Episode 18 - Hiking

2959 Words
~Tagapagsalaysay~ Kinabukasan... Nagising si Hyacinth na tumitibok ang ulo dahil sa hang-over. Bumangon na siya at napahawak doon habang nakangiwi. Ang bigat-bigat din ng pakiramdam niya. Hindi naman siya ganoong kawasted nang umuwi pero iniwan niya si Lily sa parking lot ng bar na pinanggalingan niya at sumakay na lang ng taxi pauwi dahil alam niyang madidisgrasya siya kapag  nagdrive siya nang lasing. Napatulala na lang siya sa maliwanag niyang kuwarto dahil lagpas tanghali na at naalala ang naging paghaharap nila ni Terry nang umuwi na siya. "What?! Hindi mo na dapat ako hinintay! Nagpagabi nga ako para hindi tayo magkita!" "Nothing! You've done nothing wrong... Basta lumayo ka muna sa 'kin at 'wag magpapakita. I'll really appreciate if you do that." Tandang-tanda niya ang nasaktang ekspresyon nito dahil sa sinabi niya kaya napapikit siya nang mariin at mahigpit na nakuyom ang mga kamao dahil sa pagiging masama rito. Hinintay nito ang pag-uwi niya kahit madaling araw na pero sinabihan niya ito nang ganoon. Sobrang guilt talaga ang lumulukob sa kaniya sa ginawa niyang 'yon. Nagmulat na siya at hindi niya alam kung paano na haharapin si Terry. Sobra niya itong iniwasan at alam niyang ramdam na ramdam nito 'yon... pero ginagawa lang naman niya 'yon para gamutin ang sarili niya. Para alisin ang nararamdaman niya sa paglayo rito. Napahinga siya nang malalim at tumingin sa may pintuan ng kuwarto niya kaya napansin niya ang isang mangkok sa tray na nakapatong sa lamp table niya. Nakatakip 'yon ng plato at may kutsara sa gilid n'on. Umupo siya sa gilid ng kama niya at tinanggal ang takip n'on para tingnan kung ano ang laman n'on. Lugaw 'yon at medyo mainit na lang dahil mukhang kanina pa 'yon doon inilagay. May sticky note sa kabilang gilid n'on na nakadikit sa tray kaya kinuha niya 'yon at may nakasulat doon. Kaninang tanghali ko pa 'to niluto pero ininit ko. Kapag lumamig ulit, initin mo na lang ulit sa kusina. Napakagat siya sa ilalim ng labi niya at naguilty na naman siya sa p*******t sa damdamin nito sa pag-iwas niya. Kahit na ginano'n niya ito ay hindi pa rin siya nito pinabayaan at inasikaso pa rin siya. Naiyak na naman siya kaya tumingin siya sa itaas at pinaypayan ang mata para 'wag nang matuloy ang nagbabadya niyang mga luha... pero hindi siya nagtagumay at napaiyak na nang tuluyan. "Sorry Terry... Sorry..." mahina at pigil ang kaniyang mga hikbi. * * * Palabas na ng bahay si Hyacinth nang matapos na niya ang pag-aayos sa sarili niya. Nakabihis siya ng simpleng T-shirt at ripped jeans dahil pupuntahan niya si Lily sa parking lot ng bar na pinag-iwanan niya rito. Wala si Terry sa loob ng bahay at naisip niya na baka may pasok ito. Nang makalabas na siya ay nakita niya kaagad si Terry na nakaupo sa swing. Nakasandal ito sa sandalan doon at nakapikit na halatang natutulog. Simula na naman ng pagkabog ng dibdib niya kaya mahinang tinapik-tapik niya 'yon para pakalmahin. Hindi pa rin niya maintindihan kung bakit gano'n pa rin ang nagiging reaksyon niya rito gayong lahat na ng pag-iwas ay ginawa na niya. Huminga siya nang malalim at inalis na ang tingin dito. Naglakad na siya para umalis at balak niyang hindi ito pansinin... at nang makatapat na niya ito ay napatigil siya sa paglalakad. Napatingin ulit siya rito na ngayon ay mahimbing na natutulog sa swing. May nakaharang na ilang hibla ng buhok sa mukha nito na siguradong makakagising dito. Kusa nang naglakad ang mga paa niya palapit dito. Wala ring naging protesta ang isip niya sa ginawa niyang 'yon. Nagbent siya nang kaunti para mapantayan ang mukha nito at tinitigan ito. Katulad niya ay mahaba rin ang pilik nito... matangos at natural na pink ang labi nito na may bakas pa rin ng sugat na nakuha nito nang pumunta ito mag-isa sa police station. Ayan na naman ang puso niya. Hindi talaga sumusuko na ipaalam sa kaniya na iba ang impact nito sa sistema niya. Marahan niyang inalis ang nakaharang na buhok sa mukha nito dahil ayaw niya itong maistorbo sa pagtulog nito pero nagmulat ito ng mga mata at nagtago ang tingin nilang dalawa. Dugdug... Dugdug... Dugdug... Dugdug... Dugdug... Dugdug... Dugdug... Dugdug... Dugdug... Hindi na naman siya makahinga at nabibingi muli siya ng malakas ng pagtibok ng puso niya kaya kaagad siyang napalayo rito. "W-w-why are you s-sleeping here? Y-you got your room." uutal-utal niyang sabi. Nagtype naman kaagad ito sa phone nito. [Dito naman ako laging nagpapahinga kapag tanghali o hapon.] "A-aahhh..." nasabi na lang niya kahit alam naman talaga niyang lagi nga itong natambay at natutulog sa swing. Wala na siyang masabi na susunod at nang mapaurong siya nang kaunti sa pagkagulumi ay natapilok siya sa isang bato kaya mapapahiga na sana siya sa lupa kung hindi lang naging mabilis ang kilos ni Terry at tumayo kaagad ito at nahawakan siya sa baywang niya. Magkatitigan silang dalawa at ang maligalig niyang puso ang tanging naririnig na lang niya. Ito na lang din ang nakikita niya. Hinapit siya nito palapit dito para makatayo na siya at dahil doon ay napayakap siya rito. Naramdaman niya ang nagriritmong t***k ng puso nila pareho at ito ang unang bumitaw sa kaniya. Hindi ito makatingin na halatang nahihiya dahil sa nangyari sa pagitan nila. Tulala pa rin siya at alam niyang kung hindi pa siya aalis doon ay siguradong mababaliw na talaga siya sa nararamdaman niya kaya kinurap-kurap niya ang mga mata niya saka tumikhim. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya kaya mas pinili niyang maglakad na paalis at wala na lang sabihin. Nakalabas na siya ng dome at napaupo na lang siya sa semento doon dahil nawalan ng lakas ang nangangatog niyang tuhod. Hindi niya alam kung paano niya nagawa pa ring makapaglakad palabas ng dome na nangangatog ang tuhod niya sa aaminin niyang kilig na naramdaman niya. Napahawak siya sa magkabila niyang pisngi ng pareho niyang kamay at ramdam na ramdam niya ang pag-iinit n'on. "This is really severe... I did all sorts of stuffs just to eradicate this feelings for her but this is becoming severe instead." Tulalang-tulala na siya. "What should I do?..." wala sa sariling tanong niya sa hangin nang gisingin siya ng pagriring ng phone niya na nasa bulsa ng shorts niya. Lutang pa rin na kinuha niya 'yon at nang makita na ang manager niya ang tumatawag sa kaniya ay sinagot niya 'yon. "Please naman Hyacinth. Bumalik ka na sa pagtatrabaho... Ako ang nagigisa dahil sa kontrata mo." sobrang pagmamakaawa nito. "Papunta na rin ako d'yan ngayon sa tagaytay para lang magmakaawa sa 'yo." Nakatulala lang siya nang may isang ideya na pumasok sa isip niya. Nanlaki ang mga mata niya at agad na napatayo sa pagkatuwa. "This is it! Ito ang solusyon sa problema ko!" "Anong solusyon sa problema ang pinagsasabi mo? Nakainom ka na naman ba?" Napatango-tango siya dahil sa naisip na bagong paraan kung paano aalisin ang nararamdaman niya para kay Terry. "Okay Kristine. No need to go here... 'cause I decided, the day after tomorrow, I'll resume working." "TALAGA?!" tuwang-tuwang tanong nito kaya nailayo niya ang phone sa tenga sa lakas ng boses nito. "Thank you Haya! Thank—" Pinatay na niya ang tawag at lumingon sa pinto ng dome sa likuran niya. Nakaramdam siya ng kalungkutan sa naging desisyon niyang pag-alis na sa lugar na 'yon pero ilang buwan lang naman ang palilipasin niya at kapag naaalis na ang romantic feelings niya para kay Terry, babalik ulit siya rito at makakasama na niya ulit ito nang walang problema. Kinabukasan... Pagkalabas na pagkalabas niya ng kuwarto, nagulat siya dahil bumungad sa kaniya si Terry saka inilapit sa mukha niya ang phone nito. May nakasulat doon na gusto nitong ipabasa sa kaniya. [Tara. Magmountain hiking tayo.] Nangunot naman ang noo niya sa biglang pagyayaya nitong 'yon at ngayong titingnan niya, nakaayos na nga ito na pang hiking. Ngiting-ngiti ito at hindi naman niya alam ang isasagot dito. ~~~Lester~~~ Bumaba na ako mula sa kotse ni Hyacinth na pinangalanan niyang Lily. Isinakbit ko nang maayos ang bagpack ko na may lamang mga pagkain at tubig at hinigpitan nang kaunti ang may kahabaang panyo na nakaribbon sa leeg ko dahil lumuwag 'yon. Ito ang ipinalit ko muna sa scarf ngayong nakaT-shirt lang ako. Sigurado kasing maglalawa ang pawis ko mamaya kaya ito ang isinuot ko imbis na scarf. Tiningnan ko na ang bundok na kailangang naming akyatin. Hindi naman masyadong mataas kaya paniguradong hindi kami gagabihin sa pag-uwi. Maaliwalas din ang panahon kaya sakto ang timing ng hiking namin. Hindi naulan, hindi rin sobrang maaraw. Malimlim pa nga. "Waaaaahhh..." namamanghang sabi ni Hyacinth nang makababa na rin siya mula sa kotse niya at malawak ang ngiti niya habang pinagmamasdan ang tuktok ng bundok mula rito sa ibaba. Napangiti rin tuloy ako dahil sa pagiging masaya niya ngayon. Sasabihin ko na ang rason kung bakit bigla-bigla ko na lang siyang niyaya na maghiking. 'Yon ay dahil malamig pa rin ang pakikitungo niya sa 'kin at iwas. Hindi pa rin siya nagpapaluto sa 'kin at ginabi na naman nang pag-uwi kagabi. Nabanggit niya rin naman na pangarap niyang magmountain climbing at gusto ko rin naman 'yon. Mapaghahalataang nature lover talaga kaming dalawa. Sa totoo lang, may seminar sa school na kailangan kong attend-an ngayon pero mas pinili ko na dalhin siya rito dahil hindi ko na matiis ang iwas na pagtrato niya sa 'kin. Marami na naman akong naipong mga certificate ng mga seminars kaya hindi na kawalan sa 'kin ang isa sa mga 'yon. "I'm so thrilled with this Terry!" excited na excited na sabi niya at patalon-talon na naglakad na para mauna. Napangiti ako lalo dahil para siyang bata na excited na excited. Naglakad na rin ako para sundan siya. Inakyat na namin ang bundok at may katakiran pero hindi naman ganong kasukalan kaya hindi kami nasugatan ng mga sanga. Mayro'n na talagang tinabas na daan para sa mga aakyat at may mga nasalubong pa kaming mga nakatira ro'n. Binati nila kami at sinabing mag-ingat kaya nagpasalamat kami sa kanila. Nagpatuloy kami sa pag-akyat at inaalalayan ko minsan si Hyacinth kapag may kailangan kaming akyatin na may pagkamatarik. Noong una, napapansin ko na nagdadalawang-isip siya na tanggapin ang kamay ko kapag inaalok ko siya ng alalay. Para bang ayaw niya akong hawakan kaya sa mga sumunod na matatarik na daan, ako naman ang nagdalawang isip na alalayan siya dahil para ngang ayaw niya akong hawakan at napansin niya 'yon. Doon ay siya na mismo ang nagsalita para humingi ng alalay sa 'kin. Hindi pa siya makatingin na parang nahihiya. Hindi na lang ako nagtanong pa at inalok na ulit ang kamay ko sa kaniya. Wala nang pagdadalawang-isip na tinanggap niya 'yon. Lagpas dalawang oras ng pag-akyat namin ay nakarating na kami sa tuktok sa wakas. Lawa ang pawis ko sa pagod sa pag-akyat at masakit na rin ang mga binti ko. Gustong-gusto ko na nga ring hubarin ang wig ko dahil sa init kahit na pinuyuran ko na 'yon pero hindi naman puwede. Ang bigat din ng paghinga ko at gustong-gusto ko nang humiga na lang sa lupa sa pagod pero nang makita ko ang masayang-masayang mukha ni Hyacinth habang abala sa pagmamasid sa ibaba nitong bundok ay parang biglang nabura ang pagod ko at masayang napangiti rin ako saka ninamnam na rin ang paligid. Nilanghap ko ang sariwang-sariwang hangin at dahan-dahan na ibinuga 'yon. "It's really beautiful up here," sabi niya kaya napatingin ulit ako sa kaniya. Masayang-masaya pa rin ang ngiti niya at nakadipa pa para damhin ang malamig na hangin na humahampas sa 'min. Tumingin siya sa 'kin at lumawak pa ang ngiti niya. Buti at naging worth it ang pag-absent ko sa school at pagdala sa kaniya rito. Niyaya niya akong magpicture kaming dalawa kaya lumapit ako sa kaniya. Inakbayan niya kaagad ako para mailapit sa kaniya at magkasiya kami sa picture na makukuha ng camera ng phone niya. Ang lawak-lawak ng ngiti niya kaya ngumiti na rin ako. Marami kaming naging picture na magkasamang dalawa at pinicturan ko rin siya mag-isa sa phone ko na hindi niya alam. Mga stolen shots 'yon at ang ganda niya sa lahat ng mga 'yon kahit anong anggulo. Kinuhanan niya ako nang mag-isa sa phone niya habang background ko ang paligid ng kabundukan at siya rin ay nagpakuha sa 'kin. Masayang-masaya talaga siya at parang nakalimutan niya na iniiwasan niya ako. Picture lang siya nang picture at nang makaramdam na kami ng gutom ay naglatag kami ng trapal sa lupa. Pumili kami ng hindi malubak at doon inihain ang mga pagkain na galing sa bag ko. Nakacontainer ang mga 'yon pati ang tubig. Kinuha niya rin ang ilan sa loob ng bag niya dahil nagprisinta siya na hati kami sa mga bitbitin. Magana kaming kumain dahil nakakagutom talaga nang sobra ang paghahike. Napatingin ako sa kaniya at para siyang ginutom ng tatlong araw kung kumain. Walang nguya-nguya, lunok kaagad kaya nauna siyang matapos kumain sa 'kin. Lihim na napangiti ako dahil kumain na ulit siya ng luto ko. Dahil busog na busog kami pareho, nagpalipas muna kami ng oras dito sa tuktok habang nakaupo sa isang malaking bato at hindi kami magsawa-sawa sa pagtanaw ng berdeng-berdeng paligid. Magkatabi lang kami at ang tahimik pero kumportableng katahimikan 'yon. "I thought, hindi ko na talaga mararanasan ang paghahike dahil wala akong mayaya na makakasama. Thank you Terry for bringing me here. I really appreciate this." Tumingin siya sa 'kin kaya napatingin din ako sa kaniya at ngumiti siya sa 'kin. Nakatitig lang ako sa kaniya dahil matagal na rin nang huli kong makita ang ngiti niyang 'yon. "Napakabait mo sa 'kin. You always cook for me even in the middle of the night. You played a hilarious prank to Patricia, my number 1 nemesis for b*tching on me. You even saved me from almost drowning in the tub and surprised me on my birthday. Now, you brought me here... kaya sobrang-sobra akong thankful sa 'yo." napakasincere na sabi niya. "Sayang lang talaga at aalis na ako bukas..." Nangunot kaagad ang noo ko. [Anong ibig mong sabihin?] Huminga siya nang malalim at pinilit na isilay ang isang ngiti. "I decided to resume working tomorrow. Hinahanap na ako ng manager ko at ilang araw nang tapos ang bakasyon ko. Umaga ang alis ko." Natulala ako sa sinabi niya. Ni hindi ko nagawang makakilos at hindi ko maproseso ng isip ko ang plano niyang 'yon. Tatlong buwan na lang at graduation ko na. Ibig sabihin, malapit na rin akong magresign sa rest house... at baka hindi na talaga kami magkita pang dalawa. [Hindi ba ako kasama sa rason kung bakit gusto mo nang umalis?] Sa sinabi pa lang niya sa 'kin noong lasing siya no'ng isang gabi, pakiramdam ko, isa na ako sa dahilan kung bakit aalis na siya. Sinabi niya na 'wag na akong lumapit sa kaniya at 'wag na ring magpapakita. Na may problema siya sa sarili niya na alam ko namang tungkol din sa 'kin.  Hindi siya nakaimik at napatungo lang habang sinisipa-sipa nang kaunti ang isang maliit na bato. "I'll come back naman... but I'm not sure when or how long I'll be away. May kailangan lang talaga akong ayusin sa sarili ko." mahina ang boses na sabi niya . Nakatitig lang ako sa kaniya na nakatungo pa rin at halatang ayaw niyang magtanong pa ako kaya tumango na lang ako para ipaalam sa kaniya na naiintindihan ko na. Hindi na siya nagsalita pa at katahimikan ulit ang namagitan sa 'ming dalawa. Naramdaman ko na naluluha na ako kaya sa kabilang gilid ko na ako tumingin para hindi niya 'to mapansin. Bakit ba nalulungkot ako nang ganito? Handa naman ako noon pa sa pag-alis niya ah. Gustong-gusto ko nga 'yon dati para puwede na akong hindi magbihis babae sa rest house at mas magiging magaan ang trabaho ko pero... ang lungkot-lungkot ko ngayon. Sobra na gusto kong sabihin sa kaniya na 'wag na siyang umalis... pero hindi naman puwede... dahil sa simula pa lang naman, kalokohan na ang relasyon naming dalawa. Dahil hindi naman talaga ako si Terry na isang babaeng pipe na itinuturing niyang bestfriend ngayon. Ako si Lester na isang lalaking nagpapanggap lang na babae para mairaos ang pag-aaral ko. Nakuyom ko ang mga kamao ko. Mukhang ito na ang karma ko sa panloloko sa kaniya. Hindi ko nabantayan ang sarili kong damdamin at alam ko... na nahulog na ako sa kaniya. Na may gusto na ako sa kaniya kaya ganito na lang ang lungkot na nararamdaman ko sa pagkaalam ko ng pag-alis niya.  Pinilit ko na lang na alisin muna 'yon sa isipan ko dahil naluluha talaga ako at tumingin ulit sa paligid... pero hindi ko na kayang maging masaya ulit kahit napakaaliwas ng tinitingnan ko katulad kanina. Ni hindi n'on maalis ang lungkot na nararamdmaan ko ngayon. Ilang minuto ang lumipas ng pagpapahinga namin ay nagyaya na siyang bumaba. Tumango na lang ako at sumunod sa kaniya pababa ng bundok. Tahimik lang siya at walang nag-iinitiate na mag-usap sa 'ming dalawa hanggang sa pagbaba namin. Pauwi na rin kaming dalawa at nakakabinging katahimikan ang namamagitan sa 'min sa loob ng kotse niya habang nagdadrive siya at ang bigat-bigat ng atmosphere. Totoo pala talaga na nakakabingi ang katahimikan. Nang makarating na kami ng bahay ay dere-deretso siya sa loob ng kuwarto niya at nagsara kaagad ng pinto. Ni hindi man lang siya humiling sa 'kin na ipagluto ko siya ng pagkain para makakain kami ng gabihan. Nakatulala lang ako sa pinto ng kuwarto niya. Sa totoo lang, nafufrustrate talaga ako sa nangyayari pero wala man lang akong magawa para malinaw na ang lahat. Pumasok na lang din ako ng kuwarto ko at hindi na rin kumain. Ipagpapatuloy... 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD