Episode 11 - Prank Gone Wrong

3230 Words
"How long will your rebelling last against me Hyacinth? You're already matured enough to know that what you are doing doesn't really affect me but you yourself." Kakaupo pa lang nilang tatlo sa harap ng lamesa dito sa kusina para maayos na makapag-usap ay nakatikim kaagad si Hyacinth ng sermon sa Dad niya. Magkaharap silang dalawa at ang step mom naman niyang si Patricia ay katabi ng Dad niya. Kasalukuyan akong nagtitimpla ng kape para sa kanila at ramdam na ramdam ko ang napakabigat na atmosphere nang magsama-sama na sila rito sa kusina. Maingat ang mga kilos ko at walang kaingay-ingay dahil ayokong mapunta ang atensyon nila sa 'kin. "I know it well Dad. I know it so well that even how much I would destroy my life with you watching, you won't budge nor care. You got your new family." sarkastikong sabi niya saka pekeng tumawa. "Why would I still matter to you?" Napapiksi ako nang biglang ihampas ng Dad niya ang kamao nito sa lamesa. "Hyacinth! Have you really lost all of your respect to me as your father?!" Nandidilat ang mga mata nito sa galit. "I've been too lenient to you but enough is enough. If you keep acting like this, I swear—" "Swear what? You'll disown me as your daughter? Or you'll strip me of my position as the heiress of your company? Do it! I don't even care! I would be even greatful that you're finally freeing my life from your tight grip. And another thing, I won't ever forgive you for shaming Mom's name." "You are still saying that?!" Napipikon na ang Dad niya. "You married this woman few months later after Mom's funeral! What do you think other people would think of her because of what you did?! Isang babae na hindi totoong minahal ng asawa niya kaya madaling nagawang palitan?!" Napatayo na si Patricia. "Hyacinth! You are going too far!" nagbabanta na sabi nito. Tumayo rin si Hyacinth at dinuro siya. "Butt off Patricia! Don't meddle here you b*tch. Hindi ka kasali—" Paaakkk! Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan ang pagsampal na 'yon sa kaniya ng Dad niya na nakatayo na rin ngayon. Ang lutong ng pagkakasampal sa kaniya kaya napapaling ang mukha niya. Nanlalaki rin ang mga mata niya dahil hindi niya rin inaasahan na masasampal siya nang ganoon ng Dad niya. Miski si Patricia, napatakip ng bibig sa pagsinghap. "Watch your manners Hyacinth! And stop disgracing your mom anymore! Quit calling her degrading names at sa susunod na tawagin mo pa siya nang gan'on, it's not only a slap you'll get from me." nagbabanta na sabi nito pero pansin na pansin ko ang panginginig ng kamay nito. Sa sobrang galit siguro. Matalim na tiningnan niya ito habang nangingilid ang mga luha sa magkabila niyang pisngi. "She.is.not.my.mom... and she won't ever be!" Padabog na umalis na siya sa harap nito at lumabas na ng kusina. Galabog din na sumara ang pinto ng kabahayan nang lumabas na siya roon. Napatingin ako sa Dad niya nang bigla itong mapaupo sa upuan nito. Para bang nawalan ng lakas ang mga tuhod nito. "Richard... Are you alright?" alalang-alala naman tanong ni Patricia at hinagod ang likod nito para mapakalma. Kung ako ang tatanungin, mukhang hindi naman maldita 'tong Patricia na 'to katulad ng kuwento sa 'kin ni Hyacinth. Napakainosente nga ng mukha niya at parang anghel pero baka sa itsura lang talaga siya mukhang mabait. Nakatingin lang si Sir. Richard(Yan na lang itatawag ko sa kaniya) sa kamay nito na pinangsampal sa anak habang nanlalaki ang mga mata at namumula rin ang mukha. Doon ay nagtakip na lang ito ng mukha sa sobrang frustration. "Don't worry hon. I'll try to convince Hyacinth to go back with us," sabi ni Patricia at bago pa niya ito mapigilan ay nakalabas na ito ng kusina. Napahawak na lang siya sa ulo niya at itinuon ang parehong siko sa lamesa saka nagmukmok doon. Dahil hindi maganda ang kutob ko kapag nagkaharap ang dalawa nila Hyacinth at Patricia, lumabas na rin ako ng kusina at ng bahay para sundan sila. Natanaw ko sila hindi kalayuan at mukhang balak na lumabas ni Hyacinth ng dome pero naabutan siya ni Patricia at hinawakan siya nito sa braso saka marahas na iniharap dito. Kahit hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila, kitang-kita ko sa mukha ni Hyacinth na may masamang sinasabi ito sa kaniya dahil sa sobrang sama ng tingin niya rito. Para mapuntahan na kaagad sila ay binilisan ko ang lakad ko papunta sa kanila at nang medyo malapit na ako ay naririnig ko na ang usapan nila. "How dare you call me b*tch infront of your father! Do you think I can still stand you being this juvenile?!" marahas na binitawan nito ang braso niya. "Finally, you're showing your true colors Patricia! Why? You really loathe being labeled as a b*tch, huh? Even after you seduced a man who was still mourning for his wife who just died, you really detest to be called like that?!" Namumula na ang mukha niya sa sobrang galit. "Ahhh... Mas gusto mo sigurong mom ang itawag ko sa 'yo." tumawa siya nang sarcastic. "Dream big... b*tch!" Kumuyom ang mga kamao nito at napipikon na talaga sa kaniya. "Look Hyacinth. I never oblige you to call me mom neither treat me as one but you should still see me as a human being like you." Napangisi lang siya. "You're really a brazen woman, aren't you? Why are you acting like some damsel in distress when Dad isn't even around. Where are your sharp fangs?! Show it like you always do when Dad can't witness." Pipigilan ko na sana sila dahil napapansin ko na masyado niya nang pino-provoke si Patricia pero biglang nagbago ang aura nito kaya napatigil ako. Namaywang ito at pinadaan sa mahabang buhok ang kamay saka napabuga ng hangin sa pagkaubos ng pasensya. "You succeeded in provoking me witch. Honestly, I have no plans to have this insult war with you but now, you've done it." Nagbago ang tono ng boses nito na parang nagmamaldita. "If you really wish not to go home with us... then do as you please. Who do you think you are? You're just a good for nothing daughter that voluntary involves herself to troubles just to make her father's heart miserable." Dinuro niya naman ito. "It's because of you s*cker! Until you came in our life, our relationship became so messed up!" "Why are you blaming me too much when it was your father who initiated this marriage?" "Then you should've rejected him to give respect to my late mom!" "Look, that stuff was two years ago already! Could you please move on Hyacinth! Stop being stuck in the past and accept what's already infront of your face!" "No I won't! Never! I swear I'll try all the troubles just for Dad to kick your nasty ass out of our house!" Napangisi 'to sa kaniya. "Go! Keep on doing it! Keep asking him to throw me out of the house but sorry for your sorry ass, that definitely won't gonna happen 'cause everytime you make his head hurt with your reckless acts, I'm the one he always seeks for comfort. Now, you can stop wondering why he can't still let go of me for you. Why he can't turn his back on me just for you... 'cause he needs me more than you Hyacinth." Natulala siya sa sinabi nito. Nababakas na rin sa mukha niya na narealize na nga niya kung bakit ayaw itong pakawalan ng Dad niya kahit na sinisira na niya ang sarili niya para lang mawala na ito sa buhay nila. Nakuyom ko ang mga kamao ko nang makita kong namamasa-masa na ang mga mata niya at papaiyak na dahil nasasaktan na siya nang sobra. Sumasakit din ang puso ko kapag nakikita ko siyang gano'n. "Now, to wrap up this nonsense conversation, I need you to hear this. If you really don't wish to go home... then don't but I'll beg just for your Dad, live a quiet and decent life for goodness' sake. Stay away from troubles because if you'll keep on doing so... he might really disown you as his child." Sumosobra na talaga siya! Hindi ko na kayang panoorin pa na saktan niya pa si Hyacinth sa mga sinasabi niya kaya nag-isip ako ng paraan kung paano ko siya magagantihan sa p*******t niya rito. Tumingin ako sa paligid at nang may nakita akong isang bagay sa lupa na makakatulong nang malaki sa 'kin, pinulot ko 'yon. Mwehehehe. "You provoked me too much that you can't even handle and now, you're crying? My goodness. Even your Dad see you and you tell on me, he won't believe that I made you cry." Nang makalapit na ako sa kaniya ay kinulbit ko siya kaya napalingon siya sa 'kin. Nangunot ang noo niya nang makita ako. "You're the maid here, right? Are you planning to butt in to save this witch?" Nakatingin lang ako sa kaniya at ipinakita ang isang kamay ko na kuyom. Inilapit ko sa kaniya 'yon na parang inaabot ko ang laman n'on. Napatingin si Hyacinth sa 'min at nangingilid na ang mga luha niya sa pag-iyak. Napalayo nang kaunti si Patricia habang ngunot na ngunot ang noo. "What's that?" Ngumiti lang ako at itinuro ang rest house para sabihing ipinabibigay 'yon ng Dad ni Hyacinth kahit hindi naman. Isinenyas ko rin na hindi ko kayang magsalita kaya nabawasan ang pagtataka niya sa kakaiba kong kinikilos. "Richard wants you to give me something?" tanong niya saka inilahad na ang palad niya kaya inilagay ko na ro'n ang nasa kamay ko habang tumatango. Nang alisin ko na ang kamay ko at tingnan niya ang ibinigay ko sa kaniya ay nanlaki nang sobra ang mga mata niya. "Kyaaaaaaaaahhhh!" malakas na tili niya at agad na inihagis sa kung saan ang malaking bulateng ibinigay ko sa kaniya. "Aaaaaaahhhh! Eeeeewww! Sanitizer!  I need sanitizer!" desperadang naghanap siya ng sanitizer sa paligid at nang makita ang spray hose sa malapit ay ginamit niya 'yon panghugas sa kamay niya. Umiiyak na siya habang diring-diri sa kamay niya na hinuhugasan niyang mabuti. Natatawa ako sa itsura niya dahil nawala ang pagkaelegante niya at kung hindi lang ako nawalan ng boses dahil sa malamig na juice na ininom ko kagabi, humahagalpak na ako ngayon.  Si Hyacinth naman, tumigil na sa pag-iyak at pinunasan ang pisngi niya saka pinagtatawanan si Patricia. "Serves you right b*tch!" Napatingin ako sa kaniya at itinaas ko ang malinis na palad ko para mag high five kami at nakipaghigh five naman siya sa 'kin habang may nakapintang ngiti ng tagumpay sa mga labi niya. "Genius." puri niya sa 'kin kaya napangiti ako lalo. "What the hell's happening there?!" malakas na sigaw ng Dad ni Hyacinth habang papalabas na ng rest house. Mukhang narinig niya sa loob ng bahay ang pagtititili ni Patricia. Nanlaki ang mga mata ko pati kay Hyacinth at kinakabahan na ako dahil baka matanggal ako sa trabaho ko rito dahil sa ginawa ko. Tsk. Ngayon lang ako nagkaganito. Na hinayaan kong kontrolin ng galit ang katawan ko para gumanti nang harap-harapan kahit na hindi naman ako 'yung naagrabyado. Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil ngayon pa lang nagsisink-in ang kalokohang ginawa ko. Ang lalaki ng mga hakbang ni Sir. Richard kaya nakalapit kaagad siya rito sa 'ming tatlo. Agad na yumakap sa kaniya si Patricia na umiiyak. "Hon..." nagsusumbong na tawag niya rito habang umiiyak na parang bata. Hinaplos naman niya ang buhok nito para kalmahin. "What happened Pat? Why were you screaming?" alalang-alala siya para rito. Napansin ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Hyacinth sa tabi ko at pagdilim ng aura niya dahil sa paglalambing ng Dad niya sa babaeng kinaiinisan niya nang sobra. "That girl placed a disgusting earthworm in my hand! Disgusting!" Pinakita niya pa ang basang kamay niya rito na pinaglagyan ko ng bulate at n9agpatuloy na umiyak para mas lalo itong maawa sa kaniya. Nagtagis naman ang mga bagang nito sa nalaman at galit na galit na tumingin sa 'min. Dumoble na ang kaba ko sa pagtingin niya sa 'min na 'yon at namamawis na ako nang malamig dahil halatang nakakatakot siya kapag nagagalit. Napapikit na lang ako nang mariin at inihanda na ang tenga ko para mapagalitan... "That's it! I'm really done with your immaturity Hyacinth! You've gone overboard! You even pulled a stupid childish prank to your step mom!" Napamulat ako bigla dahil hindi ako ang pinagalitan niya. Kay Hyacinth lang nakatutok ang tingin niya habang nakaduro rito at galit na galit. Napatingin ako kay Hyacinth at nanlalaki rin ang mga mata niya. "But—" "You really don't want to go home? Fine! I won't force you anymore. I didn't even imagine you can end up as worst as this Hyacinth. A selfish, narrowminded daughter who can lose her respect to her parents just because she can't get what she wants! I really never thought of you that you could be like this." Natulala siya sa mga narinig niya at kahit gusto niyang idenpensa ang sarili niya, hindi niya magawang makapagsalita. Sobrang kumuyom ang mga kamao niya at kumawala na naman ang masagang luha mula sa mga mata niya. "I hate you Dad... I hate you!" malakas na sigaw niya at tumakbo na pabalik ng rest house para siguro magtago sa kuwarto niya. "Hyacinth!" galit na tawag ng Dad niya pero hindi na niya ito nilingon. Naiwan kaming tatlo rito at nasa rest house pa rin ang tingin ni Sir. Richard pero ako, kay Patricia ako nakatutok at ang talim ng tingin ko sa kaniya. Masama rin ang tingin niya sa 'kin. Ni hindi niya man lang sinasabi ang totoo na ako ang naglagay ng bulate sa kamay niya. Napakamapagkunwari nga niya. Binelatan ko siya at naglakad na ako papunta rin ng rest house. "Let's go hon." narinig kong yaya ni Patricia kay Sir. Richard. "We won't come back here anymore, right?" Hindi ko narinig na umimik si Sir. Richard at ang yabag nila paalis ang nagpaalam sa 'kin na paalis na sila kaya nilingon ko sila. Naglalakad na nga sila palabas ng dome habang nakapulupot pa rin ang mga kamay ni Patricia sa katawan ng Dad ni Hyacinth. Ang saya-saya ni Haya kanina pero dahil sa kanila, magdamag na iiyak 'yon ngayon. Badtrip. Nang makapasok na ako ng rest house. Pumunta kaagad ako sa harap ng pinto ng kuwarto niya na nakasara. Rinig na rinig ko ang pigil na pigil na pag-iyak niya. Napahawak ako sa dibdib ko dahil kumikirot 'yon. Ang sakit. Bakit ganito kasakit ang dibdib ko ngayon? Naririnig ko lang ang nasasaktan niyang pag-iyak, parang pinipirot na ang puso ko. Umalis na ako sa harap ng kuwarto niya dahil ayoko nang marinig ang pag-iyak niya nang mapansin ko ang naiwang purse ni Patricia na nakapatong sa lamesa sa kusina. Kitang-kita ko 'yon mula rito sa sala. "Now, you can stop wondering why he can't still let go of me for you. Why he can't turn his back on me just for you... 'cause he needs me more than you Hyacinth." "He might really disown you as his child." Napangisi ako nang may maisip na naman akong kalokohan. ~~~* * *~~~ Papaandar na ang kotse nila Sir. Richard nang humarang ako kaya napapreno agad ang driver n'on. Nasa backseat nakaupo sila Patricia at Sir. Richard kaya pumunta kaagad ako sa bintana ng kotse sa side kung nasaan si Patricia. Kunot na kunot ang noo na binaba niya ang bintana. "Now what?!" matapobre niyang tanong. Tiningnan ko si Sir. Richard at seryosong-seryoso ito habang nakahalukipkip at sa unahan lang nito nakatingin. Ngumiti ako kay Patricia at ibinigay sa kaniya ang purse niya. Padabog na hinablot naman niya 'yon. Ipinakita ko ang screen ng phone ko sa kaniya. [Sorry sa nangyari kanina. Hindi na mauulit.] Inirapan niya lang ako at itinaas na ang bintana kaya hindi ko na sila makita mula rito dahil tinted na tinted ang itim na kotse nila. Umandar na 'yon paalis at kumaway-kaway pa ako saka napangisi. "Pagsisisihan mo na tumapak ka rito Patricia." Nang mawala na sa paningin ko ang sinasakyan nila ay pumasok na ako sa loob ng dome. ~~Tagapagsalaysay~~ "I never thought Hyacinth can be that immature! I raised her to always carry herself with class and sophistication 'cause she is entitled as my company's heiress yet with her current actions, she's far from being a qualified new handler of my company." Nagngingitngit ang kalooban ni Richard dahil sa inaakala niyang ginawa ni Hyacinth sa bago niyang asawang si Patricia. Nakatigil ang kotseng sinasakyan nila dahil nasa gitna sila ng congested traffic. Napatingin naman sa kaniya si Patricia. "Hon... The truth is—" "Did she do something else to you other than that ridiculous prank she pulled?" tanong niya kaya hindi nito natapos ang sasabihin sana. "No... Nothing else. She was just really pissed because of me. You know I can't handle my temper as well." Binuksan nito ang pulang purse nito at nagkalkal doon ng maliit na bote ng sanitizer habang nakatingin sa kaniya. "Stop being mad at her. I just need to sanitize my hand." Nangunot ang noo nito dahil may nahawakan itong mahahabang bagay na parang pasta sa loob ng purse nito. Dahil sa pagtataka ay tiningnan niya kung ano 'yon at namilog ang mga mata niya nang makita ang ilang mga bulate sa loob n'on. Sa gimbal niya ay napatili siya at inihagis sa harapan ang purse niya na 'yon. Napapitlag si Richard pati ang driver dahil sa lakas ng tili niyang 'yon. "What?! What's wrong?!" Gulat na gulat na tanong ni Richard. Umiiyak na tiningnan naman niya ang kamay niyang naihawak niya sa mga bulate sa loob ng purse niya. "That witch put some earthworms inside my purse! She made me touch that disgusting creatures again!" Kinuha niya agad ang wet wipes na iniabot ng driver sa kaniya at ipinangpunas kaagad 'yon sa kamay niya. "Hyacinth pulled a prank on you again?" Nahihimig na ang nagbabadyang galit sa boses ni Richard. "No! That stupid mute maid of hers! She's really trying to get into my nerves!" Nangunot ang noo nito. "I thought it was Hyacinth?" Natigilan siya dahil nalaman na nito na napagbintangan nito ang anak nito na hindi naman dapat. "I was going to tell you but you cut my words earlier." Natigagal naman ito at napapikit nang mariin saka napasabunot sa sarili dahil sa nalaman. "She must be so hurt because I blamed her for something she didn't do." "Hon... It's not your fault. I didn't tell you sooner that's why." pag-amin niya sa kasalanan niya. "I need to apologize to her. Victor, turn the car back to the rest house." "Yes Sir." sagot ng driver. "No... No." pigil ni Patricia. "Just drive us home. She wouldn't like to see us for now after you mistook her as the one who played prank to me. Better, We should wait a couple of days to cool her feelings down." "I hate you Dad... I hate you!" Nang maalala niya nga kung gaano ito kagalit sa kaniya dahil sa mga sinabi niya ay kumirot ang dibdib niya at mas lalo siyang nagalit sa sarili niya. "Okay." pagpayag na lang niya dahil wala rin naman siyang mukha na maihaharap pa sa kaisa-isa niyang anak na harap-harapan niyang itinakwil. Ipagpapatuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD