot din ang noo na nakatingin sa pinto ng kusina na nilabasan ni Hyacinth. "Parang girlfriend mo na nagseselos sa 'kin ah. Aminin mo nga, alam na ba n'on na lalaki ka talaga?" mahinang-mahinang tanong niya na ikanakunot naman lalo ng noo ko.
"Hindi, 'no. Saka anong nagseselos? Gagawin mo pang tomboy 'yung tao." mahinang-mahinang sabi ko rin sa kaniya. "Nagkakagan'yan na rin siya nitong mga nakaraang araw. Dito ka muna at kakausapin ko kung ano ang problema." Tumayo na ako at lumabas na ng kusina para sundan si Hyacinth.
Binuksan ko ang pinto ng kuwarto niya pero wala siya ro'n. Sinilip ko rin siya sa C.R. pero wala rin kaya naman lumabas na ako ng bahay dahil baka lumabas siya. Hindi naman ako nagkamali at nakaupo siya sa swing habang marahang idinuduyan ang sarili at nakatungo. Nakatingin lang siya sa batong sinisipa-sipa niya sa lupa.
Lumapit na ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. [Hindi ka ba kakain?]
"No. I got no appetite." malamig na sagot niya.
[Kanina lang, halos maubos mo na yung sushi tapos wala kang gana? May nagawa ba si Gab na ikinagagalit mo?]
Tumagilid siya nang kaunti kaya medyo natatalikuran na niya ako ng upo. "Don't mind me. Just let that Gabriella eat all the sushi you made. Siya naman ang dahilan kung bakit mo ginawa 'yon ngayon." Parang siyang batang nagtatampo at dahil doon, hindi ko napigilan ang mapangiti.
[Ginawa ko rin naman yon dahil paborito mo rin yon. Ayaw mo ba na hinatian ka niya? Gagawa na lang ako nang panibago, kung gusto mo.] pang-aalo ko sa kaniya.
Tumayo na siya at halatang hindi ko pa rin nasusuyo dahil nanghahaba pa rin ang nguso niya sa pagtatampo. "Tss. No need. Nawalan na rin naman ako ng gana. Manonood na lang ako sa sala so go and eat with her. Just forget about me."
Pumasok na siya sa loob ng bahay at napahinga na lang ako nang malalim.
Ngayon, narerealize ko na siguro nga, nagseselos niya kay Gab pero hindi dahil may gusto siya sa 'kin kundi dahil bestfriend niya ako tapos may iba akong inaasikaso ngayon na ang nakasanayan niya ay siya lang ang pinagbubuhusan ko ng atensyon noon dito sa bahay.
Pagsasabihan ko na lang si Gab na mag-ingat na sa mga kilos niya.
Ipagpapatuloy...