Episode 8 - Call

1925 Words
Kinabukasan... Tanghaling tapat at nakaupo lang ako sa sala habang nanonood ng T.V. Kanina pa ako tapos sa mga gawain ko kaya nagpapahinga na ako. Bukas ko pa balak maghahanap ng bago kong sideline dahil sarado pa ang mga establisyemento at bagong taon ngayon. Tahimik lang akong nanonood mag-isa rito nang magcommercial ang isang advertisement na may mga nakabikining babae na naglalakad sa beach. Slimming juice ang ina-advertise nila kaya siguradong sila ang mga hinire na magpromote n'on. Hinihintay ko lang na matapos 'yon dahil inaabangan ko ang nakakatawang noontime show tuwing weekdays na paborito kong pinapanood kapag may libre akong oras. "I'm sexier than those girls." narinig kong sabi ni Hyacinth mula sa malapit kaya napalingon ako sa direksyon na pinanggalingan ng boses niya. Kalalabas niya lang ng C.R. at katatapos lang maligo. Nakatapis lang na naman siya ng tuwalya at may nakapulupot na towel din sa ulo niya. Sa sobrang dalas na ginagawa niya 'yon, nasanay na ako at hindi na bago sa 'kin na makita siyang nakagano'n lang. Inalis ko na ang tingin ko sa kaniya at nanood na ulit ng T.V. "You don't believe me, do you?" tanong niya pero hindi ko siya pinapansin. Wala lang. Hindi ko lang trip na pansinin siya. "Then I'll make you believe me," sabi niya at narinig ko ang mga yabag niya papasok ng kuwarto niya dahil umingit ang pinto n'on. Pinto lang naman ng kuwarto niya ang naingit kapag nabubuksan. Iba't-ibang commercials pa rin ang nagpeplay sa T.V. at naiinip na ako nang biglang humarang sa pinapanood ko si Hyacinth... at ang nakapagpanganga at nakapagpatulala sa 'kin sa kaniya ay ang katawan niya na ang saplot lang ay bikini bra at panty. 'Yung sinusuot ng mga babae sa beach. Nagpopopose siya ng sexy sa harap ko at lumakad-lakad pa habang ipinagmamalaki ang magandang hubog ng katawan niya at kaputian. "I told you... I'm sexier than those tree logs." Tinanggal niya ang tuwalyang nakapulupot sa buhok niya kaya bumagsak ang mahaba at basang buhok niyang blonde. Hinawi niya 'yon sa isang side para ipakita sa 'kin ang leeg gilid ng leeg niya habang nang-aakit na nakatingin sa 'kin. Wala sa sariling napalunok ako at kung hindi lang ako nakaturtle neck na blouse, kitang-kita ang pagtaas baba ng adam's apple ko sa paglunok. "You should've agreed with me when I told you I'm sexier than those girls. Eh 'di sana, hindi ka naiingit ngayon sa ganda ng katawan ko." Ngumiti pa siya nang mapagmalaki at taas noo pa. "Drop dead Gorgeous! Stunning and ravishing beauty! Ako lahat 'yon! Kyahahahah" pagtawa niya na parang nababaliw. Tinotopak na naman siya. Ang init ng magkabilang tenga ko at umiwas na ako ng tingin sa kaniya dahil may kakaiba siyang binubuhay sa pagkatao ko. Sa T.V. na ulit ako nagfocus at pilit na inaalis sa isip ko ang nakita ko sa kaniya. "Don't worry. Maganda ka rin naman Terry pero mas maganda lang talaga ako. Kyahahaha!" Ang tinis na naman ng pagtawa niya at narinig ko na pumasok na ulit siya sa loob ng kuwarto niya at nagsara na ng pinto. Doon ay nakahinga na ako na hindi ko namalayan na napigilan ko pala kanina pa. Ilang turnilyo kaya talaga ang tanggal na sa utak ng Hyacinth na 'yon?! Dahil lang hindi ko siya pinansin kanina no'ng sinabi niya na mas sexy siya kaysa sa mga babaeng nasa commercial, rumampa na siyang nakabikini sa harap ko, mapatunayan lang. Kung alam niya lang talaga na lalaki ako! Kung alam niya lang talaga! Kung alam niya lang! Mayamaya lang, lumabas na naman siya ng kuwarto niya at nakabihis na siya nang maayos. Nakawhite siya na t-shirt na oversized kaya loose sa kaniya at maikling gray na shorts kaya natatakpan 'yon ng ilalim ng shirt niya sa haba. Mukha tuloy siyang walang suot na pang-ibaba at hindi ko pa malalaman na mayro'n siya kung hindi siya humikab at nag-unat ng braso kaya umangat ang shirt niya. Tuyo na rin ang buhok niya dahil may blower siya sa kuwarto niya at ipinopony niya na 'yon ngayon. Kagat-kagat niya ang itim niyang pamuyod habang inaayos ang buhok at doon ay tinalian niya na 'yon. Bagay na bagay talaga sa kaniya ang pagiging model. Totoo naman kasi na napakaganda niya. Biglang nagflash sa isip ko 'yong pagbibikini niya lang sa harap ko kanina kaya inalis ko agad ang tingin ko sa kaniya at nanood ulit ng T.V. para maaliw ko ang sarili ko. Alam kong namumula na naman ang magkabila kong tenga. "Terry." tawag niya sa 'kin kaya automatic na napalingon ulit ako sa kaniya. "Catch." Bigla siyang may inihagis na kung anong bagay papunta sa 'kin at nasalo ko naman 'yon sa utos ng instinct ko. "Nice." nakangiti niyang sabi at tumabi na ng upo sa 'kin dito sa sofa. Amoy na amoy sa kaniya ang scent ng organic rose. Tiningnan ko ang bagay na inihagis niya sa 'kin at isang touchscreen na cellphone 'yon na kulay violet ang case at ang design ay violet hyacinth na bulaklak. Ito 'yung nakita kong cellphone niya noong una kaming magkita rito sa bahay. Tumingin ako sa kaniya nang may pagtatanong pero sa T.V. lang siya nakatingin. "Sa 'yo na lang 'yan. I bought a new updated one so now, it's useless to me kaya sa 'yo na lang." Nakatingin pa rin ako sa kaniya pero nang marealize ko ay kinuha ko ang kamay niya at inilagay ro'n ang phone na inihagis niya sa 'kin. Napabaling na siya ng tingin sa 'kin. Umiling-iling ako na sinasabi kong ayoko. Nangunot naman ang noo niya at ibinalik sa kamay ko 'yung phone. "Don't refuse this Terry. I know, wala kang phone dahil wala akong nakikita na mayro'n kang ginagamit. Don't worry, hindi ko ibinibigay sa 'yo 'to dahil naaawa ako sa 'yo but I just want to have a way of communication with you when you're outside." Binitawan na niya ang kamay ko. Nagtatanong pa rin ang tingin ko sa kaniya. "You made me wait noong christmas and new year sa 'yo. Kung may phone ka lang sana noon and I have your number, natawagan sana kita para matanong kung nasaan ka. Nalaman ko sana na malelate ka sa pag-uwi." nakapout na sabi niya. Napakurap-kurap lang ako sa dahilan niyang 'yon at tiningnan ang phone na hawak ko. Ang haba at ang nipis nito na mukhang bagong-bago pa. Ngayon pa lang ako nakahawak ng ganitong mamahaling cellphone. Hindi rin ako marunong gumamit ng ganito. "Ni-reset ko na ang mga information na laman n'yan kaya parang bagong bili. I also transferred its old sim to my new phone and put a new one kaya ako pa lang ang nakakaalam ng number mo. Check its contact list at number ko lang din ang nakasave d'yan." Banong-bano na pinagmamasdan ko lang 'tong hawak ko. May parte sa 'kin na gustong isauli 'to sa kaniya dahil sa pride ko pero may parte naman na gusto na lang na tanggapin ko dahil siya naman ang nagbibigay. Wala rin akong kayang ilaan na malaking pera para bumili ng ganito kamahal na cellphone. "If you got no idea on how to use it, just ask me. I'll teach you how." Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya at aliw na aliw siyang nakangiti sa 'kin dahil sa banong pagtingin ko rito. Tumango-tango ako at ngumiti bilang pasasalamat ko sa kaniya. ~~~* * *~~~ Kinagabihan... Bubuksan ko na ang pinto ng bahay para tumambay sana sa swing sa labas at patuloy na pag-aralan ang phone na binigay sa 'kin ni Hyacinth pero napatigil ako nang marinig ko ang galit na boses niya sa may veranda malapit sa pinto. Parang may kausap siya at galit na galit siya sa taong 'yon sa pagtaas at panggigigil ng boses niya kaya hindi ko muna itinuloy ang pagbubukas ng pinto. "I've told you countless of times Dad! I won't go home unless you kick that Patricia out of our house!" Dad niya pala ang kausap niya at sa cellphone niya ito kausap. Mukhang pinipilit siya nitong pauwiin. "Enough with your excuses Dad! I'm so sick of those that I might throw up if I keep on hearing those from you! I won't go back. Instead, I'll continue ruining my life until you steel your decision and choose me over that b*tch! That's final!" ... "Why are you getting so furious? I can call her whatever names I want! A b*tch! A w***e! A professional gold digger and opportunist 'cause those words are reeking from her bones! She's wicked and you can't see that because you're blinded!" ... "I am no more your puppet Dad. Hinding-hindi mo na ako mapapasunod sa gusto mo katulad ng dati. Ni hindi mo nga ako kayang pakinggan tapos gusto mong pakinggan kita. You're too unfair! Well... eversince, gano'n ka na sa 'kin at kay Mom." ... "'Wag na 'wag kayong pupunta rito. This is Mom's place at simula nang pakasalan mo ang Patricia na 'yan, you lost your rights to step here." Nanlaki nang kaunti ang mga mata ko dahil mukhang pinaplano siyang puntahan ng Dad niya rito dahil ayaw niyang umuwi. "I know, it's been almost two years Dad but I can't still accept that you married that woman wala pang one year ng pagkawala ni Mom! Napakasakit ng ginawa mo Dad! Kung nalalaman lang ni Mommy ang pagpapakasal mo sa babaeng 'yan, I can't even imagine how betrayed and hurt she would feel!" ... "I don't wanna talk to you anymore. Better? Continue spending quality time with your new wife of a b*tch. Bye." Hindi ko inaasahan ang biglang pagbubukas ng pinto kaya naitulak ako n'on palayo. Napatingin ako kay Hyacinth na napatulala sa 'kin nang makita niya ako rito. Bakas sa mukha niya na hindi niya inaakala na nandito ako at nakikinig sa pag-uusap nila ng Dad niya. "You heard everything?" malamig na tanong niya. Wala naman akong choice kundi ang tumango dahil nahuli naman niya ako na nakikinig talaga. Hinihintay ko na sigawan niya ako o magalit siya sa 'kin pero dinaanan niya lang ako sa gilid ko. "Are you free tomorrow?" tanong niya at umupo sa sofa saka lumingon sa 'kin. Hindi na malamig ang boses niya. Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at nagtype ako ro'n para makausap ko siya. [Aalis ako ng tanghali.] Ipinakita ko sa kaniya 'yon. Aalis naman talaga ako ng tanghali para magjob hunting na ng bagong sideline ko. Napatango-tango siya at hindi na malamig ang tingin niya. "Wanna watch a movie with me?" Nangunot nang kaunti ang noo ko habang nakatitig ako sa kaniya. ~~~* * *~~~ "Wahahahah! Wahahahha!" tawa nang tawa si Hyacinth habang ako, nakaub-ob sa tuhod ko habang nakaupo sa sofa katabi niya at itinatago sa hita ko ang mukha ko sa takot. Tinatakpan ko rin ang magkabila kong tenga dahil ayokong marinig ang kahit ano na nangyayari sa pelikulang pinapanood namin. Kagat-kagat ko rin ang dila ko dahil baka bigla akong mapasigaw sa gulat na hindi ko sinasadya. "Terry look!" kinulbit-kulbit niya ako na parang bubutasin niya ang balikat ko sa lakas. "The lady zombie's gonna munch the neck of the fatty guy! Wahahahah! His scream is so hilarious! Go! Munch that fatso! No leftovers should be!"  Mas lalo kong idiniin ang pagkakatakip sa tenga ko dahil sa mga pinagsasasabi niya at nangingibabaw rin ang nakakaawang pagsigaw ng lalaking kinakain ng zombie sa pelikula. Isa siyang baliw... Kailangan ko nang tumawag sa mental hospital dahil isa siyang malaking baliw! Kung hindi, baka mahawaan niya ako ng kabaliwan niya! Tulong! Ipagpapatuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD