Papasok na ako ngayon ng dome at suot ko na ang wig ko.
Sa office na ako na medyo malapit sa dome nag-ayos dahil baka abutan kong gising si Hyacinth. Bagong taon pa naman at baka naghihintay 'yon ng fireworks display kaya baka makita niya ako.
Bago rin ako bumaba ng taxi, itinanong ko kung anong oras na at 11:30 pa lang daw. Akala ko, kanina pa alas dose dahil may mga fireworks nang umiilaw sa langit. Excited lang yata sila magpailaw n'on.
Medyo maga ang mga mata ko sa pag-iyak pero pinolbohan ko na lang ang mukha ko para bawasan ang pagkapula sa palibot ng mga mata ko.
Nang matanaw ko na bukas ang ilaw sa veranda ng bahay at nakaupo sa swing si Hyacinth, inayos ko ang red scarf na nakapulupot sa leeg ko. Buti na lang talaga at nagdisguise ulit ako bilang Terry dahil tama ang hinala ko na gising pa siya.
Nang makalapit na ako, saka niya lang ako napansin dahil nakatulala lang siya sa langit.
Pagkakitang-pagkakita niya sa 'kin ay tumayo kaagad siya at napangiti nang malaki. Parang tuwang-tuwa siya sa pagdating ko. "Finally! You're here!"
Nakatingin lang ako sa kaniya.
Bigla siyang sumimangot. "You said you'll be home by 9? It's almost 12. Lumamig na tuloy 'yung mga pagkain na pinadeliver ko." Itinuro niya ang lamesang malapit at may mga malalaking paper bag doon ng kilalang brand ng isang restaurant.
Nangunot ang noo ko dahil hindi ko inasahang malaman na hinintay niya ako at nagpadeliver pa siya ng mga pagkain.
"Well, what matters is you're fin'lly here." Pumunta na siya ro'n at inalis sa mga paper bag ang mga pagkaing laman no'n na nakapaperbox.
Nakatingin lang ako sa kaniya nang may pagtatanong.
Nang mapansin niya ang pagtataka ko ay ngumiti na ulit siya. "Don't be that puzzled. I just want to celebrate this holiday with you. Ginagawa ko rin 'to kay Manang Tonet dati."
Nawala na ang pagtataka ko.
"Honestly, ang real plan ko ay paglutuin ka pagdating mo but I got a second thought na pagod ka and today's your holiday off too so I decided to just call for a delivery and it got here before 9. Eh 'di hindi ka na napagod sa pagluluto." Inabot niya sa 'kin ang plastic spoon at fork.
Umupo na siya at may tiningnan sa screen ng phone niya na nakapatong din sa lamesa. "We still got 20 minutes before 12 midnight strikes. We should dig in bago magsimula ang firework display para mamaya, we can watch it without any hassles."
Gaya ng gusto niya, umupo na ako at magkaharap kami.
Inabutan niya ako ng paperboxed na pagkain at kinuha ko 'yon. Kumakalam na ang sikmura ko dahil tanghali pa ang huling kain ko at hindi rin naman ako nakakain kina Gab dahil sa nangyari kanina.
Nang maalala ko ang pagkikita-kita namin nila Lara kanina, kahit na gutom na gutom na ako, nawalan ako ng gana. Ipinatong ko lang sa lamesa ang kutsara't tinidor ko.
"What's wrong Terry??" Napatigil siya sa pagkain dahil napansin niya ako. "Got no appetite? You seemed famished though."
Huminga lang ako nang malalim saka pilit na kumain para bumalik na ulit siya sa pagkain niya at hindi na magtanong pa sa 'kin.
"Does it hurt?" tanong niya habang itinuturo ang labi niya.
Naintindihan ko naman ang tanong niya 'yon na ang tinutukoy ay ang sariwang sugat sa ibabang labi ko. Umiling-iling lang ako.
Nakatitig lang siya sa'kin. "Alam mo naman na ayokong nangingialam sa iba especially, their private matters, right? I got no idea what bad stuffs happened to you prior coming home here. Nonetheless, I want to say is-if it isn't too meddling-Be strong."
Napatingin ako sa kaniya.
Kumakain na ulit siya at ni hindi sinasalubong ang tingin ko kahit alam niyang nakatingin ako sa kaniya. "I'm not really good at comforting others with words nor physical gestures..." mahinang sabi niya. "...but I hope, those two words can cheer you up kahit kaunti."
Nakatitig lang ako sa kaniya. Alam kong napansin niya ang pamamaga ng mga mata ko dahil sa pag-iyak kaya niya nalaman na may hindi magandang nangyari sa 'kin.
May kakaibang kaba na naman na naglaro sa sikmura ko at nang masalubong na niya na ang tingin ko ay bigla na lang akong napaiwas ng tingin.
Lah. Bakit ako umiwas ng tingin?
Narinig ko ang maikling pagtawa niya sa naging reaksyon ko kaya umayos ako ng upo at kumain na.
Unti-unti nang naging kumportable ang paligid at nagkaroon na rin ako ng gana dahil lang sa sinabi niya.
Hindi ko alam. Ang bigat-bigat ng dibdib ko kanina pero nang magsabi lang siya ng mga salita na pangpalakas ng loob ko, unti-unti nang gumagaan 'yon.
"Dati, gustong-gusto ko ang lasa ng luto ng restaurant na 'to that's why I ordered some of their best menus pero nang masanay na ako sa luto mo, these became bland to me." paggawa niya ng topic dahil ang tahimik namin pareho.
Malamang, pipe ako kaya tahimik ako. Nagpapanggap na pipe pala.
Kahit nga na gusto kong magsalita para basagin ang katahimikan sa pagitan namin dahil hindi ako kumportable ay napipigilan ko ang sarili ko dahil hindi ko naman nakakalimutan na dapat pipe ako.
"I super duper love your cooking kaya feeling ko, tumataba ako ngayon dahil ang dami kong kinakain."
Napangiti ako dahil sa pagpuri niya nang sobra sa luto ko. Bigla ay naalala ko 'yong ipinadalang pagkain sa 'kin ni Gab.
Binuksan ko agad ang body bag ko at kinuha ro'n ang eco bag ng mga pagkain saka ipinakita 'yon sa kaniya.
Napatigil naman siya sa pagkain. "What's that?"
Binuklat ko 'yon at tumambad sa 'min ang magkakapatong na mga microwavable container na may laman ng lahat ng mga putaheng niluto ko kina Gab. May mga moist pa 'yon dahil mainit pa.
Kaya pala medyo natagalan si Gab sa kusina dahil talagang ipinagbalot niya ako nang marami. Hindi ko napansin ang bigat nito sa bag ko dahil sa dami ng iniisip ko kanina.
Kinuha ni Hyacinth mula sa eco bag ang mga containers at binuklat ang mga 'yon. "Binili mo ba 'to o may nagbigay sa 'yo?" Inamoy niya ang mga 'yon at nangintab ang mga mata niya sa pagkahalina sa amoy ng mga 'yon.
Itinuro ko ang sarili ko at umakto ako na parang nagluluto.
Nanlaki naman ang mga mata niya. "Luto mo 'to?!" Tuwang-tuwa na kaagad siya at nang tumango ako, napatili siya nang impit sa tuwa. Inalis niya sa harap niya ang kinakain niya kanina na pinadeliver niya at ang nilantakan ay ang carbonara. 'Yon ang inuna niya dahil halatang doon siya pinakanatakam. "Heaven..."
Hindi ko napigilang maaliw sa kaniya dahil sarap na sarap talaga siya sa luto ko. Parehas sila ni Gab na fan na fan ko pagdating sa pagkain.
Pinanood ko lang siya na lantakan ang mga 'yon. Inalok niya pa ako ng mga 'yon pero tumanggi ako at ipinagpatuloy kong ubusin ang pagkain na ipinadeliver niya. Sayang naman kasi. Baka mapanis lang dahil mukhang wala na siyang balak kainin ang mga 'to.
Noong unang araw na ipagluto ko siya, ang dami ng nakain niya at mas tumakaw pa siya sa mga sumunod na araw. Basta makauwi na ako galing school o ng sideline ko, nagpapaluto kaagad siya sa 'kin ng mga gusto niya.
Hindi naman ako naaabala o tinatamad na gawin 'yon dahil gustong-gusto ko ang pagluluto pero ang ikinabigla ko lang ay ang lakas niya talagang kumain.
Model siya at ang ganda ng hubog ng katawan niya kaya hindi aakalain nang marami na malaki ang kaha niya sa sikmura.
Bukod sa kasibaan niya, wala rin siyang kapoise-poise kumain. Basta, salpak lang siya nang salpak ng pagkain sa bibig niya at hindi na yata nanguya sa bilis niyang lumamon—este kumain.
Nang tapos niya nang lantakan ang mga pagkain na luto ko, dumighay siya nang malakas. Ni hindi man lang nagtakip ng bibig. "Excuse that." sopistikadang sabi niya na hindi ko na kayang paniwalaan dahil sa mga nasaksihan ko sa kaniya simula nang tumira kami sa iisang bubong.
Tumayo na ako para magligpit ng pinagkainan namin at tinulungan naman niya ako kaso nang makita kong ilalagay na niya ang kalat sa loob ng paperbag na may laman pang nakabox na pagkain ay hinawakan ko kaagad ang kamay niya para pigilan siya.
Gulat na napatingin naman siya sa 'kin.
Umiling-iling ako at kinuha sa kamay niya 'yung container na may inipong kalat na itatapon niya sana ro'n saka binitawan na siya at ipinakita sa kaniya ang loob ng paper bag.
Napatingin naman siya ro'n. "A-ahhh..." nahihiyang napakamot siya sa ulo niya. "I thought, wala ng laman."
Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa pareho niyang balikat saka marahan siyang idiniin paupo. Nakatingin lang siya sa 'kin nang iakto ko na ako na ang bahalang magligpit.
Nakuha naman niya ang ibig kong sabihin at tumango-tango na lang. "Sorry." bumubungisngis niyang sabi habang nakapeace sign.
Nakangiting napailing-iling na lang ako at nagligpit na.
Dinala ko sa loob ang mga basura dahil nandoon ang basurahan pati na ang mga pagkaing hindi pa nagagalaw para ilagay sa loob ng ref.
"Terry hurry up! 1 minute na lang bago ang fireworks display!" pangmamadali niya sa 'kin.
Ewan ko sa sarili ko pero nagmadali nga ako sa ginagawa ko. Lakad takbo akong lumabas ng bahay pagkatapos.
"4... 3... 2... and boom." pagbibilang niya at doon ay lumiwanag na ang kalangitan dahil sa mga fireworks na sumasabog doon. Kitang-kita namin 'yon dito sa nakabukas na itaas ng dome. Ang dami at sunod-sunod 'yon na umiilaw sa langit. Iba't-ibang kulay pa at design ng pagsabog at ang ingay rin.
Umupo siya sa swing habang nakatitig pa rin sa langit. Lumapit ako sa kaniya at tumabi ng upo sa swing. Marahang umuugoy 'yon at tanaw na tanaw talaga namin ang magagandang pailaw na 'yon
"You know what? I waited for you this christmas. Sabi mo, you'll be home by 10 yet you weren't. I badly wanted to have a drinking buddy that night 'cause I never celebrated the christmas day with just myself." pag-amin niya kaya napabaling ako ng tingin sa kaniya.
Sa langit pa rin siya nakatingin at nakangiti pero ang lungkot-lungkot ng mga mata niya.
"Alam mo na ba na sa mommy ko 'tong lugar na 'to?" Tumingin na siya sa 'kin at tumango-tango ako.
Napahinga siya nang malalim. "I usually never talk my worries and my past to just anybody but I'll tell you 'cause I feel comfortable with you. Nakuha mo na ang tiwala ko and you are unexpectedly caring even you seemed like a cold person outside. I hope you listen even I'll tell you pure rants about my life."
Hindi ko inalis ang matiim na pagkakatitig ko sa kaniya. Naging signal naman 'yon para magpatuloy siya sa mga sasabihin niya.
"My mom was a florist and she super duper loved flowers. Ako ang living proof of her obsession with it sa pangalan kong Hyacinth." nakangiti siya habang sinasabi 'yon.
Nahawa ako sa kaniya at napangiti rin ako.
~~~Tagapagsalay~~~
Nang makasal ang mommy ni Hyacinth na si Helena sa Dad niyang si Richard, gumamit ang huli ng napakalaking halaga ng pera para ipagawa ang dome bilang regalo sa asawa upang makapagtanim ito ng mga bulaklak na gustong-gusto nito.
Lumaon ay naging napakaganda ng lugar sa pangangalaga nito at inatasan nito si manang Tonet para panatilihing maganda ang lugar.
Nang ipanganak si Hyacinth ay namana niya mula sa rito ang pagmamahal sa mga bulaklak kaya pangarap niyang maging florist pero hanggang pangarap na lang 'yon dahil sa Dad niya. Bilang nag-iisang anak ay siya ang heiress ng company nila.
Manipulative na tao ang kaniyang ama at nang magcollege siya, Arts and Sciences course ang gusto niyang i-pursue pero ang gusto nito ay Business management ang kunin niya bilang next handler ng kompanya nito.
Dahil walang magawa laban dito ay sumunod na lang siya.
Pero nang magtraining na siya ay hindi niya talaga gusto ang ganoong trabaho dahil nabobore siya kaya sinabi niya sa mom niya na ayaw talaga ro'n.
Hindi naman nito magawang ipaglaban ang gusto niya sa asawa nito dahil alam nito na hindi ito mananalo sa bagay na iyon kaya sorry lang ang tanging nasabi nito sa kaniya.
Galit na galit siya dahil hindi man lang siya nito maipagtanggol sa Dad niya at hindi ito pinansin nang ilang araw pero ang lubos na hindi niya inaakala ay nang mabaril ito ng isang lalaki na nasa impluwensya ng droga.
~~~Lester~~~
Nangilid na ang mga luha niya na pinilit niyang punasan kahit napapalitan naman kaagad 'yon ng mga bago habang nagkekwento.
Ayokong nakakakita ng mga babaeng umiiyak... hindi dahil nasasaktan ako para sa kanila kundi dahil tumatak na sa 'kin na ginagamit lang ng mga babae ang luha nila para sa sarili nilang kapakinabangan. Para magkunwari na mahina sila at sila ang biktima kahit ang totoo, sila naman ang may ginawang hindi maganda puwera lang kay Gabriella.
Pero ngayon, bakit hindi na ako naiinis sa pag-iyak niya. Parang nakakaramdam pa ako ng simpatya katulad ng kay Gab.
"It was my fault!" Kuyom na kuyom na niya ang mga kamao niya. "She asked me na makipagkita sa kaniya sa isang resto to make up with me 'cause I kept ignoring her at hinintay niya ako ro'n. Pero nang makarating na ako, marami na ang mga pulis doon at nalaman ko na may nag-amok na lalaki sa loob. Dread flooded in my chest with the thought that my mom was inside... and she might've gotten hurt at tama nga ako... dahil nalaman ko na s-si... H-Helena De Vegas..." Napahigpit ang hawak niya sa damit sa hita niya at napapikit nang mariin sa sakit na nararamdaman.
Parang hindi niya na kayang ituloy ang kuwento niya kaya hinawakan ko ang kamay niya para patigilin na siya.
Umaalog na ang balikat niya sa pag-iyak. "M-my mom... was shot... so helplessly... S-she was only there because of me..."
Hindi maganda ang history ko sa nanay ko kaya hindi ako makaramdam ng simpatya sa pagkamatay ng nanay niya pero ang nangingibabaw lang sa 'kin ngayon ay ang kagustuhan na mapagaan na ang loob niya katulad ng pagpapagaan niya ng loob ko kanina.
"The man who shot her committed suicide after shooting her. Galit na galit ako sa lalaking 'yon! Bakit niya pa dinamay ang mom ko?! Bakit?! Napakabuti ng mom ko para patayin niya nang walang dahilan!" sigaw niya.
Ilang minuto siyang humagulgol at napansin ko na hawak ko pa rin ang kamay niya... pero imbis na alisin ko ang pagkakahawak ko ro'n, marahan kong hinaplos 'yon para pakalmahin na siya.
Hindi ko inaakalang makakaya kong magcomfort nang ganito sa ibang babae bukod kay Gab.
Makalipas ang ilang sandali, nakalma na siya kahit papaano at pasinghot-singhot na lang. Pulang-pula ang ilong at mga mata niya sa pag-iyak.
Hindi ko inaasahan nang kunin niya ang braso ko saka ipinangpunas sa mga luha niya ang sleeves ng jacket ko.
Nang sisingahan niya pa 'yong sleeve ko ay agad kong binawi ang braso ko at diring-diring nakatingin sa kaniya. Doon ay napatawa na siya.
Iiyak-iiyak tapos tatawa. Baka may saltik talaga 'tong babaeng 'to?
Kinuha ko na lang ang hindi ko pa nagagamit na panyo sa bulsa ko at inabot 'yon sa kaniya. Doon na siya walang pakundangan na suminga.
Galing ba talaga 'to sa mayamang pamilya? Baka pinepeke lang ako nito ah.
Nang kalmado na talaga siya ay umayos na siya ng upo at inugoy nang mahina ang swing na inuupuan namin. "More than half of a year pa lang ng pagkawala ni mommy, nagulat na lang ako nang may dalhin na babae si Dad sa bahay at ipinakilala niya sa 'kin bilang bago niyang mapapangasawa at step mom ko." Nagtagis ang mga ngipin niya sa galit.
Naawa ako sa panyo ko dahil pinanggigilan niya 'yon.
"How could he do that?! Ni wala pang isang taon ng pagkamatay ni Mom pero nakahanap na kaagad siya ng ipapalit?! No wonder, kaya napakahigpit niya sa 'kin at hindi pinapakinggan si Mom tungkol sa mga gusto nito para sa 'kin dahil hindi niya naman talaga minahal si mommy. And you know what? Ipinipilit niya na kahawig ni Mom ang Patricia na 'yon but for me, she's just a f*cking gold digger b*tch and on the top of that, a social climber leeching my Dad's wealth! Wala siyang ginawa kundi magshopping! Dinaig niya pa ako sa paggastos niya!"
Namumula na ang mukha niya sa bilis niyang magsalita at sa galit. "Sa 'kin niya lang pasikretong pinapakita ang pagiging b*tch niya pero kapag kaharap na namin si Dad, laging ako ang pinagmumukha niyang masama. I had enough that's why I started to rebel against Dad dahil hindi niya na ako pinakikinggan. I wanted him to open his eyes and see the truth that I was too hurt with his choice of replacing Mom as soon as he can kaya umalis ako sa kompanya niya at pumasok sa modelling industry."
Ahhh... Kaya pala nabanggit ni manang Tonet na rebelde siyang anak.
"Conservative ang pamilya namin lalo na si Dad kaya he really loathed me being a model. I was showing too much skin that he never thought, I would be able to do. He was in berserk when he told me to resign from that kind of work pero tinreaten ko lang siya. That if he will not end things between him and that opportunist, I'll do worse stuffs to myself that he'll definitely regret for the rest of his life. But he didn't buy it at itinakwil pa ako. What a loving father he is, 'di ba?"
Nakatingin lang ako sa kaniya at bakas na bakas sa mga mata niya na sobra talaga siyang nasasaktan sa pagkasira ng relasyon nila ng Dad niya.
"'Cause I badly wanted to prove that my threat was a real deal, I started going to bars at umuuwi ako ng bahay na lasing. I tried smoking once but may asthma ako kaya hindi ko itinuloy. I even dyed my hair blonde and dated different guys just to show off na nasa peak na ako ng pagiging rebeldeng anak pero hindi niya pa rin hinihiwalayan si Patricia. I guess... he loves that b*tch more than me, his daughter and own blood. He might not really love me... even before." Umiiyak na naman siya.
Napahinga ako nang malalim dahil nakukumplikahan ako sa buhay niya. Akala ko, kaming mahihirap lang ang dumadanas ng paghihirap, mayayaman din pala kaso sa ibang paraan ng paghihirap nga lang.
Napatawa siya sa paghinga ko nang malalim na 'yon. "Frustrating, isn't it? Hindi ko rin inakala na aabot kami sa ganito ni Dad, nawala lang si Mom."
Hindi na siya nagsalita dahil mukhang tapos na siyang magkuwento at ang iilang mga fireworks na lang sa langit ang nagpapa-ingay sa paligid.
"How I wish na makuwento mo rin sa 'kin ang tungkol sa 'yo Terry. I shared my complicated life with you at napagaan n'on kahit papaano ang dibdib ko kaya sana, maishare mo rin ang buhay mo sa 'kin soon para makabawas din sa dinadala mo. Now, that you know my life, I can say that we're friends already... right?" Inilahad niya ang kamay niya sa 'kin para makipagkamay.
Nakatingin lang ako ro'n nang ilang segundo.
"I suppose... you're still not ready." napahiya at disappointed na sabi niya at aalisin na sana ang pagkakalahad ng kamay niya pero hinawakan ko na 'yon at nakipagshake hands na sa kaniya.
Ngumiti ako at binigkas ang salitang friends nang walang boses.
Unti-unti siyang napangiti nang malawak. "Friends."
Hindi ko alam kung bakit ko tinanggap ang pagkakaibigan na alok niya kahit na alam ko na sobra siyang masasaktan kapag nalaman niya na hindi talaga ako babae at niloloko ko lang siya. Na isang ilusyon at gawa-gawa lang ang kinaaaliwan at pinagkakatiwalaan niyang si Terry. Pero sisiguraduhin ko naman na hinding-hindi niya malalaman ang totoo.
Lagpas isang linggo na lang naman at aalis na siya rito sa dome para bumalik sa trabaho niya.
Hinding-hindi niya ako mabibisto.
Ipagpapatuloy...