~Tagapagsalaysay~
"Good afternoon Ms. Hyacinth Welcome back to Brew The Coffe shop!" masiglang bati sa kaniya ni Jimjim na nagbukas ng glassdoor.
Dere-deretso siyang pumasok sa loob ng shop at iniayos niya ang dark sunglass na suot niya.
Hindi na bago na mapatingin sa kaniya ang mga customers sa loob dahil sa pagkaelegante niya.
Sa suot pa lang niyang hapit na red dress na hanggang ibabaw ng tuhod ay kaagaw-agaw pansin na talaga siya. Kulay red din ang suot niyang heels kaya lalong lumakas ang karisma niya.
Iginala niya ang tingin niya sa lugar para hanapin si Hazel at nakita niya ito na nakikipag-usap sa nagbabaristang si Jack. Nagtatawanan ang dalawa kaya naglakad siya palapit sa mga ito.
Nang malapitan na ay kinulbit niya ito dahil hindi pa rin siya nito napansin at nang mapatingin na sa kaniya at nanlaki nang kaunti ang mga mata at napangiti kaagad nang malawak. "Oh Cinth!" halatang hindi nito inaasahan ang bigla niyang pagbisita.
Napanguso naman siya. "Hazel..." tawag niya rito na parang batang iiyak na.
Nangunot naman ang noo nito sa inakto niya at pati rin si Jack na kausap nito kanina ay nagtataka rin sa kaniya.
~~~* * *~~~
Nakaupo na silang dalawa at nasa loob sila ng break room para makapag-usap. Pinagbreak muna ito ng manager ng mga itong si Ramon dahil gusto niya itong makausap. Ganoon siya kalakas sa mga ito.
Nakahain din ang paborito niyang kape na ipinagawa nito kay Jack bago sila magpunta ro'n.
"Anong problema Cinth? Parang problemadong-problemado ka ah." paninimula nito at nang alisin na niya ang suot niyang sunglass ay napasinghap ito habang nanlalaki ang mga mata.
Tumambad ba naman dito ang mga mata niyang nangingitim ang mga ilalim dahil sa kawalan niya ng tulog buong magdamag.
"A-anong nangyari sa 'yo? Bakit ang laki ng eyebags mo?" nakangiwi nitong tanong. "Para kang hindi nakatulog nang magdamag."
"Exactly." napahinga siya nang malalim. "Hazel I got a huge problem."
"Ano 'yon? Mukha ngang malaki talaga 'yon dahil stressed na stressed ka." usisa nito.
Napahinga na naman siya nang malalim. "There's this person... that's really making me confuse. Kaibigan ko siya actually."
"'Yon ba 'yung kasama mo no'ng birthday mo? 'Yung bago mong friend na girl?"
Natigilan siya sa itinanong nito. Ayaw niyang aminin dito na isang babae ang nanglilito ngayon sa kaniya.
"N-no... no. Hindi siya."
Napatango-tango naman ito. "Okay. Tuloy mo na."
"I spend almost all of my time with that person then yesterday..." napahinga na naman siya nang malalim at napapikit nang mariin. "...I tried to do something so ridiculous and absurd that I never thought I would ever try to do." kuyom na kuyom ang mga kamao niya habang naaalala kung paano dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya kay Terry para halikan ito. "Dahil doon, ni hindi ako nakatulog."
"Ano ba 'yung ginawa mo?" nakatanghod na ito sa kaniya dahil sa sobrang pagkacurious sa kinukuwento niya.
"I-i... I-i tried to..."
"Tried to?"
Nagmulat na siya at sinalubong ang titig nito. "I tried to steal a kiss."
Unti-unting nanlaki ang mga mata nito. "ANO?!"
"Hindi ko talaga alam kung anong pumasok sa utak ko para gawin 'yon. I can't understand myself anymore." Napasabunot siya sa buhok niya at napailing-iling.
"Baka naman gusto mo nang matry na may makiss? Wala ka pang first kiss, 'di ba?"
Napatingin na ulit siya rito at natuliro. Naalala niya nang i-C.P.R. siya ni Terry at 'yong aksidenteng kiss nila nito noong birthday niya.
Nag-iyak-iyakan siya.
"Bakit? Bakit? Anong problema?" nalilitong tanong ni Hazel.
"I already lost my first kiss... to that person." Ginulo niya ang buhok niya at nagpapapadyak na parang bata. And she's a girl! gusto niyang idagdag pero hindi niya magawang masabi.
Nanlaki na naman ang mga mata ni Hazel. "Teka nga Cinth. Ano na bang nangyayari sa 'yo at pati ang pinagka-ingat-ingatan mong first kiss ay may nakakuha na?"
"Honestly, it was an accident. I was the one who tried to kiss that person's cheek pero bigla siyang humarap sa 'kin kaya sa lips ko siya nahalikan... but in technicality, first kiss ko pa rin 'yon. I don't know anymore." Hindi na niya binanggit na Cni-P.R siya ni Terry dahil baka mag-alala lang ito kapag nalaman na muntik nang may masamang nangyari sa buhay niya.
"Okay. Okay. So ang sinasabi mo, hindi ka pinatulog ng konsensya mo dahil sinubukan mong nakawan ng halik ang taong 'yon, tama?"
Tumango-tango naman siya.
"Eh ano bang naramdaman mo noong una kayong nagkiss?"
Natigilan naman siya at sumagi kaagad sa alaala niya ang napakalakas na pagtibok ng puso niya noong hindi sinasadyang mahalikan niya si Terry. Kakaibang pakiramdam din ang hatid ng malambot na labi nito na dumampi sa kaniya na hindi niya maipaliwanag kung ano.
"My heart thumped so hard and it fluttered here." itinuro niya ang puso niya. "Kahit hanggang ngayon... nagpaflutter pa rin 'to kapag naiisip ko siya."
Napaarko-arko ang bibig nito at saka napatango-tango. Umayos na rin ito ng upo. "In love ka na Cinth at 'yung kiss ang nagtrigger n'on."
Nanlaki naman nang sobra ang mga mata niya at para bang binatingaw ang buong mundo niya sa mga binitiwan nitong mga salita. "WHAT?! NO WAY!" Hinampas niya pa ng parehong kamao niya ang lamesang gawa sa salamin kaya tumunog nang malakas 'yon.
Napapitlag naman ito sa pagkagulat.
Nag-uusok ang ilong at tenga niya dahil hinding-hindi niya matatanggap ang idineklara nito na in love na siya kay Terry. "There's no way na inlove ako sa taong 'yon! Special siya sa 'kin bilang kaibigan katulad mo pero hinding-hindi ako magkakagusto sa kaniya romantically! Never!" habol niya ang hininga sa bilis ng pagsasalita niya.
"Eh ikaw naman ang nagdescribe sa 'kin ng nararamdaman mo. Sabi mo, nagpaflutter ang puso mo sa kaniya. Ayoko mang banggitin ngayon ang pangalan ng animal na si Adrian pero naramdaman mo ba sa kaniya 'yong flutter flutter na 'yan? Hindi 'di ba dahil hindi ka naman na inlove sa kaniya. Crush lang at hindi ka nagkaganito kahit kailan before." paliwanag nito.
Nakatulala lang siya rito at nawalan na ng lakas ang mga tuhod niya kaya napaupo na ulit siya. "But... there's no way I would like that person... in that way."
"Isa pang evidence na gusto mo ang taong 'yon dahil buhay pa rin siya ngayon pagkatapos niyang makuha ang first kiss mo. Dapat sinakal mo na 'yon kung sino man 'yon dahil napunta sa kaniya ang pinagkakaingatan mong first kiss. Teka nga. Pangit ba 'yang taong 'yan kaya ka gan'yan ka ka-indenial?"
Nangunot nang sobra ang noo niya. "No!" She's really pretty!
Napabuga ito ng hangin sa pagkafrustrate sa kaniya. "Kung hindi mo talaga matanggap na may gusto ka sa kaniya, eh 'di kalimutan mo na lang 'yung accident kiss n'yo pero!..." pabitin nitong sabi.
Nakuha naman n'on ang curiousity niya.
"...kapag naulit na naman na sumubok kang magnakaw ng halik sa kaniya at patuloy ang kakaiba mong nararamdaman tapos mas lalo pa siyang nagiging espesyal sa 'yo sa paglipas ng mga araw, hinding-hindi mo na maitatanggi pa na inlove ka nga talaga sa taong 'yon. For example, kapag nakikita mo siya miski anino lang niya o kaya naiisip mo lang siya, sobrang bilis na ng t***k ng puso mo na binibingi ka."
Napahawak naman siya sa dibdib niya at ang bilis nga ng t***k ng puso niya na may kasamang kaba kahit na pinag-uusapan lang nila si Terry.
"Nabubura rin ang paligid at siya na lang ang tanging nakita mo tapos may background music ka pang maririnig kahit wala naman. Lalo na kapag ngumiti siya, mas dodoble pa ang pagbilis ng t***k ng puso mo at mapapangiti ka na lang din katulad niya." nagdedaydream na sabi nito.
Napalunok siya dahil natatakot siya na maranasan kay Terry ang mga symtoms ng love na sinasabi nito. Napaisip din siya nang malalim.
Hinding-hindi niya matatanggap na magiging lesbian siya na nagkakagusto sa kapwa niya babae. Sigurado rin siya na hindi rin naman 'yon matatanggap ni Terry at baka pandirihan pa siya nito. Baka masira lang ang pagkakaibigan nila kaya gagawin niya ang lahat para mawala na ang pagkalitong nararamdaman niya para rito.
"Maiba lang. Nasa 'yo na pala si Lily." pag-iiba nito ng usapan habang nakatingin sa labas ng bintana mula sa kinauupuan nito. Kitang-kita roon ang nakarapada niyang violet na kotse na si Lily. "Kinuha mo ba 'yan sa Dad mo o ibinigay niya sa 'yo?"
Alam nito na iniwan niya si Lily sa bahay ng Dad niya nang maglayas siya roon kahit na baby ang turing niya sa kotse na 'yon. Paraan niya 'yon para ipakita rito na hindi na niya kailangan ang suporta nito para mabuhay. Pinagsasauli niya rin ang mga cards na bigay nito at nagtrabaho bilang model para kumita nang pansarili.
"Latter." maikling tugon niya at sa wakas ay napansin na niya ang kape niya. Medyo mainit na lang 'yon pero masarap pa rin 'yon para sa kaniya.
"Bati na ba kayo ng Dad mo?" usisa nito.
"Hmm... Slight... but Hazel. Can you do me a favor?" Ibinaba na niya ang kape niya at seryosong-seryoso nakatingin dito.
Tumango naman ito. "Ano 'yon? Bakit parang kinakabahan ako?" natatawa nitong sabi.
Huminga siya nang napakalalim. "C-can you kiss me?" walang gatol na sabi niya na nakapagpatulala lang dito.
Ilang segundo ng katahimikan ang lumipas at napabuga lang ito ng hangin saka napailing-iling. "Iba talaga ang nagagawa ng kulang sa tulog Cinth. Sige na at tapos na ang break time ko. Kailangan ko nang magduty para makakain na si Ian. Siya kasi dapat ang magbebreak." Tumayo na ito saka ngumiti nang malawak. "Alam mo naman 'yon si Ian. Napakamahiyain sa mga babae."
"Okay... Sorry that I consumed your breaktime Hazel. Hindi ka tuloy nakakain." nagiguilty niyang sabi. Hindi na rin niya ipinilit ang kiss na hinihingi niya dahil halatang hindi naman nito 'yon sineryoso... kahit seryoso talaga siya.
Gusto niya lang sana alamin kung tatablan din siya nito katulad ni Terry pero isinantabi na lang niya.
"Okay lang. Double breaktime naman ang mayro'n ako ngayon dahil straight ako. Hindi pa rin naman ako gutom." Inakbayan na siya nito habang malawak pa ring nakangiti.
Napatingin sila pareho sa pumasok na si Ian, ang bunso sa mga staff doon at natigilan ito nang mapatingin sa kaniya. Nanlaki nang kaunti ang mga mata nito at tumalikod kaagad para umalis pero hinawakan kaagad 'to ni Hazel sa braso.
"'Wag kang umalis Ian. Lalabas na rin naman kami ni Hyacinth." pigil nito.
Nakatungo lang ito at nang dumaan na siya sa gilid nito ay nagtago kaagad ito sa likod ni Hazel sa sobrang pagkahiya sa kaniya. Hindi niya ito pinansin at sumunod si Hazel sa kaniya hanggang sa lobby area.
"Pasensya ka na Cinth at hindi kita masasamahan ngayon dahil nga straight ako. Rest day kasi n'ong narsisong si Gin kaya wala akong kapalitan na pastry maker. Basta 'wag ka nang mastress masyado. Kung wala ka naman talagang feelings, mawawala rin 'yan." Tinapik-tapik pa nito nang marahan ang likod niya bilang pagpapagaan ng loob niya.
Nakangiting tumango-tango naman siya. "Thank you Hazel. Sorry ulit sa istorbo."
"Wala 'yon." nakangiti pa rin nitong sabi.
Lumapit sa kanila si Jack at ibinigay nito ang hawak nitong paper bag sa kaniya kaya napatingin siya ro'n.
"Favorite mong red velvet muffin Ms. Cinth," sabi nito.
"Pangpawala ng stress mo 'yan Cinth." segunda ni Hazel.
Napangiti naman siya nang malawak. "Thank you!"
"Mas maganda ka pala Ms. Hyacinth kapag nakangiti ka nang gan'yan." nakangiting puri sa kaniya ni Jack kaya nawala ang ngiti niya at inirapan lang ito.
Kumaway na siya kay Hazel bilang pagpapaalam at doon ay lumabas na siya ng shop.
~~~* * *~~~
Nasa loob na siya ng kotse niyang si Lily at nakatulala lang sa kawalan.
"What? I'm inlove with Terry? That's ridiculous! Hindi ako lesbian. I don't and won't swing that way. Straight ako and I'll die straight." kausap niya sa sarili niya.
Tumango-tango siya sa pagsang-ayon sa sarili niya at tiningnan ang relo niya para malaman kung anong oras na.
Alas dose pa lang ng tanghali at tinatamad naman siyang umuwi ng dome dahil wala si Terry ro'n at may pasok ito sa school.
"It's not because I like her kaya ayokong umuwi na wala siya. Maboboring lang ako panigurado ro'n kaya gano'n," depensa niya kaagad kahit wala namang kumokontra sa kaniya.
Nag-isip siya kung saan siya pupunta at naisip na lang niya ang magmall para aliwin ang sarili. Doon naman lagi ang takbo niya kapag wala siyang magawa.
Ii-start na sana niya si Lily nang magbeep ang phone niya dahil may nagtext.
Kinuha niya 'yon sa sling bag niya at tiningnan kung sino ang nagtext.
Bigla-bigla ay kumabog ang dibdib niya nang makita ang pangalan ni Terry sa inbox doon. Pangalan pa lang nito ang nakita niya pero kakaibang kabog na kaagad sa dibdib niya ang hatid nito.
Kuyom ang kamao na ipinatong niya iyon sa tapat ng puso niya. "What the heck is with this heart?... Getting so worked up with just a single text from her."
Binuksan na niya ang text message nito.
Anong oras ka uuwi?
Unti-unti siyang napangiti dahil inaalam na kaagad nito kung anong oras siya uuwi pero natigilan siya nang marealize ang pagngiti niya.
"Kapag nakikita mo siya miski anino lang niya o kaya naiisip mo siya, sobrang bilis na ng t***k ng puso mo na binibingi ka." umecho ang sinabi sa kaniya ni Hazel sa isip niya.
Napapilig naman siya ng ulo. "I'm not inlove with Terry. Perhaps, the cause of this confusion is the long hours I always spend with her sa rest house. That's it!" Lumiwanag ang mukha niya nang makahanap siya ng isang magandang dahilan para sa kakaibang nararamdaman niya.
"Para siguro mawala 'to, I should lessen the time I spend with her." Napatango-tango siya at naging determinado sa naisip na paraan.
Nagtype na siya sa phone niya.
Late evening. sinend niya 'yon at itinago na ulit sa sling bag niya ang phone at nagdrive na papuntang mall.
Ipagpapatuloy...