Lumabas na ako ng University mag-isa dahil may klase pa si Bobby kaya humiwalay na siya sa 'kin. Ako, naman wala na kaya puwede na akong umuwi pero balak kong maghanap ng bagong racket kaya hindi muna ako dederetso ng dome.
Tulala lang ako habang naglalakad dahil sa naging banta sa 'kin ni Neo nang may biglang nanggulat sa 'kin sa gilid ko kaya napasigaw ako kasabay ng pagpiksi. Napahawak pa ako sa dibdib ko at nanlalaki ang mga mata na tiningnan ang taong nanggulat sa 'kin na tawa nang tawa ngayon.
"Gab! Ano ka ba?! Hindi ka ba puwedeng magpakita sa 'kin nang normal?" sumusukong tanong ko sa kaniya.
Tawa pa rin siya nang tawa. "Nakakatuwa ka kasing pagtripan. Epic lagi ang reaksyon mo." Hinampas-hampas niya pa ako.
"Tsk." Naglakad na ako paalis at sumunod naman siya.
"Sabi ko naman sa 'yo, bibisitahin kita rito sa school mo. Bakit mag-isa ka lang? Si Bobby? Wala ka na bang klase tapos siya, mayro'n pa kaya solo flight ka?"
"Oo, may klase pa 'yon si Machete. Bakit? Namimiss mo na ba?" pang-aasar ko sa kaniya.
Nangunot naman ang noo niya. "Ikaw talaga! Ang hilig mong bigyan ng malisya kaming dalawa ni Bobby. Mas bata pa sa 'kin 'yon ng dalawang taon eh."
"Bakit? Anong problema kung mas bata siya sa 'yo? 'Di ba, type mo 'yung mga macho saka pursigido sa buhay? Si Bobbyng si Bobby 'yon." pagbebenta ko sa utol ko sa kaniya.
Sinuntok naman niya ako sa braso kaya napareklamo ako at napahawak doon.
"Sino namang nagsabi na type ko ang mga macho?"
Nangunot ang noo ko. "'Di ba, may pinakita ka sa 'ming magazine na may matchong lalaki. Tili ka nga nang tili n'on."
Napabuga siya ng hangin. "Nagfafan girl lang ako n'on pero hindi ibig sabihin, gano'n na ang hanap ko. Wala naman akong pakialam kung payat o mataba ang isang tao. Basta ang sa 'kin, ang gusto ko, 'yung hindi nawawalan ng direksyon sa buhay at sincere na tao."
Napatango-tango ako. Sasabihin ko nga 'yon kay Bobby. Dagdag pogi points din 'yon pero sincere na tao naman siya ah lalong-lalo na pagdating dito kay Gab.
"Ano ba 'tong pinag-uusapan natin? Hindi naman kita pinuntahan dito sa school mo para pag-usapan ang type kong lalaki."
"Eh bakit ka ba pumunta rito?"
"May klase ka pa ba?" Tanong din ang isinagot niya sa tanong ko. Kagaling.
"Wala na naman. Balak ko lang maghanap ng bagong racket pandagdag ng ipon."
Napapalakpak naman siya sa tuwa. "Mamaya ka na maghanap ng racket. Kain muna tayo. Libre kita."
Magsasalita na sana ako para sabihing kakakain lang namin ni Bobby sa cafeteria nang tumunog ang cellphone sa bulsa ko dahil may nagtext.
Napatingin din siya ro'n at nang kunin ko na ang phone ko at makita niya 'yon ay nanlaki ang mga mata niya. "May phone ka na?! Mamahalin 'yang unit na 'yan ah saka pangbabae rin ang design ng case."
Tiningnan ko naman ang violet case nitong phone ko na may design na bulaklak ng hyacinth. "Bigay sa 'kin 'to ni Hyacinth, 'yung anak n'ong may-ari ng rest house. May bago na raw kasi siyang phone kaya akin na lang daw 'to."
Nalukot naman ang mukha niya at nanghaba ang nguso. "Bakit 'yung binibigay niya, tinatanggap mo? Pag ako ang nagbibigay sa 'yo, ayaw na ayaw mo."
"Eh alam ko naman na 'yung mga gusto mong ibigay eh ginagamit mo pa. Ito, hindi na talaga gagamitin ni Hyacinth 'to kaya kapalan ng mukha na tinanggap ko na."
Nakasimangot pa rin siya.
Binuksan ko na ang text ni Hyacinth sa 'kin.
Terry, what time ka uuwi?
Nagugutom na naman siguro 'to.
Nakisilip si Gab sa screen ng phone ko at nangunot ang noo niya sa nabasa niya. "Close na close na pala kayo na minomonitor na niya ang pag-uwi mo." Humalukipkip pa siya.
"Hindi... Gustong-gusto lang kasi niya ang luto ko kaya hinihintay niya ako para paglutuan siya."
"Ang suwerte naman niya na araw-araw niyang nakakain ang luto mo." paismid niyang sabi. "Sabihin mo, gagabihin ka. Kakain pa tayo sa labas eh. Saka akin na 'yang phone mo. I-se-save ko ang number ko at kukunin ko rin ang iyo para may contact na ako sa 'yo." Kinuha niya ang phone ko at nagpipindot siya ro'n. Kinuha na rin niya ang sa kaniya sa sling bag niya at nagpipindot din doon saka ibinalik na ang sa 'kin.
Nagpunta ulit ako sa text ni Hyacinth dahil nai-home niya.
"Replyan mo na gagabihin ka ha." udyok niya.
Tumango na lang ako dahil mukhang hindi talaga siya papapigil.
Nang magtatype na sana ako, tumunog na naman ang phone ko dahil may nagtext ulit.
Si Hyacinth ulit 'yon.
Can you come home as soon as your class is done? I'm kinda famished and I only want to eat your luto.
Hindi ko namalayan na napangiti na ako habang binabasa ko ang text niya sa 'kin.
"Bakit ka nakangiti d'yan?" nagtatakang tanong ni Gab at sisilipin ulit sana ang text ni Hyacinth pero inilayo ko na ang phone ko.
"Sorry Gab pero next time na lang siguro tayo kumain sa labas. Kakakain pa lang din naman namin ni Bobby."
"Pero-"
"Sorry Gab! Promise, next time. Sasama na ako sa 'yo." Tumakbo na ako paalis habang kumakaway sa kaniya at naiwan ko na siya ro'n na nakahabol lang ng tingin sa 'kin.
Sumakay kaagad ako ng jeep sa terminal pauwi ng dome at hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung bakit atat na atat na akong umuwi ng rest house.
Nireplyan ko na si Hyacinth.
Pauwi na ako.
Nang makarating na ako ng dome ay tumakbo na ako papasok sa loob. Nakadisguise na ako bilang Terry at nang makapasok na ako ng rest house ay nakita ko agad si Hyacinth sa sofa at nanonood ng T.V.
Napalingon kaagad siya sa 'kin at isang malaking ngiti ang sumilay kaagad sa mga labi niya. "Terry!" tuwang-tuwang tawag niya sa 'kin at tumayo kaagad saka pumunta sa 'kin at niyakap ako.
Yumakap din ako pabalik sa kaniya.
Ang bilis ng t***k ng puso ko... Sa pagod na rin siguro sa pagmamadali ko na umuwi... pero ramdam kong hindi lang dahil doon 'yon.
Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.
Isang araw pa lang akong wala rito sa bahay dahil sa pagpasok ko sa school pero excited na excited ako na makita kaagad siya.
Hindi ko na talaga alam.
Basta ang sinasabi lang ng sistema ko sa 'kin... namimiss ko...
...ang ngiti at ang boses niya.
~~~* * *~~~
4th day before Hyacinth's vacation ends...
Nasa room ako at kasalukuyang nagtuturo ang 7 am class professor namin nang biglang magring ang phone sa bulsa ko. Napunta lahat ang atensyon sa 'kin at aligagang-aligaga ko namang kinuha sa bulsa ko 'yon saka tiningnan kung bakit ito nagriring.
May reminder palang isinet para mag-alarm ngayong araw at oras. Isinwype ko 'yon para matigil ang pag-aalarm at binasa ko kung ano ang reminder na 'yon.
Happy 23rd birthday to me! I hope I can celebrate this day with someone I love. :)
Nangunot ang noo ko.
Birthday ni Hyacinth ngayon?
"Mr. Yoso. Got an emergency?" tanong ng prof. ko sa 'kin kaya napabalik ako sa sarili ko at napatingin sa kaniya sa unahan. Nakatingin pa rin pala sa 'kin ang lahat ng mga kaklase ko.
Akala siguro nila, may emergency ako dahil natulala ako sa phone ko.
Umiling na lang ako. "Sorry for the disturbance Sir." Itinago ko na ulit ang phone sa bulsa ko at nagpatuloy na si Sir. sa paglelecture sa unahan.
Lutang pa rin ako dahil sa nalaman ko na birthday pala ngayon ni Hyacinth.
Tsk. May itu-tutor pa naman ako mamaya pagkatapos ng klase ko tapos may klase pa ulit ako hanggang gabi kaya 7pm na ako makakauwi ng bahay. Siguradong malulungkot 'yon dahil wala man lang siyang kasama sa pagcecelebrate ng birthday niya.
*~~Tagapagsalaysay~~*
Bored na bored na nanonood lang ng T.V. si Hyacinth sa sala ng rest house. Tanghali na siya nagising kaya hindi na niya naabutan si Terry pero nag-iwan naman 'to ng pagkain pangtanghalian niya.
Pinatay na niya ang T.V. dahil naboboring talaga siya sa palabas doon at nanghahaba ang nguso na umupo na ulit siya sa sofa saka nagmukmok doon. Birthday na birthday niya pero wala man lang siyang kasama para i-celebrate ang napakahalagang okasyon na 'yon sa buhay niya.
Kinuha niya ang phone niya at itinext si Terry. Terry. What time ka uuwi? Gano'n lagi ang text niya kapag gusto na niya 'tong pauwiin.
Plano niya kasing isama ito sa isang mamahaling restaurant at doon sila kakain na dalawa para i-celebrate ang birthday niya.
Ilang minuto lang at nagreply na ito.
7pm.
Nanlumo siya dahil gabi pa pala ito makakauwi.
Itinapon niya sa tabi niya ang phone at naghalukipkip sa inis. Gusto niya itong umuwi na para sa kaniya... pero naisip niya rin na hindi dapat siya maging makasarili at pa-absent-in ito sa subjects nito para lang sa kaniya.
Napahinga na lang siya nang malalim at naalala ang isa niya pang bestfriend.
Si Hazel Ramos.
Napangiti siya nang malawak at tumayo na mula sa pagkakaupo sa sofa. "I hope Hazel's not busy today." Pumunta na kaagad siya sa kuwarto niya para magpalit na ng damit at puntahan si Hazel.
~~~* * *~~~
Nasa harap na siya ng isang Coffee shop at nang papasok na ay pinagbuksan kaagad siya ng glass door ng isang napakagwapong lalaki na blonde din ang buhok at ngiting-ngiti. Sa name tag nito ay nakaimprinta ro'n ang pangalan nito na Jack. "Good afternoon Ms. Hyacinth! Welcome to Brew The Coffee Shop!" masiglang pagbati nito. Napakalakas ng karisma nito na para bang isa itong bida na comic character lalo na at ngumiti pa pero dinaanan niya lang ito at ni hindi tiningnan.
Napatingin sa kaniya ang mga customers na nagkakape sa loob na karamihan ay babae at hindi agad naialis ng mga ito ang tingin sa kaniya.
Para siyang artista na nakastarstruck sa mga ito.
Ang suot niya ay black off shoulder na damit na gawa sa cotton at hapit na hapit sa slim niyang katawan. Mahabang palda na floral naman na pinagsamang white at yellow ang kulay ang pang-ibaba niya. Manipis lang ang tela n'on na sumasayaw sa paglalakad niya.
Nakablack din siya na heels na mas lalong nagpatangkad at nagpaganda sa maganda na niyang tindig at pinaelegante pa lalo ng white na sling bag niya ang datingan niya. May malalaking mga kulot din sa dulo ng blonde niyang buhok.
Sinalubong siya ng isang lalaki na pula ang buhok at may kaliitan sa kaniya lalo na at nakaheels siya.
Kung ang lalaking nagbukas ng pinto sa kaniya ay makarisma ang kagwapuhan, ito naman ay cute ang pagkagwapo.
Ngiting-ngiti ito sa kaniya at JimJim ang nakalagay sa name tag nito. "Good aftie Ms. Hyacinth. Tagal mong hindi nakabisita rito sa BTC shop." friendly na sabi nito.
Ni hindi niya sinuklian ang ngiti nito. "Where's Hazel?" Tumingin siya sa paligid ng shop at hindi niya makita ang bestfriend niya na nag-iisang babae sa all boy coffee shop na 'yon.
"Hiniram siya ng BTC Cavite branch kaya wala siya rito ngayon at bukas pa makakabalik." sagot nito.
Lumapit sa kaniya ang manager ng shop na 'yon na si Ramon nang makita siya.
Brown ang buhok nito na parang bunot ang pagkakagupit. Lalaking-lalaki din ang tindig at makikita na agad sa aura nito na isa itong intelektwal na tao. Bata pa rin ito tingnan at halatang nasa mid 20's pa lang katulad ng mga staff nito.
"Pasensya na Ms. Hyacinth na wala ngayon si Hazel dito kung kailan ka naman nakabisita ulit. Nagkasakit kasi ro'n ang pastry maker at walang reliever kaya hiniram muna nila si Hazel sa 'min." paghingi nito ng paumanhin.
Napahinga siya nang malalim sa disappointment.
"Baka gusto n'yo muna ng coffee? The usual?" alok nito.
"Yes please." pag-order niya dahil matagal na rin naman siyang nagke-crave sa coffee na gawa ng staff ng mga ito.
Pumunta na siya sa isang bakanteng lamesa at umupo sa upuan doon.
Lumapit naman sa kaniya ang isang lalaki na orange ang buhok at may hawak na maliit na pad ng papel at ballpen para sa order taking. Ang lawak ng ngiti nito at kung hindi lang siguro siya man hater, nasilaw na siya sa ngiti nito dahil sa liwanag ng aura nito pero wala lang sa kaniya 'yon ngayon. Hope naman ang nasa name tag nito. "The usual pa rin po ba Ms. Hyacinth?" tanong nito dahil alam na kung ano ang lagi niyang ino-order.
Tumango lang siya kaya nag-go signal na ito sa dalawang tao sa brewing station na gawin na ang order niya.
Ibinigay na rin niya ang card niya rito para maprocess na nito ang bayad sa order niya.
"Ma'am pastries? May bagong baked po na red velvet muffin na favorite n'yo." masiglang alok nito.
"Hindi si Hazel ang nagbake n'on, right?"
Napakurap-kurap naman ito sa naging tanong niya. "Opo. Si Gin ang nagrelieve sa kaniya as pastry maker today."
Dahil narinig ang pangalan ay lumapit sa kanila ang isang lalaki na pink naman ang buhok at napakagwapo rin na inosente ang datingan. Mukha nga rin itong anghel pero sinisira ang image na 'yon ng hambog nitong pagngiti. "Narinig ko ang napakagwapo kong pangalan. Bakit Hope?" usisa nito.
"Tinatanong lang ni Ms. Hyacinth kung hindi si Hazel ang nagbake ng pastries natin ngayon." paliwanag naman ni Hope.
Napangiti naman ito nang mapagmalaki at humarap na sa kaniya. "Ako nga ang nagbake ng mga pastries ngayon Ms. Hyacinth at sa gwapo kong 'to, hindi na maitatanggi na napakasarap kong magbake-"
"I just need coffee. Hindi ako kumakain ng pastries na hindi gawa ni Hazel. And if you're done getting my order, leave. Hindi ako kumportable sa presence nyo." walang gatol na sabi niya sa mga ito.
Natameme naman si Gin at agad naman na humingi ng pasensya si Hope saka hinila na paalis ang magrereklamo pa sanang kasamahan dahil sa nasaktan nitong ego.
"Hindi ka na nasanay kay Ms. Hyacinth. Gan'yan talaga 'yan sa mga lalaki." pang-aalo ng blonde na si Jack sa pink head na si Gin.
Tumango-tango rin si Hope, Jimjim at Ramon sa pagsang-ayon.
Tumingin siya sa brewing station para tingnan kung tapos na bang gawin ang paborito niyang french vanilla coffee at nakita niya roon ang dalawang barista na seryosong nagtitimpla ng mga pending orders na kape.
Ang isa ay mint green ang kulay ng buhok na si Agust. Sobrang puti nito katulad niya na parang taong mustasa at ang isa naman na si Ian ay black ang buhok na mas bata pa ang itsura kumpara sa iba.
Kilala niya ang mga ito katulad ng ibang staff dahil ang dalawa ang pinakamasarap magtimpla ng kape sa shop na 'yon.
Kalmadong-kalmado lang ang dalawa at tumingin sa kaniya si Agust. Matalim ito kung tumingin na sadya na talaga rito at iyon nga ang dumagdag sa malayelo nitong karisma.
Si Ian naman ay busyng-busy sa ginagawa at ang bilis nito kumilos na halatang sanay na sanay na sa trabaho. Ang dating ng kagwapuhan nito ay 'yung tipong makakahuli ng puso ng mga babaeng mas nakatatanda rito dahil baby faced ito.
Pinindot na ni Agust ang bell hudyat na tapos na itong magtimpla ng kapeng order dito.
Nilagyan kaagad 'yon ng handler ni Jimjim at dinala na sa kaniya habang malawak pa rin ang ngiti. "Here's your coffee Ma'am and your card. Syempre, hindi mawawala ang receipt."
Kinuha na niya ang mga 'yon dito at umalis na ito sa tabi niya para mag-asikaso ng ibang customers.
Uminom na siya ng kape at napangiti siya dahil masarap talaga iyon. Ninamnam niya pa ang pag-inom n'on at tiningnan ang wrist watch niya kung anong oras na.
9 am pa lang at wala man lang siyang maisip na makakasama sa araw ng birthday niya.
Tiningnan niya ang phone niya at wala man lang miski isang text message mula sa Dad niya. Sa inis ay pabagsak na ipinatong niya lang 'yon sa lamesa kaya napatingin sa kaniya ang lahat ng tao sa shop. Wala naman siyang naging pakialam at uminom ng kape.
Naisip na naman niya si Terry pero mas lalo lang siyang nalungkot dahil hindi niya talaga mahihiram ang oras nito.
Sa huli, napagdesisyonan na lang niya na manuod mag-isa ng sine at maghanap ng bagong horror movie pangpalipas oras.
Nang maubos na ang kape niya ay dumeretso na siya ng pinto para umalis na. Agad naman siyang pinagbuksan ni Jack ng glass door. "Salamat sa pagpunta Ms. Hyacinth. Please visit us again!" masiglang pagpapaalam nito pero walang lingon likod na naglakad na siya palayo.
7 pm...
Lumabas na siya ng sinehan pagkatapos manuod ng bagong labas na horror movie. Dalawang beses niyang inulit 'yon kaya inabot na siya ng gabi.
Tiningnan niya ang oras sa wrist watch niya at nanlaki ang mga mata niya dahil 7 pm na. Oras na ng pag-uwi ni Terry sa rest house.
Tatawagan niya sana ito nang maalala niya na pipe nga pala ito kaya itetext na lang niya sana nang maunahan siya nito na i-text.
Nasaan ka? Anong oras ka uuwi? Nagluto ako ng hapunan natin. text nito at napangiti kaagad siya dahil 'yon ang unang pagkakataon na itinext siya nito at hinanap.
Nagreply naman kaagad siya. I'm on my way home.
~~~* * *~~~
Pagdating niya sa dome, napansin niya kaagad sa gilid nito ang isang nakaparadang violet na kotse na pamilyar na pamilyar sa kaniya. Agad niyang pinuntahan 'yon at nanlaki ang mga mata niya at napasinghap pa nang makilala iyon.
"Lily!" tuwang-tuwang sabi niya at niyakap ang sports car na para itong tao na miss na miss niya. Regalo ito sa kaniya ng Dad niya noong 18th birthday niya dahil nabanggit niya rito na gustong-gusto niya talaga iyon.
"How did you get here? Who drove you here?" tanong niya na para bang sasagutin siya nito. Napansin niya ang isang pink na sticky note na nakadikit sa salamin ng side mirror nito at may nakasulat doon.
Happy Birthday Hyacinth. I'm really sorry that I lifted a hand on you when we visited you here. I'm truly sorry. I hope you can forgive me, your Dad. This is my gift to you. Please have Lily back. She really misses you. I love you sweetheart.
Ps. I gave her key to the dome's caretaker Terry.
- From your sorry Dad
Naluluha na siya dahil hindi niya talaga inaasahan na mag-iiwan ng ganoong note ang Dad niya ngayong birthday niya. Akala niya nga ay kinalimutan na talaga siya nito kaya hindi ito nagtetext sa kaniya para batiin man lang siya.
Napangiti na siya at pinunasan ang basang mga mata saka pumasok na ng dome.
Nakapasok na siya ng rest house at hindi niya nabungaran si Terry sa sala. Bukas naman ang ilaw ng kabahayan. May narinig siyang gumalaw sa kusina kaya napatingin siya ro'n at nakasara ang pinto n'on.
Ibinaba niya lang ang sling bag niya sa sofa at pumunta na roon saka binuksan ang pinto nang salubungin siya ng isang tugtog mula sa isang maliit na portable speaker.
Happy birthday to you
Happy birthday to you
Happy birthday Happy birthday
Happy birthday to you
Unti-unti siyang napangiti nang malawak nang humarap na sa kaniya si Terry na may hawak na cake. May dalawang number candles doon na nakasindi at number 2 at 3 na magkatabi 'yon dahil 23rd birthday niya.
"Terry..." Hindi pa rin siya nakakabawi sa pagkabigla dahil hindi niya talaga sobrang inaasahan na malalaman nito na birthday niya ngayon. Naluluha na nga siya sa pagkatouch para sa pag-aabala nito na i-surprise siya.
Nakangiti lang ito at halatang natuwa sa naging reaksyon niya. Pumunta na ito ng lamesa dala ang cake saka ipinatong 'yon sa gitna ng mga pagkain na nakahain doon.
Mas lalo siyang natouch nang makita ang mga pagkain na 'yon dahil ipinagluto talaga siya nito ng handa. Nag-abala talaga ito.
Sinenyasan siya nito na pumunta na roon at umupo sa tabi nitong upuan.
"H-how did you know that today's my birthday?" tanong niya nang makalapit na at umupo na siya. Naalala niya ang Dad niya na baka nabanggit dito nito 'yon. "Did Dad mention it?"
Umiling naman ito at nagtype sa phone nito saka ipinakita sa kaniya.
[Nag-alarm kanina ang reminder na isinet mo sa Calendar sa date ng birthday mo.]
Naalala naman niya na mahilig nga pala siyang maglagay ng reminder sa phone niya dati na ibinigay na niya rito ng mahahalagang dates sa kaniya. Nakalimutan niyang burahin ang mga 'yon.
Napatango-tango siya at hindi mabura-bura ang malawak niyang ngiti sa pagkatouch sa inihanda nito para sa kaniya. Tiningnan niya ang mga pagkaing iniluto nito at lahat 'yon ay mga paboritong-paboritp niya.
[Magwish ka na para mahipan mo na ang mga kandila sa cake.] udyok nito dahil natutunaw na ang kandila sa cake.
"Right, right." Naexcite naman siya na magwish.
Pumikit siya at tahimik na humiling.
I hope Dad and I can fix our relationship as soon as possible and he end things between him and Patricia. I also hope, the we always stay healthy as well as Terry. Last, I want to be as strong willed as Terry is.
Nang makahiling na siya ay nagmulat na siya ng mga mata at malawak pa rin ang ngiti na hinipan na ang mga kandila.
Napapalakpak naman si Terry at pumalakpak din siya.
"Thank you so much for preparing this for me Terry. This means a lot to me."
[No problem.] cool na ngumiti lang ito at naghiwa na ng cake saka inilagay sa plato niya ang piraso na nahiwa nito. Inuna siya nitong paglagyan ng pagkain.
Napangiti siya lalo at sobrang pasasalamat talaga ang nararamdaman niya para rito na alam niyang kulang ang salitang salamat kaya para maipakita 'yon ay inilapit niya ang mukha niya sa pisngi nito.
Balak niya itong halikan doon nang mapansin nito ang paglapit na ginawa niya ay humarap ito sa kaniya.
Hindi niya inaasahan 'yon lalo naman nito nang magdampi ang labi nilang dalawa.
Nanlaki ang mga mata nito pati ang sa kaniya.
Ipagpapatuloy...