Nasa labas lang kami ngayon ng bahay at nakaupo sa harap ng lamesa malapit dito sa swing. Kaharap namin ang isang bote ng wine dahil nagyaya si Hyacinth na uminom.
Pumayag naman ako dahil mataas naman ang alcohol tolerance ko. Wine lang din naman ang iinumin namin at nangako siyang isang bote lang. Bonding lang daw naming dalawa ngayong hapon.
"Terry... I don't know if this is just my hallucination or something but I saw you mouthing some words without sounds kanina when I finally woke up from almost drowning."
Umiinom ako ng wine at nasamid ako dahil hindi ko inaasahan na sasabihin niya 'yon.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya dahil sa bigla kong pagkasamid.
Tumango-tango naman ako at pinunasan ang bibig ko.
"I hope you don't mind this but can you tell me what's the reason behind your disorder? Your Aphasia." pag-uusisa niya. "If it's too sensitive, don't force yourself to share."
Mukhang kailangan ko na namang maging barbero at gumawa ng kwento.
Kinuha ko ang phone ko. [Inabandona ako nung 10 pa lang ako at doon nagsimulang di na ako makapagsalita.]
Nanlaki nang kaunti ang mga mata niya. "O-okay... Do you want to take speech therapy? Dadalhin kita sa psychologist para gumaling ka na."
Pinawis naman ang palad ko sa gusto niyang mangyari kaya umiling kaagad ako.
[Ayoko. Ayos na ako kung ano ako ngayon.]
"But still..." Halatang gusto niya pa rin akong pilitin.
[Natalo man ako noon ng trauma ng pang-aabandona sakin ng nanay ko sa mura kong edad pero may advantage din naman. Ginagamit ko rin yon na motivation para makapagpatuloy.]
"That's cool. But I want to know your history. I'm really curious about you Terry. Napakamysterious mo kasi just like your name. Ms. Terry Yoso."
Napaisip ako. Magkukuwento na ba talaga ako? Hindi ko naman kailangang ipagdamot sa kaniya ang istorya ng buhay ko dahil pinagkatiwalaan niya naman ako ng sa kaniya. Baka may matutunan din siya sa pagiging malakas ko sa mga dagok sa buhay.
[Nang maabandona ako sa bahay ampunan, may nag-alaga sakin na mabait na madre pero namatay din siya dalawang buwan na napunta ako ron. Hindi naman naging maganda ang trato sakin ng kasama kong mga bata dahil alam nila na may nanay pa ako. Sila wala na talagang mga magulang.]
Nanlaki ang mga mata niya nang malaman na wala na talaga akong tunay na pamilya.
[May isa naman akong naging kaibigan kahit papaano pero may umampon na sa kanya kaya umalis na lang ako ron dahil wala na akong kakampi at naging isang batang kalye nang ilang buwan.]
"What?! You should've stayed sa orphanage for your safety than roaming the streets with no one to feed you!"
[Ayoko kasing maging katulad ng mga bata ron na tatanda na walang ginagawa kundi ang maghintay ng tulong mula sa iba at magpaawa. Kapag walang nagdodonate, walang masyadong maipakain samin sa kawalan ng budget.]
"But you'll starve even more in the streets. You'll also need to beg for food worse than staying at the orphanage. At babae ka na may aphasia. How did you manage the life in the streets?" Ni hindi man lang siya kumukurap sa sobrang kagustuhan na malaman ang pinagdaanan ko.
[Akala ko, magiging madali ang buhay sa kalye dahil bata pa lang ako noon at inosente. Padalos-dalos pa akong magdesisyon at tama ka. Iniraos ko ang araw-araw na nanlilimos. Sobrang payat ko noon at nang wala na talaga akong makain nang dalawang araw kaya minsan, naisipan ko na ang magnakaw.]
Naalala ko tuloy kung gaano ako kagutom noon na halos namimilipit ako sa sakit ng sikmura ko sa pagkalipas ng gutom. Hinang-hina na rin ako noon at hindi na makapag-isip nang matino. Basta, ang gusto ko na lang noon ay malamnan na ang sikmura ko.
[May isang lalaki akong nakita na patawid sa kalsada at may bitbit na plastic ng pagkain. Sa sobrang gutom ko, hinablot ko sa kanya yon at napaurong sya. Biglang may dumaang humaharurot na jeep sa harap nya at kung hindi ko sya hinablutan, nasagasaan na sana sya.]
"You saved a life unintentionally! What a turn of events!"
[Dahil sa pagliligtas ko sa kanya na di sadya, naisipan nyang iuwi ako sa bahay nila at ampunin. May isa syang babaeng anak na si Lara pero hindi nito matanggap pati ng asawa nyang si Milen na nag-uwi sya ng isang batang kalye.]
"But did you tell them that you saved his life?"
[Ipinagmalaki yon ni tatay sa kanila pero ayaw pa rin nila sakin. Ginawa ko ang lahat para matanggap nila ako. Tagagawa ng lahat sa bahay at tinutulungan ko rin si tatay sa karinderya nya. Binibigyan naman nya ako ng pera bilang sahod ko at inipon ko yon dahil gusto kong ituloy ang pag-aaral ko. Ayokong lumaking mangmang na kakayan-kayanin lang ng mga tao at mamaliitin pero ninakaw ni Lara ang ipon ko.]
"What?!"
[Hindi na ako nagsumbong kay tatay dahil baka magalit sya sakin na pinagbibintangan ko ang anak nila ni Milen. Sigurado rin naman ako na iiyak lang si Lara at ako ang palalabasin na masama.]
"Dapat sinumbong mo ang totoo! If I were you, I swear, that Lara's hair won't be safe on her head for what she did!" Ang higpit ng hawak niya sa baso niya at saka straight na nilagok ang laman na wine n'on sa sobrang pagkainis.
[Hinayaan ko na lang at nag-ipon na lang ulit ako ng bago. Pinagkatago ko na para hindi na niya mananakaw pero ginulat kami ng balitang nasagasaan si tatay sa bayan. Pumunta siya ron dahil bibili siya ng mga ihahanda sa b-day ko dahil gusto niyang icelebrate namin yon kahit na sinabi ko nang ayoko. Dahil do'n, sinisi ako nang sobra nila Milen at pinalayas sa bahay nila pagkatapos hiyain nang sobra sa mga tao.]
Bigla siyang tumayo sa galit. "Arrrgghhh! Give me some time. My insides are boiling." Paikot-ikot siya at humihinga nang malalim para kalmahin ang sarili. Pinapaypayan niya pa ang sarili niya ng kamay niya. "That b*tches! Tinitrigger nila ako! Where can I find them? Give me their address at igaganti kita!"
Napangiti lang ako sa kaniya.
Lasing na kaya 'to? Hindi naman siguro dahil nakakatatlong baso pa lang siya ng wine. Siguro katulad ko, no'ng nakita ko na sinasaktan siya ni Patricia sa mga sinasabi nito, nagagalit din ako para sa kaniya.
Umupo na siya at mukhang kalmado na. "Okay okay. Continue the story."
Tumango naman ako. [Mas ayos na sakin na pinaalis nila ako dahil ayoko naman silang pakisamahan na. Si tatay lang naman ang dahilan kung bakit nakikitira ako sa kanila. May ipon din naman ako kaya nakapagpatuloy ako ng pag-aaral at nakapagrent ng dorm hanggang sa nakahanap na ako ng trabaho na makapagtutustos sakin. Ngayon, ito na ang buhay ko.] pagtatapos ko sa nobela ng buhay ko.
Buti na lang at nagtatype lang ako sa phone niya para magkuwento. Kung disulat siguro, ngalay na ngalay ako.
"Wow... I never knew you had a rollercoaster childhood when you're always acting like there's nothing wrong in the world. You're always calm, cool and compose so I never really guessed." Ang lawak ng ngiti niya at napapailing-iling pa sa hindi pagkapaniwala na dinanas ko ang mga 'yon. "You're truly amazing Terry. Kung naranasan ko lahat 'yon, baliw na siguro ako."
Nagsalin ako ng wine sa baso ko at pati sa kaniya ay sinalinan ko. Nagcheers kaming dalawa saka sabay kaming uminom.
[Kaya ko lang naman nakayanan ang lahat dahil itinatak ko na sa sarili ko na hindi sa problema natatapos ang lahat. Maraming paraan para masolusyonan yon at patuloy rin akong nangarap na makapagtapos ng pag-aaral at maging mahusay at kilalang chef sa hinaharap.]
Tumango-tango siya habang malawak pa rin ang ngiti. "Are you still attending school?"
Tumango naman ako.
"Ahhh... That's why you're often going out of the dome. What's the name of your school? University ba? What year are you in?" sunod-sunod na tanong niya.
Natigilan ako. Sasabihin ko ba na sa Sole Univ. ako nag-aaral at graduating na? Baka maisipan niyang bisitahin ako ro'n at makita ako bilang Lester. Baka rin magprisinta siya na pumunta ng graduation ko.
[Medyo malapit lang dito sa tagaytay. 3rd year na ako.]
"I only know Soledad University is near here. But you know what Terry? I'm super duper proud of you. Ang tibay mong babae. Kahit nawalan ka ng kakayahang magsalita, hindi ka pa rin nagpasira at nawalan ng pangarap. Simula ngayon, you will be my life inspiration. I won't break down with all the challenges that will come to me and will try to do my best for myself."
Napangiti naman ako nang malawak dahil naging aral ang buhay ko sa kaniya.
Nagpatuloy na kaming mag-inom na dalawa habang pinagmamasdan ang papadilim ng langit. Napatagal pala ang kuwentuhan namin.
~~~* * *~~~
Dalawang araw ang makalipas... (Pitong araw bago matapos ang bakasyon ni Hyacinth)
Ang agang nagising ni Hyacinth at dumeretso siya sa C.R.
Pumasok ako ng kuwarto niya para maglinis nang makita ko agad sa higaan niya ang kumot na may dugo. Pabilog 'yon na malaki at namilog ang mga mata ko dahil doon.
Agad kong nilapitan 'yon saka tiningnan kung dugo ba talaga 'yon at tama nga ang hinala ko. Binalunbon ko agad 'yon at dinala palabas ng kuwarto saka kinatok si Hyacinth sa C.R.
Itatanong ko sa kaniya kung may sugat ba siya o sinugatan niya ang sarili niya para magkaroon ng ganitong bahid ng dugo sa kumot niya.
Binuksan na niya ang pinto at nakabra at panty na lang siyang humarap sa 'kin kaya nanlaki ang mga mata ko at agad na napaiwas ng tingin. Laces pa talaga ang suot niya.
'To talagang isang 'to! Hindi conscious sa katawan niya at lagi na lang ibinabalandra sa 'kin!
"What's wrong Terry?" matamlay na tanong niya.
Ipinakita ko naman sa kaniya ang hawak kong kumot na may dugo habang hindi pa rin nakatingin sa kaniya.
"Sorry 'bout that. I forgot to wear a pad last night and my period stained it." paliwanag niya. Nakita ko sa peripheral vision ko na tumalikod siya nang kaunti para ipakita na may stain din siya ng dugo sa puwetan niya. "I don't usually forget wearing one once I start to have cramps. I don't know why I forgot last night."
Period? Ahhh! Menstruation! Laste! Walang-wala sa isip ko na nagkakaroon nga pala ng gano'n ang mga babae every month.
Tumango na lang ako sa pagkahiya.
"Why do you look so surprised? Babae ka and we have the same experience monthly." nagtataka niyang tanong kaya para hindi na siya masyadong mag-usisa, ako na mismo ang nagsara ng pinto niya at dere-deretso ako sa loob ng kuwarto niya saka isinara rin ang pinto n'on.
Napapikit ako nang mariin dahil muntikan na naman ako.
Bakit ba hindi agad pumasok sa isip ko na nasa life cycle na ng mga babae ang menstruation!
Akala ko kasi talaga, sumusubok na naman siyang gawan ng kung ano ang sarili niya kahit na sinabi na niyang nainspired siya sa kuwento ng buhay ko.
Tiningnan ko ulit ang kumot na hawak ko.
Ewan. Iwawashing ko na nga lang 'to pati 'yung mga labahin ko. May pasok na ako bukas kaya kailangan ko nang tapusin ang mga gawain ko.
~~~* * *~~~
"Terry... Gawa ka ng sopas for me. I'm having cramps and it hurts like heck..." utos ni Hyacinth mula sa kuwarto niya.
Dahil doon ay nagluto naman ako ng sopas na pangdalawang tao lang. 'Yon na rin ang i-a-almusal ko.
Few hours later...
"Terry... I want carbonara."
Nagluto naman ako ng carbonara gaya ng gusto niya.
Few hours later again...
"Terry... I miss the sushi you made. I want to have some of it again... and coffee please."
Gumawa naman ako at nagtimpla ako ng kape.
Not so few hours later...
"Lasagna... I want Lasagna. Please Terry... Can you make some for me."
Napahinga na lang ako nang malalim at gumawa ng lasagna sa kusina.
Pagdating ng hapon...
Naghihiwa ako ngayon ng mansanas dito sa kusina at malilit na cubes ang hiwa ko n'on gaya ng hiling ni Hyacinth. May nabalatan na rin akong pinya at iba pang mga prutas dahil gusto niya ng fruit salad.
Sa inis ko, isinaksak ko sa sangkalang kahoy ang kutsilyo na hawak ko.
Napakademanding ng babaeng 'yon ngayon sa pagkain ah. Kanina pa siya paluto nang paluto ng kung anu-ano. Ni hindi ko magawang tapusin ang iba kong mga gawin sa kakautos niya, reklamo ko sa isip ko.
Kinuha ko na ulit ang kutsilyo at nagpatuloy sa paghihiwa.
Pero pangarap ko rin naman ang maging Chef kaya hindi dapat ako mainis na pinapabalik-balik niya ako sa kusina. Ang mahalaga ay masarap ang luto ko at gustong-gusto niya 'to. 'Yon na lang ang inisip ko at nawala na ang inis ko habang gumagawa ng fruit salad.
Iniabot ko na sa kaniya ang bowl ng fruit salad na ginawa ko. Nasa sofa lang siya at nanonood ng isang variety show sa T.V.
"Thank you Terry and I'm very sorry that I made you cook so much. Lumalakas kasi ang cravings ko dahil first day ko. Before, I can easily suppress these cravings 'cause I need to watch my weight as a model. Pero ngayon, I really love everything you make that I cannot tame my cravings anymore."
Ngumiti naman ako sa kaniya para maipakita na hindi ako naiinis. [Ayos lang. Ang mahalaga, hindi ka nagugutom.]
Napangiti naman siya at maganang kinain ang fruit salad na ibinigay ko. Inalok niya pa ako pero tumanggi ako dahil baka kulangin pa sa kaniya ang ginawa ko.
Kinagabihan...
Nagising ako dahil may kumakalampag sa kusina na para bang may naghahalungkat doon ng kung ano.
Antok na antok na sinuot ko ang wig ko saka lumabas na ng kuwarto para pumunta ng kusina.
Nakapatay ang ilaw ng kabahayan pero bukas sa kusina at pagtingin ko sa loob, nakita ko si Hyacinth na nagtitingin-tingin sa loob ng ref na parang may hinahanap doon.
Kumatok ako sa nakabukas na pinto para kunin ang atensyon niya at napapitlag naman siya sa sobrang gulat saka gulat na gulat na lumingon sa 'kin.
"T-terry..." nauutal na tawag niya sa 'kin.
Itinuro ko 'tong kusina saka nagdrawing ako ng question mark sa hangin para tanungin kung anong ginagawa niya rito. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko sa pagkaantok.
"A-aaahhhmmm... Nothing... just checking if there are still some sushi left overs." pag-amin niya.
Umiling-iling ako para sabihing wala na dahil naubos niya na 'yon kaninang tanghali.
Nanlumo naman siya sa nalaman. "Ahhh... Okay..." Bagsak ang balikat na lalabas na sana siya nitong kusina at nakapout pa pero nang dumaan siya sa gilid ko ay hinawakan ko siya sa braso niya kaya napatigil siya at napatingin sa 'kin.
Itinuro ko ang sarili ko at nag-act ako na parang may hinihiwa saka parang may ibibigay ako sa kaniyang plato kahit wala naman. Inaalok ko siya kung gusto niya na igawa ko siya ng sushi.
Nanlaki naman ang mga mata niya at hindi inaasahan ang alok kong 'yon. "But I know, you need to be early for your school tomorrow."
Ngumiti lang ako at nag-okay sign. Ayos lang naman talaga sa 'kin na mapuyat ako kaysa matutulog siya na nagugutom.
Hinawakan ko ulit siya sa braso niya at iginiya sa upuan para paupuin doon. Kumuha na ako ng mga gagamitin kong ingredients sa ref. at buti na lang at may mga natira pa. Nagsimula na akong gumawa at ramdam ko na pinapanood niya ako sa ginagawa ko.
"You know what, napakasuwerte ng mapapangasawa mo. You're so caring and sweet. You're a tough woman and a loving friend and you're pretty as well. Even I hate guys, now I'm thinking... kung lalaki ka lang sana, I'll definitely marry you."
Napatigil ako sa ginagawa kong paghihiwa ng carrots at parang bigla-biglang tinambol ang dibdib ko sa pagkabog n'on. Napalingon sa kaniya. Ang lawak-lawak ng ngiti niya habang nakatitig sa 'kin na parang nagde-daydream.
Doon naman ay parang nagising siya. "If only okay." depensa niya kaagad. "I just can't believe that a good person like you still exists in this cruel world."
Ngumiti na lang ako at ipinagpatuloy na ulit ang ginagawa ko.
Hindi mo na kailangang hilingin na sana lalaki ako... dahil matagal ng natupad 'yon.
Pagkatapos kong gumawa ng sushi ay inihain ko na sa kaniya 'yon at magana na naman siyang kumain. Sumalo na rin ako sa kaniya dahil nagugutom na rin ako.
~~~* * *~~~
6 days before Hyacinth's vacation ends...
"Tol! I miss you tol!" Niyakap kaagad ako ni Bobby pagkakitang-pagkakita sa 'kin. "Ang tagal nating hindi nagkita!"
Tumatawa na humiwalay agad ako sa kaniya dahil nasasakal ako ng mamuscle niyang mga braso. "Tol, wala pang isang buwan 'yung bakasyon natin kung makamiss ka naman sa 'kin."
Inakbayan niya ako at iginiya palabas ng HRM building. "Nagkita ba kayo ni Gab noong New year's eve? Hinahanap ka niya sa 'kin noon eh. Nagulat nga ako dahil bigla niya akong chinachat. Kilig na kilig ako tol!"
Napabungisngis ako. "Pumunta siya ro'n sa resto na pinagtrabahuhan ko. Kinamusta niya lang ako tungkol sa trabaho ko kasi siya ang nagpasok sa 'kin do'n."
"Ahhhh... Pero tol, bakit ang kintab ng nguso mo? Nakalipstick ka ba?"
Napatakip naman ako kaagad ng bibig ko. Nanlaki rin nang kaunti ang mga mata ko dahil narealize ko na hindi ko pala 'to nabura.
Si Hyacinth ang naglagay sa 'kin nito kanina bago ako pumasok. Nagpumilit siya na dapat may lipstick ako para presentable daw akong estudyante at inusisa niya rin kung bakit hindi ako nag-u-uniform kapag umaalis ng bahay at papasok sa school. Nagdahilan na lang ako na sa college na pinapasukan ko, walang uniform. Buti na lang at hindi na siya masyadong nagtanong.
Binura ko ang lipstick sa bibig ko gamit ang likod ng kamay ko at may pink nga na humawa sa balat ko ro'n.
"Ikaw ba naglagay n'yan sa sarili mo... o may hinalikan ka na may lipstick na gan'yan at humawa lang sa labi mo?" tanong niya kaya nanlalaki ang mga mata na napatingin ako sa kaniya.
Naalala ko bigla si Hyacinth at hindi ko alam kung bakit pero nagflash sa isip ko 'yung time na C-ni-P.R. ko siya dahil akala ko, nalunod siya. "A-anong hinalikan? Wala 'no!" sobrang defensive na sabi ko.
"Oh! Ba't gan'yan ka kadefensive tol? Baka naman talaga mayro'n ka ng girprend? Hindi ka na ba woman hater?" sunod-sunod na tanong niya.
"Tol, kilala mo ako. Wala akong panahon sa mga gan'yang bagay." kalmadong sabi ko na dahil pag mas lalo pa akong maging defensive, baka kung ano pa ang isipin niya.
"That's ma bro! Existent sa buhay!"
"Anong existent? Consistent!" natatawang pagtatama ko sa kaniya.
"Eh gano'n sa dictionary na nabasa ko eh." pagpapalusot niya.
Napailing-iling na lang ako.
"Basta ako tol. Kay Gabriella lang ang puso ko. Mag-aapat na taon na simula ng makilala ko siya pero siya lang talaga ang laman nito." Itinuro niya pa ang dibdib niya sa parteng puso at nagcringe naman ako sa sobrang keso niya.
"Alam na alam ko naman 'yon. Mantikin mo, napagpursige ka niyang magtapos ng college kahit ayaw mo nang pumasok ng school dahil sinabi ko lang sa 'yo na ang gusto niya sa lalaki ay college graduate at pursigido sa buhay. Tumuloy ka na ng college para lang maqualify ka sa mga type niya. Iba ka talaga kaya ayos na ayos sa 'kin na sa 'yo mapunta ang pinsan ko."
Nakipaghigh five naman siya sa 'kin. "Totoo talaga 'tong nararamdaman ko sa kaniya. Kakalas na nga rin ako sa fraternity na kinasasalihan ko pagkagraduate para sa kaniya. Gustong-gusto ko kasi talaga na poging-pogi at disenteng-disente ako kapag umamin na ako ng nararamdaman ko sa kaniya. Lalabas na ako ng friendzone na kinalalagyan ko at gagawin ko ang lahat para makuha ko ang matamis niyang oo."
Natawa naman ako sa kaniya dahil patay na patay talaga siya kay Gab.
Naaalala ko nga dati, bumisita silang dalawa sa dorm ko at nang ipakita ni Gab sa 'min ang isang magazine na may machong lalaki na crush na crush niya, simula n'on, naging suki na ng gym si Bobby dahil do'n.
Lakas talaga ng tama niya sa pinsan ko kaya botong-boto ako na sila ang magkatuluyan na dalawa.
Nagsasalita pa rin si Bobby tungkol sa sobrang pagkagusto niya kay Gab nang mahagip ng tingin ko si Neo na nakatayo lang katabi ng isang puno at nakatingin sa 'kin kaya napadalawang tingin ako sa kaniya.
Seryosong-seryoso ang titig niya sa 'kin at sinenyas niya na lumapit ako sa kaniya kaya napatigil ako sa paglalakad at napatigil din si Bobby dahil nakaakbay siya sa 'kin.
Umalis na si Neo sa kinatatayuan nito.
"Bakit tol? Anong problema?" tanong ni Bobby.
Inalis ko ang pagkaka-akbay niya sa 'kin. "Tol, mauna ka na sa Cafeteria. Susunod na lang ako."
"Teka. Saan ka pupunta?"
"Basta. Hintayin mo ako ro'n. Saglit lang ako." Umalis na ako para sundan si Neo.
~~~* * *~~~
"Bakit hindi ka sumipot?" tanong kaagad ni Neo nang magkaharap na kaming dalawa.
Nasa likod kami ng Criminology building dahil dito siya pumunta.
Dahil sa naging tanong niya, naalala ko na, na gusto niya nga palang makipagkita sa 'kin noong January 2 ng gabi pero hindi ako nakapunta dahil nahuli ako ni Hyacinth na lumabas ng bahay na nakabihis ng panlalaki.
Sa dami ng nangyari sa pagitan namin ni Hyacinth, hindi ko na naalala ang tungkol sa gustong pakikipagkita sa 'kin nito ni Neo.
Napakamot ako sa ulo ko. "May nangyari lang kaya hindi ako nakapunta pero ii-e-mail ko na agad sa 'yo bukas din ng umaga 'yung summary. Madali lang naman na gawin 'yon."
Nakatingin lang siya nang seryoso sa 'kin. "May pinagsabihan ka na bang iba tungkol sa nanay ko?"
Sinabi na nga ba. Alam ko naman na hindi talaga 'yung summary ang pakay niya sa 'kin kundi ang sikreto niya na hindi ko sinasadyang malaman.
"Wala naman akong pinagsabihan. Wala naman talaga akong pakialam sa sikreto mo. Basta 'wag mo na lang akong guguluhin at mananatiling tikom ang bibig ko tungkol doon." kalmadong sabi ko pero may bakas ng pagbabanta sa boses ko.
Alam kong nagtatagis ang mga ngipin niya na halatang-halata sa paggalaw ng panga niya.
Naglaban lang kami ng seryosong tingin at nang mukhang wala na naman siyang sasabihin... "Sige. Aalis na ako. Hintayin mo na lang ang e-mail ko bukas." Ngumiti pa ako at tumalikod na para sana umalis...
"Bakit ka nga pala nakabihis babae at nakawig pa noong nakita kita? Nitong December lang 'yon eh bago ka pumasok sa resto na pinagtrabahuhan mo."
Napatigil ako sa sinabi niya at unti-unting nanlaki nang sobra ang mga mata ko dahil hindi ko lubos na inaasahan na malalaman niya ang tungkol doon.
"No'ng una nga, hindi kita nakilala dahil mukha ka talagang babae pero nagduda ako at sinundan kita. Pumasok ka sa isang C.R. at paglabas mo, nakapanglalaki ka na. Anong gimik 'yon?" Naglakad siya palapit sa 'kin at ngayon ay nasa harapan ko na siya.
Ngising-ngisi siya at pinilit ko na kalmahin ang ekspresyon ko kahit na kuyom na kuyom ang mga kamay ko.
"'Wag mong sabihing bakla ka talaga kaya ka nagbibihis babae?" pakli siyang tumawa na sarkastiko.
"Kailangan ko lang gawin 'yon para sa isang racket ko." pagdadahilan ko. Inalis ko na rin ang pagkakakuyom ng mga kamay ko para magmukha na nagsasabi ako ng totoo at hindi ako gano'ng kaapektado.
Napailing naman siya. "Parang hindi eh. Sa tingin ko, matagal mo na 'yong ginagawa. Kumportableng-kumportable ka nga sa wig at pangbabaeng suot mo. Pati paglalakad at kilos mo, parang sa babae." Lumapit pa siya lalo sa 'kin. "Aminin mo na. Bakla ka talaga, 'no?"
Tiningnan ko siya nang masama at sinalubong niya lang 'yon ng ngisi. "Subukan mo na ipagkalat ang sikreto ko, sasabihin ko rin sa kaibigan mong si Bobby ang totoo na bakla ka pati rito sa buong school, kakalat 'yon. Tandaan mo 'yan." Tinulak niya pa ako sa balikat ko at dumura sa lupa sa gilid ko saka umalis na.
Doon, nagawa ko nang makahinga at napapikit ako nang mariin.
Hindi na lang kami ni Gab ang nakakaalam na nagbibihis babae ako.
Kailangan ko na talagang mag-ingat dahil kapag nalaman pa ni Neo ang totoong dahilan kung bakit ako nagbibihis babae, katapusan na ng pagtatrabaho ko sa dome pati na ng pagkakaibigan namin ni Hyacinth.
Ipagpapatuloy...