Dugdug... Dugdug... Dugdug...
Napahiwalay kaagad si Hyacinth kay Lester dahil sa hindi sinasadyang paghalik niya sa mga labi nito.
Ang bilis-bilis ng t***k ng puso niya dahil sa pagkabigla.
Ito nama'y nakatulala lang at ni hindi nagawang makakilos at natuod sa nangyari.
Napahawak kaagad siya sa mga labi niya at nanlalaki ang mga matang nakatingin dito. "I-i didn't mean to kiss you..." hindi niya malaman kung paano magpapaliwanag dito dahil tulala pa rin ito. Nangangamatis din ang magkabila niyang pisngi sa pagkahiya. "It's unintentional... I was trying to kiss you on your cheek pero bigla kang humarap... kaya..."
Napakurap-kurap lang ito at humarap na sa unahan nito at doon naman tumulala. Biglang-bigla talaga ito sa nangyari sa pagitan nila at dahil doon ay nabalot ng awkwardness sa paligid nila.
Nakakabingi ang katahimikan kaya tumikhim si Hyacinth para basagin 'yon. "L-let's eat. Lalamig na ang mga pagkain." paggawa niya ng topic para alisin ang awkwardness na bumabalot sa kanila.
Wala sa sariling tumango-tango naman ito at nilagyan ng pagkain ang sariling plato para kumain na nang magring ang phone niya sa sling bag na ipinatong niya sa may sala kaya napatingin sila ro'n.
"Someone's calling," sabi niya at tumayo na para puntahan 'yon. Tuwang-tuwang siya dahil right timing ang tumawag na 'yon.
Nang makalabas na siya ay nakahinga naman na nang maluwag si Lester. Napahawak pa ito sa labi nito at inalala ang nangyaring aksidenteng halik sa pagitan nila ni Hyacinth.
Ramdam pa rin nito ang malambot na labi ni Hyacinth sa mga labi nito at nang marealize kung ano ang iniisip ay natigilan ito at nagpilig ng ulo para alisin 'yon.
"Hello Hazel!" natutuwang sabi ni Hyacinth sa kausap nito sa cellphone at pumasok na ng kusina saka umupo na ulit sa upuan nito.
Hello Cinth! Sorry kung nakalimutan kong batiin ka nang maaga. Tumawag sa 'kin si Jack at nabanggit niya na dumaan ka raw sa shop at hinahanap ako. Naalala ko na birthday mo pala ngayon kaya sorry talaga. Wala ako sa birthday mo. sobrang paghingi nito ng paumanhin sa kaniya.
Napangiti naman siya dahil naalala pa rin nito ang birthday niya sa gitna ng busyng schedule nito sa trabaho. "No it's fine. You don't need to be that sorry Hazel. You got a reason and I understand it."
Are you sure? Baka magbabad ka na naman sa panood ng horror movies dahil malungkot ka.
Napatingin naman sa kaniya si Terry sa narinig nito kaya napatingin din siya rito. Halatang hindi nito inaasahan ang totoong dahilan kung bakit siya mahilig manood ng horror movies. Dahil malungkot siya.
"Hindi, 'no. In fact, I have an accompany to celebrate my special day with today." pagmamayabang niya at ngumiti sa abala na sa pagkain na si Terry.
Talaga? Sino naman siya? Ikaw ha. May dinedate ka na ba? Hindi ka na ba man hater Cinth? sunod-sunod na tanong nito.
Napatawa naman siya sa maling akala nito. "No, it's not that. Don't worry. I'll let you meet her properly when you got some free time."
Her? So babae? New bestfriend mo? Baka naman ipinagpapalit mo na ako. pabirong pagtatampo nito.
Napangiti siya sa pagseselos nito. "Ipagpapalit talaga kita kapag hindi mo ako bibigyan ng red velvet muffin bukas na gawa mo." biro niya rito.
Fine girl. Ikaw pa ba? Sige at malapit na kaming magclose. Isiningit ko lang talaga ang pagtawag sa 'yo. Happy birthday ulit Cinth!
"Thank you." masiglang sabi niya at pinatay na niya ang tawag.
Ngiting-ngiti pa rin siya at tumingin kay Terry. "She's my college bestfriend that I mentioned before. And you know what? You two are very alike when it comes on being tough and strong willed."
Napatango-tango naman ito habang kumakain pa rin.
Kumain na rin siya at dahil sa pagtawag sa kaniya ni Hazel ay nawala na kahit papaano ang awkwardness na sumasakop sa kanila kanina.
Magana na siyang kumain ng napakasarap na luto ni Terry.
~~~* * *~~~
Kinagabihan...
Nakatulala lang pareho sa kisame ng sari-sarili nilang kuwarto sila Hyacinth at Lester dahil hindi sila mapatulog ng nangyaring aksidenteng halik sa pagitan nila.
Napabiling ng higa si Lester at ganoon din si Hyacinth. Sabay pa silang napahawak sa mga labi nila at nang maalala ang halik ay napatakip na lang pareho ng kumot sa pagkahiya.
Nang marealize ni Lester na para siyang baliw sa ginagawa ay inalis niya ang pagkakatalukbong ng kumot sa kaniya. "Aksidente lang naman 'yong nangyari, bakit ba ako nagkakagan'to?" kausap niya sa sarili niya. "Oo first kiss ko 'yon pero hindi dapat ako maaligaga nang ganito dahil lang do'n. Hindi nga rin matuturing na kiss 'yon dahil dampi lang naman."
Nagflash na naman sa isip niya ang pagkakahalik sa kaniya ni Hyacinth at doon ay nagkukumahog siya sa kilig at nagtaklob na ulit ng kumot.
Sa kabilang kuwarto naman kung nasaan si Hyacinth ay nakayakap na ito sa unan nito habang nakatagilid ng higa.
Nakapikit ito nang mariin dahil ginagambala ito ng alaala ng hindi sinasadyang paghalik niya kay Terry.
"Accident lang 'yon but it's still bothers me this much! Bakit kasi siya humarap sa 'kin?! Nanakaw na tuloy talaga niya ang first kiss ko." Humigpit ang yakap niya sa unan niya. "Yes, I loathe guys but there's nothing in my plan that I would give my first kiss to a girl."
Naalala na naman niya ang aksidenteng halik nila. "Arggggh!" Bumangon siya at umupo saka pinagsusuntok ang unan para lang maalis na 'yon sa isip niya nang magring ang phone niya kaya napatigil siya.
Kinuha niya kaagad 'yon na nakapatong sa lamesa sa tabi ng kama niya.
Nanlaki nang kaunti ang mga mata niya nang makita na ang manager niya ang tumatawag sa kaniya.
Sinagot niya kaagad 'yon.
"Hello Hyacinth."
"Hello Kristine. What's the matter?"
"Hindi mo naman siguro nakalimutan na may trabaho kang tao? Nagbakasyon ka na 3 months ago at bumalik ka lang ng isang buwan sa trabaho mo tapos nagbakasyon ka na naman. Mabi-breach ang contract mo kapag gan'yan ka nang gan'yan." sermon kaagad nito sa kaniya.
Napahinga naman siya nang malalim. "Then so be it. I'll just pay even how much the breaching would cost." walang gatol na sabi niya rito.
"Hyacinth naman. Ayaw mo pa bang magtrabaho? Alam kong nand'yan ka sa tagaytay. Hindi ka ba naboboring d'yan mag-isa?"
Automatic na napatingin siya sa pader na ang kabila ay kuwarto ni Terry.
Nakaramdam siya ng kakaibang saya nang maalala ang mga oras na kasama niya ito at inaasikaso siya nito. "Not really. I'm really happy staying here at baka mag-extend pa ako ng another month ng vacation ko."
"What?!" Nailayo niya ang phone sa tenga niya dahil sa lakas ng boses nito. "Bakit mag-e-extend ka pa? Ano na lang ang sasabihin ko sa company na kumontrata sa 'yo sa pagmomodel?" Stressed na stressed na ito sa kaniya.
"Bahala ka na. You can always make a way to save my ass so see you next month! Bye!"
"Hyacinth sandali—"
Pinatay na niya ang tawag at pinower off kaagad ang phone niya dahil alam niyang mangungulit ito.
There's no way I'll leave this place and Terry. I'll stay here with her at magpapakasaya ako habang kasama siya.
Napangiti siya nang malawak sa naiisip at humiga na para matulog.
~~~Lester~~~
Tanghali na akong nagising at buti na lang at wala akong klase ngayon.
Napahikab ako dahil puyat na puyat ako kagabi. Hindi ako pinatulog ng aksidenteng pagkakahalik sa 'kin ni Hyacinth. Talagang mulat na mulat lang akong buong magdamag na para akong nakadrugs. Nakatulog lang ako ng alas kuwatro na ng madaling araw.
Nagdidilig lang ako ng mga bulaklak at humikab ulit.
"Terry!" tawag sa 'kin ni Hyacinth na nagpakabog nang malakas sa puso ko. Napatigin kaagad ako sa kaniya at awtomatiko nang sumagi sa isip ko ang hindi sinasadyang paghalik niya sa 'kin kagabi. Naramdaman ko naman ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko.
Lumapit siya sa 'kin at ngiting-ngiti. Nakaloose skyblue shirt lang siya at maikling short na naman. Mukhang wala siyang balak magjogging ngayon sa park.
"Do you have classes today?" tanong niya agad habang malawak na nakangiti. Halatang maganda ang naging paggising niya dahil ang liwa-liwanag ng aura niya ngayon.
Balak ko sanang maghanap ng part time ngayon pero halatang may pinaplano siyang gawin kasama ako kaya umiling ako.
Lalo naman siyang napangiti. "Yes! I can be with you the whole day!" Napapalakpak pa siya sa pagkatuwa.
Hindi ko naman napigilan ang mapangiti rin habang hindi pa rin nakakalma ang puso ko.
"May gusto ka bang gawin ngayon? Name anything at gagawin natin." udyok niya. "Kung gusto mo, magmountain climbing tayo para adventure? I really want to do that with Hazel pero busy siya kaya hindi namin magawa."
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Pangarap ko rin ang magmountain climbing kaso tanghali na. Siguradong gagabihin na kami pag-uwi at ang alam ko, malakas ang ulan mamayang gabi.
Halatang napansin niya ang pagdadalawang isip ko. "You don't want?" disappointed na sabi niya pero ngumiti rin kaagad siya. "It's okay. There's a lot of other things we can do."
Nagdidilig lang ako habang nag-iisip siya ng gagawin at may naisip ako para hindi na siya mabored.
Itinapat ko sa kaniya ang spray hose saglit kaya napasinghap siya sa pagkabasa niya. Patay malisya na nagdidilig na ulit ako.
"Bakit mo ako binasa?" Nakakunot ang noo niya sa pagtataka at pinunasan niya ang mukha niya ng likod ng kamay niya.
Pinipigilan ko na ngumiti at itinapat ko ulit sa kaniya 'yon kaya nababasa na siya nang sobra.
"Ahhhh! Teryy what are you doing?!" angal niya habang hinaharang ng braso niya ang pambabasa ko sa kaniya.
Natatawa na ako pero pinipigilan ko lang na may maging tunog ang pagtawa ko.
Mukhang nagegets na niya na hinaharot ko siya kaya sinubukan niyang agawin ang spray hose sa 'kin pero tumakbo naman ako palayo at patuloy pa rin siya na binasa.
Tawa na siya nang tawa habang pilit pa rin na hinahabol ako at nang makita ang isa pang spray hose na nakasabit sa lalagyanan n'on ay 'yon ang ginamit niya sa 'kin na panglaban.
Para kaming mga bata na habulan nang habulan para magbasaan. Sa tagal kong nabuhay sa mundong 'to, ngayon na lang ulit ako umakto nang ganito na parang isang batang walang kailangang initindihin sa buhay kundi ang magpakasaya lang.
Parang musika sa pandinig ko ang napakasayang pagtawa niya.
Basang-basa na kaming dalawa nang marinig ko na nagriring ang cellphone ko na nakapatong sa swing.
May tumatawag doon kaya pinatay ko muna ang spray hose na hawak ko. Pinatay na rin ni Hyacinth ang sa kaniya at kunot na kunot ang noo na nakatingin sa phone ko.
"Someone else knows your number?" tanong niya sa 'kin at naalala ko naman si Gab kaya tumango ako. Pumunta na ako ng swing at kinuha ang phone saka tiningnan ang tumatawag doon.
My Pretty Cousin ang pangalan ng natawag at si Gab nga. Nakalimutan na niya ba na pipe ako rito kaya bakit siya natawag?
Sinagot ko pa rin 'yon at papalapit pa lang naman si Hyacinth.
L-lester... P-puntahan mo ako dito... umiiyak na sabi ni Gab kaya natigilan ako at humigpit ang pagkahawak ko sa phone ko. Napupuno na kaagad ako ng kaba dahil sa narinig kong pag-iyak niya. Hindi siya madaling umiyak kaya siguradong may nangyaring hindi maganda.
"Who is it?" tanong ni Hyacinth nang makalapit na kaya pinatay kaagad ni Gab ang tawag.
Hindi ko siya pinansin at agad na tinext si Gab kung nasaan siya.
Nasa police station ako malapit sa 'min. Puntahan mo ko please.
Binitawan ko agad ang spray hose na hawak ko at lalabas na sana ako ng dome nang hawakan ni Hyacinth ang braso ko kaya napatingin ako sa kaniya.
"Where are you going?" nag-aalalang tanong niya dahil sa pagiging aligaga ko sa nabasa ko.
Nagtype naman ako kaagad sa phone ko. [Nasa police station ang pinsan kong si Gab. Kailangan nya ko ron.]
"I'll go with you. Gagamitin natin si Lily." alok niya.
Nanlaki nang kaunti ang mga mata ko.
[Wag na Hyacinth. Hindi kita mabibigyan ng atensyon doon at baka kung ano pang mangyari sayo ron. Kailangan ko ring tutukan ng pansin ang pinsan ko. Uuwi rin ako kaagad.]
"But you should change your clothes first. Basang-basa ka."
Napatingin ako sa sarili ko at hindi naman ako nagtutulo.
[Ayos lang. Matutuyo rin ako sa daan. Aalis na ako at kailangan na niya talaga ako ro'n.]
Napipilitang binitawan na niya ang braso ko.
Nagmamadali naman na lumabas na ako ng dome para puntahan si Gab.
Sumakay ako ng taxi at napagalitan pa ako dahil basa ako. Nangako na lang ako na dadagdagan ko 'yung ibabayad ko kaya inihatid na ako.
Dumating na ako sa police station na kinalalagyan ni Gab at nabungaran ko agad siya na nakaupo sa harap ng isang lamesa habang umiiyak. May nakaharap sa kaniya na pulis na kinakausap siya.
Nanlaki nang sobra ang mga mata ko nang makita ang nagdudugong mga galos sa mga braso niya at may sugat din siya sa mga tuhod. Pudpod doon ang mga tela ng pantalon na suot niya na para siyang nakaladkad ng kung ano.
"Gab!" tawag ko kaagad sa kaniya at napatingin sa 'kin ang mga tao rito pati siya.
Nanlaki nang kaunti ang mga mata niya dahil paniguradong hindi niya inaasahan na pupunta ako rito na nakabihis babae at basa pa pero tumayo na rin siya at niyakap kaagad ako. "Lester..." humihikbi tawag niya sa 'kin at ramdam ko ang pangangatog ng katawan niya.
Hinaplos ko kaagad ang buhok niya at likod para pakalmahin siya. "Anong nangyari? Bakit ka nandito? Bakit andami mong sugat?" alalang-alalang tanong ko.
"Ahhh... Mr—Ms. pala. Ikaw ba ang pinsan niya?" tanong sa 'kin ng pulis na kausap niya kanina.
Tumango naman ako. "Ano pong nangyari ser?"
"Hinablutan kasi siya ng bag ng isang Riding in tandem. Hindi kaagad siya nakabitaw sa bag niya kaya nakaladkad siya sa kalsada pero buti at saglit lang dahil nakabitiw na siya." paliwanag nito sa 'kin.
Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala na dinanas ni Gab ang gano'n. Inihiwalay ko kaagad siya sa 'kin para makita nang maayos ang mga sugat niya. May kaunting galos din siya sa pisngi.
"Bakit hindi ka pa dumeretso ng ospital para ipagamot 'tong mga sugat mo?! Pa'no kung maimpeksyon 'yang mga 'yan?!" sermon ko sa kaniya sa sobrang pag-aalala. Ang bigat ng paghinga ko sa galit hindi sa kaniya kundi sa mga taong gumawa sa kaniya nito.
Basang-basa naman ng luha ang mukha niya. "G-gusto ko kasing... k-kasama kita..." Lalo siyang napaiyak. "A-alam mo naman... na takot ako sa ospital..."
Dahil doon, nakalma ako nang kaunti at niyakap na ulit siya. "Sorry kung nasigawan kita. Sorry Gab." Hinaplos ko ulit ang buhok niya.
Umingay ang sirena ng pulis sa labas ng prisinto at nagdatingan ang apat na pulis habang may hawak silang dalawang lalaking nakaposas paharap ang mga kamay. Mga mukhang drug addicts ang mga 'yon.
"Sir! Nahuli na namin ang dalawang 'to na inirereklamong riding in tandem." balita ng isa sa mga pulis doon sa 'min.
"Ayan na pala ang mga suspect na nangbiktima kay Ms. Gabriella—"
"Mga p*tangina n'yo!" Humiwalay kaagad ako kay Gab at binigawasan ng isang malakas na suntok ang isa sa mga suspect sa mukha kaya napaupo ito.
Napatili si Gab sa ginawa ko at naalarma naman ang mga pulis sa pagiging bayolente ko.
Hinarap ko ang isa pang suspect at sinuntok ko rin kaagad 'yon sa mukha pero dahil mas malaki ang katawan niya sa 'kin ay napaurong lang siya nang kaunti at gumanti kaagad ng suntok sa labi ko ang dalawang kamay niyang nakaposas.
Napaurong din ako at nalasahan ko ang dugo sa ibabang labi ko na sigurado akong pumutok.
Gaganti pa sana ako pero inawat na ako ng mga pulis. "Ikulong n'yo 'yang mga hayop na 'yan! Bulukin n'yo 'yan sa kulungan!" pagsisisigaw ko habang pilit na kumakawala sa hawak sa 'kin ng mga pulis.
"Sir, kumalma na po kayo! Hindi puwede rito ang mga bayolenteng akto!" awat sa 'kin ng unang pulis na kausap ko kanina.
"L-lester tama na... B-baka makasuhan ka rin kapag nakagawa ka ng gulo rito. A-ayos lang naman ako..." Hinawakan ako ni Gab sa braso para pakalmahin kaya tumigil na ako sa pagkawala sa mga pulis na nakahawak sa 'kin dahil natatakot ako na baka masaktan ko siya nang hindi sinasadya.
Nanlalaki ang mga mata na tumingin ako sa kaniya. "Anong ayos?! Tingnan mo nga 'yang sarili mo Gab! Ginawa sa 'yo 'yan ng mga p*tangnang mga 'yan!"
Tiningnan ko ang dalawang hayop na nanghablot ng bag niya at dinuro ang mga 'yon. "Kayong mga hayop kayo! Hindi na kayo naawa! Babae 'tong sinaktan n'yo! Walang kalaban-laban sa inyo! Tandaan n'yo! Gagawin ko ang lahat para mabulok kayo sa kulungang mga t*ngina kayo! Habangbuhay kayong makukulong!" Halos maputol ang litid ko sa kakasigaw.
* * *
Naglalakad na kami sa hallway ng ospital na pinagdalhan ko kay Gab at ginabi na kami. Tapos nang magamot ang mga sugat niya at papalabas na kami ng ospital.
Buti na lang at may first aid na ginawa sa kaniya sa prisinto dahil kung wala, baka naimpeksyon na ang mga sugat niya.
Hindi ko na suot ang wig ko at maayos na nakalagay 'yon loob ng paperbag na nakaipit sa kili-kilihan ko pati ang scarf kaya mukha na ulit akong lalaki. Buti na lang talaga at loose na T-shirt at pants ang suot ko kanina bago ako umalis ng dome kaya hindi na ako mukhang bakla ngayon. Tuyong-tuyo na rin ang damit ko.
Napatingin ako sa inaalalayan kong si Gab at nakakalakad naman siya nang maayos kahit may mga sugat siya sa tuhod pero inaalalayan ko pa rin siya dahil sigurado akong mahapdi ang mga 'yon.
Nakasakbit din sa 'kin ang shoulder bag niya na naibalik ng mga pulis. Wala naman daw nawawala ro'n dahil nahuli agad 'yong dalawang hayop pagkatapos manghablot sa kaniya.
"Grabe ka. Hindi ka man lang nagbihis lalaki bago ka pumunta ng prisinto kanina. Tapos basang-basa ka pa. Nanakbo ka ba papunta ng prisinto at nabasa ka ng pawis mo nang gano'n?" natatawang sabi ni Gab sa 'kin. Maga ang mga mata niya sa pag-iyak pero bumalik na ang pagiging masigla niya.
"Eh malaman ko ba naman na nasa police station ka at umiiyak ka pa no'ng tumawag sa 'kin. Hindi rin ako sa pawis nabasa. Basta."
Tumango-tango naman siya. "Alam mo Lester, nakakatakot ka palang magalit. Saka 'di ko alam na kaya mong magmura nang gano'ng kalutong."
Pakling natawa ako. "Ewan ko nga rin. Basta, galit na galit talaga ako kanina at kung hindi lang talaga ako napigilan n'ong mga pulis, patay na sa 'kin 'yung dalawang 'yon."
"Anong patay? Nakaisa nga sa 'yo 'yung medyo maton. Teka. Bakit hindi mo pala 'yan pinagamot 'yang labi mo. Putok oh!" Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako. "Halika. Bumalik tayo ro'n sa doktor at ipagamot 'yan."
Hindi siya makaliko pabalik dahil pinipigilan ko ang katawan niya na akbay ko. "'Wag na. Malayo naman 'to sa bituka. Sa bahay ko na lang 'to gagamutin." Naglakad na ulit ako kaya napalakad na rin siya.
"Gan'yan na lang lagi ang sinasabi mo. Malayo sa bituka, malayo sa bituka. Hindi ka talaga nakikinig sa 'kin. Sino bang mas matanda sa 'ting dalawa?" kunyari niya pa akong tinatakot.
"Ikaw sa edad pero ako sa isip." walang gatol na sabi ko.
"Tss. Oo na. Oo na. Idisinfect mo kaagad 'yan pagkauwing-pagkauwi mo ha." pangungulit niya kaya tumango-tango na lang ako.
"Lester! Gab!" tawag sa 'min ng isang pamilyar na boses mula sa likuran kaya napalingon kami pareho.
"Bobby!" sabay naman naming tawag rin kay Bobby.
May benda siya sa braso at tumakbo na palapit sa 'min. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin lang kay Gab.
"Anong nangyari sa 'yo Gab?! Bakit may mga benda ka?!" Naglalabasan ang litid niya sa lakas ng boses niya.
"May nanghablot kasi ng bag ko na riding in tandem at nakaladkad ako kaya ito... puro sugat—"
"ANO?! Nasaan 'yong mga hayop na 'yon at gugulpihin ko! Nasaan?!" Nagngangalit na ang mga muscles niya na handang-handa nang dumurog ng mga buto.
"Ayos na Bobby. Nakasuntok na ako ng tig-isa sa kanila at nakulong na rin sila kaya nakaganti na tayo para kay Gab." pagmamalaki ko. "Pero teka. Bakit may benda ka sa braso mo?"
"Ito?" napatingin siya sa braso niyang may benda. "Sumemplang kasi ako sa motor ko. Napuruhan 'tong braso kong 'to kaya dumeretso na ako rito. Hindi ko rin binanggit kina Mommy dahil ayokong mag-alala sila pero ayos ka na ba talaga Gab? Nagamot na ba talaga nang maayos 'yan ng mga doktor?"
Tumango naman ito habang nakangiti sa kaniya at bigla siyang niyakap. "Salamat sa pag-aalala Bobby pero bago ang lahat, long time no see. Halos isang taon din tayong hindi nagkita ah." Humiwalay na ito sa kaniya at hinawakan ang braso niya kaya ang nangangamatis niya ng mukha ay lalo pang namula. "Ang laki mo na talaga at mas nagkamuscle ka pa. Daig mo na talaga si Lester sa laki ng katawan mo... pero ang cute cute mo pa rin."
Pigil na pigil ko ang bungisngis ko dahil hindi pa nakuntento si Gab sa pagyakap at paghawak sa muscle niya. Kinurot pa nito nang mahina ang pisngi niya kaya natulala siya rito.
Napailing-iling na lang ako dahil tinakasan na siya ng kaluluwa niya sa sobrang kilig.
"Teka. Kumain na ba kayong dalawa?" tanong ni Gab sa 'min habang tulala pa rin si Bobby. "Ikaw Lester, alam ko na hindi ka pa naghahapunan. Ikaw Bobby?"
Nagising na niya 'to sa pagkakatulala. "H-ha? A-ahh... Hindi pa." Napakamot ito sa ulo at namumula pa rin ang mukha niya sa pagbablush. 'Di pa rin siya makamove on.
"Kung gano'n. Kain tayong tatlo. Libre ko kayo." Kinuha niya ang wallet niya sa bulsa ng pants niya at ipinakita sa 'min 'yon.
"Gab, kayo na lang siguro—"
"Hep! Walang puwedeng tumanggi. Ngayon na nga lang ulit tayo magkakasama na tatlo." nanghahaba ang nguso na sabi niya.
Napaisip naman ako. Nangako pa naman ako kay Hyacinth na uuwi rin kaagad ako. Baka naghihintay siya sa 'kin sa bahay.
"Sorry talaga pero naiwan ko kasi 'yung mga gawain ko sa Tagaytay sa pagmamadali sa pagpunta ng prisinto kanina. Baka isipin naman ni Hyacinth na pabaya ako sa trabaho ko kaya next time na lang talaga Gab." pagtanggi ko pa rin.
Napansin ko naman si Bobby na nagOkay sign sa 'kin dahil gusto niyang sa kaniya maiwan si Gab.
Nagets ko naman kaagad 'yon.
"Kayo na lang ni Bobby ang kumain. Siya na rin ang maghahatid sa 'yo dahil alam naman niya ang bahay mo. Nando'n na rin naman si Tita Elsia kaya hindi rin kita maihahatid hanggang inyo. Dito sa utol ko, wala kang magiging problema." Inakbayan ko pa si Bobby para maibenta nang mabuti sa kaniya.
May sasabihin pa sana si Gab pero hinarap ko si Bobby. "Tol, ikaw na bahala sa pinsan ko. Ililibre ka naman daw niya ng hapunan." Tumataas baba ang kilay ko sa kaniya na hindi naman kita ni Gab. Napangiti naman siya.
"Akong bahala tol. Safe na safe siya sa 'kin."
Tumango ako habang malawak na nakangiti. Tumingin na ako kay Gab at ibinalik na sa kaniya ang bag niya. "Sige at aalis na ako."
Napipilitan naman na ngumiti siya at kinuha sa 'kin 'yon. "S-sige... Mag-iingat ka ha. Idisinfect mo rin kaagad 'yang sugat mo pag-uwi mo."
Tumango-tango lang ako at kumaway na sa kanila sa pag-alis ko.
~~~* * *~~~
Nakapasok na ako sa dome nang matanaw ko si Hyacinth na nakaupo sa swing. Nang makita na niya ako ay napatayo kaagad siya. "Terry!" Tumakbo kaagad siya palapit sa 'kin.
Nang makita na niya ang haggard na itsura ko at may pagkagulo ang mahaba kong buhok ay napasinghap siya. Napansin na rin niya ang sugat sa labi ko. "What the heck happened to you?!" naghihysterical na tanong niya sa sobrang pag-aalala.
[Wag kang mag-alala. Wala lang 'to.] Ngumiti pa ako para hindi na siya gano'ng mag-alala pero mas lalo lang nangunot ang noo niya.
"There's no way that's nothing to worry about. Tell me what exactly happened to you." maawtoridad na sabi niya at halatang hindi magpapapigil. "Ahh... No. no. I'll hear that later. I should disinfect your wound first."
Hinawakan niya ako sa braso ko saka hinila papasok ng bahay.
~~~* * *~~~
Nakaupo kami ngayon ni Hyacinth sa sofa at magkaharap kaming dalawa habang ginagamot niya ang sugat sa labi ko.
Ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa at napakaingat ng pagdampi niya ng bulak na may alcohol sa sugat ko.
Napapaurong ako nang kaunti at napapangiwi kapag nahahapdian ako kaya mas lalo siyang nagiging maingat sa pagdadampi n'on.
Seryosong-seryoso talaga siya sa panggagamot sa 'kin at napatitig ako sa kaniya.
Ngayon ko lang natitigan nang ganito kalapit ang mukha niya.
Ang haba pala ng mga pilik mata niya tapos ang ganda ng pagkakahugis ng mga mata niya. Ang tangos-tangos din ng ilong niya at ang mga labi niya...
Napatitig ako sa mga labi niya... na minsan nang dumampi sa mga labi ko.
Naalala ko na naman ang aksindenteng halik niya sa 'kin kaya napaiwas tuloy kaagad ako ng tingin.
Iniharap naman niya ulit ako sa kaniya sa paghawak sa magkabilang pisngi ko dahil hindi pa siya tapos gamutin ang sugat ko.
Pumikit na lang ako dahil baka mapatitig na naman ako sa mga labi niya.
~Tagapagsalaysay~
Ginagamot lang ni Hyacinth ang sugat sa labi ni Terry.
Nakapikit na ito. Naisip na lang niya na baka pagod talaga ito at inaantok na pero hindi niya pa nalilinis nang maayos ang sugat nito kaya mas nagfocus siya ro'n para matapos na.
Sa sugat lang siya nito nakatingin nang unti-unti na rin niyang mapansin ang mga labi nito.
Napatigil siya sa pagdadampi ng bulak sa sugat nito at napatitig siya ro'n. Naalala niya ang hindi sinasadyang pagkakahalik niya rito... pati ang pagC.P.R. nito sa kaniya.
May isang bahagi sa kaniya na inuudyukan siya na idampi niyang muli ang mga labi niya roon kaya dahan-dahan niyang inilapit pa ang mukha niya rito.
Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari sa kaniya at kusa nang gumagalaw ang katawan niya pero nasasabik siya na maramdaman ulit ang malambot na labi nito sa kaniya... nang biglang magmulat ito ng mga mata.
Napatitig siya sa mga mata nito at ganoon din ito. Nabakas ang pagkabigla roon dahil hindi nito inaasahan na mabubungaran nito ang mukha niya nang sobrang lapit.
Napakurap-kurap siya at napapahiyang lumayo na.
"I-i'm just checking if you're still breathing..." palusot niya kaagad at hindi mapakaling tumayo na. "H-h-here. I-ikaw na ang maglinis ng sugat mo." Inabot niya ang bulak dito at nagtataka naman nitong kinuha 'yon sa bigla-bigla niyang pagiging wirdo.
Hindi niya malaman kung saan siya pupunta kaya nagpauli-uli siya sa harap nito at nang mapagdesisyonan na ay sa kuwarto niya na siya pumasok.
Napasandal siya sa isinara niyang pinto ng kuwarto niya at napatulala na lang sa kawalan.
Ang lakas-lakas din ng t***k ng puso niya kaya napahawak siya ro'n. "What's happening to me?! Why did I try to kiss her?! Am I losing my good mind?!" impit na sigaw niya at napasabunot pa sa buhok niya nang maalala kung paano niya sinubukang halikan ito kanina.
Nanlaki nang sobra ang mga mata niya at nagtatakbo papuntang kama niya saka nagdive doon na nakadapa.
Naggagalawgaw siya ro'n na parang bulateng inasinan dahil sa pagkahiya sa nangyari kanina.
"Why am I being like this? She's a woman for goodness' sake! Hindi naman ako lesbian! I definitely don't swing that way!" kausap niya sa sarili niya habang nakatagilid ang mukha niya at nakadapa pa rin.
Natulala lang ulit siya at napahawak sa labi niya habang nagpaflashback sa isip niya ang kiss nila noong birthday niya. "I kissed a girl... but why does it seem that I liked it?"
Nang marealize niya ang sinabi ay nanlaki ulit ang mga mata niya at nagkukumahog na naman si higaan niya.
Ipagpapatuloy...
Magsisimula na bang sumibol ang dadamin ni Hyacinth para kay Terry?