Chapter 7 Suzanne's POV Napatingin ako sa kinaroroonan ngayon ni Tyrill. I'm curious about him. Kanina nong katatapos niya lang kausapin ang katawag niya sa phone ay natahimik na lang siya at hindi na naging sweet sa akin, which is ikinapag-taka ko at ikinainis ko kasi ang cute niya kapag sweet siya sa akin, kaya kami lang ni mom Anly ang nag-uusap sa buong maghapon. Niyaya din ako ni mom Anly na mamasyal sa buong lupain sa mansyon at hindi sumama si Tyrill kasi pagod daw siya sa trabaho niya sa kompanya. Ngayon naman ay naka-upo siya sa couch at nanonood ng football game pero ang alam ko wala doon ang tuon ng isipan niya. "Sweetie, you can try it now." Nagising ako sa realidad at nginitian ko si mom Anly na ngayo'y ipinatitikim ang luto naming beef steak para sa hapunan. Tinikman ko

