Nakatayo lang ako sa harap ng kuwarto ni Hyacinth. Rinig na rinig ko ang mga hikbi niya. Hindi ko nagawang matiis at marahan kong kinatok ang pintuan niya.
"L-leave me alone for now Terry... I badly need some time alone..." humihikbing sabi niya kaya napahinga na lang ako nang malalim.
Mukhang kailangan niya talagang mag-isa.
Umupo na lang muna ako sa sofa kahit hindi talaga ako mapakali. Napatingin ulit ako sa kuwarto niya at pigil na pigil niya ang pag-iyak niya na parang ayaw niyang mangibabaw 'yon sa kabahayan.
Naisip ko na buksan ang T.V. at lakasan ang volume n'on para malakasan na niya ang pag-iyak niya dahil maitatago 'yon ng sounds ng T.V.
Gumana naman ang plano ko at lumakas na nga ang pag-iyak niya.
Napahawak na naman ako sa dibdib ko dahil sumasakit talaga 'yon. Para bang tinatarakan 'yon ng mga invisible na kutsilyo. Naisipan ko na lang na uminom ng tubig sa kusina para alisin ang masakit na pakiramdam na 'yon.
Bumalik din kaagad ako sa sala at umupo sa sofa nang mayamaya ay biglang bumukas ang pinto ni Hyacinth kaya napalingon agad ako.
Maga ang mga mata niya na basang-basa ng luha at namumula ang ilong niya sa pag-iyak. Hindi siya tumingin sa 'kin at dere-deretso lang siya papuntang C.R.
Isinara niya ang pinto at ilang sandali lang ay narinig ko ang lagaslas ng tubig sa bathtub. Mukhang magbababad na naman siya ro'n. Nang mawala na ang sound ng tubig ay pinalitan naman 'yon ng pag-iyak niya. Doon niya siguro balak magpagaan ng nararamdaman.
Lagpas isang oras ang lumipas na nanonood ako ng T.V. pero hindi ko naman naiintindihan ang pinanonood ko dahil lutang na lutang ako sa pag-aalala sa kaniya.
Hininaan ko na rin ang sounds ng T.V. dahil wala na akong naririnig na tunog mula sa C.R. Mukhang kanina pa siya tumigil sa pag-iyak pero hindi pa rin siya lumalabas.
Nagtaka na ako.
Lagpas isang oras na siya ro'n. Bigla akong kinutuban ng hindi maganda kaya pumunta na ako ro'n at kinatok ang pinto ng C.R. Walang sumasagot sa loob. Nilakasan ko ang katok ko pero wala akong naririnig na gumagalaw.
Hinawakan ko ang doorknob para subukang buksan at hindi 'yon nakalock kaya nabuksan ko agad 'yon. Pagpasok ko sa loob, nakita ko agad ang bathtub dahil hindi nakasara ang kurtina n'on at sobra akong nagimbal sa nakita ko.
Nakalublob si Hyacinth sa tubig habang nakahiga ro'n. Kitang-kita ko siya dahil malinaw ang tubig na kinabababaran niya. Kumpleto rin ang bihis niya.
"Hyacinth!" sigaw ko pero wala akong boses kaya walang naging tunog ang sigaw ko.
Nagmamadali ko siyang pinuntahan at binuhat para iahon mula sa tubig.
Hindi ko ramdam ang bigat niya dahil sa adreneline rush na nagpapalakas sa katawan ko at agad ko siyang ibinaba sa sahig.
"Hyacinth! Gumising ka!" pilit kong sinasabi kahit walang boses.
Pinakinggan ko ang puso niya at tumitibok pa 'yon.
Kahit na hindi ako marunong magC.P.R., sinubukan ko pa rin na iligtas ang buhay niya sa paraang 'yon. Napapanood ko na naman 'to sa mga Rescue documentaries.
Itinulak-tulak ko ang dibdib niya saka idinikit ang bibig ko sa bibig niya para bigyan siya ng hangin.
Hindi pa rin siya nagmumulat kaya idinikit ko ulit ang bibig ko sa bibig niya at nagulat na lang ako nang bigla niya akong itulak palayo.
Napaupo lang ako habang nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa kaniya.
Nanlalaki rin ang mga mata niya saka bumangon na at nakahawak sa labi niya. "What the f*ck are you doing to me Terry?!" Diring-diri siyang nakatingin sa 'kin at agad na gumapang papuntang bath tub para hugasan ang bibig niya.
"Akala ko..." pagsasalita ko pero hindi siya napalingon dahil wala siyang narinig mula sa 'kin dahil sa kawalan ko ng boses.
Buti na lang pala, nawalan ako ng boses dahil kung hindi, hindi ko mapipigilan ang sarili ko na magsalita.
Agad akong gumapang papunta sa kaniya at niyakap kaagad siya. Halatang nagulat naman siya sa ginawa ko dahil sa pagpiksi ng katawan niya.
Sobrang takot na takot ako sa ginawa niya. Hindi ko inakalang magagawa niyang subukang kitilin ang sarili niyang buhay dahil lang sa pag-aaway nila ng Dad niya kanina.
Hinaplos ko ang buhok niya habang umiiyak na ako sa sobrang pag-aalala sa kaniya at pagkatuwa dahil ligtas siya.
~~~* * *~~~
Nasa sofa na kami ngayon at nakabihis na ng tuyong damit si Hyacinth. Ako rin ay nagpalit dahil nabasa ako kanina sa pagbuhat sa kaniya.
Nakasunod lang ang tingin niya sa 'kin habang ina-unplug ko ang T.V. na naiwan kong bukas kanina.
Umupo na ako sa tabi niya pagkatapos dahil gusto kong marinig ang paliwanag niya sa ginawa niya.
"I'm really sorry Terry that I scared you with the thought that I was trying to commit suicide. Well, the truth is I didn't."
Nangunot ang noo ko at nagtype agad ako sa phone ko.
[Bakit ka nakalublob sa bathtub kung hindi?]
Napakamot siya sa basang buhok niya sa pagkahiya. "Well... I cried too much that made me fall asleep. I was sleeping soundly that I didn't know I was slowly submerging in the tub's water at sakto noong pumasok ka, I just submerged and you saved me from my own carelessness. You know, tulog mantika ako pero nang maramdaman ko na may humahalik sa 'kin, nagising ako. Sa totoo lang, I almost slapped you Terry." natatawa niyang sabi.
Napatitig ako sa labi niya na nahalikan ko kanina kasabay ng pagC-C.P.R. ko sa kaniya pero napaiwas din kaagad ako ng tingin sa pagkahiya. [Hindi kita hinalikan. Nagperform ako ng C.P.R. sayo dahil akala ko, nalunod ka na.]
"But hindi ka ba nadiri na gawin sa 'kin 'yon? We're both girls and it's still a kiss even others call that C.P.R. Our lips still met." nadidiri na tanong niya at nakatakip pa sa bibig niya. "In technicality, you are my first kiss."
Alam ko na nagbablush na ako dahil ang init ng mukha ko kaya nakatungo lang ako at nahaharangan ng buhok ko ang mukha ko.
Kung alam mo lang na hindi ka dapat madiri dahil lalaki naman ako... at ikaw rin ang first kiss ko.
[Hindi ko na naisip yon dahil gusto ko talagang iligtas ka.]
Tinanggal na niya ang takip sa bibig niya at bakas na natouch talaga siya nang sobra sa nalaman. Gumuhit ang malaking ngiti sa mga labi niya. "You really love me Terry. You really do." Niyakap niya ako nang mahigpit at inalog-alog sa sobrang pagkatuwa.
Nahilo naman ako sa ginawa niya at nang bumitaw na siya sa 'kin ay tuwa pa rin ang nakapinta sa mukha niya. "Pinapaflutter mo ang puso ko."
Napangiti naman ako.
[Wag ka na ulit matutulog sa bathtub. Kung gusto mong umiyak, sa kwarto mo na lang. Kung nahihiya ka dahil naririnig ko, lalabas na lang ako ng bahay.]
Naiiyak na siya sa sobrang pagkatouch. "Thank you Terry. Thank you so much..." Hinawakan niya ang kamay ko at nakaramdam ako ng warmth doon. "I'll really treasure you as another precious friend of mine and you can count on me anytime you need help. You are my hero so I will be for you as well. I love you!"
Kumabog ang dibdib ko nang mag I love you siya sa 'kin.
Mahal niya ako?
Baliw ka ba Lester? Kay Terry siya nag-I love you, hindi sa 'yo. Natural sa mga babae ang magsabihan ng gan'yan.
Dahil sa konsensya ko, naging maayos na ulit ang pag-iisip ko.
Ngumiti ako sa kaniya at niyakap na naman niya ako.
Noong una, akala ko, ang pinakamahihirapan ako sa pakikisama sa kaniya ay ang ugali niya at sobrang takot na baka mabisto niya ako na lalaki talaga ako... Pero ngayon, pinakanahihirapan ako dahil masyado na siyang malapit sa 'kin na baka bigla na lang pumasok sa isip ko na umamin na sa kaniya dahil ayoko na siyang lokohin.
Mahina pa naman ang loob niya at nahihirapan sa pagtanggap ng masasakit na nangyayari sa kaniya. Baka kapag nalaman na niya na niloloko ko lang siya, sobra-sobra niyang damdamin.
Ayoko nga na nakikita siyang umiiyak, paiyakin pa kaya siya dahil sa panloloko sa kaniya.
Basta! Hindi ko na alam. Aalis na rin naman siya dalawang linggo mula ngayon. Puputulin ko na lang ang koneksyon ko sa kaniya at magreresign na rito para hindi na talaga niya malaman ang pagpapanggap ko na 'to.
Ipagpapatuloy...