Naglalakad lang si Hyacinth sa mall nang masalubong niya ang isang babaeng pormang-porma. Kung makapaglakad din ito ay para bang malaking-malaki ito sa sarili.
Napataas ang isang kilay niya habang tinitingnan niya ito mula ulo hanggang paa. "Tss. Got no fashion at all."
Narinig naman nito ang sinabi niya kaya napalingon ito sa kaniya nang malagpasan na nila ang isa't isa. Ang sama-sama ng tingin nito sa kaniya.
Lumingon din siya nang kaunti na modelong-modelo ang dating at ngumisi rito saka humarap na ulit sa unahan habang patuloy na naglalakad nang sopistikada.
May nakita naman siyang isang babae na nakain sa isang food chain kasama ng boyfriend nito at napataas na naman ang isang kilay niya saka inangat nang kaunti ang sunglass niya. "Pretty heavy make up, huh? Huling solusyon na lang niya siguro para gumanda."
Nagpatuloy na ulit siya sa paglalakad nang masalubong naman ang isang babaeng eleganteng-elegante rin sa porma nito. Nakahapit na dress na tulad niya at kulay black 'yon at may shoulder bag ito na mula sa isang mamahaling brand.
Napasunod siya ng tingin dito habang kunot na kunot ang noo. Inangat niya ulit nang kaunti ang sunglass niya at pinagmasdang mabuti ang bag na bitbit nito. I know that bag. That's limited edition of Gucci and I own one, sabi niya sa isip niya at parang scanner ang mata niya na nakatutok lang sa Gucci na bag nito.
Nang may mapansing kakaiba ro'n ay napangisi siya at napailing nang bahagya. That's an imitation. I'm certain of it. I know the brand Gucci well dahil marami sa mga gamit ay mula roon. Tss. Trying hard maging mayaman. Napapalatak pa siya pero natigilan siya nang marealize ang ginagawa niya.
"Wait. Kanina pa ako lait nang lait sa mga babaeng nakikita ko." kausap niya sa sarili niya at unti-unting napangiti sa pagdiriwang. I'm not really becoming a lesbian! Panay nga ang lait ko sa kanila kaya paano ako magkakagusto sa isa sa kanila! Kulang na lang ay magtatalon siya sa tuwa pero hindi niya ginawa dahil hindi naman niya nalilimutan na nasa mall siya at maraming tao.
Napabuga siya ng hangin sa pagkahinga nang maluwag.
Wala naman siyang galit sa mga lesbians o gay na mga tao dahil choice naman ng mga ito 'yon pero alam niya naman kung gaano kahirap ang buhay ng mga ito. Maraming nangmamata at hindi madaling matanggap nang marami kaya mas gusto niya nang straight lang siya na babae hanggang sa pagkamatay niya.
Nakapaskil ang malawak na ngiti sa mga labi niya habang parang modelong rumarampa sa mall na marami ang nakukuha niyang pansin. Masayang-masaya talaga siya dahil nakumpirma na niyang hindi siya tomboy.
Naisip niyang magshopping na lang ng mga bagong damit kaya pumunta siya sa isang shop ng mamahaling brand ng damit na isa sa mga paborito niya.
Pumasok na siya ro'n at kaagad naman siyang in-assist ng mga staff doon dahil kilalang regular customer niya siya ro'n.
Nagtingin-tingin siya ng mga damit nang makita ang isang kulay grey na balloon dress at floral ang design na suot ng isang mannequin. Hanggang ibabaw ng tuhod ang haba n'on at paturtle neck ang design na long sleeves. Loose ang sleeves n'on na lalo pang nagpaelegante ro'n.
Nilapitan niya kaagad 'yon at tinitigan. Na-imagine niya kaagad si Terry na suot-suot 'yon dahil gusto nito ng mga turtle neck na mga damit at napangiti kaagad siya. Sa imagination niya pa lang ay napakaganda na nito sa damit na iyon.
"Ma'am, newly arrived po na design 'yan. Limited edition din po." pag-iinform sa kaniya ng isang assisting staff na masiglang nakangiti.
Nagising naman siya sa pagkakatulala sa damit. "A-ahhh. Okay. I'll get this one with my size." Inabot niya ang card niya rito.
Tumango naman ito at tinanggap ang card niya saka umalis na para asikasuhin ang binili niya.
Nagtingin-tingin pa siya at ipinili pa ng ibang mga damit si Terry. Balak niya na talaga itong ibili noon pa ng mga damit dahil napapansin niya na paulit-ulit ang suot nito pero dumating biglaan ang Dad niya at si Patricia kaya hindi sila natuloy. Busy naman ito sa school nito sa nakaraang mga araw kaya hindi niya mayaya na magshopping.
Nagtingin-tingin din siya sa scarf section dahil madalas din itong magscarf. Sinabi naman niya na ayos lang sa kaniya na ipakita na nito ang pilat sa leeg pero nahalata niyang hindi talaga ito kumportable kaya kukunsintihin na lang niya.
* * *
Papasok na siya ng dome bitbit ang maraming mga shopping bags na pinamili niya. Ang lahat ng laman niyon ay para kay Terry lahat at wala man lang siyang napili para sa kaniya dahil mas gusto niya na bilhan ito kaysa ang sarili niya. Hirap na hirap pa niyang napascan ang palad niya sa scanner dahil sa dami ng bitbit niya.
Ang lawak ng ngiti niya sa pagka-excited na ipasukat ang mga 'yon dito dahil siguradong-sigurado siya na bagay na bagay rito ang mga 'yon. "She'll definitely love this all." Pumasok na siya sa loob at sinalubong siya ng isang napakagaan na musika.
Wise men say
Only fools rush in
But I can't help
Fallin' in love with you.
Naglakad na siya papasok habang pinapakinggan ang napakagandang kanta na naririnig sa loob ng dome.
Natatanaw na niya si Terry at nakita niyang nagdidilig ito. Habang papalapit siya nang papalapit dito, nararamdaman niya ang kakaibang pakiramdam na naman sa dibdib niya. Kung anong kaba na naman ang nagpapatibok n'on habang tinitingnan niya ang napakaamong mukha nito.
Or shall I stay? Would it be a sin?
Oh... For I can't help falling in love with you
Napahawak siya sa dibdib niya at hindi na niya alintana ang bigat ng mga bitbit niya.
Dugdug... Dugdug...
Like a river flows surely to the sea.
Darling so it goes
Some things are meant to be
Nagkakagulo na naman ang sistema niya habang nakatanaw lang siya rito.
Napahigpit ang hawak niya sa damit sa dibdib niya dahil hindi na siya makahinga sa nararamdaman lalo na nang magecho ang sinabi ni Hazel sa kaniya.
"Kapag mas lalo pa siyang nagiging espesyal sa 'yo sa paglipas ng mga araw, hinding-hindi mo na maitatanggi pa na inlove ka nga talaga sa taong 'yon."
Nang ngumiti pa ito sa pagkaaliw dahil nasa magandang kundisyon ang mga bulaklak na dinidiligan nito ay parang unti-unting nabura ang paligid nito at ito na lang ang tanging nakikita niya.
Take my hand
Take my whole life too
Oh... For I can't help falling in love with you
Parang bumagal ang ining ng mundo at unti-unti siyang napangiti dahil sa ngiti nito na kumikiliti ngayon sa puso niyang hindi na mapakali sa loob ng dibdib niya.
"Kailangan mo na talagang tanggapin na inlove ka sa taong 'yon."
Unti-unting nawala ang ngiti niya at napakagat ng ilalim ng labi niya dahil may natanto na siya.
Like a river flows surely to the sea.
Darling so it goes
Some things are meant to be
"I can't deny this no more. Kahit ano pang tanggi na gawin ko, mas lalo lang lumalakas ang pakiramdaman ko na 'to para kay Terry. I think... I'm really in love with her."
Ang kaba sa dibdib niya ay unti-unting napalitan ng takot.
Takot dahil sa natanggap niya ng nararamdaman para rito.
Namasa-masa ang mga mata niya at napapikit nang mariin. "This can't be. I shoudn't feel this towards her. This is ridiculous."
Naisip niya na kung malalaman nito ang nararamdaman niya para rito ay siguradong pandidirihan siya nito at masisira ang pagkakaibigan nilang dalawa. Lalayuan siya nito.
Doon ay may kumawalang luha sa mga mata niya. "She shouldn't know about this... or I'll lose her." Magpapahid sana siya ng mga luha niya pero dahil sa bigat ng mga bitbit niyang shopping bags na naramdaman na ulit niya ang bigat ay hindi niya magawa. Ibinaba na niya sa lupa ang mga 'yon at pinunasan ang pisngi niya.
Take my hand
Take my whole life too
Oh... For I can't help falling in love with you
Tiningnan niya ulit si Terry at nang mamataan na siya nito ay kumaway ito sa kaniya na halatang masayang-masaya na dumating na siya.
Kahit na naiiyak siya ay pinilit niyang kumaway rin pabalik dito at ngumiti. Why weren't you born as a man? Hindi sana ako nahihirapan nang ganito sa nararamdaman ko. Hindi ko sana 'to itatago nang ganito 'to ngayon.
Ang sakit-sakit man ng nararamdaman niya pero itinago niya 'yon dahil ayaw niya itong magtanong kung ano ang dahilan tapos ay malalaman na ang tunay niyang nararamdaman.
Katapusan na ng pagkakaibigan nila kapag nangyari 'yon kaya gagawin niya ang lahat para itago ang nararamdaman niya. Hindi... Para burahin 'yon... dahil gusto niya pa ring manatiling isang malapit na kaibigan dito... katulad ng dati na masayang-masaya siya sa piling nito na walang inaalala.
But I can't help falling in love with you
~~~* * *~~~
Nakangiting inabot niya ang mga shopping bags dito at napatingin lang ito ro'n na may nababakas na pagtataka sa mukha.
"I shopped some new clothes for you. 'Di ba, nagplano tayong magshopping kaso hindi natuloy gawa ng dumating si Dad?" Ibinaba na niya ang mga 'yon sa sahig dahil nabibigatan na siya.
Ang dami tuloy niyang namumulang mga bakat ng mga taling hawakan n'on sa braso niya dahil doon niya pinagsasakbit ang mga 'yon.
Napaturo si Terry sa sarili sa pagsisiguro na para rito talaga ang mga iyon.
Masayang tumango-tango naman siya. "Bonus ko na 'to sa 'yo dahil napakasipag mo sa pag-aalaga nitong dome... at pati sa 'kin." Humina ang boses niya sa huli niyang sinabi kaya napatitig ito sa kaniya.
Nagsimula na namang mangbingi ang puso niya na nagpaaligaga sa kaniya at sigurado siyang makakalma lang 'yon kapag pumunta na siya sa isang lugar na wala ito.
"A-aahhh... I'll go to my room na. Medyo napagod kasi ako sa pagsashopping." paalam niya pero hinarang siya nito.
[Kumain ka na ba? Magluluto ako. Sabi mo kasi, gagabihin ka kaya hindi na muna ako nagluto. Maaga ka naman palang dadating.]
Kumalam ang sikmura niya sa tanong nitong 'yon at wala namang tunog 'yon. Ang nilantakan niya lang ng tanghali ay ang red velvet muffin na ibinigay sa kaniya ni Hazel. Hindi siya kumain sa mall na pinuntahan niya dahil ang gusto niya ay ang luto ni Terry.
"Baka inlove ka na Cinth sa taong 'yon?"
Napakurap-kurap siya at hindi talaga matahimik ang puso niya.
"N-no no... I'm fine. Kumain na ako sa mall." pagsisinungaling niya saka pekeng ngumiti kahit gustong-gusto niya talagang magsumbong dito na hindi pa siya nakain. "Sige. Magpapahinga na ako sa kuwarto ko. Bukas na lang ako kakain."
Hindi na niya ito hinintay na makapagtype sa phone nito ng sasabihin sa kaniya at pumasok na ng kuwarto niya saka nagsara ng pinto.
Naiwan naman si Terry sa sala na takang-taka at hindi makapaniwala sa kawalan niya ng ganang kumain ng luto nito.
Deretso si Hyacinth sa kama niya at padapang nagdive doon. Idiniin niya ang mukha niya sa unan doon dahil nagsimula na siyang umiyak at ayaw niyang marinig ni Terry iyon.
Ang sakit-sakit talaga ng dibdib niya sa isang maliit na pag-iwas niya lang dito.
Doon ay patuloy siyang umiyak.
Dalawang araw ang makalipas...
~~~Lester~~~
Dalawang araw na ang makalipas simula nang ipamili ako ni Hyacinth ng mga damit at simula rin n'on, ramdam na ramdam ko ang pag-iwas niya sa 'kin at malamig na pakikitungo na parang bumalik kami sa pagiging estranghero sa isa't-isa.
Dalawang araw na rin siyang paalis-alis ng bahay at gabi na kung umuwi na lasing pa. Nangako siya sa 'kin dati na hindi na siya magbabar para hindi ako maiwang mag-isa rito sa bahay.
Kapag gusto ko naman siyang kausapin para tanungin kung ano ang problema, hindi ko naman magawa dahil kapag nasa bahay siya, nagkukulong siya sa kuwarto niya at kahit kumatok ako, hindi siya umiimik sa loob.
Kapag inaalok ko naman siya na ipagluluto ko siya ng pagkain, tumatanggi naman at laging sinasabi na sa labas na siya kumain. Kahit 'yung mga agahang niluluto ko sa kaniya, hindi na rin niya ginagalaw kaya kahit busog na ako, ako na lang ang kumakain dahil ayokong nag-aaksaya.
Ang sakit n'on sa 'kin dahil bigla-bigla na lang siyang umaayaw sa luto ko na paboritong-paborito niya dati.
Hindi na rin siya bumubuntot sa 'kin sa pagdidilig ko sa tanghali at kahit gabihin ako sa school, ni isang text ng paghahanap niya sa 'kin, wala akong narereceive.
Hindi ko tuloy alam kung ano ang nagawa kong mali para bigla siyang magkagano'n.
Hindi ko na talaga maintindihan. Ngayon, nandito ako sa labas ng bahay at nakaupo sa swing. 3:30 na ng madaling araw at nandito ako imbis sa kwarto ko. Nagising kasi ako ng 2:30 kanina dahil naiihi ako.
Nadaanan ko ang kuwarto ni Hyacinth na bukas at wala siya sa loob. Hindi na naman siya umuwi kagabi at madaling araw na naman siya paniguradong uuwi katulad ng ginawa niya nitong dalawang araw.
Bumalik ako ng kuwarto ko pero hindi ako makatulog sa pag-aalala sa kaniya kaya nagtext ako kung nasaan siya pero hindi siya nagrereply. Tumawag din ako pero ring lang nang ring ang phone niya kaya naisipan kong tumambay na lang dito sa swing para hintayin siya. Ayaw na rin naman akong dalawin ng antok.
Lagpas isang oras ng paghihintay ko ay natanaw ko na paparating na siya kaya nakahinga ako nang maluwag dahil ligtas siyang nakauwi.
Tumayo na ako para salubungin siya at napansin ko ang medyo pagewang-gewang niyang paglalakad. Lasing na naman siya. Ano ba kasi talaga ang problema at nagkakagan'yan siya?
Nilapitan ko na siya kaya napatigil siya sa paglalakad. Namumungay ang mga matang tumingin siya sa 'kin. "Oh! Gising ka pa?" itinuro niya pa ako. "You should be sleeping." parang bata ako kung pagalitan niya.
[Hinintay kita.]
Isiningkit niya ang mga mata niya para mabasa ang nasa screen ng phone ko kahit malaki naman ang pagkakasulat ko n'on.
"What?! Hindi mo na dapat ako hinintay! Nagpagabi nga ako para hindi tayo magkita!"
Nanlaki nang kaunti ang mga mata ko sa sinabi niya dahil parang maliliit na mga karayom 'yon na tumusok sa puso ko.
Talagang sobra niya pala talaga akong iniiwasan at ni hindi ko man lang alam kung bakit.
Kailangan ko nang mapiga sa kaniya ngayon kung bakit siya nagkakaganito.
[Bakit mo ba ako iniiwasan? May nagawa ba akong masama?]
Tumawa lang siya saka umiling. "Nothing! You've done nothing wrong." Kinumpas-kumpas niya pa ang mga kamay niya sa pagtanggi. "Basta lumayo ka muna sa 'kin at 'wag magpapakita. I'll really appreciate if you do that." Ngumiti pa siya at naglakad na papasok ng bahay. Naiwan naman akong tulala sa kinatatayuan ko dahil parang sinuntok ako nang malakas sa dibdib ko dahil sa sinabi niya.
Napahabol na lang ako ng tingin sa kaniya pero may tumutulak sa 'kin na ayusin ko na ngayon din kung ano ang misteryosong problema naming 'to sa isa't isa. Tumakbo ako papasok ng bahay para sundan siya at bubuksan na niya ang pinto ng kuwarto niya nang hawakan ko ang braso niya kaya gulat na napatingin siya sa 'kin.
Mabilis na nagtype ako sa phone ko at ipinakita ko sa kaniya 'yon na isang malaking 'Sorry'.
Natulala lang siya ro'n nang ilang segundo at napatingin na ulit sa 'kin. Kaunti na lang ang pamumungay ng mga mata niya dahil parang nagising siya sa kalasingan ng nabasa niya. "W-what is that for?"
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. [Hindi ko man alam kung ano ang nagawa kong mali pero sana wag mo na akong iwasan at palayuin sayo. Sorry.] Kung ito lang ang paraan para magkaayos na kaming dalawa. Kahit hindi ko man alam kung ano ang problema sa ngayon, handa akong magsorry.
Nakatitig lang siya sa 'kin at akala ko, sa pagsosorry kong 'to, maaayos na ang lahat pero nakuyom niya ang mga kamao niya at nagtagis ang mga bagang niya na halata sa paggalaw ng panga niya. "Why are you apologizing?" malamig na tanong niya.
Napakurap-kurap ako dahil hindi ko inaasahan na ganito ang magiging reaksyon niya. [Baka kasi may nagawa talaga ako na hindi mo nagustuhan. Hindi mo naman ako iiwasan at palalayuin kung wala diba?]
Napahinga siya nang malalim at parang humuhugot ng lakas ng loob na sagutin ang tanong ko. "I've told you already, haven't I? You've done nothing wrong." madiin na ang bawat salitang sabi niya.
[Pero ano nga ang dahilan at nakakaganito ka sakin. Gusto kong malaman kung bakit para naman maayos nating dalawa.] pagpilit ko sa kaniya. Nagkaroon na ako ng lakas ng loob na mas halungkatin pa ang issue na 'to dahil mukhang napakalaki talaga nito base sa reaksyon niya.
Napapikit siya nang mariin at napahawak sa damit sa dibdib niya at nakuyumos 'yon. Ilang sandali siyang nakagano'n habang hinihintay ko na magsalita na siya pero bigla na lang nangilid ang mga luha sa pisngi niya habang bakas na bakas sa mukha niya na parang nasasaktan siya nang sobra. Nagiging emosyonal na siya. Hindi kaya dahil sa pagkalasing niya?
Marahas na pinunasan na niya ang pisngi niya gamit ang likod ng kamay niya at seryosong tumingin sa 'kin. "Y-you've done nothing wrong Terry. Nothing." Itinuro niya ang sarili niya habang humihikbi na. "It's me. Ako ang may mali! Ako!"
Hindi ko maintindihan kung anong pinagsasasabi niya kaya sobra na ang pagkunot ng noo ko. Gustong-gusto ko nang magsalita para makapag-usap kami nang maayos pero kinapitan ko pa rin ang boses sa isip ko na nagpapaalala sa 'kin na 'wag na 'wag kong gagawin 'yon.
[Anong ikaw? Hindi na talaga kita naiintindihan.]
Pinilit niyang kalmahin ang sarili para patigilan na ang sarili sa pag-iyak. "N-nagkakaganito ako... 'cause I don't want to lose you. Just turn a blind eye sa mga pinaggagagawa ko dahil 'yon lang ang paraan na naiisip ko para maitama ang isang napakalaking mali sa sarili ko." Sinubukan niyang ngumiti pero ang lungkot-lungkot n'on na parang sobrang bigat ng pinagdadaanan niya. Patuloy rin ang pagtakas ng mga luha mula sa mga mata niya kahit pinipilit niyang magmukhang ayos lang siya.
Siya ang problema?
Anong siya?
Magtatype pa sana ako sa phone ko para magtanong pa nang magsalita ulit siya. "Terry, can we just drop this conversation? I badly want to rest so can we?" Pinunasan na ulit niya ang pisngi niya at tumigil na sa pag-iyak.
Nakatitig lang ako sa kaniya at sa huli, ibinaba ko na ang phone ko at ibinulsa 'yon. Gaya ng gusto niya, hindi na ako nagtanong pa. Tumango na lang ako at binuksan na niya ang pinto ng kuwarto niya sakapa pumasok na at pinagsarhan ako ng pinto.
Akala ko, makakapiga na ako ng sagot sa kaniya at magkakaayos na kami pero mas lalo lang akong nalito sa mga sinabi niya... at parang mas lalong lumaki ang distansya namin sa isa't isa.
Ipagpapatuloy...